webnovel

Chapter L

Please VOTE!

HER CHANCE

"Ha- ha- ha. Your face is awesome! Taasan pa natin ang voltage!" Aliw na aliw pa na sabi nito.

Sa paligid naman niya ay napansin niya ang pag kagat ng labi at pag kunot ng mga noo ng mga tauhan nito. Mukhang ang mga ito ang naapektuhan sa ginagawa nito.

"Pero, Boss baka mamatay na 'yan." Pagpapaalala naman ng isang tauhan nito.

"Kinukuwestiyon mo ba ako!?" Singhal naman nito sa tauhan nito at natakot naman ito.

Hanggang sa bumalik si Salley at mukhang nag aapura ito.

"Sweetheart, katatawag lang ni Mr. Han. Handa na daw ba ang mga produkto?"

"Naghihintay na daw ang mga buyer sa Manila. Kumpleto na sila doon tayo na lang ang hinihintay." Narinig pa niyang sabi nito.

Kung ganoon ay wala pala sila sa siyudad ngayon. Maaring nasa isang liblib na lugar sila. Ngunit saan naman kaya.

Base sa nangyari kagabi ay naka yate sila kaya marahil nasa isang isla sila o nasa tabi sila ng dagat kung hindi naman kaya ay kaunti lamang ang layo nila sa dagat.

Mukha naman na tauhan ito kaya binitawan nito ang pang kuryente at lumapit ulit sa kanya.

"As how I much waited this day to come. Mukhang ititigil natin muna ito pansamantala. Babalikan kita." Pa habol pa na sabi nito bago umalis.

At nanginig siya sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya natakot sa kapwa dahil hindi naman siya duwag talaga.

Pero matapos masaksihan ang mga kaya nitong gawin ay natakot siya hindi para sa sarili kung hindi para sa natitira niyang pamilya.

"Ipahanda ang chopper!" Utos ni Salley.

"Na sabi ko na isang isang oras lamang ay nandoon na tayo. Kaya wala ng problema." Dagdag pa ni Salley.

Hindi nagtagal ay narinig na niya ang chopper mula sa itaas. Hanggang sa unti unti ng nawala ang ingay na nagmu mula dito.

Kung isang oras lang ang biyahe mula sa chopper ibig sabihin ay hindi sila ganoon ka layo sa Maynila. Mukhang nasa pagitan lamang sila ng -------.

Para naman siyang lantang gulay ng bitbitin siya ng isa sa mga tauhan nito at sa isang kuwarto siya na puro dumi doon itinali sa upuan ang kanyang paa at kamay.

Tanging ilaw lamang ang nandoon para naman gustong bumigay ng malay ng katawan niya.

Ngunit may nagbabantay pa din sa kanya na dalawang lalaki na may armas. Mukhang wala talagang balak si Laud na magkaroon siya ng tiyansa na makatakas.

Hindi na niya namalayan ang pag pikit ng mata dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan.

Hanggang sa nagising na lamang siya sa ingay na ng gagaling sa nagkaka gulo sa labas. Mukhang hindi lamang siya ang naka pansin n'on pati din ang mga nagba bantay sa kanya ay napansin 'yon.

"Ano 'yon?" Pag aalala ng isa sa mga ito at nag kibit balikat lamang naman ang lalaki sa likod niya na may baril din.

Ngunit bakas ang pag alala sa mga ito at sinamantala naman niya ang pagkabahala ng mga ito para gamitin ang pagkakataon na makatakas.

"Waaaaa!" Sigaw niya.

Habang inipon ang natitirang mga lakas ng katawan upang ma ibaligtad ng mabilis ang kahoy na bangko papunta sa likuran.

Bago pa maka react ang lalaki sa likuran ay napa tumba na niya ito gamit ang bigat niya at ang kahoy na bangko na nadurog sa lakas ng puwersa ng kanyang pagkaka bagsak dito.

Maging ang isang lalaki ay hindi na din napigilan ang ginawa niya. At nagawa na din niya maka alis ang tali mula sa paa at kamay niya. Ngayon ay nakawala na siya.

Ginamit naman niya ang paa ng bangko upang maging sandata laban sa lalaki na may baril.

Lamang siya dito dahil mas mabilis siya at isa pa ay isa siyang alagad ng batas kaya iyon ang trabaho niya ang mang huli ng mga kriminal.

"Itong sa'yo! Yaa!" Mabilis na sabi niya dito.

At nilapitan ito saka binigyan ng dalawang malaks na palo sa kamay at dalawa sa katawan pagkatapos ay isa sa ulo na tuluyang nakapag patumba dito bago pa man siya maputukan ng baril.

Kinuha naman niya ang baril nito at dahan dahan na lumabas sumilip ng maliit sa pinto. Upang malaman kung bakit nagkaka gulo sa labas.

Gagamitin na niya ang tiyansa na iyon para makatakas at may oras pa siya para maabutan ang transakyon nila Laud o kaya ang pinaka maganda ay mahuli ang lahat ng kasamahan nito.

Marami ng buhay ang nawala at nasisira dahil sa droga kaya kung mapipigilan niya ang mga ito.

Maari nga na hindi niya mapuksa ang lahat ng mga ito ng tuluyan ngunit magkakaroon ng malaking pagbabago ang Pilipinas dahil malaki laking sindikato ang mahuhuli nila.

Kaya't matatagalan ulit ang mga ito na makapag simula ulit. Siguro naman ay marami raming buhay na din ang masasalba niya kapag nangyari iyon. Maraming kinabukasan ang mai liligtas niya.

Nang bigla na lang ay may lalaki pala na naka itim na nasa pinto kaya't laking gulat niya pati ito ay na surpresa din sa kanya. Kaya't mabilis niya itong natutukan ng baril at na unahan ito.

Nang daig pa niya ang naka kita ng isang tao na bumangon sa hukay.

"Kailangan ba talaga sa tuwing magkikita tayo ay tututukan mo ako ng baril?" Sarcastic naman na tanong nito ngunit bahagyang naka ngiti.

"You're alive!" Na isigaw niya sa gulat. Hindi siya makapaniwala kung sino ang kaharap.

*****

次の章へ