webnovel

C2

. [This Chapter is EDITED. Edited chapters sometimes have 2k words below and some are 10k words above.]

*BOOM!*

O_O???

'Ano yun!?'

"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!"

"WHAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

"TAKBOOO!!!!!!!"

Naririnig kong ingay sa labas at bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Dali dali akong bumangon para tignan kong ano ang nangyayari sa labas.

"Ano'ng nangyayari? Sean?" rinig kong tanong ni Andrea nang bubuksan kuna sana ang pinto palabas ng tulugan. Nilingon ko siya.

"Hindi ko alam. Narinig kolang ang ingay kaya titignan ko sana."

"oh may gad. Ano nanaman kaya ang nang yayari." bulong niya sa sarili. "Sean. Teka." sabi niya at tumakbo papunta sa kwarto niya. Lumabas siya na may dalang dalawang espada. Dalawa pala yun?!'

"Dalawa pala espada m—"

"Oo oo. Dali. Kunin mo to." sabi niya at binigay sa 'kin ang isa.

Tinignan ko ang espada. Subrang kintab nito at nakikita kuna ang mukha ko dun dahil sa kintab. Maganda hawakan ang hawakan nito.

Natigil ako sa pag tingin sa espada nang mag salita siya.

"Ibaba mo muna yan. Baka tamaan mopa ako." sabi niya at binaba ko ang espada. Humarap ako sa pinto. Maingay parin pero dina sing ingay kanina. Nang hawakan ko ang door knob ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinakiramdaman ko muna ang espada. Hindi sya mabigat, pero 'di din magaan. Subrang haba nito.

"Andrea."

"Oh?"

"Umm.....kasi..."

"Takot ka?"

"Uhm.. Hinde."

"Ah. Okay."

"Ayaw kong humawak nito." ang espada ang tinutukoy ko. "Baka matamaan kita."

"Ha? P-pano ka?"

"Mas ok pa ako kong wala akong hawak na espada."

[ Andrea's POV ]

'Nalilito ako'

"Sigurado ka?"

"Mm."

"Sige sige." sabi ko at kinuha ang espada na hawak niya.

*BOOM!!!*

Napayuko sandali si Sean dahil siguro sa gulat. Subrang lapit nong sumabog. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Subrang bilis.

Binuksan ni Sean ang Pinto. Maya-maya pa ay lumabas siya sa Dorm na tinatawag niyang tulugan. Nilibot niya ang tingin sa paligid at huminto. Lumabas naman ako at tinignan ang tinitignan niya at 'di ako makapaniwala sa nakikita ko. Namin. Napapikit ako at nang imulat ko ang mga mata ko ay' di parin ako makapaniwala! Nakikita ko ngayon ang tatlong tao na may dalang baseball bat at pinapalo ng malakas sa mga zombie! Sigurado akong magugulat ako at hindi makapaniwala pag nakakita ng zombie pero mas hindi kapani-paniwala ang nakikita ko! Ang mga zombie na nakikita ko ay kagaya sa zombie sa Minecraft! Nilibot ko ang mga mata ko at maya-maya pa'y may nakita akong skeleton na kagaya rin sa skeleton sa Minecraft! May dala itong pana (bow) at mga arrow sa likod niya! Nang may makita ito ay kumuha ito ng arrow para itira at tumira. Pero hindi naman ito kasing bilis sa pana na nakikita ko noon. Pwedeng pwede itong mailagan ng normal na tao at sigurado akong maiilagan ito si Sean dahil sa bilis niya at kakayahan. Bumaling ako kay Sean.

"Sampalin monga ako, Andrea."

'YES!'

"Ha?" ako. Kunwaring hinde siya narinig.

"Sampalin monga ako, Andr—"

*PAAK!*

"Gising nga ako. Hala! Gising ako?"

"Gusto mong Sampalin kita ulit?"

"W-wag na. Masakit." mabilis niyang sagot. Tumingin ulit ako sa mga kasing edad ko na may dalang baseball bat kanina.

