CHAPTER THIRTY EIGHT
The Burst of emotions
RAMDAM ni Xiyue ang kaba sa kanyang dibdib habang nakapikit ito at inaantay ang pagtama sa kanya ng pag-atake ni Raiko, nakakuyom ang kanyang magkabilang palad at kagat kagat nya ang kanyang pang-ibabang labi. Ganoon din ang nararamdaman nila Westley, Aron at ni Cali habang kabadong inaantay ang pagtama ng pag-atake ni Raiko sa dalaga.
Tahimik silang nananalangin na sana ay hindi ituloy ni Raiko na patamain ang ipo ipo dahil alam ng magkakaibigan kung gaano kalakas ang pag-atake na iyon. Kung titignan ay tila maliit lamang ang ginawang pag-atake ni Raiko, ngunit habang papalapit ng papalapit ang ipo ipo na iyon sa target ay lalong lumalakas ang pag-atake hanggang sa tumama iyon sa target ay magiging doble ang lakas ng pag-atake na iyon.
Kaya naman kabado ang lahat dahil dalawa ang ginawang pag-atake ni Raiko kay Xiyue, at kung hindi iyon mapipigilan ay maaaring iyon ang ikamatay ng dalaga. At iyon ang bagay na ayaw mangyari ng magkakaibigan, lalo na't sa kamay ni Raiko ay wala kang takas.
Dahan dahang idinilat ni Xiyue ang kanyang mga mata noong ilang segundo na syang nakapikit at inaantay ang pagtama sa kanya ng ginawang atake ni Raiko ngunit hindi iyon tumatama sa kanya, nang sandaling mag-angat ng mga mata si Xiyue upang tignan si Raiko ay napaawang ang labi ng dalaga sa hindi inaasahang nakita.
Tila nagkaroon ng shield ang direksyon ni Xiyue at hindi magawang makapasok ng ipo ipo na gawa ni Raiko, rinig na rinig ni Xiyue ang mga ingay na gawa ng ipo ipo ngunit hindi iyon tumatama sa kanya.
"Raiko..." Hindi na maiwasang hindi maluha ni Xiyue dahil sa nakikitang sitwasyon sa binata na masamang nakatingin sa kanyang direksyon.
Napahawak si Xiyue sa kanyang bibig upang pigilan ang kanyang paghikbi, nakita iyon ni Raiko na bahagyang lumambot ang aura ngunit agad din napalitan ng malakas na pagtawa. Sige lamang ang ipo ipo na sinusubukang tamaan si Xiyue ngunit sadyang hindi iyon tumutuloy tuwing malapit na ito kay Xiyue.
"He can't hurt Xiyue, he's holding his power." Mahinang saad ni Aron habang ito ay nakatingin sa direksyon ni Raiko na minuto na ang lumipas ngunit hindi parin tumitigil sa pag-atake kay Xiyue kahit na hindi naman ito tumatama ng tuluyan sa dalaga.
Napa-upo si Xiyue sa sahig at doon ay napahikbi ng tuluyan dahil sa hindi na nito kinakaya pa ang mga nakikita kay Raiko. Mabilis namang sumaklolo si Aron at nilapitan si Xiyue, ganoon din ang ginawa ni Westley at Cali. Nang una ay nagdadalawang isip ang tatlo kung lalapit ba sila dahil iniisip nila na baka pag lumapit sila ay saka naman tumama ang mga ipo ipo na gawa ni Raiko, ngunit naisip ng mga ito na hindi mangyayari iyon dahil hindi magagawang saktan ni Raiko ang dalaga. Hindi nito kaya.
"Why? Why are you here?" Basag ang boses ni Raiko habang wala parin itong tigil sa paggawa ng pag-atake kay Xiyue, tumigil sa pag-iyak si Xiyue nang marinig ang boses ni Raiko. Halos sabay sabay na nag-angat ng mga mata ang apat upang tignan si Raiko.
"Raiko..." Hindi makasagot si Xiyue dahil patuloy parin ito sa paghikbi, hindi naman nagsasalita ang tatlo at inaantay lamang ang mga susunod na sasabihin ni Raiko.
