webnovel

Chapter 3: The Prisoner

"Imahinasyon ang puhunan

Mga bagay na hindi pa nadidiskure ang iyong malalaan

Imulat ang iyong mata

Para makita ang mundong na nababalot ng mahika"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Patuloy akong naglibot sa lugar hanggang marating ko ang isang water falls. Napakalins ng tubig doon. Makikita mo ang ilalim nito dahil sa linaw ng tubig. Kuminang ito na tila ba isang kristal nang masinagan ito ng araw. Sana may ganito din samin kaso wala. Pwede namang magkaroon kung disiplinado ang mga tao. Kung matututo lamang sila na magtapon ng sa tamang lalagyan at panatilihin ang kalinisan ng paligid ay baka meron nadin kaming ganyan.

Babalik na sana ako nang tumama ako sa isang matigas na bagay dahilan kung bakait ako nawalan ng balanse at matumba

"Ouch" daing ko. Nilingon ko kung saan ako nabangga at....

"AAAAHHHH!!!" gulantang na sigaw ko saka gumapang palayo.

Hindi pala bagay ang tumama sakin kundi isang...TAO?!

Bakit may tao rito? Akala ko ba ako lang ang nandito. Paanong nangyaring may ibang nakapasok dito

"Anong ginagawa ng isang taga lupa rito? Paano ka nakapasok?" tanong nito sabay labas ng patalim at itutok iyon sakin

"Hindi ko alam, basta aksidente na lang akong nakapasok dito tapos ayaw ng bumukas ulit nung pinto" mabilis na paliwanag ko habang nakataas ang dalawang kamay senyales ng pagsuko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusuri ang aking itsura. Huminto siya sa mukha ko at ilang segundo tumitig doon bago itago ang patalim niya. Pigil ang hininga ko at hindi gumagalaw. Baka isang maling galaw ko lamang ay patayin ako nito

Tumayo ito ng diretso saka tumawa ng malakas. Nakahawak pa ito sa tiyan niya.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tawa niya

Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya. Aba siraulo to ah.

Tumigil ito sa pagtawa at naglahad ng kamay sabay ngiti sakin. Nagtatakang tinignan ko iyon saka nakipag kamay sa kanya. Biga bigla namang tumatawa ito akala mo namang kinulang sa buwan ang sarap tuloy batukan

"Felix ang aking ngalan at dito ako nakatira" pakilala nito habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi

Aba! Akalain mo nga namang may nakatira pala sa ganitong lugar

"Ako si Aprodite pero Love na lang ang itawag mo sakin. Pasensya na at hindi ko alam na may tao pala sa lugar na ito" sabi ko naman

"Ako dapat ang nagsasabi niyan dahil sa unang pagkakataon ay may nakapasok sa Ekbasis na taga lupa" paliwanag nito

Ano daw?

"Ekbasis? Ano yun?" nagtatakang tanong ko

Hindi niya ako sinagot at tumingin sa kalangitan kaya hindi ko maiwasang mapatingin din doon. Nagdidilim na ang kalangitan at nagsisimula na nading umihip ang malakas na hangin badya na malapit ng umulan

"Siguro kailangan na nating humanap ng masisilungan. Mukhang magiging malakas ang ulan" suhestiyon nito saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Naiwan naman akong nakatayo at walang kaalam alam sa nagyayari. Palaisipan parin sakin kung sino ang lalaki nayon. Oo tama ang narinig niyo, lalaki ang wierdo na yon.

Lumingon siya sakin nang makitang hindi ako umaalis sa pwesto. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay

"Hindi ka ba sakin susunod taga lupa? Baka maabutan ka ng malakas na ulan" sabi nito

Kahit nagtataka ay mukhang no choice nadin ako dahil nagsisimula nang pumatak ang maliliit na butil ng ulan. Nagmamadaling sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta na lang siyang nagkad at nagpasikot sikot sa kakahuyan hanggang sa marating namin ang isang malaking puno na may...

"Tree house?!" sigaw ko. What in the world...…

Paanong nagkaroon ng tree house sa gitna ng gubat dito.

Nagsimula siyang umukyat sa hagdan. Sumunod naman ako kahit nagtataka. Pumasok kami sa loob. Nagsindi niya ng apoy sa lampara saka naupo sa upuang malapit sa kanya.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan nito. Sakto lamang ang laki nito. May higaan na kasya siya, may lamesa at mga upuan at kaunting kasang kapan

Itinuro niya sakin at upuang nasa harap niya. Naupo naman ako.

Ngumiti siya sakin " Ekbasis ang tawag sa lugar na ito" panimula niya. Tumango naman ako

"Bakit parang ikaw lang ang nakatira dito" kanina ko pa gustong itanong yan sa kanya. Nagsimula nang lumakas ang ilan at sumabay naman ang kulog at kidlat

Nawala ang ngiti niya at tumingin sa malayo

"Ito ang parusa sakin" panimula niya. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ako nagsalita

"Sa mundo namin ay may ipinatutupad na patakaran. Lumabag ako sa isa don at ang kaparusahan ay ikukulong ako habang buhay dito sa ekbasis. Kapag nalaman ng mga nasa taas na lumabag na naman ako ulit sa patakaran ay mawawala na parang bula ang lugar na ito kasama ako" kwento niya

Grabe naman sa parusa. Hindi ba uso sa kanila ang second chance. Sayang naman yung lugar na ito kung maglalaho din.