Tinignan ko ang isa sa kanilang tatlo. Parang iniipon niya ang lakas niya para mahampas ang isang Zombie na palapit sa kanila. Nang sakto na ang layo ng Zombie ay pinalo na niya ito pero nahulog ang ulo ng zombie bago pa ito matamaan kaya lumampas ang baseball bat at natamaan ang kasama niya sa noo. Medyo Napayuko ako at medyo lumiit din ang bukas ng isang mata ko sa nakita ko.

Ouch

Kinuha ni Sean ang isang espada ko at pabaliktad itong hinawakan kaya ilang centimeter na lang ay didikit na ang matalim na dulo ng espada sa lupa. Tumakbo siya papunta dun at sumunod ako. Habang tumatakbo ay nakatingin ako sa dulo ng espada. Hindi ito nadidikit sa lupa at nananatiling ganon ang layo sa lupa. 3 inch.

How!?

Pagdating namin sa kanila ay nakita namin ang isa sa kanila ang nag pa ikot-ikot na sa semento habang hawak-hawak ang noo. Ang isa naman sa kanila na nakatama sa kanya ay nasa tabi niya. Lumapit ako dun.

"Ah!" sigaw ng natamaan.

Tinignan ko ang nakatama sa kanya. Namutla ito at kitang-kita sa kanya ang pag aalala sa kasama

"A-asan ang dorm nyo?" tanong ko sa kasama niya.

"N-nilisan na namin. Ang daming zombie dun!"

"May ice ba kayo sa Dorm nyo?"

"M-meron pero andaming zombie dun."

"May skeleton ba dun?"

"W-wala." matagal siyang nakasagot.

Tinignan ko ang mga zombie na pinapalo nong kasama niya kanina nong nasa dorm pa kami ni Sean. Andon ang kasama niya na namamalo parin at parang pagod na at hinihingal pa. Tinignan ko si Sean.

Sumugod siya sa isang zombie at umikot at pinutol ang ulo ng Zombie. Tumingin siya sa kaliwa at pabaliktad nanamang hinawakan ang espada, umikot siya at sinaksak ang zombie na nasa likod na niya! Habang Tinitignan ko si Sean ay nahuli ng mga mata ko ang isang skeleton na tumira at papunta ang arrow sa katabi ko ngayon na napapanood na! Tinignan ko si Sean, parang naramdaman niya ang Arrow kaya bumaling siya sa Arrow at hiniwa ito dahilan para mapunta sa malayo ang likod na parte ng Arrow at mapunta naman sa malapit sa paa ko ang kabila.

"Wow...." Wala sa sariling sabi ko dahil sa pagka mangha. Bumaling ako sa katabi ko at kita rin sa mukha niya ang pagka mangha kay Sean. "Ituro mo kong sa'n ang Dorm n'yo." tanong ko.

"P-pero madaming—"

"Aish!" si Sean na nakaharap sa katabi ko. "Anong pangalan mo?"

Nagtataka naman siyang tinignan ng Katabi ko. "Y-yin."

"Yin?"

"Yin."

"Oh, yin. Kita mo naman siguro kong ano ang nangyari ngayon sa kaharap nyong zombie kanina diba?" sabay kaming tumingin ni Yin sa mga Zombie na kanina'y pinagpapalo niya at agad na nanlaki ang mga mata ko pag tingin ko dun! Tumba lahat ng zombie! May mga naglalakad palapit sa 'min pero nasa malayo pa. Bumaling kami ni Yin kay Sean. Saglit kong tinignan si Yin at kita sa mukha niya ang pagka gulat at pagka mangha sa ginawa ni Sean! Ngumisi si Sean. Mayabang  "Ituro muna kong saan para makabalik na kami ni Andrea sa tulugan. Nagugutom na ako kaya ituro muna." utos ni Sean kay Yin at bumaling sa kasama ni Yin. Lumapit si Sean sa kasama ni Yin. "Woi. Pwede moba ituro kong saan ang tulugan n'yo?" tanong ni Sean sa kasama ni Yin na nakatama sa kaibigan. Mabilis naman tumango. "Good." Bumaling si Sean kay Yin. "Tulungan mo itong kasama mo." tinuro yong kaninang nag pa-ikot-ikot sa sahig. Lumapit si Sean sakin. "Hehe. Maangas naba ako tignan?" bulong nito at gulat na lumingon sa kanya.