"You're already dead, so why are you here? Ginugulo mo ang isipan ko. Sino ka ba, huh? Is it my mother who sent you here?" Lumabas ang usok sa likod ni Raiko matapos nyang tanungin iyon, nagsimulang maglabas ng itim na usok ang katawan ni Raiko at tila naging hugis pakpak ang mga iyon.
Napalunok si Aron dahil sa narinig at nakita, binalingan nya ng kanyang nagtatakang mga mata si Xiyue na nasa kanyang gilid. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng binata, kahit si Aron ay hindi maiproseso ang mga sinabi ni Raiko. Pare-pareho silang lahat na nalikito dahil sa sinabi ni Raiko, ngunit kahit na gustuhin man nilang magtanong at mangusisa ay hindi na nila ginawa pa dahil baka lumala lamang ang galit ni Raiko.
"I-I'm Xiyue Sy, Raiko. What do you mean that I'm already dead?" Pumikit ng mariin si Aron dahil gulong gulo na ito at hindi nya maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa, tumayo si Aron at hinatak sina Cali at Westley papalayo sa dalawa upang mas makapag-usap pa sila ng mabuti.
"Hindi ko maintindihan, Aron. Gets mo?" Kunot noong tanong ni Cali habang napapakamot ito sa kanyang batok dahil pilit nitong iniisip kung anong ibig sabihin ni Raiko sa mga sinabi nito.
"Walang kontrol si Raiko sa sarili nya, baka naman nasabi lang nya iyon dahil wala syang kontrol sa kapangyarihan nya? Ang gulo eh. Patay na daw si Xiyue, pero andito." Naigilid ni Cali ang kanyang ulo na tila nag-iisip, nagpakawala naman ng buntong hininga si Aron at binalingan ang dalawa na seryosong nag-uusap.
"Wait. Naalala ko na nagtanong sa akin si Raiko kung paano ba malalaman kung Clone lang ang isang tao, do you guys think it's connected? Hindi kaya... Clone lang si Xiyue, at ang totoong Xiyue ay patay na?" Natahimik ang tatlo dahil sa sinabi na iyon ni Cali, maaaring tama ang sinasabi ni Cali ngunit parang may butas pa na hindi nila makuha ang kasagutan.
"Kung wala na si Xiyue, sino ang Xiyue na nandito? At paanong namatay si Xiyue? Ah, shit. Ang gulo." Napakamot si Cali sa kanyang ulo dahil sa kanyang sariling tanong.
"Xiyue is dead. Don't fvcking pretend that you're my girl because you're not." Hindi makasagot si Xiyue dahil sa mga binitawang salita ni Raiko sa kanya, muling tumulo ang mga luha sa mata ni Xiyue na tila wala ng bukas iyon.
Hindi nya maintindihan ang sinasabi ni Raiko na matagal na syang patay, iniisip ni Xiyue na iyon ba ang dahilan kung bakit umiiwas na sa kanya si Raiko noon pa? Lalo lamang naguluhan si Xiyue dahil hindi nya lubos maisip na wala na talaga sya, marami ang tanong sa isipan nya na hindi man lang masagot dahil hindi rin nya kayang itanong iyon dahil sa takot na maaaring totoo nga ang mga sinasabi ni Raiko sa kanya.
"You can't understand me, right? It's because you're a fvcking cyborg! You're not a human, you're a fvcking machine in a human body." Sa ginawang pagsigaw na iyon ni Raiko ay tila may sumabog sa kanyang gilid, napalunok naman si Xiyue dahil napapansin nya na tila nanghihina na ang binata at anong oras man ay babagsak ang katawan nito sa sahig.
Iyon ang kundisyon ng hiniling ni Raiko na kapangyarihan, marahil na rin hindi kaya ng katawan ni Raiko ang sobrang lakas na tinataglay nyang kapangyarihan kaya matapos nya iyong magamit ng kahit ilang minuto lamang ay mawawalan sya ng malay. At tama nga si Aron, naging alerto si Aron at agad na nasalo ang bumagsak na katawan ni Raiko.
Mahinang napamura si Aron dahil nakumpirma na nya kung saan nanggaling at anong ginawa ni Raiko nang magpaalam itong may pupuntahan lamang, at iyon ay walang iba kundi sa Tree of Life. Nahinuha na nya kung bakit hindi nya magawang pigilan si Raiko kanina pa kahit na level 5 si Aron, iyon ay dahil mas malakas at mataas ang ability level ni Raiko kaysa sa kanya at alam ni Aron na dahil iyon sa Tree of life.
