webnovel

KABANATA 16

"P-pinuntahan mona ba si nathalia?"

Nagaalangang tanung ko kay dairus ng bigla namang nawala ang pagkakangiti nito sa akin bago nya iniwas ang kanyang tingin.

"Hindi na kami nakakapag usap!! Wala akong oras makipagusap sa kanya."

WHAT?? Wala syang oras makipag usap kay nathalia samantalang sa akin may oras sya..

"N-nagaalala si nathalia sayo!! Kaya kailangan mong magpakita sa kanya at kailangan mo syang kausapin."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang pareho kaming naka tingin sa lawa..

"Wala syang balak makipagusap sa akin.."

Sa tono pa lamang nito alam kong dinaramdam parin nito ang lahat ng nangyari sa kanyang pamilya.

"A-ayos lang ba sayo na ihatid na kita sa panuluyan? K-kailangan ko na kaseng bumalik kay manang berta.."

Nakangiti akong tumango sa kanya kaya sabay na kaming tumayo sa pagkakaupo namin sa may tulay kung saan dapat mag coconfess si dairus at nathalia sa isat isa. Pero, nagbago na ang lahat dahil nandito ako sa loob ng nobelang ako mismo ang gumawa.

Pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng panuluyan ay mabilis na nagpaalam sa akin si dairus kaya naman naglakad na ako papunta sa pinto ng panuluyan at bahagya kong binuksan ito.

"Ma'am lenzy!! Kanina pa poba kayo dyan?? Pasensya na po pinapaayos kase ang kuryente sa kabilang daan kaya naman damay ang village natin."

Halos mangunot ang noo kong napatitig kay manong gwardiya dahil sa sinabi nito at mas lalong akong naguguluhang napatitig sa pintong nilabasan ko.. Meron pa naman ako sa aking katinuan,diba.

P-paanong nakarating ako sa pintong yun? 4th floor ang unit ko pero napadpad ako sa 3rd floor.

**__**

Napatayo ako di oras sa hinihigaan ko para magtungo sa kusina pero nagulat na lang ako ng biglang mag brownout at halos buong village ay walang ilaw.

Binuksan ko ang pinto ng unit ko at napakunot noo ako ng may makita akong liwanag na nagmumula sa 3rd floor kung saan nasa 4th floor ang unit ko.

Halos maiharang ko ang braso ko habang naglalakad pababa sa hagdan malapit lang sa elevator.

Pagkarating ko sa pinto ng makababa ako sa 3rd floor ay binuksan ko ito ngunit wala namang tao at wala ding ilaw. SOBRANG DILIM!!

**__**

"Ayos ka lang ba ma'm lenzy?? At ano po yang suot nyo? Meron pa palang mga babaeng nagsusuot ng baro't saya."

Halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin na naman ni manong gwardiya ang pangalan ko at mas lalo lang akong naguluhan ng makita ko ang suot suot ko ngayon.. Kanina, nakasando at pajama lang ako ngayon nakasuot na ng baro't saya ano bang nangyayari sa akin?

"I'm okay po!! M-mauna na po ako.."

Kahit na naguguluhan ay tuluyan na akong umakyat sa 4th floor kung saan naroon ang unit ko at kinalkal ko sa aparador ko ang pajama at sando na sinuot ko kanina para matulog.

Nasaan naba yun??

Halos magkakalahating oras na ako sa paghahanap pero wala parin..

Napalingon pa ako sa cellphone ko ng marinig ko ang pag-ring nito na nakapatong sa mesa kung saan nakatapat sa kama ko.

*Beatrix calling*

Tss!! Key'aga aga napatawag pa to.

"Lenzy.."

Halos mailayo ko ang phone ko sa sigaw ni beatrix sa kabilang linya kaya panay ang pagiling ko.

"Oh?"

"Samahan mo naman ako mamaya.. Meron kase akong pictorial para sa mga artist ko sa Cuyapo."

Cuyapo?? Ahh!! Oo nga pala malapit lang ang cuyapo sa san manuel.. Yun yung lugar na nilagay ko sa nobela ko at idinugtong iyon sa 'San Manuel'.

"Sure!! Basta i-text mo sa akin kung anong oras.. Nang makapaghanda naman ako."

"Sige sige!! The best ka talaga."

Natatawa ko namang ibinaba ang phone ko sa mesa at muling hinanap ang sando at pajamang suot ko kanina bago ako lumabas sa unit ko.

"Nasaan ba kase yun?"

Inis kong tanung sa sarili ko pero imbis na yun uli ang isusuot ko naghanap na lang ako ng panibago at muling tumingin sa relo ko. 'It's 5:00 am'

Iidlip na lamang ako dahil isang oras na lang naman at maguumaga na din.

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na pag ring ng cellphone ko kaya naman hindi kona lang tinignan kung sino ang tumawag basta ko na lang iyon sinagot.