"Ha?"

"Hehe. Maangas naba ako tignan?" pag uulit niya ng mahina pero sapat na para marinig ko.

"Ha?"

"Crush moba si Yin?" bahagya pa akong nagulat nong biglang naging seryoso ang mukha niya. "Ano nagustuhan mo sa kanya? Gwapo ba siya? Mukha ba siyang Ching Chong?"

"Ching Chong?" kunot-noong tanong ko.

"Mga taga china. Ching Chong."

.___________.

"Ok."

"aish!"

"Crush koba si Yin? Hinde. Ano nagustuhan ko sa kanya? Wala. Gwapo ba s'ya? Medyo. Mukha ba siyang Ching Chong? Medyo." sagot ko.

"Eh....bakit tinitignan mo siya kanina?" kunot-noong tanong niya. Nagtaka naman ako sa mga tanong niya.

"Alam mo bang..." pa bitin kong sabi.

"A-ano?"

"Mas seloso kapa sa lalake na may jowa." naka-ngisi kong sabi sa kanya at nanlaki naman agad ang mga mata niya.

"H-hinde... T-takot lang ako. Baka ma hypnotize k-ka." sagot niya. Obviously lying.

"Pffft. You're obviously lying, Sean." sabi ko sa kanya. Mas nanlaki naman ang mga mata niya at tinalikuran ako.

Lumapit siya sa kay Yin. Akay-akay na nila yong isang kasama.

"Ano ang mga pangalan n'yo?" tanong ni Sean. Dahil matagal kona siyang nakasama ay alam kong sinusubokan niyang maging Maangas. Sinusubukang maging maangas matapos mapahiya. Pero...sa'n ka napahiya, Sean? Sa 'kin?

"I'm Yin. Yin Roma Olip." sagot ni Yin.

Bumaling si Sean dun sa kasama ni Yin na nakatama ng kaibigan gamit ang baseball bat. "Ikaw?" si Sean.

"Lucas Green." sabi nong naka tama ng kaibigan gamit ang baseball bat. "By the way, bago pa kami dito. We're not from the Philippines. Galing kami sa ibang bansa."

"No one ask." si Sean. Bumaling siya sa natamaan ng Bat na nakatingin sa kanya. "Name?"

"Why are you asking our names?" kunot-noo nitong tanong kay Sean pero Sarcastic ito sa aking ears.

"Ha! Syempre! Alangan naman tatawagin ko kayong HOY! ganon?"

Hindi nakasagot yong natamaan ng Baseball bat sa ulo. Parang napapahiya.

Umayos ng tayo si Sean.

"Hoy. Ituro n'yo sa 'kin kong saan ang tulugan n'yo." utos ni Sean sa kanila Yin. Tinuro ni Yin ang daan at sumunod kami.

Habang nag lalakad ay tinitignan namin ni Sean ang paligid. Tagabantay. Nasa unahan si Sean at ako naman ay nasa likod. Pag dating namin do'n ay kunti lang ang zombie.

Sa labas ng Dorm nila.

"Yin." si Sean na parang may hinahanap. Ano nanaman ba ang trip mo, Sean??

"Yes?"

"Bakit unti lang?"

"Wag kanga may mayabang, Sean."

"H-hinde ako nag mamayabang, Andrea." kunot-noong sagot niya. "Kasi....."

"Ano?"

"Walang patay kanina diba?"

"M-may unti."

"So..." bumaling siya kay Yin. "Gaano kadami yong kanina?"

