webnovel

Chapter 42: Canteen

Hindi nagtapos sa gym ang tukso na ginawa ng iba. Lalo na itong si Winly.

"Girl, pano na ulit yun?. Gosh!. May pabuhat pang nalalaman!. Juicemiyo!.."

"Inggit ka noh?." pang-aasar naman ni Bamby sa kanya. Naglalakad na kami pabalik ng room.

Umikot ang mata ng bakla. Sabay tuloy kaming humagikgik ni Bamby. "Baka kasi ikaw ang inggit dahil duh?. Hanggang ngayon, hanggang tingin ka lang sa taong gustong gusto mo.."

"Atleast, may tinitignan ako. E ikaw?." sige lang Bamby. Andito ako. Handang umalalay sa'yo.

Huminto sya sa paglalakad at talaga nga namang hunarap sya samin. Isinabit nito ang kanang kamay sa kanang baywang at binuksan ang maingay nyang kulay rosas na pamaypay. "Nakatingin ka nga pero tinitignan ka rin ba?."

Huma-hardcore ang vakla.

"Tama na nga yan. Baka kung saan pa mapunta usapan nyo." pigil ko sa kanila subalit hindi rin nagpatalo itong katabi ko.

"Nakatingin man sya sakin o hinde, atleast may nakikita akong future saming dalawa.."

"Hahahahaha.. in your dreams Bamblebie. Gumising ka kaya.."

At dahil nga sa naging takbo ng usapan nilang dalawa. Naging ugat iyon ng pananahimik ni Bamby. Kahit kausapin mo pa ito, hindi ito sasagot o tatango man lang.

Siniko ko itong bakla. Maritss na talaga ipapangalan ko sa kanya. Ang daldal eh. "Ikaw kasi. Yan tuloy." nguso ko sa walang imik naming kasama. Lumabas kami muli ng room dahil recess time na rin. Pumunta lang kami roon para kumuha ng pera.

"Biro ko lang naman girl. Di ko naman alam na seseryosohin nya." kalabit nya sakin.

"Bumawi ka bes. Baka hanggang pag-uwi, ganyan na yan. Alam mo naman na sya kapag wala sa tamang hulog." mabilis naman tumango si Winly sa sinabi ko. Madamay pa ako. Mahirap na. Wala na nga si Joyce sa grupo eh, eto pa't tahimik sya. Susnako!. Sarap hilahin ng buhok nyang invisible.

"Libre mo kami ha." binulungan ko sya nung nasa canteen na kami. "Oo na." yan lang ang naging sagot nya. At ang masaklap pa. Marami ang tumawag sa pangalan ko't ginaya ang ginawa kanina ni Kian sa may gym. Binuhat ako nito at dinala na mismo sa may weighing scale.

" Maswerte talaga sya. Ang gwapo gwapo ni Kian.."

"Di lang naman sya ang maswerte. Si Kian din. Ang ganda kaya ni Karen." dinig ko ring sabi ng isang babae sa kasama nito.

Maganda ba talaga ako?.

Eh?.. Para tuloy may paru-paro sa tyan ko. Nagliliparan ang mga ito.

"Oo nga. Bagay sila. Nainggit ako bigla." nagpatuloy ang usapan nila ngunit binalewala ko na lamang iyon ng nakaorder na si Winly. Umupo kami sa may bakanteng mesa. Tabi sila ni Bamby. Ako lang mag-isa sa kabilang side.

"Anong gusto mo rito?." tanong ng bakla sa katabi.

"Wala." mapaklang sagot nito sa isa. Napangiwi ako. Nagkibit balikat lang din ang bakla. Sinenyasan ko syang tanungin ulit. Mabuti nalang at sumunod agad. Alam nya kasing mali rin sya kanina. Masyado nang personal ang hirit nya, e biro lang sana ang takbo ng usapan. Aware syang mahigpit ang mga kapatid ni Bamby pagdating sa mga lalaki lalo na kay Jaden tapos nagbiro pa sya ng ganun. Red line na tawag dun. Lumagpas na sya sa hindi dapat. Ayos lang sana kung makipagbiro sya pero dapat nyang iwasan na mamersonal dahil hindi lahat ang nagagawang biro. May lugar para duon.

"You want some pancakes?." pangungulit nya pa rin.

"Ayoko nun."

"E anong gusto mo?." naiinis nang sambit ng bakla.

"Tinapay na may cheese sa ibabaw nito. Yung maraming cheese bes."