"Let's get out of here." Nagtulong si Aron at Westley upang akayin ang walang malay na si Raiko, habang si Cali naman ay nilapitan si Xiyue na nakatingin lamang kay Raiko, malalim ang iniisip nito kaya hindi na nagawa pang kausapin ni Cali ang dalaga.
Papaalis na sana ang magkakaibigan upang bumalik sa City Academy noong lumiwanag ang kalangitan, at ang mga ulap ay nagpormang bilog. Tila nagkaroon ng maliit na butas sa langit at habang nakatingin doon ang mga magkakaibigan ay si Vier naman ay unti-unti ng nagkakamalay, hindi sya makagalaw dahil ang kanyang katawan ay nakalubog sa simentong sahig.
Tumiim ang bagang nito nang maalala ang mga nangyari, kung paano nya napatay ang kanyang kambal na si Vair at kung paano sila maglaban ni Raiko na tila magkasing lakas lamang silang dalawa. Hindi nya makuha kung paanong naging mas malakas sa kanya si Raiko gayong sya ay Level 6.
"I'll avenge you, Vair. I'll kill them all for you." Mahinang bulong ni Vier na puno ng hinanakit at determinasyon na maghiganti para sa kanyang kapatid. At alam nya na may isang nilalang ang makakatulong sa kanya, at gagawin nya ang lahat kahit na ang maging kapalit pa nito ay ang kanyang sariling buhay upang tulungan lamang sya ng kilalang nilalang na iyon.
Isang katawan naman ng lalaki ang bumagsak sa kalangitan, ngunit hindi iyon tumama sa sahig dahil nakalutang ang katawan nito.
"It's Raixon, go and help him Westley." Agad namang tumango si Westley at bumitaw kay Raiko na akay nilang dalawa ni Aron upang puntahan si Raixon na nakalutang ang katawan.
Dahan dahang ibinaba ni Westley ang katawan ni Raixon at pinakiramdaman ng binata ang pulso ni Raixon, napangiti si Westley nang maramdaman ang pagtibok nito. Dahan dahan namang gumalaw si Raixon at mahinang napadaing, bahagya namang lumayo si Westley upang mas makagalaw ng maayos si Raixon na dahan dahan ng nagdilat ng kanyang mga mata.
"Raixon," naidako ni Raixon ang mga mata nya sa tumawag sa kanyang pangalan, muli syang napalikit dahil sa pagkasilaw mula sa kalangitan.
Muli syang nagdilat at dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga, nilibot ni Raixon ang kanyang mga mata at huminto lamang iyon nang makita nya ang kambal nya na akay-akay ni Aron habang wala itong malay. Naitikom nya ang kanyang bibig dahil sa naalala mula sa nakaraan, hindi man nya sigurado kung nagawa ba syang iligtas ni Raiko ngayon o may ibang tao ang nagligtas sa kanya.
Ngunit base pa lamang sa nakikita nyang kalagayan ng kapatid ay alam na nyang si Raiko ang nagligtas sa kanya. Mula sa duguang ulo at damit nito hanggang sa mga pasa nito sa katawan ay hindi magawang tingnan ni Raixon ang kapatid ng matagal, sinisisi nito ang kanyang sarili dahil sa nakakaawang sitwasyon ngayon ni Raiko.
Hindi nya maiwasang hindi maluha dahil sa nakikitang sitwsyon ng kambal, tumayo ito at dahan dahang lumapit sa walang malay na si Raiko.
"You saved my life again, Raizer Aikoze."
Katahimikan ang namuo sa magkakaibigan habang naglalakad pabalik sa City Academy upang magamot ang mga sugat na natamo ni Raiko at ng apat. Hindi nagsasalita si Xiyue na nakasunod lamang kay Cali, habang si Raixon naman ay nauunang maglakad dahil gustuhin man nyang tulungan si Aron na akayin ang kambal nya ay hindi rin sya pinayagan ni Aron dahil may mga sugat na natamo rin si Raixon.
