JILLIAN's POV
Nanlalabo na paningin ko at nanginginig na rin ng kunti ang mga kamay ko kaya no choice ako kundi ipagawa kay ms. Claire ang pagtahi sa sugat ni mr. Ramolos after kong maalis ang bala sa katawan nito.
"Ms. Claire ikaw na bahalang tumahi sa kanya..." sabi ko at tumayo na.
"W-what!?" Nautal nyang tanong sa narinig. "Are you crazy? You said you know how to do this tapos ako ang-"
"Be rational and do it I'm tired." Sabi ko na lang sa kanya.
I don't want to tell her na nanlalabo ang paningin ko at di ko magalaw ng maayos ang kamay ko baka mas lalo pang matakot sya.
Haist... if only I don't owe her father for taking me in and made a deal with him baka matagal na akong palaboy just to hide.
"Don't worry di sya mamatay for blood loss I pressed some accupoints sa kanya for him not to bleed out."
Hmm... hope that will make her a bit more assured? Let's add more some encouragement...
"He is man at sundalo sya, wounds like this is like a badge of valour for them... right, mr. Ramolos?"
Hum? Bakit ganon sila makatingin sa akin? Mali ba sinabi ko? After all he is a man right? Don't tell me na pinapahalagahan nya ang skin nya? Why then he choose a soldier as an occupation? Pasalamat sya walang galos ang mukha nya, eh... mag-iinarte pa ba sya?
"I'll rest for a bit there." Turo ko sa may di kalayuang puno.
Rest to take out this damn bullet in me after I have much more strength at tulog na si ms. Claire.
"Right... just don't scream mr. Ramolos kung ayaw mong mahanap tayo ng mga humahabol sa atin." Sabi ko pero tingin ko I just made ms. Claire pissed off sa pagtingin nya lang sa akin.
Good, at di masyadong maputla ang mukha nya dahil sa takot.
I'll just take a rest dahil walang tulugan mamaya at need kong maging alerto... been a while then ng nasa ganitong sitwasyon ako but the difference is I'm with someone I need to protect.
CLAIRE's POV
This girl is maddining! I was about to say something pero pinigilan ako ni EJ.
"I... think she... deserves rest." Hingal sabi sa akin ni EJ. "Sya lahat... gumawa ng trabaho... dito."
Right... I almost forgotten about that! She did all the works needed here mula ng mapunta kami rito sa gubat without even complaining aside for her being grumpy at times kanina which is totally not her.
Maybe pagod nga sya- no talagang pagod sya but god!
"What do I know I know about stitching a person's injury!" Pero di ko talaga alam ang gagawin ko kaya inis akong nagreklamo sa kanya.
Nagmulat ng mata sya at tinitigan lang ako which is I really don't like how see look at me now.
Para bang nagsasabi ng simpling-bagay-di-mo-magawa look ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
Ang malala sa kanya ko lang ito nararamdaman ang nanliliit ako sa bawat maling ginawa ko be it intentionally or not nakakaramdam ako ng-
"Simpling bagay lang yan... itusok mo ang karayom sa katawan nya as if tumatahi ka ng tela o damit." Sabi nya sa akin. "... Don't tell me... di marunong-"
"Ikaw na marunong! Damn it!" Galit kong putol sa sabi nya. "Can't you see everythings new-"
"I don't have time to reconsider your feelings at this situation ms. Claire-"
"Claire... you don't need... to worry... about me... if nag-aalala... ka.. if I'll feel pain or not... sanay na ako... sa mga ganitong bagay and... this is not the worst wound I've got." Namumutlang hinihingal na sabi ni EJ as he tried to smile sa akin para maibsan ang takot ko.
Nawala ang takot at kaba ko dahil sa sinabi ni EJ mapakalma lang ako.
And if he really is the kid back then... masasabi kong di pa rin nagbabago ang pagka maalalahanin nyang tao kaibahan lang ay nawala ang pagka-masungitin nya noon.
Si nga si Jillian ang naging masungitin at mainipin nga ngayon, eh... which is not so like her as I said before dahil she is more tolerant sa akin kahit na minsan pinaparingan nya ako and at the same time she owns whatever mistake I made. Sasabihin lang nya na she'll do better next time and improvise herself so that this mistake never happen again.
Sigh... ito wala na akong nagawa at ako na ang nagstitch sa mga sugat ni EJ.
He only grunt in pain habang kagat-kagat nito ang kahoy na ini-abot sa kanya ni Jillian and thank god there is no blood like what I've imagined kaya natatakot akong gawin ang ipinagagawa sa akin ni Jill.
Whatever Jill did na sinabi nya kanina helped...
"If you can make him not bleed ano man ginawa mo kay EJ Jill for sure you can make him not feel pain too. Why you did not do it?" Tanong ko bigla kay Jillian with a slight inis sa tono ko after all EJ might be the kid from before.
