webnovel

Kabanata 14: Utakan

-----

Nanggalaiti ang duwende commander pero hindi dahil sa mga nakikita nitong bangkay na kanyang ka-uri. Napupuno ng galit ang utak ng duwende commander dahil inaakala nitong minamaliit siya ng nilalang, nakangiti itong nakatingin sakanya at nakita niya sa mga mata nito ang kagustuhang kalabanin siya.

Nagpakawala ng mga tunog ang duwende commander at sumugod ang natitirang mga duwende warrior para kalabanin si Hiraya at pati na rin ang surveillor ay sumama at sumugod.

Sa buong haba ng kanilang labanan ay ni hindi pa nababawasan ang Hp ni Hiraya, tanging ang stamina niya lamang ang malaki na ang nabawas.

Nag-pogi pose si Hiraya at ilang sandali pa ay tumakbo siya paalis matapos niyang hugitin ang ibinato sakanyang armas.

Suminghal ang duwende commander at napalitan ang inis sa mukha nito ng pang-uuyam, sumigaw ito at ilang sandali pa ay may mga panibagong duwende ang nagsilabasan sa loob ng CR.

Kinausap ng duwende commander ang mga ito at dali-daling nagsitakbuhan ang mga ito para habulin si Hiraya.

Muling suminghal ang duwende commander at bumalik sa loob ng CR.

Kasalukuyang nasa harapan ng pintuan ng isang silid si Hiraya, sa pinakadulong silid ng palapag siya tumakbo at huminto. Inantay niyang makalapit pa ang mga duwende para doon sila maglaban-laban pero biglang tumaas ang kilay ni Hiraya at nanlaki ang mga mata niya.

Nakita niya sa di kalayuan ang ilan pang mga duwende. Apat doon ay mga duwende warrior at ang tatlong natira ay mga duwende surveillor.

'Pitong mga warrior at apat na surveillor! Mother fucker, that bitch! Ang buong akala ko pa naman ay magiting siyang mandirigma, just another pussy I might say...'

'Akala ko ba double the everything ang epekto ng OP na skill ko, bakit hindi nito gawing doble ang stats ng hawak kong armas, o maski yung damage lang pwede na!' Nagreklamo si Hiraya pero ang nais niyang mangyari ay matrigger ang algorithm ng system at tama ang hinala niya.

Ding!

[Skill level is too low!]

Napakamot ng ulo si Hiraya sa nakita niyang pop-up pero napansin niyang tumaas ang skill exp nito at napangiti nalang siya.

Nang malapit na ang mga duwendeng humahabol kay Hiraya ay pumasok siya sa loob ng silid, nag-iwan siya ng siwang para makapasok ang mga duwende. Inihanda niya ang napulot niyang armas kanina.

[Broad Sword]

-A bigger weapon used by a Duwende Tribe Commander.

Damage: 21-25

+5 strength

+3 agility

+2 slashing damage

Durability: 26/30

'May +2 sa slashing damage... there's more attributes to the weapons, maybe I would find an elemental attribute if I am lucky enough. Pero kung gusto ko ng armas na may attribute na ganoon ay paniguradong kailangan kong maghanap ng mga monster din na may element.'

Isang kamay at ulo ang lumitaw sa siwang na ginawa ni Hiraya. Narinig niya ang pagkalampag ng mga duwende sa pintuan, ang ilang mga duwende ay inatake ang pintuan at ang ilan naman ay naghanap ng iba pang pwedeng daanan.

Napatingin si Hiraya sa mga bintana at nakita niya roon ang ilang mga maliliit kamay na pilit sumisira sa kahoy na bintana.

'I need to do this faster.' Inangat ni Hiraya ang broad sword sa ulo niya at hiniwa ang ulo ng duwendeng nagpupumilit pumasok sa loob ngunit inipit niya ito gamit ang pintuan.

Whoosh!

