Love is a gamble. Ika nga nila. Kung di ka susugal dito. Matatalo ka nya kahit di ka pa tumaya.
"Sigurado ka na ba dito Kian?." I keep asking this many times. Pero puro tango lang din ang sagot nya kasabay ng maliit na sulyap dahil sya'y abala sa pagmamaneho. "Paano ngayon si Andrea?. Masasaktan sya?."
"Either way. Ganun din ang magiging resulta Kaka. Nasaktan ka. Ganun din ako. Malamang sya rin. Alin ba ang pipiliin ko?. Ang takasan ang taong mahal ko o ang magmahal ng taong hindi ko gusto?. Kahit saang anggulo ko tignan. Mayroon sa ating tatlo ang iiyak. Subalit pagod na akong takasan ang katotohanan. Ayoko nang magpaasa pa ng isang babae at manakit pa. Lalo na ang iwan ang tulad mong alam kong tapat magmahal."
"Gaya mo Kian. Pagod na rin ako sa totoo lang. Ano nga bang mali sa estado nating dalawa?. Ikaw na kabilang sa mayamang pamilya?. Ako na napabilang sa ordinaryong pamilya?. Mali bang magtagpo ang tadhana ng dalawang pamilya?. Mali bang gumawa ng bagong guhit ng tadhana upang parehong maiba at maging malaya sa mata ng iba?."
"I don't even know. We're on the same page. Knowing that we're both asking things about something that we both don't know yet. Ang tanging malinaw lang sakin ngayon. Ay ang panindigan ka at manindigan bilang lalaki. I respect my Mom. But I also wish na ganun din ang gawin nya para sakin."
That's my wish too. Sa loob ko'y ito ang sinagot ko sa kanya. Gusto ko pa sanang magsalita at magtanong pa subalit huminto na ang sasakyan nya sa harap ng napakataas na bakal na gate. May sekyu pa na nagbukas para samin. And he greeted us. He even gave me a sweet smile. Na di ko na nasuklian dahil sa kaba.
Pagkababa. Hinawakan na ni Kian ang kamay ko. Specifically. My left hand. He slowly slid the engagement ring on the fourth finger wherein they believed this finger had a vein that ran directly to the heart. It's called. Vein of Love. At sa ginawa nyang iyon. Nakiliti ako bigla. The tingling effect of his soft touch on me. Makes my nerves be calm. Kahit alam kong sigurado ang mga sinasabi nya. Sigurado nga ba?. Mayroon pa rin sakin ang kaba. Hindi na yata matanggal iyon kapag andito ako sa mansyon nila.
"Mom.." sa bungad ng hagdan ay pababa ang isang makinis at sopistikadang babae. May katandaan na ito subalit hindi ito halata sa kanyang balat. Ang suot nyang magarang itim na dress na bagsak hanggang sa kanyang sakong ay mas lalong nagpakinang sa kinis ng kanyang balat. Nakakainggit!
"Son, my goodness!." dumiretso ito ng halik sa anak at niyakap ito. Napahawak ako sa sariling kamay ng bahagyang hilahin nya si Kian papunta sa kanya. Sinubukan kong salubungin ang mata nya subalit kingwa! Hindi ko kaya! Masyado syang mataray at nakakatakot talaga. "I heard you and Andrea slept together last night?." di ko alam kung sadya nya ba itong iparinig sakin o hinde. Basta para sakin. Nakakailang. Gusto ko nalang biglang maglaho rito at wag nang bumalik.
Pero paano naman ang ginawa mong pangako sa Papa mo Karen?. Iyon nalang isipin mo. Wag na ang iba.
Tama!. Tama nga!. May dahilan kaya ko ito ginagawa. I have to keep still at kahit mahirap lumunok. Lulunok ako para kay Papa.
"Mom!." kulang nalang magdabog ang anak.
Aakayin na nya si Kian papuntang sala ngunit umatras ang isa at tumabi sa akin. "Mommy, I have something to tell." lakas ng loob nyang sabi. But I can still clearly hear his shaking voice.
"No Kian. I don't want to hear that." anya sabay lakad para talikuran kami. But this man beside me is so eager to fight. For us.
"We're going to get married as soon as possible.." nagulat ako ng sobra. Kasal?. Agad?. Shit lang!.
"With Andrea right?." she keeps on walking. At patuloy lang din kami sa pagsunod namin sa kanya hanggang sa parang office nito. Umupo sya sa swivel chair at pinaikot iyon. Para kaming nasa guidance office sa school na nakagawa ng kasalanan at lilitisin anumang oras.
"Nope. With Karen.." pagtatama nito sa Mommy nya.
"Her?." tumaas ang kilay nya ng tinanong kung ako ba?. Tapos dun na nagsalubong ang kilay nyang tumingin sa anak. "Nasisiraan ka na ba ng bait anak?. Alam mo namang kriminal ang Tatay ng batang yan tapos sya pa pipiliin mo?. Wala na bang iba dyan ha?. Si Andrea ba?. Bakit hindi nalang sya?."