"Lenzy!! Where are you na?"

Halos mapaupo ako sa kama ng mapagtanto kong si beatrix pala ang nasa kabilang linya.

"I'm here in your unit!! Kanina pa ako dito sa baba.. Where are you naba?"

Panay lang ang pagiling ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Shems!! Bat ba nakalimutan ko na sasamahan ko nga pala sya.

"Wait!! Maliligo lang ako."

Ibinaba kona ang phone ko at tuloy tuloy na pumasok sa comfort room..

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo nag ayos na lamang ako ng aking sarili.. Bundok kase ang pupuntahan namin sa 'Cuyapo' kaya naman nagsuot lamang ako ng pulang bestida na may mga bulaklaking desenyo habang nakasuot naman ako ng doll shoes na kulay krema.

Tinignan kona muna ang sarili ko ng matapos akong magpolbo at lipgloss.. Charan!! Ang ganda ko.

Mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at kinuha kona din ang phone ko na nakapatong sa mesa ko.

Mabilis kong pinagtatanggal ang mga nakasaksak sa loob ng unit ko at patakbong tinungo ang elevator ng pagkalock na pagkalock ko sa pinto ng condo unit ko.

Buti na lang at naabutan kong bukas ang elevator kaya naman dali dali akong pumasok at pipindutin sana ang 1st floor pero inunahan ako ng katabi kong lalaki.

Bahagya pa kaming nagkatinginan kaya tinanguan ko na lang ito samantalang sya ay seryoso lang na tumingin sa gawi ko bago sya nagiwas ng tingin.

Napansin ko naman ang kasuotan nito na kamiso para tuloy syang nanggaling sa panahon ng mga kastila dahil sa suot suot nyang krema na kamiso nakasumbrero din ito ng itim na para bang isa sya sa diniscribe kong fictional character ko sa aking nobela.

Panay lang ang pagiling ko habang nakatitig sa lalaking nasa gilid ko at sa mismong reflection lang ako nakatitig.

'Dalian mo lenzy!!'- Beatrix..

***   ***

"Kanina kapa tahimik?"

Nagtatakang tanung ni Beatrix sa akin kaya naman nilingon ko ito at nginitian para mawala na yung pagtataka nito sa akin.

"Tahimik lang naman talaga ako!! Hindi kana nasanay.."

Nakangiti kong sagot habang panay lang ang pagiling ko habang iniisip yung lalaking nasa elevator kanina. I Think Familiar sya!!

"Beatrix!! Kapag ba nananaginip ka at may kasama kang lalaki natatandaan moba ang mukha nito?"

Dali dali kong tanung kay beatrix habang busy ito sa pagmamaneho at nakafocus din sya sa daan.

"Ano namang klaseng tanung naman yan? Wala na akong matandaan ni isang mukha sa panaginip ko.."

Panay lang ang pagiling nito habang nakafocus parin ito sa pagmamaneho hanggang sa nakita na namin ang isang malaking karatula 'WELCOME TO CUYAPO'

"Diba may cuyapo sa nobelang sinulat mo lenzy?"

Nakangiti nitong tanung sa akin.. Napalingon naman ako sa paligid namin. DITO NGA PALA SA CUYAPO DADALHIN NG MGA REBELDE SI HENERAL THYLANDIER..

"Diba may scene na pahihirapan ng mga rebelde si thylandier??"

Tama!! Pahihirapan ang antagonist (kontrabida) ng mga rebelde pero makakatakas din naman sya sa kamay ng mga ito.

Nagtuloy tuloy lang ang byahe namin hanggang sa marating na namin ang dulo ng cuyapo.

"Narito na tayo!! Pwedeng pwede kang gumala dito habang tinatapos namin ang interview at pictorial."

Nakangiti akong tumango sa kanya.. Buti na lang at nadala ko ang camera ko na laging nasa shoulder bag ko.

"Anong oras matatapos ang pictorial and interview mo beatrix?? Mukha kasing masarap magpahangin dito.."

Nakangiti kong turan habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng paanan ng bundok na kinahintuan ng kotse nito. GRABE!! ANG GANDA NG VIEW..

"Tara na.."

Huh!!

"Hindi pa dito ang pictorial and interview ko.. Kalikasan ang theme ng interview and pictorial kaya doon pa tayo pupunta."

Nakangiti nitong itinuro ang papasok sa isang makitid at maraming puno.. Really!! Dito talaga?

Naglalakad kami ngayon dito sa isang mapuno at makitid na daan papunta sa shoot nya sa pictorial and interview nito.

"Hindi ko inexpect na mahilig ka sa ganitong lugar beatrix.. Hindi ko din inaasahan na ang hilig mo palang magpinta ng kakaibang lugar samantalang ako sketch ng mukha lang ang nagagawa ko.."

