webnovel

Chapter 81: Ano?

Nagpatuloy ako sa buhay kahit ang dami-daming bagaheng dala ang dibdib ko. Mabilis dumaan ang oras at panahon. We both are still part of our Tropa. Wala man ang magkakapatid na Eugenio. Lagi naman silang active sa group chat na meron kami. But you're asking about me and him?. Simple. It's a, one cold ice. Walang pansinan. Walang usapan. Walang ngitian. Iyon lang. Kahit pa nasa iisang linya kami ng upuan. Nothing but silence is covering us. Like. Ang kasabihan. Hindi raw sa walang alam ang taong walang imik. This is a reverse psychology that, when someone is so quiet. It means. They know almost everything around them. Iyon lang naman ang alam ko. Subalit para sakin?. Anong saysay para kausapin ko sya diba?. He's a married man now at ayokong maging tampulan nalang lagi ng bibig ng iba. Naging ganun ang set-up namin hanggang matapos ang first year high school namin.

Ganun din ang set-up sa second, third and fourth year namin. Walang nagbago.

"Talagang di mo sya kakausapin?." Winly keeps on asking me this. Ilang ulit na. Di ko na yata mabilang pa.

Honestly. Tinatanong pa ba iyon?. Hindi ba obvious?.

"Wag ka ngang makulit. E sa ayoko nga.."

"Galit ka pa rin sa kanya?." hilig nito ang magtanong kaya hindi na ako aasa pa na hihinto ito kahit anong oras.

"Yes. Happy?." Sinong hindi nga naman magagalit hindi ba?. Nakakabanas! Kung pwede lang magpakalayo-layo na dito. Noon ko pa ginawa. Sinubukan ko sina Mama na sa Probinsya nalang ako mag-aaral subalit matindi lang nila akong tinanong ng Bakit at sinagot ng hindi pwede. See?. Kaya hanggang ngayon. Hindi ako makausad! Kingwa!.

"Ewan ko sa'yo. You know. Bakit hindi mo nalang isipin na ginawa nga nyang sundin ang parents nya para iligtas ka?."

"Psh!. Wag ka ngang patawa dyan bakla.."

"Oh ha?. Bakit ba?. Posible naman iyon ah.." inayos ko lang ang libro na binasa saglit at binalik na sa shelves. Nasa Public library kami ngayon sa gitna ng maraming mall. Mas gusto ko dito. Tahimik. Naglakad ako't naghanap muli ng babasahin. "Tsaka alam mo girl. Maraming kwento sa likod ng magagandang palabas.."

"Tsk.. di ako interesado.. Bigyan mo na nga lang ako ng magandang libro.." siring ko dito.

Suminghal sya't parang bumubulong ng kung anu-ano. "Yung thriller ha. Nakakasuka ang love story.." habol ko dito.

"Ang sabihin mo. Bitter ka lang.." hula ko'y nakangiwi na ito ngayon. Bitter na kung bitter. Minsan din naman masarap ang mapait hindi ba?. Hindi mo malalaman ang lasa ng sinasabi nilang masarap kung di mo malalasahan ang tamis, asim, alat at pait. Parang pag-ibig lang din ng tao. Sa una, malamang matamis. Nakakalanggam. Kasunod ay may asim na nakakangiwi dahil sa pagsubok na dumarating. It's unexpected and inevitable. Tsaka, ang alat na kahit ayaw mong lunukin ay mapipilitan ka nalang. At ang huli ay ang pait na kahit anong iwas mo dito ay hahabulin ka pa rin nito. Tipong. Kahit may allergies ka sa pagkaing mapapait. Wala kang ibang pagpipilian kung iyon lang ang nakahain.

"Kung bitter ako. Edi, matagal ko na sanang ginulo ang tahimik nilang pagsasama. Ang gulo mo minsan e noh?."

"Hay.. bahala ka nga.. Basta kapag—.." huminto sya bigla. Kumunot ang noo ko. Bagay na hindi nya makita dahil natatakpan ng libro ang mukha ko. "Hay, wag na nga lang.. bahala ka na.." bigla nyang dagdag. Lalo tuloy akong nacurious sa gusto nyang sitahin.