"M-madami. Subrang dami. Nag didikitan nanga e'." sagot ni Yin. Bumaling sa 'kin si Sean.

"Kong nag didikitan na sila kanina. At ngayon ay parang lima lang nakita ko... Nasa'n ang kaninang sinabi mong nag didikitan?"

"Bat ako tinitignan mo? Sila Yin yong nag sabi!" ako. Bumaling naman si Sean kela Yin.

"Nasa'n ang kaninang sinabi mong nag didikitan?" pag uulit ni Sean sa tanong niya sa 'kin kanina habang nakaharap kila Yin. Nag tinginan naman ang tatlo.

"H-hinde ko alam." si Yin.

"Hinde koden alam. I'm Jakiro Josh by the way."

"Hinde koden alam." si Lucas. "Bakit ka nag tatanong?"

"Wala kanamang sinabing bawal mag tanong diba?" si Sean.

>>_<<

"Oo, oo."

Bumaling si Sean sa 'kin. "May clue kaba kong saan pupunta ang mga zombie?"

Nag-isip ako. Saan ngaba? Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm..... Wala ako maisip.

"Wala."

"May hula kaba kong saan?"

"W-wala den."

"Aishh!"

"B-bakit?"

"Kong nag didikitan na sila ay syempre, Madami yun! Ang tanong kasi ay kong saan sila pumunta!"

"Pasok muna kayo." sabat ni Jakiro.

"'Dina. Lagyan monalang ng Ice yang ulo mo, Jakiro at isara n'yo lahat ng pintuan at bintana."

"S-sige. Salamat." si Jakiro. At nag simula na kami mag lakad ni Sean pabalik sa Dorm namin. Habang nag lalakad kami ay panay lingon sa paligid si Sean.

"Shemay... Katakot." si Sean.

Tumingin ako sa paligid habang nag lalakad at Nakikiramdam.

Malamig ang simoy ng hangin. Hindi medyo mainit kasi may clouds. Naka sara lahat ng pintuan na makikita namin at pati na ang mga bintana. Hindi malakas ang pakikiramdam ko sa paligid kagaya ni Sean pero nararamdaman kong may madaming mata na nakatingin sa 'min. Natatakot ako pero ang takot ko ay hindi pareho sa naiisip ko. Kasi ang nasa isip ko ay mga panget ang zombie at yun ang nakakatakot talaga pero ngayon ay Minecraft na Zombie. Para lang kaming nasa laro. Ang takot ko ay hindi kagaya sa Zombie apocalypse na nasa mga movie. Sa mga movie ay ang mararamdamang takot ay ang Out Of Stock sa pagkain at pagkamatay pero wala sa dalawa ang kinatatakutan ko. Well.... Natatakot ako na mamatay kasi posible talaga kaming mamatay. Alam ko na pwedeng pwede mangyari ang pagka ubos ng makakain pero diko alam kong bakit hindi ko maramdamang natatakot ako na mangyari yun. Ang nararamdaman kong takot ay..... Kong ano ang susunod na mangyayari. Natatakot ako sa mga kasunod pa na mangyayari. Gusto kong i-stop ang pag iisip kong ano ang susunod na mangyayari pero 'di ko mapigilan ang sarili ko na mag isip. Gusto kong paghandaan ang susunod na mangyayari pero pano? Pano ko malalaman ang susunod? Paano ako, kami makakapaghanda? Paano kong wala kaming magagawa sa susunod na mangyayari?

"Andrea." si Sean. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Mm?"

"Canteen ba yun?" turo niya sa istraktura na diko din alam kong ano. Mukhang canteen.

"'Di ako sigurado."

"Canteen o Cafeteria?"

"'Di ko alam."

"Sa tingin mo. Pareho lang ba ang Cafeteria at Canteen?"

"hmm....Oo."

"Ako hinde."

"Baket?"

"Kasi.... Ang Canteen ay may mga Can Goods at para sa mga Teen. Can-Teen. At ang Cafeteria ay may kape."

Ô_Ô

May

"May can-goods sa Canteen?"