Natatawa kong turan at compliment na din sa kanya dahil magaganda talaga ang gawa nyang painting habang ako mukha lang ata ang kaya kong gawin samantalang may mga gawa din naman akong kakaibang lugar sa paintings ko at mahilig din naman akong magpaint about sa 'kalikasan' pero hindi kasing'ganda ng gawa ni beatrix ang mga gawa ko..

"Ano kaba!! Magkaiba kase tayo ng theme at magkaiba tayo ng taste sa pag paint.. Remember, mas sanay kang mag sketch ng mukha."

Natatawa nitong pinaalala sa akin ang past namin.. Sabay kaming nagenroll sa UST at sabay din kaming grumaduate ang kaso nga lang magkaiba kami ng theme dahil ang kanya ay kalikasan habang ako mukha talaga ang gusto kong pinipinta.

"Pero tinuturuan mo din naman ako.."

Natatawang sagot ko sa kanya.. Ang tinutukoy ko ay magpinta ng kalikasan mga lugar na pangsinaunang panahon..

"O'sya!! Maglibot kana muna dyan.. Dito na ako."

Nakangiti nitong turan habang tinuturo sa akin ang ibang daan.

"Galingan mong kumuha!!"

Natatawang turan ni beatrix bago kami nagkahiwalay ng daan.. Ang Ganda talaga ng paligid dito!! Ang sarap pa ng simoy ng hangin.

Matapos kong kuhanan ang ibang area umupo na muna ako sa malaking bato habang nakatitig sa kabuuan nito..

Napapikit ako ng maramdaman ko ang kakaibang lamig..

"Disparales.. (Shoot them..)"

"El general Thylandier no está aquí.. (Heneral Thylandier is not here..)"

"El general Thylandier fue capturado por los rebeldes.. (Si heneral thylandier ay nakuha ng mga rebelde..)"

Malakas na pagsabog at sigaw ang umagaw sa atensyon ko at nagpatuliro din sa akin.. Halos hindi ako nakagalaw ng muling yumanig ang paligid ko kasabay nun ang pagmulat ng aking mga mata.

Napatayo na lamang ako di oras at hinanap ang daan patungo kay beatrix.. Pero imbes kay beatrix ako mapunta sa mismong harap ng isang kalesa ako napadpad at mukhang wala itong katao tao. TEKA!! NASAAN BA AKO NGAYON?

"B-binibining Isabel.."

Halos mabitawan ko naman ang kamerang hawak ko ng maramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

"Binibining Isabel ikaw nga.. Bakit narito ka? Nagkakagulo sa San Manuel at n-nawawala ngayon si Senior thylandier.."

Edwardo?? Oh shit!! Bat ngayon ko lang natandaan ang lahat..

"Binibining Isabel.. Kaytagal mong nawala.. A-alalang alala sayo ang lahat lalong lalo na si senior thylandier."

June 15 naba ngayon?? Kung kailan unang nag aklas ang mga rebelde laban sa mga kastilang manlalabis?

"Ngayon ba ay julyo na?"

Tanging tango ang isinagot ni edwardo sa akin.. IBIG SABIHIN NAHULI NG MGA REBELDE SI THYLANDIER!!

"Ayos ka lang ba binibini?"

Nagaalalang turan nito sa akin.. Napatayo ako ng maayos at hindi nagpahalata sa kanya.

"Maari mo ba akong ihatid sa Cuyapo?"

Tanging tango na lamang ang isinagot uli nito sa akin.. Kailangan kong mailigtas si thylandier sa kamay ng mga traydor na rebelde na alam kong may pinapanigang iba. At alam kong ibang rebelde ang nakakuha sa kanya kaya nakaramdam agad ako ng kaba ang hindi ko lang maintindihan kung sino ang punot dulo ng pagdakip sa heneral..

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang tumatakbo sa kakahuyan dito sa Cuyapo.. Pinaalis kona si edwardo at pinabalik ito sa 'San Manuel' upang hindi nya ako paghinalaan.

Ang pagkakatanda ko may lungga ang mga rebelde dito kaya naman kahit hirap na hirap na ako sa kakaisip kung saan banda yung lungga nila mas lalo kong iningatan ang sarili ko dahil sa suot suot kong dress ngayon.. BUTI NA LAMANG AT DOLL SHOES ANG SUOT KO NGAYON.

"Anong gagawin natin sa heneral na iyon?"

Halos mapahinto ako sa pagtakbo ng may marinig akong kaluskos at boses ng isang lalaki na may kalayuan ng kaunti sa pwesto ko.

Mabilis akong nakapagtago at pinakinggan ang sinasabi nila.

"Iyon ang hindi ko alam juan.. Ang sabi ni felipe ay hintayin natin ang ginoong kumausap sa kanya.."

Si Juan at Felipe ay magkapatid!! KAILANGANG MASUNDAN KO SILA!!

次の章へ