Duon biglang nagliwanag ang mukha ng bakla. Sa wakas, tinawag na syang bes. Bati na ulit sila. Bigla ay niyakap nya si Bamby. Pinanggigilan nya ito.

"Wait for me there. I'll get one for you.." halos liparin na nv bakla ang pagitan nv counter sa mesa namin.

"One is not enough girl."

"But two is too much?." balik ng bakla sa kanya. Natawa si Bamby.

"Fine. Atleast, three then?."

"Ugh!. Whatever!." pinaikutan nya kami ng mata saka na sya bumalik sa may pila.

"Dapat ginawa mong sampu bes." biro ko kay Bamby. Kinuha ko ang isang chips at binuksan. Kumakain na kami ng dumating si Winly.

"Akala ko ayaw mo nyan?." nagtaka sya dahil kumakain na si Bamby. Nagpeace sign nalang ito.

Marami pa rin ang pumipila. Maingay, mainit at malapit na akong mabusog nang makita ko sa may entrance ang grupo ni Jaden.

Para silang mga bida sa isang sikat na palabas dahil napapatingin talaga ang mga taong nakakakita sa kanila. At apple of the eye nila itong si Master. Matangkad kasi ito at makinis ang balat. Tsino nga kasi. Nasa lahi nila ang gwapo. Awit.

"Ay, parating ang mga Papa." impit na tili ni Winly. Sinipa ko sya sa ilalim ng mesa kaya napaaray ito. Ang ingay. Kita na ngang medyo nagtatago ako eh. Sa totoo lang kasi. Di ko pa kayang humarap kay Kian ngayon dahil sa nangyari kanina. Pero sa nakikita ko ngayon. Mukhang, wala na nga akong magagawa kundi tiisin nalang ang mga matang nakatingin.

Lihim akong huminga ng malalim bago kumuha ng isang piraso ng Nova. Isinubo ko iyon ngunit hindi lahat dahil may biglang nagtext sa cp ko. Nakita kong si Mama iyon. Ang dulo lamang ang kinagat ko doon.

Subalit...

May biglang humawak sa balikat ko tapos nalipat sa leeg ko ang kamay nya at pinahiga ang ulo ko. Akala ko na kung sino. Kingwa! Muntik na akong mapamura kung wala lang ang sumunod nyang ginawa. At take note, sa ganung posisyon nya kinuha ang kagat kong chips. Muntik na. Malapit na malapit nang magdikit ang aming labi sa pagkagat nya nung chips. What the heck Kian!.

Nagawa nya pang ngumiti matapos kagatin at nguyain ang pagkaing inagaw nya.

"Astig nun bro!. Paturo naman. Whoaaa..."

"Lodi Kian.."

"Master, masarap ba?. Hahahaha.."

"Penge naman ako nyan.."

"Kian, pakiss naman dyan.."

"Kian, ako rin. Gusto ko ng ganun."

Kingwa!. Di ko alam kung magtatago ba ako o kikiligin. Susnako Kian!. Saang lupalop mo ba nakukuha ang mga ganung da moves ha?. Hindi lang panga ko ang nalaglag ngayon, pati puso ko, nakain mo yata. Di ko maramdaman.

Kita ko kung paano magwala sa kilig at tuwa sina Bamby at Winly sa harapan ko. Para silang mga pinakawalang paru-paro. Dumagdag pa ang hindi magkandamayaw na sipol ng iba't-ibang estudyanteng narito.

"Master, palibre naman dyan.." di ko pa napansin kung sino ang humirit ng ganito sa kanya.

"Fine. I'll treat you.."

Muling nag-ingay ang lahat. Naglakad sya't lumapit sa akin. Noon ko lang din napansin na, nasa mismong gitna pala ang pwesto ng aming mesa. Kaya naging center of the eye to.

Maingat nyang itinaas ang kaliwang kamay. Akala ko kung ano na naman. Hay... umaasa na ba ako?. Magtigil ka nga. Concentrate. Focus.

"Pero tubig lang ang kaya kong ilibre." nanlumo ang lahat sa sinabi nya. "I can treat you, but my priority today, is to treat her better.."

Isang nakakabinging tili at sigawan ang naganap!...

Teka. Nasa langit na ba ako?. Wala akong maramdaman. Lumalaki ulo ko. Kahit ang nanlalamig kong kamay ay nagpawis ng todo.

Hindi pa sya nakuntento. Hinalikan ako sa noo.

Susmiyo!. Huling araw na ba ito ng mundo?. Bat ang sweet mo?.

次の章へ