[Fatal blow]

Nahiwa ang kalahati ng ulo ng duwende, nahiwalay ang isang mata at ang kaliwang parte ng ulo nito, simula sa itaas ng kanang tainga pababa sa kaliwang baba.

Tumalsik ang mainit na dugo ng duwende sa lapag, pintuan at sa pisnge ni Hiraya. Napangiti siya nang makita ang 4400 na exp-ing natanggap niya. Agad niyang hinatak ang katawan ng napaslang niyang duwende warrior papasok ng silid at isa pang ulo at kamay ang pumalit dito. Inulit ni Hiraya ang nauna niyang ginawa at nakatanggap siya ng 5200 na exp.

Umungol ang utak ni Hiraya sa tuwang nararamdaman niya, level 10 ang sumunod niyang napaslang at mas mataas ang exp na binigay nito.

'If I could successfully kill every bitchass duwende right here.. or better yet, I'll knock out some and offer them to Ma-ay.'

Ding!

[Level up]

Crash!

Isang duwende warrior ang matagumpay na nasira ang bintana at tuluyang nakapasok sa loob ng silid. Nagkatinginan si Hiraya at ang duwende warrior, napatingin ang monster sa lapag at galit na galit itong sumugod kay hiraya.

Bumuwelo si Hiraya at sinipa ng malakas ang pintuan, nagsara ito nang malakas at naipit doon ang kamay at leeg ng isang duwende surveillor. Puwersadong sumara ang pintuan at naiwang naka-ipit doon ang duwende, ipinaling ni Hiraya ang tingin niya sa papalapit na duwende warrior.

Ding!

[You killed a Duwende Surveillor Lvl.4]

-You gained 400 exp points

-Dungeon effect exp X2

-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2

-a total of 1600 exp points earned.]

Tumalon pa kanan si Hiraya para iwasan ang paghiwa sakanya ng duwende warrior at mabilis niya itong sinugod. Umabante ang kaliwang paa ni Hiraya at ang inangat niyang kamay na may hawak na broad sword ay mabilis na tumama sa duwende warrior. Tumigil ang katawan nito at dahan-dahang naghiwalay sa dalawa, simula sa ulo pababa sa singit.

Ding!

[You..]

Sunod-sunod na nagsipasukan ang iba pang mga duwende, pero hindi gaya kanina ay hindi na agad sumugod ang pinaka-unang nakapasok bagkus ay naghintay itong makapasok pa ang ibang duwende.

Nakangiting tinitigan ni Hiraya ang mga duwende. Hindi niya rin sila sinugod at naghintay siyang makapasok ang mga ito. Bawas na ang mga ito ng apat, tatlong warrior at isang surveillor. Apat na warrior at tatlong surveillor ang kanyang nakikita.

'Hahaha, if exps do have a taste, I think it tastes like heaven.'

Bigla-bigla, tumawa ng pagkalakas-lakas si Hiraya. Napa-atras ang mga surveillor at mas humigpit ang paghawak ng mga warrior sa kanilang mga armas. Habang tumatawa si Hiraya ay may pinulot siya sa lapag at nang makatayo siya ulit ay sinampal niya ang ulo ng duwendeng naipit sa pintuan, nalaglag ito at gumulong papunta sa direksyon ng mga duwende.

Nakita ni Hiraya ang sabay-sabay nilang paglunok, 'Yeah that's right, fear me bitches.' Bigla-bigla rin ay binuksan ni Hiraya ang pintuan at agad siyang lumabas at sinara itong muli. Yumuko siya at nagpunta sa bintanang sira at nag-abang.

Nagtinginan ang mga duwende at nagtaka sa ikinilos ng nilalang. Isang duwende warrior ang sumenyas sa isang duwende surveillor at itinuro ang pintuan. May takot na lumapit ang naiturong duwende surveillor, napatingin ito sa mga kasamahan at napasimangot.