-
"YOU are aware about the price for your wish, right? Lahat ng lumalapit sa akin ay buhay ang ibinibigay na kapalit." Saad ng kaharap ni Vier. Hindi na nagulat pa si Vier sa sinabi ng kausap nito, alam na ng binata ang kabayaran noon pa man bago nya naisipang pumunta at humingi ng tulong ng nilalang na iyon sa binabalak nyang paghihiganti.
"Alam ko, at sang-ayon ako sa magiging kapalit basta matulungan mo lamang ako." Sagot naman ni Vier na bahagyang ikinatawa ng nilalang na kanyang kausap.
Pinakatitigan ni Vier ang nasa harapan nya, isa iyong puno na itim ang mga dahon na tila nalantana na sa sobrang tagal ng panahon na ito ay nabubuhay. Ito ang makakatulong sa kanyang binabalak na paghihiganti, dahil tulad ng Tree of life ay nagbibigay din ito ng kapangyarihan, ngunit hindi katulad ng Tree of life ay ang hinihingi nitong kapalit ay ang buhay ng tao.
"Kita ko ang pagka-desperado mo sa gusto mong mangyari, Ginoo. Maaari mo bang sabihin sa akin kung anong dahilan ng paghihiganti mo?" Muling tanong sa kanya ng Arbor Diaboli o mas kilala bilang Devil's Tree.
"My twin brother died, and they killed my parents. Gustong kong maghirap ang lahat ng taong nabubuhay dito para isipin nila na mali na kinalaban nila ang pamilya Hereo." Mabilis na sagot ni Vier habang paulit ulit ang pagkamatay ng kanyang kapatid sa kanyang isipan.
Alam ni Vier na sya ang may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang kambal, ngunit hindi nya iyon matanggap at naghahanap ito ng masisisi sa mga nangyari. At sinisigurado ni Vier na makakapaghiganti sya sa mga immortal na katulad ni Raikoat ng kambal nitong si Raixon na syang sinisisi nya sa lahat.
"Maaari ko bang malaman kung anong klaseng paghihiganti ang ninanais mo?" Muling tanong sa kanya ng Devil's Tree. Sandaling natigilan si Vier na tila iniisip ang isasagot sa kanyang kausap.
Yumuko si Vier ng ilang segundo bago muling nag-angat ng mga mata para matitigan ang itim na puno bago sumagot.
"Gusto kong maghirap ang lahat ng tao at ni isa sa mga immortal ay walang magagawang iligtas ang mga tao, gusto kong mawala ang mga liwanag na naghuhudyat ng maaaring mailigtas sila ng mga immortal. Gusto kong kahit na makapangyarihan ay hindi magagamit ang lakas nya para iligtas ang mundo. Magagawa mo ba iyon?" Desidido ang boses ni Vier at halata ang galit at puot sa kanyang boses.
Hindi nakasagot ang itim na puno bagkus ay mahinang napatawa na tila isang kakatawa ang mga sinabi sa kanya ni Vier, ilang segundo din ang itinagal ng pagtawa na iyon bago tumigil at muling sumeryoso.
"Hindi sana ako tutulong dahil masyado kang maambisyoso na matatalo mo ang nag-iisang Raiko Mihada. Pero dahil tungkol sa Paghihiganti ang nais mo, I'm in." Sagot ng itim na puno, huminto ito ng saglit bago muling nagsalita.
"Nais mong mawala at hindi nila magamit ang kani-kanilang kapangyarihan, hindi ba? Madali lamang iyon para sa akin. Ngayon, maaari ko na bang makuha ang kapalit?" Natigilan si Vier dahil sa sinabi na iyon ng itim na puno, hindi sya agad nakapagsalita dahil sa gulat na hinihingi na agad nito ang kanyang buhay kapalit ng hinihingi nyang tulong.
"Paano ako makakasigurado na gagawin mo nga ang ninanais ko?" Tanong ni Vier na ikinatawa naman ng itim na puno.
"Hindi mo pa nga alam ang mga ginagawa ko, Vier Hereo. Papatayin kita ngunit ang kaluluwa mo ay papasok sa punong ito, bibigyan ako ng lakas ng kaluluwa mo upang magawa ko ang ninanais mo. Ayaw mo bang makita ang mga susunod na mangyayari kapag naisagawa ko na ang ninanais mo?" Naibaba ni Vier ang kanyang mga mata dahil sa sinabi na iyon ng itim na puno sa kanya.