"Sa loob, diko alam. Sa pangalan, siguradong meron."

*Face-palm*

"Wag mona nga isipin yan, Andrea. Punta tayo sa Canteen. Kuha tayo food." aniya at nag lakad papunta sa Canteen. Tinignan ko siya mag lakad at maya-maya pa'y sumunod na ako sa kay Sean. Huminto siya sa harapan ng Canteen at bumaling sa 'kin at maya-maya ay humarap sa Canteen. "Sarado." aniya at umaktong sinusuri ang labas ng Canteen. "Sarado talaga."

"Oh.... Ano na ang Plano mo?"

"Plano?"

"Oo."

"Plano...Plano...Plano... Kumain."

"...Okay." sabi ko at nag simula na kaming mag lakad pabalik.

Habang naglalakad pabalik ay napansin kong wala na akong makitang mga Zombie at Skeleton. Medyo nakahinga ako ng maluwag pero kinakabahan parin ako. Ano ang nangyayari?

"Sean."

"Mm?"

"Pansin mo bang.... Wala nang Zombie?" tanong ko at luminga-linga siya sa paligid.

Medyo nakakapag taka lang. Hindi niya ba pinapansin ang existence ng zombie ngayon? Bakit di niya napansin??

Baka may iniisip lang na malalim, Andrea, Wag kang mag hinala.

Pero ano ang iniisip niya?

Iniisip niya din ba kong ano ang nangyayari?

Oh...baka iniisip niya kong ano ang sunod na mangyayari?

'Di ako nahinto sa kakaisip kong bakit  hindi agad yun napansin habang nakatingin sa kanya.

"Oh." sagot niya.

.____.

SA DAMI NG INIISIP KO KONG BAKIT 'DI NIYA NAPANSIN...AIISSHH!! SINO BANG NAG SABI SA 'KIN NA 'DI NIYA YUN NAPANSIN!?

"Bakit?" si Sean.

"Anong Bakit?"

"Bakit ngayon kapa nag tanong? Ngayon mopa naisip?"

"O-oo."

"Baket?"

>>_<<

"K-kasi...." napa-isip ako. Ano ngaba ulit ang iniisip ko? Hanla! 'Diko matandaan!! "A-ano kasi...."

"Ano? Hmmm." omakto siyang nag iisip. "Iniisip mobang.........crush ka ni Yin?"

Ô_Ô

Bakit ba ganon ang mga tanong n'ya?

Sa natatandaan ko ay matalino si Sean. Dahil sa talino n'ya ay halos alam na n'ya lahat ng nasa utak ko.....pero.......bakit subrang layo ng ngayon?

Inisip ko ang mga pangyayari.

Tumingin ako kanina kay Yin pero subrang dali lang. Hindi matagal. Hinde nga abot ng 5 seconds yun eh!

"Hindi yun ang iniisip ko.. At baket ba yan ang iniisip mong iniisip ko? We're not in a relationship, Sean."

"Not now.... Soon."

"H-ha?"

"Tsk. Hinde na ako magugulat kong bukas ay a-angkinin muna ang word na "Ha". "

"..."

"Dali na. Balik na tayo." aniya't nag lakad. Sumunod naman ako.

Habang nag lalakad ay napaisip ako. Ano bang nasa loob ng iyong utak, Sean?

Ilang minuto ang nakalipas ay nakabalik na kami sa Dorm. Sinuri namin ang loob kong may Tao ba o kong may nanakaw ba and Thank God wala.

Nasa loob ako ng kwarto ngayon ni Sean habang nag lalaro. Si Sean naman ay nag babasa nang biglang.

"Sa mga natitirang buhay. Lumabas kayo at ililigtas namin kayo." na dinig kong ingay sa labas. Nag ka tinginan kami ni Sean. Maya maya pa'y dali dali naming kumuha ng mga magagamit at lumabas.

»End of Chapter 2«

Follow my FB page for updates : Dogeneedlab

次の章へ