He might be my savior!
With that question been asked sa kanya natapos rin ako sa wakas!
"Like what you guessed kaya ko nga but based on how tense you are baka di mo mamalayang mali na ginagawa mo or you might poke something you shouldn't."
I want to refute but nothing would come out sa bibig ko.
I admit I am too tense but not that stupid para di ko mapansin if... ok I did some mistakes there kanina but... uh... sya na ang tama! 😡
"Here... drink this..." sabi ni Jillian kay EJ at sa akin ng ini-abot nya ang buko ng niyog sa amin.
But... is it just me or talagang nakita kong nanginginig ang kamay ni Jillian?
"Are you really ok Jill?" Pigil ko sa kanya. "My god... ang lamig ng kamay mo!"
Agad inialis ni Jill ang pagkakahawak ko sa kanya and this made me worry all over again.
"Malamang malamig kamay ko di pa tuyo ang damit suot natin kamay mo nga malamig kamay ko pa kaya?" Sagot nya sa akin with a matching glare.
"But you look pale Jill! Magsabi kang ng totoo! M-may sugat ka b-ba?" I'm starting to feel fear all over again!
"Do I look like I have a wound?" Tumayo sya ng maayos as if trying to tell me wala nga syang sugat which is true she really don't a wound anywhere in her body ni galos wala akong makita.
"You're no better than me namumutla ka rin so you should eat that coconut."
"Aren't you going to eat-"
"Magpapahinga muna ako... help mr. Ramolos." Lumayo na sya sa akin at naupo sa tabi ng fire camp namin to warm herself up.
After looking at Jill for a few seconds ibinaling ko kay EJ ang tingin ko.
"Uhm... let me help you sit up." Sabi ko pagkalapit ko kay EJ.
"Salamat..." he said to me as he sat up properly. "Nakakahiya na sayo at kay ms. Jillian at kayo pa mismo ang nag-"
"Don't mind it... you don't need to feel sorry dahil kong di lang naman sayo for sure di rin kami makakatakas and I should be sorry because you're the one tht got hurt instead of me." Sabi ko kay EJ feeling a bit guilt dahil nagkasugat sya because of me.
"Here... eat this ng magkaroon ka ng lakas." Pag-iiba ko ng usapan.
He just smiled to show his thanks sa akin which I returned with a smile.
After eating pinahiga ko na rin si EJ dahil mukhang inaantok na rin sya dahil sa pagod.
I look at Jill to check on her kung ok lang ba sya but she looks like she fell asleep so I took on myself na ako ang magbabantay sa kanila for tonight only as this is the least I could do for them lalo na kay EJ who risked his life to safeguard me.
.
.
.
.
.
.
.
.
BANG!
BANG!
BANG!
Napamulat ako sa gulat at napatingin-tingin ako sa aking paligid.
Kinilabutan ako sa takot dahil di ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako nandito sa-
"Claire... be ready baka natunton tayo ng mga humahabol sa atin kahapon." Sabi ng boses sa likod ko.
Natigilan ako at napatingin sa lalaking nasa harap ko.
"So... it's not a dream then..." naibilong ko na lang ng matandaan ko ang lahat ng nangyari sa amin kahapon.
I almost sob in helplessness ng matandaan ko si Jillian.
"Where is Jill?" Tanong ko ng di ko makita ang babaeng yon.
BANG!
BANG!
Napatayo ako agad ng marinig ko ang putok ng baril.
"My god! D-don't tell me..." di makapaniwalang sabi ko.
I was about to go where the sound came from ng bigla akong pigilan ni EJ.
"Saan ka pupunta?" Pigil tanong nya sa akin.
"Jill is in danger! We need to-"
"And what can you do then Claire? I think gustong linlangin ni ms. Jillian ang mga taong yon to give us time-"
"Ba't di mo sya pinigilan?! Why didn't you stop her?! You know it's dangerous to walk alone on her own EJ!" Galit kong sigaw sa lalaking pumipigil sa akin puntahan si Jillian.
Di ko maiwasan sigawan at magalit sa lalaking ito. I don't care if he is the kid and my savior from before ten years ago he is still a stranger to me!
Jillian is much important than him right now dahil sya lang naman ang nakasama ko for three whole years and has known her since then kumpara kay EJ na kahapon ko lang nakilala at natagpuan muli. Yes, he saved me then again yesterday but so is Jillian simula ng maging bodyguard ko sya and I don't even know what hardship I've put her then dahil sa katigasan ng ulo ko yet she never even once grumble nor complain about it.
"Let! Go!" Sabi ko as I stepped hard and kick on his leg makawala lang ako sa kanya.
Sirang babaeng yon! Did she have to sacrifice herself just to keep me safe?! Is she crazy?! This is just her job only no need to walk into her death!