Nasa isip ni Vier na hindi naman siguro nagsisinungaling ang itim na puno sa kanya dahil kilala ito bilang nilalang na ginagawa ang bawat binibitawan nitong salita. Nag-angat muli ng mga mata si Vier at dahan dahan tumango.
"I get it. You can now do what you want to do to me." Sagot ni Vier at segundo lamang ang lumipas noong maramdaman nya ang pananakit ng kanyang katawan, hudyat na kinukuha na ng itim na puno ang kanyang kaluluwa.
Ipinikit ni Vier ang kanyang mga mata at inantay ang mga susunod na mangyayari. Naitikom nya ang kanyang mga labi upang mapigilan ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata, ngunit sadyang taksil ang kanyang mga luha at pumatak iyon kasabay ng pagbasak ng katawan nito sa sahig.
-
"MAY i ask one question?" Tanong ni Raixon sa nakahiga na si Raiko sa kama, may benda ang ulo nito at sugatan ang mukha. Nailipat ni Raiko ang kanyang mga mata sa kanyang kambal at tinAsan nya ito ng isang kilay.
"Alam kong hindi ko dapat muna itanong ito sa'yo dahil baka makasama sa pagpapagaling mo, pero anong ibig mong sabihin sa matagal ng wala si Xiyue?" Tanong ni Raixon kay Raiko, naiiwas ni Raiko ang kanyang mga mata sa kanyang kambal at ibinaling na lamang iyon sa bintana kung saan kitang kita ang maliwanag na kalangitan.
Hindi sumagot si Raiko at nakatingin lamang sa labas ng bintana, nang mahinuha ni Raixon na walang balak sumagot si Raiko sa mga tanong nya ay bumuntong hininga sya at tinapik ng bahagya ang balikat ng kanyang kambal. Tumayo si Raixon at inilagay sa magkabilang bulsa ang kanyang palad bago nagsalita.
"It's okay if you don't want to answer my question. Pero sana lang, sabihin mo sa amin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Xiyue Sy." Ngumiti si Raixon ng bahagya at muling tinapik ang balikat ni Raiko.
Binalingan sya ng mga mata ni Raiko na wala ng emosyon, hindi nagsalita si Raiko kaya naman kumaway na si Raixon bilang pagpapaalam na aalis na sya.
"I'll be back. Go rest and don't think to much about what happened." Saad ni Raixon at naglakad na papalabas ng kwarto ni Raiko, tumiim ang bagang ni Raiko bago muling ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana.
"She died in that accident years ago." Mahina ngunit sapat na upang marinig ni Raixon ang sinabi na iyon ng kanyang kambal, natigil sa paglalakad si Raixon at dahan dahang humarap sa kinaroroonan ng kanyang kambal.
Nakatingin parin si Raiko sa labas ng bintana ngunit kitang kita ni Raixon kung paano tumiim ang bagang nito na tila galit dahil sa nangyari na aksidente noon.
"Xiyue is in Neamora Academy when i lose my control." Dugtong pa ni Raiko na lalong ikinagulat ni Raixon. Hindi sya makapagsalita dahil sa mga nalaman mula kay Raiko.
Yumuko si Raiko, tahimik lamang si Raixon na pinagmamasdan ang kanyang kambal. Kitang kita ni Raixon kung paanong gumalaw ang balikat ni Raiko kaya naman alam ni Raixon na tahimik na umiiyak ang kanyang kambal.
Tumingala si Raixon sa kisame at bumuntong hininga na tila hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin upang mapakalma si Raiko, hindi nya alam ang kanyang gagawin dahil ngayon lamang nya nakita ang kanyang kambal na mawalan ng control sa kanyang emosyon. Alam ni Raixon na sinisisi ni Raiko ang kanyang sarili kung bakit nawala sa kanya ang mahalagang babae sa buhay nya.
"Kung ganoon, sino ang Xiyue na nakakasama natin?" Naigilid ni Raixon ang kanyang mga mata upang sulyapan ang nagsalita sa kanyang likod, kararating lamang ng apat na sina Westley, Aron at Cali kasama ang nakayukong si Xiyue.