Inabot nito ang handle ng pinto pero hindi nito iyon nagawang buksan. Suminghal ang duwende warrior at itinuro ang isa pang duwende surveillor, sumenyas ito at itinuro ang sirang bintana.

Napalunok ang naiturong duwende surveillor at dali-dali itong naglakad matapos itong tingnan nang nakakatakot ng duwende warrior, nagpakawala ito ng gruu graa at tumalon ito sa bintana. Hindi na muli pang narinig ng mga duwende sa loob ang duwendeng lumabas.

Hinatak ni Hiraya ang duwendeng lumabas, tinakpan ang bunganga nito at sinuntok sa sikmura. Mabuti nalang at kinontrol ni Hiraya ang pagsuntok niya, nabawasan ito ng 38 hp, naramdaman ni Hiraya ang basang suka ng duwende surveillor. Hinigpitan pa ni Hiraya ang pagtakip sa bunganga nito at napilitang lunukin ng duwende surveillor ang isinuka nitong likido, ilang sandali lang ay tumirik ang mata nito at nawalan ng malay.

Inistima ni Hiraya kung ilang minuto na siyang nakikipagpatalinuhan sa mga duwende at ang konklusyon niya ay lagpas limang minuto. Napaisip si Hiraya kung may panibago nang nag-spawn na duwende sa CR, kung mayroon na ay gusto niyang malaman kung ilang minuto bago magdura ang bowl ng panibagong duwende.

Isa pang duwende surveillor ang namataan ni Hirayang pababa sa bintana at agad niya itong sinunggaban.

Nakarinig ng malamlam na tunog ang mga duwende sa loob ng silid. Itinuro ng duwende warrior ang natitirang duwende surveillor sa silid, sumenyas at itinuro ang bintana patungo sa kawalan.

Naulit lamang ang mga nangyari at sa pagkakataong ito ay nagkatinginan ang tatlong duwende warrior. Napalunok sila, tumakbo at magkakasunod na tumalon palabas sa bintana. Nasaksihan nila doon ang tatlong nakahandusay na duwende surveillor, wala itong mga malay at tumutulo ang mga laway.

Inakala ng mga duwende warrior na natutulog ang mga ito at sinipa nila ang isa sa mga nakahandusay na duwende surveillor, napalingon silang tatlo nang marinig nila na may tumatakbo sa likuran nila, umikot ang paningin ng isa sa mga duwende warrior at nakita nito ang sariling katawan, bakas pa rin ang gulat at pagtataka sa mga mata nito habang tinatakasan ito ng ulirat.

Nagtago si Hiraya sa kanto ng likuan sa hallway, sumandal siya sa pader at nakitang inaagaw ng mga duwende warrior ang exp niya, galit na galit si Hiraya at mabilis niyang tinakbo at hiniwa sa ulo ang isang duwende warrior.

Matapos hiwain ni Hiraya ang ulo ng isang duwende warrior ay nakangiti niyang itinutok ang broad sword sa dalawang natitirang duwende.

"Sa akin lang ang mga exp!"

Napa-atras ang dalawang duwende warrior, nagdadalawang isip na tumakbo, takot ang mga duwende warrior sa kanilang commander pero mas natatakot na sila sa nilalang na kani-kanina lang ay hinahabol nila. Ang buong akala nila ay tumakbo ang nilalang na ito dahil natakot ito sakanila pero mali ata ang kanilang akala. Inisa-isa nitong paghihiwain at pagpapatayin ang kanilang mga kasamahan.

Ang commander nila kapag nakikipaglaban ay seryoso ang mukha at direkta itong makipagpalitan ng atake. Hindi sila nagsanay para sa ganitong paraan nang pakikipaglaban. Utakan.

Sa huli ay nanalo ang takot nila at nagsimula silang dalawang tumalikod at tumakbo matapos magkaintindihan ang kanilang mga mata. Pero huli na ang lahat.

