Hema's Pov
Circus kingdom - It's a Palace of Deavore's Family. Madaming rides ang bayan nila tinatawag na 'Circusana' . Parang normal lang kung para sa mga mortal na tao. Deavore's family owning a University and Academy. University located from Manila for the mortal. Academy is located from Circusana which are people who has special powers.
Napatayo ako agad nang may sumabog sa labas ng palasyo. Nag panic agad ang mga tao sa loob. Nagkatinginan kaming dalawa ni clarissa at tumango.
"Fatima. Samahan mo si hera" sabi ni clarissa kaya tumango naman agad si fatima at tumakbo kung nasaan nakatayo si hera. agad naman kaming tumakbo dalawa ni clarissa papunta sa labas. marami pa kaming nakasama baka mga students ng academy.
Pagkalabas namin sa palasyo bumungad samin ang sunog na garden at Likod ng palasyo. I summon my power Water Elemental.
"Aqua!" Sigaw ko at bumuhos ang ulan sa garden at sa likod palasyo. nagulat pa si clarissa sa ginawa ko kasi ang alam nila i'm just a dragon.
Natigilan kaming lahat sa matinis na boses. tinignan ko ang kalangitan ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang mga destroyer na lumilipad.
Kaya hindi na ako nag akasya ng oras at sinugod ang mga destroyer na sumugod din samin . I summon my water sword at walang kahirap-hirap na hinampas sa mga destroyer. mabilis ang reflexes ko kaya hindi nila ako matamaan ng kanilang itim na maharlika. nang hindi na uubos ang mga destroyer. I transformed into a Dragon at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ng mga Estudyante na kasama namin nang makita ako.
Third person's Pov
Sumugod ulit ang mga destroyer sa gawi ni Hema kaya binugahan sila ito ng apoy . sumigaw naman sila sa sakit naramdaman. napangisi si hema sa ginawa niya sa mga destroyer. sa kabilang banda nakikipag laban naman si Clarissa sa ibang destroyer hindi naman mahirap sa kanya ang harapin ang iba kasi wala patama sa kanya ang itim na maharlika. sa kalayuan hindi alam ni clarissa na may paparating sa kanya na itim na bolang apoy. Patuloy lang siya sa pakikipaglaban sa mga destroyer hanggang sa tumama na sa kanya ang itim na bolang apoy. napasigaw siya sa sakit. Kakaibang sakit ang dulot nito. Sa kalayuan napangisi naman ang lalaki sa ginawa niya sa babae na namimilit sa sakit bandang tagiliran niya.
"clarissa!" Sigaw nang babae na humahangos papunta sa sa kay clarissa na humahabol ng hininga. "Clarissa! Naririnig mo ba ako?!" Sigaw ulit ng babae . Wala sa sariling tumango si clarissa at minulat ang mga mata. Nakita niya agad ang mukha ni fatima na lumuluha. "Kayanin mo ang sakit" sabi ni fatima. Sinimulan niya ang kakayahan niyang manggamot at may binigkas na salamangwikain. Naramdaman naman agad ni clarissa ang sakit na parang hinigop ang kanyang kalooban. napapikit siya at napakapit kay fatima.
Habang ginagamot ni fatima si clarissa. sa pintuan naman ng palasyo nakatayo si hera at tinatanaw ang magkaibigan. Minamasdan din ang paligid baka sakaling may magtangkang patayin isa sa kaibigan niya habang busy ito sa paggamot. Napahinto ang mata niya sa nakatayong tao na naka balabal na itim at direkta itong nakatingin sa kanya. Halata sa tindig ng tao na lalaki siya. Hindi makita ang mukha kasi naka suot ito ng mask na itim.
Tinignan niya ang lalaki kung saan naka tayo kanina pero laking gulat niya lang na nasa harapan niya na ito at nakangisi.
"S-sino ka?" Nauutal na tanong ni hera. Pamilyar din ang mga mata niya sabi niya sa sarili. Aatras na sana siya nang bumigkas ng salamangka ang lalaki. Laking gulat niyang nakalutang na siya sa ere.
"Pasensya kana kung kailangan ko tong gawin sayo" malamig na sabi ng lalaki pero halata ang sinseridad sa tono ng paghingi ng pasensya.
Maya't maya naramdaman niya na parang kinakapos siya ng hininga. Parang sinasakal siya. Napahawak pa siya sa leeg niya. Iniisip niya ang kanyang mga tauhan at ang kaharian napakahina niya bilang Reyna wala manlang siya magawa sa isang sakal lamang. Bumuhos naman agad ang kanyang mga luha .
"Kailangan mong mamatay para wala nang sagabal sa plano niya. I'm sorry hera" sabi ng lalaki pero hindi niya ito pinansin bagkus kinumpas niya ang kanyang kanang kamay para tawagin si hema na tulungan siya. Alam ko na kung sino siya sabi ni hera sa sarili.
"Ah sh*t!" Sigaw ng lalaki at napaluhod ito at may kinapa sa likod. Arrow. Hinanap niya si hema at hindi nga siya nagkamali nandoon siya sa kalayuan kasama sila clarissa at fatima. "A-aaahhh!" Sigaw ng lalaki . Kaya ganun nalang ang gulat niya ng babagsak na siya sa sahig pero laking gulat niya nang may sumalo sa kanya.