Tinapik ni Westley ang braso ni Cali upang sawayin ito sa pagtatanong dahil nasa likod lamang nila si Xiyue, pero hindi non napigilan ang pagtatanong ni Cali dahil gawa na rin ng kuryusidad ay gusto na nyang malaman ang dahilan kung bakit may Xiyue parin silang nakakasama gayong wala naman na talaga si Xiyue.
"Stop it, Cali. Let's get out so that Raiko can rest." Pag-iiba ng usapan ni Raixon at naglakad na papalabas ng kwarto dahil hindi nya makayanan ang nakikita nyang sitwasyon ng kapatid. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay muli syang napahinto dahik nagsalita si Raiko.
"She's a Cyborg. Her body is a human body, but inside her is just a machine." Sagot ni Raiko sa tanong sa kanya ni Cali at binalingan si Xiyue na nakayuko lamang at hindi nag-aangat ng mga mata sa kanya.
Bumuntong hininga si Raiko bago muling ibinalik kay Aron ang kanyang mga mata.
"Then how can she recognized us?" Tanong muli ni Cali at tinignan si Xiyue na nasa kanyang gilid.
Segundo muna ang lumipas bago sagutin ni Raiko ang katanungan na iyon, " They put a memory card in her head. Lahat ng alaala ni Xiyue noon ay inilagay nila sa memory card na iyon at sinalpak nila sa ulo ng cyborg na Xiyue." Sagot ni Raiko na ikinatango naman ni Cali.
Bumuntong hininga naman si Aron at humakbang ng isang beses palapit kay Raiko.
"Stop it now. Even though she's just a Cyborg, she has emotions too. I found out that they put the heart of Xiyue inside her chest." Nangunot ang noo ni Raiko dahil sa sinabi na iyon ni Aron, salubong ang kilay ni Raiko na binalingan si Aron na tila nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi nito.
"Nag-imbestiga ako at nalaman ko kung sino ang nagpadala kay Xiyue dito, and you won't believe if i tell you that it's your mother who sent the Cyborg Xiyue here." Dugtong pa ni Aron na lalo lamang ikinagulat ni Raiko. Naigilid nya ang kanyang mga mata dahil hindi sya makapaniwala sa kanyang narinig.
Maski si Raixon ay hindi rin makapaniwala sa narinig nya mula kay Aron na ang kanilang Ina ang nagpadala ng Cyborg na Xiyue para kay Raiko.
"W-What?" Kunot noong tanong ni Raiko dahil hindi parin ito makapaniwala kay Aron, tumango si Aron at saka nagpamulsa.
"I can't blame her for doing it, because she has her own reasons." Saad pa ni Aron bago umangat ang gilid ng kanyang labi.
"Ako nga ang may kagagawan non, Raiko Sancir Mihada." Sabay sabay ang lahat na napabaling sa nagsalita, halos masilaw pa silang lahay nang mapadako ang kanilang mga mata sa babaeng nagsalita dahil may linawag na nanggagaling sa likod nito na tila iyon ang pinanggalingan nya.
"May mga rason ako kung bakit ko ginawa iyon, Raiko. At sana maintindihan mo ako dahil alam kong mawawala ka sa sarili kung malalaman mo na namatay si Xiyue noong araw na mawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan mo. Sisisihin mo lamang ang sarili mo katulad ngayon." Dugtong pa ni Yzsa na Ina ng kambal.
Hindi naman nagsalita si Raiko at nakatingin lamang sa kanyang Ina na dahan dahang naglalakad palapit sa kanya, ngunit nang malapit na si Yzsa sa kanyang anak ay huminto muna ito upang balingan naman ng kanyang mga mata si Raixon na nakatingin lamang din sa kanya. Ngumiti si Yzsa bago nagsalita.
"You guys need to go back to Mansion de Sancir, mas mapapabilis ang paggaling ni Raiko doon. Ayos lang ba iyon sa'yo, Raiko? Dahil si Raixon alam ko na payag sya." Saad ni Yzsa sa kanyang kambal na anak.