Ang sabi ko. Kahit hindi ko na sana kaya pang lumunok. Kakayanin ko to! Kaya ko to!. At kahit anong mangyari. Hindi ako basta susuko. Dahil nangako ako.
"Hindi kriminal si Tito Mommy.."
"Kriminal sya Kian." pilit nya.
"You set him up Mom!. Kriminal pa rin ba ang tawag dun?." I don't know what to say. I don't know how to even react. Basta yung bumara sa lalamunan ko. Nilunok ko nalang.
Natahimik ang Mommy nya. So ibig sabihin. Totoo?. Naset-up lang si Papa. Pero bakit?.
"Alam mo na ang sagot ko dyan. Don't ask questions Kian."
"Why huh?. Dahil ayaw mong malaman nya ang totoo?. Bakit?. Dahil nahihiya ka?. Haha.. Mommy, why are so funny.." his sarcasm is something. It sounds like he's mocking his Mom.
"Oo na!. Ayoko! Ginawa ko iyon para layuan ka nya. Ginawa ko iyon para malaman nya na hindi sya para sa'yo. Hindi sya nababagay sa isang katulad mo. Anak kita Kian. Hindi pwedeng kung sino lang ang babae mo.."
"She's not just my girl Mom.. she's Karen.. See this ring?." itinaas pa ni Kian ang kamay ko para ipakita sa kanya yung singing. Napatayo ang Mommy nya ng makita nyang suot ko ito. Tinuro pa nga eh.
"That's your Mamitas heirloom?." maging ako ay napanganga sa narinig. Heirloom pa?. My jaw literally drop!.
"Yeah.. and I gave it to where my heart is.. and this is her. Not just a girl. Not even Andrea.. but she's Karen.. sa ayaw at sa gusto mo. Ikakasal kami."
"Kian Lim!!??.." sigaw nito. Sobra!.
Dito lang ako kinilabutan ng husto nang dahil sa sigaw.
"Alam na rin ito ni Daddy." Kian added.
"Anak kita Kian. Wag mong gawin to sakin.." she screams.
"Mommy kita Mom.. if you want me to be happy as you wanted to.. just let me be with someone that I love.."
"No!. Hindi mangyayari ang gusto mo!!.." sigaw pa rin nya.
Bumuntong hininga si Kian. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nakahandang lumabas anumang oras. "Then you leave me no choice Mom.."
"What are you gonna do huh?. Aalis ka rito?. Sasama ka sa babaeng yan?. Bakit?. Wala kang mapapala sa kanya Kian!. Mark my words!.. Nanay ako at alam ko ang nakabubuti sa'yo.."
"Hindi lahat ng alam mong mabuti para sakin ay mabuti nga Mommy. Hindi lang naman ako ang anak mo. Bakit hindi nalang sila Kuya ang pagdiskitahan mo, imbes na ako?."
"Because you're my youngest.." she said. Naiiyak.
Napayuko nalang ako. Paano nga ba pumagitan sa kanila?.
"Iyon na nga eh. Bunso mo ako. Bakit lahat nalang ng gusto ko hindi ko makuha?. Pakiramdam ko tuloy. Pulubi ako.."
Hindi nagsalita si Tita. "Ikaw lagi ang sinusunod ko Mommy. Lahat ng gusto mong gawin ko. Ginagawa ko naman. Lahat na diba Mom?. You know that. But please. Not this time.." umiiling si Kian sa Nanay nya.
Marami pa nga akong hindi pa alam sa buhay nya. Like. may mga kapatid pa pala sya. Akala ko isang anak lang sya?.
"Not this time Kian. I'm telling you." pilit din ng Nanay sa anak.
Uwi nalang ako. Gusto ko nalang matulog. Pagod na ako.
Alam mo yung tipong wala ka namang ibang ginawa kundi makinig lang. Pero mas pagod ka pa kaysa sa magtrabaho ng buong araw?. Ganun.
Nagpahatid nalang muna ako sa kanya. Kung tinatanong mo kung sumingit ako kanina?. Yes. isang linya lang ang sinabi ko. "Mahal ko po ang anak nyo. Kung kasalanan din po ang magmahal ng hindi mo kaestado. Ipakulong nyo na rin ho ako." Kian even scolded me dahil bakit ko pa raw sinabi iyon. Ang sabi ko naman. Bakit hinde?. Tama naman ako hindi ba?. Bakit masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang mga sarili?. Hindi na ba sila tumitingala para sila ang magtakda para sa buhay ng iba?. Oo. Andun na ako sa anak nila si Kian. Pero, bakit ganun nalang sila trumato ng anak nila?. Asset lang ba sila sa business para makahikayat pa ng bagong investors?. Ganun ba?. Nakakadismaya..