"Sorry if i'm late my queen" bulong ng lalaki na sumalo sa kanya. Natulala pa siya sa mukha nito at napahawak sa dibdib ng bumilis ang tibok ng puso niya. Anong nangyayari sakin? Sabi niya sa saril. "Okay kalang ba?" Tanong ng lalaki at hinawakan pa siya sa baba neto. namula naman agad ang kanyang mukha kaya yumuko agad siya. "Namumula ka hera" bulong ulit ng at parang nagulantang ang puso niya dahil sa malambing ang tono ng lalaking kaharap niya.
"C-clover.." mahinang sabi ni hera. At binaba niya na si hera sa kanyang bisig.
"At dito pa talaga kayo sa harapan ko gawin yan?!" Sigaw ng lalaki kaya napatingin ang dalawa sa kanya. Nakaluhod parin siya at hinahawakan ang likod kung saan may sugat.
"At sino ka para sigawan ako?" walang emosyong tanong ni clover. Napangisi naman ang lalaki agad na tumayo ito at binunot ang panang bumaon sa likuran niya. Napasinghap pa si hera . Kumunot naman ang noo ni clover.
"Umalis ka diyan para mapatay ko na ang babaeng yan!" Sigaw ng lalaki sa kay clover.
"Sino ka din para utusan ako? Isa ka lamang hamak na destroyer." Malamig na sabi ni clover. hindi naman ito pinansin ng lalaki bagkus sumugod siya kay clover inambahan ng suntok. pero agad naman ito naiwasan ni clover. "Mahina. Napakatapang mo para utusan at sigawan ako pero hindi mo man lang mahawakan ang kahit katiting ng katawan ko." Ngising sabi ni clover sa lalaki. Kaya't uminit ang ulo ng lalaki at tinawag ang kanyang totoong kapangyarihan. Kumidlat at kumulob nagulat naman si clover sa ginawa niya. "Nakakapagtaka. Isa kang destroyer pero bakit may kakayahan kang gamitin ang kapangyarihan ng kidlat." Sabi ni clover na may halong pagtataka.
"Kung gayon. Wag ka munang magkampante sa kapangyarihan na meron ka kasi mas malakas ako sayo" malamig din na sabi ng lalaki.
sumugod agad ang lalaki kay clover gamit ang espada na pinapakibutan na parang kuryente. Gumamit din ng espada si clover gawa sa apoy. he's a Fire elemental ang kalaban niya ay Thunder elemental. mabilis ang pagiwas ni clover sa mga kidlat na nagmumula sa kalangitan habang nakikipag espadahan sa lalaki. mabilis din ang mga reflexes ng lalaki. Kaya't naisip ni clover na hindi lamang ito ordinaryo na destroyer.
Patuloy lang sa pakikipaglaban ang dalawa. Kaya tumakbo si hera papunta sa kanyang kaibigan na parang nahihirapan na ding tumayo dahil sa nawala ang mga lakas nila kanina sa pakikipaglaban. Sa isip ni hera siya lang siguro ang walang ginawa kung hindi ang magpasakal sa destroyer. napailing nalang siya at tinulungan si fatima patayuin si clarissa.
"Okay kalang ba fatima?" Tanong niya sa kaibigan tumango naman agad ang kanyang kaibigan. napahinto silang tatlo nang makit nila si hema sa harap nila. Nag transform si hema into dragon .
"Sumakay kayo sakin." Malalim na boses na sabi ni hema. hindi mapagkamalang babae na dragon. Pinasakay ni hera ang dalawa at tinakbo si clover na humihiga sa damuhan. Nadatnan niyang may mga sugat na sa si clover at sa paa. Tinignan niya ng masama ang lalaki.
"Ano bang kasalanan ko sayo?" Naluluhang tanong ni hera sa lalaki. Nagulat pa ang lalaki nang umiiyak na si hera sa harapan niya. "Ano bang ginawa ko para gusto mo talaga akong patayin?" Hikbing usal ni hera. Umiiyak na siya sa harapan ng lalaki. nagtataka naman ang mga kaibigan niya kung bakit ganon nalang siya ka emosyunal sa harapan ng destroyer.
"H-hera..i'm sorry" nauutal at mahinang sabi ng lalaki at yumuko.
"Hera bakit ka umiiyak sa walang hiyang yan?!" Sigaw ni fatima nang makalapit sila kay hera na umiiyak.
"Umalis kana. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo pero umalis kana sa harapan ko" malamig na sabi ni hera. Gulat ang lalaki sa sinabi ni hera na pinapaalis siya na hindi man lang siya kinalaban. Pati mga kaibigan niya nagulat din sa inasal niya. Nakakapanindig balahibo.
"Patawarin moko." Sabi ng lalaki at biglang naglaho.
Napaluhod si hera at umiiyak na parang bata dinig na dinig ang mga masasakit na hikbi . Parang nawalan lang siya ulit ng pamilya pareho noon nakaraan ng mawala ang daddy at mommy niya.
Naiiyak na din si fatima kahit hindi niya alam na umiiyak ang kanyang kaibigan. Pati si clarissa na tahimik lang tumutulo ang luha. Si hema na walang emosyon na nakatingin sa malayo. Bagkus si clover ang may buong tapang nag tanong kay hera.
"Kilala mo ba siya hera?" Sabi ni clover at tumabi kay hera kahit nahihirapan siyang tumayo dahil sa mga sugat niya.
"His name is Silver" mahinang sabi ni hera pero rinig ng mga kaibigan niya. "And he's my Cousin" sabi niya at tinakpan ang mukha dahil sa pagiyak. natulala ang mga kaibigan niya pero wala paring emosyon si hema sa narinig.
Ilang minuto nang umiiyak si hera pero maya't maya humina na ito at nawalan siya nang malay.