"May gusto ka bang sabihin?." Binaba ko ang libro sa mesa at saka sya tinignan. "Wag na pabitin please.." pabiro ko pang saad subalit nagkibit balikat na lamang sya. Bagay na ikinadismaya ko sa lahat. I have this feeling that he's hiding something to me. Para bang importante na marinig ko dapat. Ang kaso. Siguro nga. Tama din sya. Bitter ako at ayaw pakinggan ang gusto nyang sabihin.

Hayst!. Gaya ng sabi nya rin. Bahala na!.

Sa di inaasahang pagkakataon. Si Jaden ay naaksidente. Agad kaming lumarga ng bakla kung nasaan sya. Tumawag ang numero nya't iba ang nagsalita. Sinabi lang sakin na nadisgrasya sya't itinakbo na sa ospital. Natataranta kami sapagkat iyong taong ibinilin samin ng best friend namin. Hayun at naghahabol ng kanyang hininga. Di namin nalaman ang buong pangyayari dun sa tumawag. Basta sumugod nalang kami sa pagamutan.

"Karen, Kian loves you.." ibinulong ito ng mahina ni Jaden kahit duguan ang buo nyang katawan bago sya nawalan na ng malay. I cried. Of course. Kaibigan ko din naman sya. Natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanya. Winly is busy dialling or calling his family member. Si Bamby?. Ayaw naming sa amin mismo manggaling ang balitang ito. Kilala namin sya. Baka bigla iyon bumalik dito kahit hindi payagan. But the fact of what he whispered to me gave me goosebumps. Gusto kong magalit sapagkat ganun nalang kabilis din ako naniwala sa sinabi nya. Like duh. Been years. At malapit na rin ang graduation namin. Pero ang mas inaalala ko ay ang kalagayan ngayon ng kaibigan namin. Panigirado akong uuwi si Bamby nito.

"Win.." tawag pansin ko dito nang umupo kami sa upuang nasa labas ng ER. Pareho kaming tulala at takot. Hawak ko ang bag na dala habang sya'y yung cellphone na ni Jaden.

"Bakit?." he sounded weary. Bumuntong hininga pa nga sya pagkatapos magsalita. Gaya ko'y malalim din ang iniisip.

"May binulong kanina si Jaden sakin." pagkasabi ko nito. Hinarap na nya ako.

"Ano!?. Anong sabi?. Nagpapaalam na ba sya?."

"Hinde. Ano ka ba!?." Tinampal ko sya't inilingan ng matinde. Ayaw mangyari ang nasa isip nya.

"Ano nga?. Pinakaba mo naman ako ng sobra. Nakakatakot na nga itsura nya eh.." nakahinga sya ng maluwag.

"Karen, Kian loves you.. yan ang sabi nya Win.." mahina ngunit akma lamang para marinig nya ito. Yumuko ako dahil yung tibok ng dibdib ko, masyadong mabilis. Baka mapansin nya ito at pagtawanan pa ako. "At hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naniwala sa sinabi nya without any evidence."

Bigla ay niyakap nya ako ng patagilid. While I'm silently quietly crying. Bumulong sya ng, "Puta ka! Hindi mo ba alam na iyon yung gusto kong sabihin sa'yo. Matagal na.." mas lalo akong napaiyak sa ibinulgar nya.

"E bat di mo kasi pinilit na sabihin?." hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa paghagulgol.

"E kasi tanga ka. Masyado kang self centered at highly opinionated na akala mo na, alam mo na lahat.."

Kingwa! E bat ngayon nya lang to sinasabi?. Kingwang bakla! Sarap bigwasan!.

"Tangang babae. Oo. Mahal ka nung tao. At alam mo kung anong dahilan nya para saktan ka?. Dahil ayaw nyang maghirap kayo ng pamilya mo."

"Ano?!."

Hindi ako makapaniwala! Totoo ba talaga sinasabi nya o sinabi nya lang ito para gumaan ang loob ko.

次の章へ