She is much younger than me pero bakit ba ang lakas ng epekto nya sa akin? Naiinis ako sa lahat ng pinaggagawa nya such as taking everything without even a slightest frown or blink sa lahat ng pagpapahirap ko sa kanya!
She is the only person that made me feel I am vulnerable and can't do anything without help lalo na at mas matanda ako sa kanya ng ilang taon kaya di ko mapigilan ang pagbutungan sya ng galit ko at di ko sya matanggap bilang bodyguard ko noon.
"Claire wait! Dilikado jan!" Habol tawag sa akin ni EJ.
Di ko sya pinansin lakad-takbo lang ang ginawa ko as I roam my sight to find where is that damn girl!
Good thing at nakarinig ako ng sumisigaw and it is her voice! Kaya di na ako nagdalawang isip na puntahan saan gawi ko ito narinig.
"That girl is trying to gain there attention! Gusto ba nyang magpakamatay?!" Inis kong sabi sa sarili ko ng makarinig rin ako ng tunog ng motor like what we the boat sounds na sinakyan namin kahapon.
"Jillian!" Sigaw ko sa kanya ng makita ko syang nakatayo sa may di kalayoan sa akin.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?!" Galit kong sabi sa babaeng napatingin sa akin ng makalapit ako sa kanya.
"You woke up." Ang tanging lumabas sa bibig nya.
"You woke up?!" Di ko makapaniwalang sabi. "Yan lang ang masasabi mo? You woke up?!"
Kahit kailan talaga laging nag-iinit ang dugo ko sa kanya!
"We need to get out of here bago pa-"
"Even in this situation sakit ka tagala sa ulo ms. Claire."
Natigilan ako sa narinig kong sabi nya and I suddenly turn towards her in anger!
"Sakit sa ulo?!"
"Hmm... in this kind of danger dapat di ka dito nagpunta. Ypu should be with mr. Ramolos waiting to be rescued as I look for-"
SLAP!
"And here I was worried about you tapos yan ang sasabihin mo!" Dahil sa galit at pag-aalala sa taong ito di ko napigilan ang sarili kong sampalin sya.
Tinitigan lang nya ako as if di ko sya nasampal. All she did is took my hand at hinila nya ako pabalik where I am supposed to pull her back in safety.
"Your worry really will put us more in danger kung napaka-impulsive mo at di nag-iisip." Emotionlessly nyang sabi na nagpainis lalo sa akin.
"And you mr. Ramolos!" Biglang sigaw ni Jillian pagkakita kay EJ na hirap maglakad dahil sa pagsipa ko sa kanya pero pilit pa rin akong hinahabol.
"You are wounded pero isa kang sundalo how could you let ms. Claire run after me sa sitwasyon natin ngayon lalo na at nagpaputok ako ng baril?!" Iritadong pang-aakusa nya kay EJ.
He didn't even have the chance to defend himself nag magsalita muli si Jillian.
"Chivalry my ass! Kung yan lang naman ang sasabihin mo sa akin and you tried to stop this woman wag ka ng magsalita pa! You of all people know na walang kinikilala ang bala ng baril! Kung kinakailangan nyang igapos igapos mo! Don't use your wound as an excuse dahil di uubra yan sa akin after all you are a soldier at kayang kaya mong-"
"Stop it already Jillian! He is not at fault at all!" Pagdedepensa ko kay EJ at di rin ako makapaniwalang makitang magalit o magsalita ng mahaba si Jillian.
"Masyado ka bang nataman sa ganda ni ms. Claire at di mo magawang ipakita sa kanya ang maginoo mong ugali bilang isang sundalo?" Sarkastika nyang tanong kay EJ.
I saw how EJ his jaw clench and as he frown dahil mukhang di nya nagustuhan ang sinabi ni Jillian.
"Ano di mo nagustuhan ang sinabi ko? Ok... kasalan din naman namin for not properly introducing ms. Claire sayo." Seryusong sabi ni Jillian.
"Meet ms. Claire Salvador the daughter of senator Salvador who is running for presidency dito sa Pilipinas ngayon." Turo sa akin ni Jillian. "I'm not telling you na di mo sya pweding ligawan but I hope you'll be professional for now so take this seriously, mr. Ramolos because this not some kind of a mere attempt of kidnapping na pwede mong puksain basta-basta after a bit of rest kung yan ang nasa isipan mo kahapon at kani-kanina lang."
Nanlalaki ang mga mata ni EJ na nakatingin sa akin but Jillian seems not to see it at hinila nya ako ulit pabalik kung saan kami nag-fire-camp kagabi.
"Stay here." Yon lang ang sabi sa akin ni Jill at binalingan si EJ. "Watch over her."
Paalis na sya ng bigla na lang sya napahinto sa paglakad at napailing-iling sya ng ulo. Laking gulat ko ng makita ko na lang si Jillian fell on the ground when she tried to walk again.
"Jill!"