Napaisip ako. "Ano ang ibig sabihin ng 'mga nasa taas'" ang dami namang kemerut sa mundo nila ang komplikado masyado

"Mga pinuno o namamahala sa mundo namin' sagot naman niya.

Napatango ako. Tinignan ko siya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng damit na kamukha nang sa mga duwende pero hind naman nakakatakot ang itsura niya.

To be honest, ang gwapo nga niya eh.

Shuta ang harot ko na naman

Napatingin ako sa mukha niya. Makapal ang kilay niya, kulay kape ang mga mata niya, may matangos na ilong at may manipis na labi. Ang taray ha parang mas maganda pa siya kaysa sakin pero teka maganda ba ako?  Syempre naman, alangan idown ko sarilli ko

"Magkwento ka naman tungkol sa mundo niyo" sabi ko. Nacucurious talaga ako eh

Napaisip naman siya. "Sa mundo namin? Wala namang masyadong espesyal sa mundo namin maliban na lang na lahat ng tao don ay may mahika" kwento niya

Wait…..what?!. Mahika as in magic?!

"Mahika?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya.

"Edi meron ka rin?" naeexcite na tanong ko

Umiling siya "Tinanggalan nila ako ng mahika" malungkot na sabi niya

Ay ano ba yan. Pati ba naman yon. Hindi ba parang ang harsh naman nila masyado. Ganon ba kabigat yung naging kasalanan niya. Ikinulong na nga siya dito ng mag isa tapos tinanggalan pa ng magic. Ang saklap naman pala ng buhay ng kupal na ito.

"Ikaw ba, anong meron sa mundo niyo" siya naman ang nagtanong

"Ay jusko! Ang daming huhusga sayo. Kahit maliit na bagay palalakihin nila tapos kung ano ano pa ang sasabihin nila sayo kahit hindi naman totoo" kwento ko

Totoo naman kasi eh. Kung ano ano sinasabi nila sayo kapag nakatalikod ka pero kapag naman nakaharap kana akala mo mga angel sa bait. Pweeh! Ang plastik nila

"Nakakatakot naman pala sa mundo niyo" saabi niya saka humaalukipkip sabay ngiti. "Kwentuhan mo pa ako" sabi niya

Aba! Nagustuhan naman masyado.

"Ano naman ikukwento ko sayo" tanong ko

"Kwento mo sakin kung paano ka nakapasok sa ekbasis" sabi niya

"Yung tungkol naman diyan ah basta mahabang kwento" sabi ko

Sumimangot siya. "Makikinig naman ako eh"

Napabuntong hininga ako. Well I guess I have no choice but to tell him the story

"Ganito kasi yun, sa tinitirahan ko sa likod non ay may pader tapos aksidente kong nakita yung butas doon." Panimula ko. Tumango naman siya at umusog pa ng bahagya sakin para marinig niya ako ng malinaw.

"Tapos pumasok ako doon sa butas ng pader. Puro matataas na puno yung nakita ko at mga iba't ibang kulay ng paru paro. May nakita akong liwanag sa dulo ng kakahuyan kaya pumunta ako doon. Paglabas ko naman ng kakahuyan ay bumungad sakin ang isang malawak na lupain na puro bulaklak tapos sa gitna nang lupain na iyon may nakita akong pinto. Syempre nagtaka ako kung bakit may nakatayong pinto out of nowhere kaya binuksan ko iyon kaso tanga ako kaya napatid ako at aksidenteng nakapasok dun sa pinto tapos nung binubuksan ko kaso ayaw naman kaya napunta ako dito" mahabang kwento ko. Grabe hiningal ako don.

Tumango tango naman siya ng marinig yung kwento ko

"Yung lugar na nakita mo bago ka makapsok sa pinto ay tinatawag na Bridge" sabi niya. "Yun ang nagduduktong sa mundo niyo papunta sa ekbasis"

So bridge pala ang tawag sa lugar na iyon. Napatingin siya sa labas

"Tumila na ang ulan. Kung nanaisin mo ay ililibot kita sa buong ekbasis" sabi niya saka tumayo

Naexcite naman ako dahil baka may panibagong lugar o bagay na naman akong makita.

Ngumiti ako saka tumayo nadin. "Let's go!" masayang sabi ko. Tumingin siya sakin na nagtataka

 

"Tara na ang ibig sabihin non samin" paliwanag ko at napatango naman siya. Sabay kaming lumabas ng tree house

Mukhang magiging masaya ang paglalakbay ko sa ekbasis

(The pictures are from pixabay.com, unsplash.com and Pinterest. Big credits to them)

(Ang ekbasis po ay isang greek work means "a way out" at ang english po ng ekbasis ay escape)

次の章へ