Pero habang papalapit ang araw ng aming kasal. Heto sina Ate at Mama.
"Labas ka na dito Kendra."
"Ma naman.. wag naman kayong ganyan.. ito pa ba yung tungkol nung nakaraan?. Diba tapos na yun?. Kalimutan na rin sana natin.." Hindi ko alam kung ano ang tungkol ng pingatatalunan nila. Kuya Poro is here. Trying to stop Mama from slapping Ate. Kumukunot ang noo ko sa natatanaw. Tsaka. Anong sinasabi ni Ate?. Teka. Mag-iisip lang ako.
A minute later.
"Kalimutan?. O sige. Kakalimutan ko na ang araw na yun.. handa ka rin bang kalimutan ang taong to?." marahas nyang tinuro si Poro.
Dito ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Si Kuya Poro. I see. Ngayon alam ko na. Eto ata yung gabing hindi umuwi si Ate at nakitulog sa bahay nila Kuya. Sa pagkakatanda ko. Kinausap ni Kuya si Papa para magpaalam. Dinig ko pa nga. Pauwi na sila noon dito sa bahay. Pero dahil masyadong malakas ang hangin at ulan dahil sa bagyo. Umoo nalang si Papa sa sinabi ni Kuya Poro na duon na muna sila sa kanila. Lalo na daw at pareho na silang nabasa. Di ko alam anv buong detalye. Di ko pa kasi nakakausap ng maayos si Ate tungkol dito. Tapos heto na si Mama. Halos sampalin na si Ate.
"Gusto ka naming protektahan Kendra. Malay ba namin kung nagsisinungaling ka samin.." galit na si Mama. Sa totoo lang. Pareho ko silang di maintindihan ngayon. Di alam kung sinong kakampahin. Kung si Mama ba na galit at pilit pinapaintindi ang kagustuhang protektahan si Ate o ang kapatid kong pilit ding ginigiit na di nya ugaling magsinungaling.
Kung si Ate lang kasi. Totoo. Matigas man ang kanyang ulo. Pasaway sa oras na palugit ni Papa pag gumagala. Subalit, never ko pa yatang nakita na nagtalo sila ni Papa dahil sa nagsinungaling sya. Pag kasi gumagala ito ng gabi. Laging nagpapaalam ito kay Papa. May text kung saan at sinong kasama nya. And when Papa once check kung totoo nga ang paalam nya. Yes. Hundred percent sure. Nagsasabj sya ng totoo. Ganun din pag magkasama sila ni Ate Jane. Kaya kampante si Papa rito na di gagawa ng bagay na alam nilang ikagagalit nila ni Mama.
But when it comes to Mama?. Ewan ko na. Hindi ko magets ang pinupunto nyang proteksyon para kay Ate. Para kasing sinasabi nyang, wala syang tiwala kay Kuya Poro. Lalong ganun din kay Ate. Na alam kong, isa ito sa kinaiinisan ngayon ni Ate.
Lalo na't biglang nainvolve si Kuya Poro na alam kong, may pagtingin na ito dito.
"What the heck!." nagulat ako rito sa murang pinakawalan ni Ate. Napatingin sakin sa kanya. Nagsalubong din ang mga mata. Hindi ako makapaniwalang nagmura sya sa harapan ni Mama.
It's like. Normal naman na sa aming magkakapatid ang magmurahan. Lalo na sila ni Ate pagdating sakin. Pero kay Mama?. Nagugulat talaga ako!.
"Anong sinabi mo?." humakbang na sya Mama at nilapitan sya. Nanggigigil na mahawakan si Ate.
"Tita, tama na po.." humarang na ngayon si Kuya Poro.
Dinuro nya ito si Kuya bagay na mas lalong ikinagulat ko. Grabe! Ma!. Maging ako ay napalunok ng todo. Nalunok ang pagtawag sa pangalan sya para pigilan. "Wag kang makialam rito. Usapang pamilya ito." halos malaglag ang panga ko.
Nanlaki ang mga mata ni Ate. Kitang kita sa kanyang gustong gusto nyang protektahan ang taong binabastos ngayon ni Mama. Kung ako man. Ayoko rin ang ginagawa ni Mama ngayon. Para bang, binabalik nya sa iba ang ginagawa ng Mommy ni Kian sakin. Hindi ko kayang makita. Nasasaktan ako. Umiiyak ang loob ko. Naninikip ang puso ko habang tinatanaw si Ate na nasasaktan. Kung ako. Kaya kong takpan ang feelings ko sa pamamagitan ng isang ngiti. Si Ate. Hinde. Walang baon yan na filter sa katawan. Kung ayaw nya. Ayaw nya talaga. Pag gusto naman. Obvious na yan.
