webnovel

Chapter 62: Walk out

Nalaman ko nalang na nauna na syang umuwi samin. Madaling araw daw ang biyahe nito. Nalaman ko lang kay Papa.

"Nagkausap ba kayo?." usisa nito sakin nang nasa byahe na kami pabalik ng Antipolo. Alam kong nakikinig si Mama kahit na nakapikit ito't kalong ang tulog din na si Kim.

"Opo." Marami po syang sinabi. Idadagdag ko pa sana ito kaso baka maiyak lang ako. Kaya mas pinili ko nalang na pigilan ang sarili na iklian ang sagot sabay tingin sa bawat punong nadadaanan namin.

Papa never ask me again. Aware din sya siguro kung ano ang pumapagitan samin ni Kian.

And it's a long tiring day. Gabi na ng makauwi kami sa bahay. Nadatnan pa namin ang mga tropa ni Ate Kio sa may sala umiinom ng alak. Kaya ang nangyari. Sermon agad ang inabot nito kay Papa pagkatapos kumaripas ng paalam ang mga kasamahan nya.

"Ano na naman ito Kionna?." tumaas ng bahagya ang boses ni Papa. Dala ng frustration ay lumipad sa pawisan nyang noo ang kanyang palad. Ang kabilang kamay nya naman ay nakasabit sa kanyang kanang baywang.

"Pa, tapos naman na finals namin. Di ba pwedeng mag-unwind kahit sandali?." dala ng kalasingan. Walang bahid ng takot nya ito sinabi kay Papa. "Minsan lang naman po Pa. Sinusunod ko naman po mga payo nyo. Pati mga gusto nyo na labag sa loob ko. Kaya kahit ito lang Pa. Kahit minsan lang."

Tinignan lang sya ni Papa. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Bukas nalang tayo mag-usap. Lasing ka na. Matulog ka na muna."

Umiling si Ate. Naku naman!. Sinabi nang tama na muna eh. Gusto mo yatang mapalo sa pwet Ate!. Asan ba kasi si Ate Ken?. Wag mong sabihin na pati sya, magbulakbol ngayon?.

"Di pa ako lasing Pa." giit pa nito.

Humarap muli si Papa sa kanya. Wala si Mama sapagkat umakyat ito sa taas. Pinapatulog si Kim. Nagising ito noong bumaba kami ng sasakyan.

"Anong gusto mo kung ganun Kionna?."

Naku!. Lagot na to!.

Basta, di ako damay dyan ha. Ha Ate!.

"Ang tanging gusto ko lang po, kalayaan."

"Hmm.. kalayaan saan?." seryoso na ang mukha ni Papa. Tsk! Tsk!.

"Kalayaan sa lahat. Kalayaan magdesisyon. Kalayaan sa sarili ko. At kalayaan sa mga gusto ko."

Hay.... Lasing ka na nga talaga!.

"Ate, tara na. Lasing ka na oh." humakbang ako para itulak na sya paakyat ng kanyang solid subalit nagmatigas ito't ipinagsawalang bahala ang babala ko.

"Hayaan mo sya Kaka." pigil sakin ni Papa.

"Pero Pa. Alam naman po natin na lasing na sya." hinila ko naman sya pero nagpabigat ito para di ko sya tuluyang mahila. Hays....

"Alam ko at alam ko rin na hindi ito dala ng kalasingan nya. Dala ito ng mga bagay na kinikimkim nya." ani Papa. "Let her talk. Do not interfere Kaka."

Kaya naman. Napipi na ako't gunilid nalang para sa kanila. "Sabihin mo ngayon sakin Kionna. Saang banda kita hindi binigyan ng kalayaan?. Alam mo bang ang ginagawa kong panggigipit sa mga gusto mo ay para na rin sa kapakanan mo?."

"Pero hindi ako masaya Papa."

Susnako!. Ano kayang magiging set up ng dalawang to bukas?. Sana naman hindi na umabot pa sa sukdulan. Mama, labas na dyan please.

Tahimik si Papa. Tinalikuran si Ate. Tumitig sa labas ng matagal. Para bang nag-iisip kung saan sya nagkulang. "Binigay ko lahat ng luhong hiningi nyo ng Ate mo. Lahat binigay ko kahit alam kong ikakasama nyo ito paglaki nyo." tumigil sya para huminga. "Hindi nga ako nagkamali. Heto na kayo't kulang pa rin sa inyo ang mga bagay na meron kayo. Hindi nyo ba naisip na hindi habang buhay ay andyan kami ng Mama nyo sa tabi nyo?. Dumadaan ang panahon Kionna. Gusto lang namin ay magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Ang gusto lang namin ay magkaroon kayo ng buhay na hindi kayo mahihirapan pag nagkataon. Bakit hindi nyo iyon maintindihan?."

Naupo nalang ako sa sofa. Mahaba-habang usapan ito.

"Wala naman po kaming sinabi na hindi na kami magkakaroon ng magandang buhay kapag ginawa namin ang gusto namin ngayon."

Susnako!!. Bat sumagot pa?. Pamatay na nga linya ni Papa. Sarap tuktukan nito minsan.