Nakita ng nahuhuling duwende warrior ang bumubulusok na berdeng bagay at napagtanto nito na isa iyong duwende, tumama iyon sa nauunang duwende warrior at napatumba ito.

"Easiest exp of my life!"

Narinig ng duwende ang hindi maintidihang malahalimaw na tinig ng nilalang at mas lalong umigting ang kagustuhan nitong tumakas sa mga galamay ng halimaw. Nawala ang nabuong imahe sa utak nito na mahina, matatakutin at pagkain ang mga nilalang sa lugar na ito at napalitan ito ng purong takot.

Bumangon ang natumbang duwende at ika-ika itong tumakbo pero wala na sa isipan ng nahuhuling duwende ang mga nangyayari, tila isang mahabang lagusan ang tinatakbo nito at nasa likod niya ang isang bunganga na siyang lalamon sa kanyang katawan.

"Fuck you bitch, may CR naman bakit ka umiihi dito!"

Sa sobrang takot na nararamdaman ng duwende ay napaihi ito at nadulas sa sarili nitong likido.

Whoosh!

Isang ulo pa ang gumulong. Pinaslang ni Hiraya ang iika-ikang duwende warrior at napangiti siya sa panibago nanamang exp points.

Ding!

[Congratulation!]

-You are the 2nd aboriginal to struck unadulterated fear to an otherworlder.

-Gained the tittle: Malignant

Napatanga si Hiraya at napatigil. Tinanong niya ang sarili niya kung isa ba siyang tumor at pinagmumura niya ang system.

'Equip tittle: Malignant'

[Tittle: Malignant(Active)]

-You are the 2nd aboriginal to struck unadulterated feat to an otherworlder.

[Effects]

-Gain the rare passive skill: Strike Fear when the tittle is active.

[Misc]

-Strike Fear radius: 2 meters.

-Strike fear to the hearts of creatures to level up the skill.

'Ah shit! How am I supposed to make friends if they will fear me? God damn this title... Oh wait, when the title is active? Ah shiz, I should deactivate this title after killing this bitch!' Pinulot ni Hiraya ang ulo ng duwendeng pinugutan niya. Gumagapang palayo ang duwende warrior na naihi. Napasinghal si Hiraya, lumapit siya sa natitirang duwende warrior at kinalabit ito. Nanginig ang buong katawan ng duwende warrior at naalala ni Hiraya ang kalagayan niya nang una niyang kalabanin ang isang duwende. Gumapang din siya dahil sa takot.

Lumingon ang duwende warrior kay Hiraya at nakita nitong napakalapit ng mukha ng halimaw, hawak nito ang pugot na ulo ng duwende warrior na kanina'y kasama niya pang tumakbo. Nakangiti at tumatawa ang halimaw habang tinutusok-tusok ang sa leeg ang pugot na ulo.

Tumirik ang mata ng duwende warrior at nawalan ito ng malay, bumubula ang bibig nito at kumikislot-kislot ang paa at kamay.

"I overdid it..."

'Ah fuck me. Ma-ay?'

--------------------

[Status Screen]

Name: Hiraya Manoyo

Level: 8 (exp: 23000/25600)

Race: Human

Gender: Male

Title: Leading Man(Active) Malignant(Active)

Health points | regen: 960/960 | 0.034/s

Mana | regen: 318/560 | 0.028/s

stamina | regen: 210/560 | 0.054/s

Attributes:

Strength: 36(+5)

Agility: 42(+3)

Vitality: 72

Inteligence: 42

Active Skills:

Unique: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:1 Exp: 97.15%

Rare: Subordination | Beg.Lvl:1 Exp: 00.00%

Basic: Identify (2 Mp | Cd: None) | Beg.Lvl:4 04.81%

Passive Skills:

Basic: Equip | Beg.Lvl:2 Exp: 62.41%

Rare: Strike Fear | Beg.Lvl:1 Exp: 24.98%

Current Status:

Tired

Points to be distributed: 40

次の章へ