Siguro. Alam na ni Mama na gusto na nito ang pinupuri nyang 'gwapong batang abogado' kaya sya ganyan ngayon kay Ate. Pero bakit sya galit?. Anong meron kung bakit kay Ate sya nagagalit?. Alam kong hindi proteksyon ang gusto nyang ipaglaban. May iba pang dahilan.
"Mama!." si Ate. Di na napigilan pang sumigaw para pigilan sya. Pero dahil sa kanya nila namana ang katigasan ng ulo. Heto sya't di mapigilan. Lalo pa syang lumapit at ngayon ay tinampal na ang pisngi ni Ate. Bagay kung bakit ako napasinghap ng todo. Kuya Poro is trying to hold Mama's hand pero sinamaan nya lang ito ng tingin saka tinuro.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo?. Hindi ko narinig eh.."
"Ma, ano ba?. Tama na yan.." sa oras na to. Nahuli ko na ang kamay ni Mama na nasa mukha na ni Ate. Papa nasaan ka na?. Kailangan kita rito. Ate Keonna! Uwi na please?.
Naluluha na ako sa nangyayari. Kian move closer to me. Gusto nya akong aluhin. Lapitan ngunit di nya rin alam kung sinong pupuntahan. Ang kaibigan ba o ako.
"Galit ka?. Sige. Kung gusto mong maglayas. Lumayas ka. Kung matigas yang ulo mo. Panindigan mo na rin. Tignan natin kung hanggang saan ang mararating mo.."
Umiiyak na si Ate. Ako rin. Kian is now holding Kuya Poro para di na ito madamay pa sa gulo. Pero. Kahit ano pa palang pagpipigil ni Kian dito. Damay na sya.
Nag-walk out si Ate. "Mama, ano ba?. Ate?." tawag ko sa likod nyang umalis na. Kuya Poro is shockingly look at her footprints. Parang sya rin ay si makapaniwala sa nangyayari. "Mama, pwede tama na?." galit kong siniringan ito.
"Isa ka rin?." now. I'm doomed. Kaya minsan ayaw ni Ate Ken na magsalita ako dahil dito. Dahil kapag nagbukas ang labi ko sa matigas na gusto ni Mama. Magigisa rin ako. "Pinagtatanggol mo na sya ngayon?. Bakit ha?."
"Tita.." Kian speaks. Nilapitan na ako ni Kian. Pinapakakma.
"Babe, tama na." bulong pa nya sakin. Maraming marami akong gustong sabihin pero dahil ayokong madamay pa sila rito at dagdagan ang galit ni Mama. Tumahimik nalang ako.
"Mga spoiled brat. Marunong nang sumagot.. Tawagan mo nga ang Papa mo. Sya ang kakausapin ko tungkol sa Inyo." hindi ako gumalaw. Ayoko nga!
Bale si Kian ang tumawag rito dahil hindi akl sumunod sa pagmamata nya sakin. Galit ako. Bakit ba?.
"Yes hello Tito. Nasaan ka po?. I need you here po sa bahay. Emergency lang po."
Pinaupo na ako ni Kian at binigyan ng tubig. Si Kuya Poro din ay inabutan si Mama ng isang baso ng tubig. Kinuha nya naman iyon at nilapag lang sa mesa sa may kusina.
I don't get her. Bakit galit na galit sya kay Ate. Alam ko naman na alam nyang nagsasabi ito ng totoo. Di kaya buntis ulit sya?. Nung kay Kim kasi. Si Ate Ken lagi ang bukambibig nya. Baka ngayon. Ganun ulit?. Grabe!. Seryoso?. Sa edad nyang 42?. Pero may dalaw pa sya. Possible nga!.
O di kaya ay, wala syang pera. Ito ang impossible dahil hawak nya ang ATM ni Papa.
Ano ngayon?. ABA. Duon ako sa unang hinala ko. Baka nga buntis sya't ayaw lang humantong si Ate sa ganung sitwasyon habang wala pang kasiguraduhan sa lahat sa kanila ni Kuya Poro.
Sa nakikita ko rin kay Kuya. Parang, gusto nya rin si Ate. Di ako sure. Baka guni-guni ko lang o ewan. Alinman dito. It's up to them. Malalaki na sila. Kaya na nila mga sarili nila. Kung saanman humantong ang lahat sa kanila. Suportado nila ako pareho. Sa kanilang dalawa man o sa kanya kanya nilang pangalan. Si Kuya Poro ay kaibigan ko na rin. Kabilang sa matalik na kaibigan ni Kuya Mark Eugenio na syang panganay nila Bamby at Kuya Lance. Part time nito ang pagmomodelo. Ang alam ko. Ganun din si Kuya Poro, Dennis at Zaldy.
Basta ang tanging hiling ko lang ngayon. Maging okay sila Mama bago ang kasal ko. Yun lang.