"Kung yan din lang naman ang gusto nyo. Bahala na kayo. Gawin nyo ang gusto nyo. Gawin nyo na rin ang lahat ng nais nyo. Basta ba, walang lalapit sakin kapag kayo ay parehong nagipit. Yan din naman ang gusto nyo. Panindigan nyo narin lang." nagwalk out na si Papa.

Naging tahimik pagkatapos nyang umalis. Ilang segundo ay umakyat na rin si Ate. Bumubulong. Saan banda ba nya hindi maintindihan ang punto ni Papa?. Maswerte pa nga sya, may pamilya syang may malasakit sa kanila?. Di tulad ng ibang magulang dyan. Basta makuha lang ang pansariling nais, wala nang pakialam kung masaya ba o hinde ang kanilang anak sa naging desisyon nila. Nalulungkot ako. Ngayon ko lang natanto na, hindi perpekto ang lahat ng pamilya. May gusot man o hindi masabi-sabi na hinaing sa bawat isa, buo pa kahit papaano ang pamilya.

Lunes. Hindi ko inexpect na papasok sya. Malamang. Nagdiwang ang lahat ng kaklase nya para marinig mismo sa kanya ang balita ngunit kabaligtaran ito sa buo nyang tropa. Iniwasan sya't nanlamig ang iba pagdating sa kanya. Sumasama silang lahat sa akin. Iniiwan nila ito mag-isa.

"Guys, wag naman sana ganyan." inipon ko silang lahat sa kubo at kinausap. "Nagkita kami sa Vigan noong sabado." umpisa ko. Syempre, lahat sila nagulantang. Yung iba may violent reaction pero pinakinggan ko lang iyon. Ang iba naman ay nakatitig lang sakin, naghihintay pa ng dagdag paliwanag ko katulad nalang ni Jaden at Bamby. "Nagkausap kami."

"Anong sinabi?." Ani Aron.

"Sinapak mo na sana." Si Bryan to na di maipinta ang mukha.

"Kung ako sa'yo girl. Sinipa mo na ang kanyang alaga." si Winly to. Itinaas ko ang kanang kamay para pakalmahin sila.

"Hindi ko kayo inipon dito para lang siraan ang isang tao na walang ginusto kundi ang kaligtasan at kapakanan lagi ng ibang tao."

"Anong ibig mong sabihin?." si Paul ang nagtanong.

"Ginawa nya ang desisyong iyon para iiwas ako sa anumang plano ng kanyang Mommy. Balak nito akong siraan maging ang buo kong pamilya. Kaya wala syang ibang choice kundi piliin nalang ang umoo sa gusto nila."

"Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayroong paraan Kaka." Si Bryan.

"Wala tayo sa posisyon para humusga nalang basta." Si Bamby to. "Hindi tayo sya para madali nating sabihin na madali ang lahat para sa kanya. Hindi ko sinasabi na ginusto ko ang ginawa nya. Ang pinupunto ko lang. Bakit natin sya binibigyan ng ibang pangalan kung kilala natin sya bilang si Kian?." makahulugan nya itong sinbai. Tameme ang lahat. Ako rin naman. Iba talaga tong si Bamblebie. Malalim magsalita kahit minsan lang magbukas ng kanyang labi. "Hindi nyo ba naisip minsan na pumalit kayo sa posisyong meron sya ngayon?. Kung kayo rin ang tatanungin ko, ganun din ba ang gagawin ninyo?."

"Of course not."

"Di ko din alam."

"Baka nga." iba iba na ang naging opinyon nila.

"Iba iba tayo ng paraan upang labanan ang bawat pagsubok na dumadaan sa ating buhay. Suporta minsan ang kailangan hindi laglagan at iwanan." huling banat pa ni Bamby. Napaisip ang lahat.

"Tama si Bamblebie. Kaya Jaden. Puntahan mo na tropa mo. Kanina pa sya nakatingin sa inyo dito." ani Kuya Lance dito. Napatingin tuloy si Bamby sa kanyang kapatid. "Good job lil sis. Iba ka talaga.."

"Kung Iba ako kuya, libre mo naman ako kahit fries lang." ngumiwi na ngayon ang labi ni Lance.

"Ano pang saysay ni Jaden sa buhay mo kung sakin ka pa magpapalibre?."

"Kuya naman?." sabay ang bawat bagsak ng paa ni Bamby. Nasa malayo na kasi si Jaden. Kasama ang buong tropa. Si Aron at Bryan lang ang naiwan dito na kasama ni Lance. Natawa pa sila sa reaksyon ni Bamby.

"Hoy Jaden!." tinawag nya pa ito kaya naman napalingon ito sa may kubo. "Gutom raw ang Bamblebie. Gusto nya ng fries."

"Kuya!?." naiinis na hinila ni Bamby ang kapatid. Natatawa lang naman ito matapos tumango si Jaden kanina. Biniro ng biniro ang kapatid hanggang sa nagwalk out. Uso ba walk out ngayon?. Bat di ako aware?.

次の章へ