Natahimik naman si Aron at Westley dahil sa narinig. Hindi sa hindi nila gusto na bumalik ang dalawa sa Mansion de Sancir kundi dahil nag-aalala lamang sila kay Raiko na baka mawalan nanaman ito ng kontrol kapag bumalik sya sa lugar kung saan huling pinuntahan nya bago sya mawalan ng kontrol sa kanyang kapangyarihan.
"Ma, I'm so sorry but i won't go back there. Just take Raixon with you." Mabilis na sagot ni Raiko sa kanyang Ina kaya naman bumuntong hininga ang Ina nito at saka naupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Raiko.
"Why? Wala naman na kayong gagawin dito dahil naisaayos nyo na, wala ng msgtatangkang manggulo dahil tapos na ang lahat. Come on, let's go back to Mansion de Sancir." Hindi sumagot si Raiko bagkus ay bumangon ito mula sa kanyang pagkakahiga at binalingan si Xiyue na nakatingin na lamang sa kanilang direksyon.
"Who created her?" Pagbabago ni Raiko sa kanilang pinag-uusapan, bumaling naman si Yzsa para tignan si Xiyue bago nagsalita.
"Your father." Napapikit si Raiko dahil tama nga ang kanyang hinala na kaya hindi nya napansin na Cyborg lamang ang kanyang nakakasama ay dahil ang kanyang ama ang may gawa nito.
Natawa ng bahagya si Yzsa dahil sa nakikitang reaksyon ng kanyang anak sa sinabi nya. Tinapik nya ang balikat nito at tumayo na upang kausapin naman ang kambal nitong si Raixon.
"Ikaw, do you want to stay here like your twin?" Hindi sumagot si Raixon nagkus ay pinakatitigan lamang ang kanyang Ina na nakangiti sa kanyang harapan ngayon.
Dahan dahan itong tumango bilang sagot kaya naman bumuntong hininga si Yzsa dahil sa desisyon ng kambal. Wala na syang magagawa pa, nagdesisyon na ang kambal nya at kilala nya ang dalawa bilang kambal na hindi ganoon kabilis magbabago ang desisyon kahit na anong gawin ni Yzsa. Hahayaan na lamang nya siguro ang kambal nya.
"Okay. Hahayaan ko kayong gawin ang gusto nyong pananatili dito sa City Academy. Pero, Pero... Iuuwi ko na si Xiyue dahil kailangan ng mapakitan ang mga makina sa kanyang katawan." Binalingan ni Raiko si Xiyue na nakayuko na, bumuntong hininga sya at saka tumango hindi dahil sa ayaw nyang makita ang cyborg na iyon kundi dahil nasasaktan sya kapag nakikita nya ang mukha ni Xiyue.
"Xiyue, let's go." Napapitlag si Xiyue dahil sa pagtawag na ginawa sa kanya ni Yzsa at tumango bago ito naglakad upang sumunod kay Yzsa na pumasok na sa liwanag na alam nilang portal iyon pabalik sa Mansion de Sancir.
Pabagsak na naupo si Cali sa sofa dahil pigil ang paghinga nya kanina sa kaba, hindi ito makapaniwala na nakita nya ang Goddess of light na minsan lamang magpakita sa mga immortal.
Pagkawala naman ng liwanag ay sya ring pagdilim ng kalangitan na nagpormang bilog, katapat non ang isang malaking puno na tila hinihigop ang kanilang lakas.
"What the hell is that?" Tanong ni Cali habang tinuturo ang malaking puno na may itim na liwanag na nakapalibot dito, kitang kita rin ng mga magkakaibigan kung paano unti unting naging itim ang paligid at unti unting nawalan ng kulay ang paligid.
Nagsalubong ang kilay ni Raiko dahil sa nakikitang pagkawala ng kulay at liwanag ng paligid. Sunod nyang pingmasdan ang maitim na puno.
Napamura sya sa kanyang isipan at bumangon sa kanyang pagkakahiga, nang binalingan nya ang kanyang mga kaibigan ay wala ng kulay ang mga kasuotan at katawan ng mga ito kaya naman nagtiim ang kanyang bagang.
"Here we go again. Kakatapos lang natin makipagpatayan kanina, ito nanaman." Pagod na saad ni Cali at pinagmasdan ang paligid na unti unting nawalan ng kulay.
-