webnovel

Chapter 16: Great day

Masasabi kong swerte ang araw ko ngayon dahil may nanlibre sakin. Akalain mo yun?. May tao palang ganun. Kahit walang dahilan, nanglilibre.

"Karen, is my shoes done?." eto na naman po tayo. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga. Iyong gusto na ang hinahanap. Wala naman syang ginagawa, bat ako pa tong inutusan nya?. Hay naku! Mga tamad masyado.

"Tapos na po ma'am. Basta yung sweets ko po ha." binigyang diin ko pa ang sinabi nyang ibabayad nya sakin. I saw how she rolled her damn eyes. Kinuha nya muna ang sapatos na itinuro ko gamit ang nguso bago lumabas. Pinihit nya ang saradura.

Bwiset! Dinedma ako?.

Mabuti nalang at hindi iyon lumabas saking labi dahil andyan pa pala sya sa likod ng pintuan. Hawak hawak ang saradura mismo.

"Ah, I almost forgot. Your sweets is already on downstairs."

"How many of those?."

"Five, I guess."

"Just five?." lima lang. Ang kuripot talaga!

"Five kind of sweets. You have your cookies, three pieces of chocolates, a piece of cake, yogurt and your float. Ugh!. Sweet tooth."

"Thanks!.." agad akong bumangon at nilapitan sya. Hihirit sana ako ng yakap sa kanya subalit mabilis itong umalis sa kinatatayuan at kumaripas na ng takbo pabalik ng kwarto.

Hay!. Kailan kaya magbabago mga kapatid ko?. Saka lang nila ako gusto pag my kailangan sila. Pag wala na, who u na ako sa kanila.

Bumaba ako to check the reward I got. Hindi nga sya prank. Totoo. Dahil una ng kumain si ate Kiona. "Hey sweet tooth. I am starving, so I ate your cookies." paalam nya ngunit huli na dahil isa nalang ang natira.

"Ate?." nanlulumo kong tawag sa kanya. Just like ate Kendra. She rolled her eyes. Habit nila yan. Nakakainis! Akala nila ikakaganda nila ang ganun. Di kaya. Nakakairita pa kamo. Pwede pa. Tsk!

"Ang tagal mo kasing bumaba eh. Kaya ako na nauna. Tsaka, hindi mo ba dinig, hinanap ka ni Papa bago umalis."

"Bakit daw?." now. She's changing the damn topic.

Hay.....

"I don't know."

"Hindi nya sinabi?."

"Correction sis. Wala syang sinabi."

"Talaga?."

"Bat parang di ka naniniwala?."

"Wala lang." hindi sana yan ang isasagot ko. 'I have this guts na may binilin sya' yan ang tamang salita na nabuo sa isip ko subalit mahigpit kong pinigilan ang sarili kong wag nalang sabihin. Mag-aaway lang kami at mapupunta sa kawalan ng kahulugan ang pag-aaway namin. Ganyan pa naman yan. Kahit natapos na noong ilang taon pa, hinahalungkat pa. Naku! Ewan ko sa dalawang panganay ko na to. Para silang ampon tapos ako lang tong tunay na anak. Lol!

Maya maya. Bago pa ako umupo. Tumayo na sya't iniwan ako. Eksaktong kukunin ko na sana yung nag-iisang cookies na natira tapos humirit pa. "Madami ka namang pagkain, akin nalang ito ah. Thanks." Hindi pa man ako pumapayag ay nagpasalamat na ito. O yes! I have no choice but to endure their roller coaster attitude. Nakakapanlumo lang na, sa tanda na nila hindi pa rin sila nagtitino. Oo, nauna sila sa akin pero bakit pakiramdam ko, sila ang mahuhuli ngayon. My way is different from theirs. Masyado silang maingay, magulo at mahilig magreklamo, ako one is enough, I prefer silence rather than noise. Sabi ko nga. Di sa binubuhat ko ang sarili kong bangko. Sadyang, iyon lang ang obserbasyon ko kung susumain ko ang lahat.

Tahimik kong kinain ang natira. Tinikman ko lang yung cake saka yung float na ang inubos ko. Tinago ko rin yung chocolate dahil alam ko na pag nilagay ko pa ito sa ref. Malamang, wala na bukas. Yung yogurt lang ang nilagay ko sa chiller para fresh pa rin sya. Bahala sila kung ubusin nila. Magpapabili nalang ulit ako kung sakali.

Kumain kami ng hapunan na wala si Papa. May duty na ito sa istasyon ng mga pulis. Kaya si Mama lang ang abala. Kung di ko pa tinulungan, baka hating gabi na kami kakain.

Hindi ako naghugas ng plato. Per duty e. At natyempong si Ate Kiona ang may toka. Tinatawag nya ako pero binalewala ko lang iyon. Di ko sya pinakinggan at itinuon ang atensyon kay Kim. After nyang matapos, tinalsikan pa ako ng tubig. Asar lang! Tinawag ko si Mama at sinumbong sya. Syempre, napagalitan dahil karga ko mismo si Kim. Baka sipunin e. Mahirap pa naman mag-alaga ng bata.

Sermon ang inabot nilang dalawa. Imbes pakinggan ko ang sermon na inabot nila. Umakyat na ako para ayusin ang gamit para bukas. Lunes na at talaga nga namang kinakabahan ako.

Kingwa! Sinong hindi kakabahan dun sa ginawa mo Karen?. Sinabihan mo lang naman syang gwapo, a mismong mukha pa nya?.

"Wa! Ayoko na!." tili ko. Takip ng unan ang mukha ko. Duon ako walang humpay na tumili.

Madaling araw na siguro ako dinalaw ng antok kaya kinaumagahan, malapit na sa late ang orasan.

Minadali ko si Papa sa pagmamaneho dahil late na talaga ako. At pagbaba ko palang. Nanlumo na ako. Sarado na ang gate. Meaning, malapit nang magstart ang first class namin.

"Hay!. Lampa ka talaga kahit kailan Karen." pinagalitan ko ang sarili ko ng huminto ako sa mismong harap ng gate. Ginulo ko ng bahagya ang aking buhok saka tinuktukan ang sarili. "Nakakainis!." sabay pa ng padyak ko.

"Hey Lady!. Good morning." sa likod ko ay may nagsalita nito. Kinabahan ako syempre pero nung matanto ng ilong ko ang pamilyar na pabango, nagimbal ako.

What the hell!?. Sya ba talaga yan?.

Hindi ako nag-aksayang tignan sya kaya naglakad ito at tumabi sa akin. "Gwapo ba ako ngayon?." tanong nya na may kasama pang ngisi. Siniringan ko lang sya. Natawa sya bigla. Hilig ba nitong tumawa?. Iyon ang nakakagwapo sa kanya. E di inamin mo rin na gwapo nga sya Karen?. Wala naman akong sinabing hinde ah. Ey!

"Ewan ko sa'yo." irap ko bago sya iniwan. Mabuti nalang talaga at inopen nung sekyu ang gate. Nakapasok akong hindi normal ang paghinga. Kabado na nga ako dahil late, tapos heto pa sya't dumagdag. My gosh! Kian wag naman ganyan. Lalo akong mahuhulog eh. Sasaluhin mo ba naman ako pag nangyaring umamin ako sa'yo?. Naku! Wag umasa Karen. Boys will be boys.

"Have a great day." habol pa nito bago kami tuluyang pumasok ng kanya kanyang room.

Thanks to you. My day is already great.

次の章へ