webnovel

Chapter 14: Clumsy

Sunday morning. Dumating si papa. Ang sabi nya. Off nya raw ngayon at magsisimba kami.

"Nasaan na naman mga ate mo Karen?.." ito agad ang bati nya sakin pagkababa. Hinalikan ko si mama sa pisngi. Ganun rin si papa at si Kim na nasa crib.

"Good morning ate Nena.." bati ko sa stay out na kasama namin sa bahay.

"Magandang umaga sa'yo gwapa.." bati rin nito. Ngitian ko lang sya't bumaling ulit kay papa.

"Di ko po alam Papa.." yun na ang pinaligtas na sagot sa lahat. Ayoko kasing magsinungaling o ang pagtakpan pa sila. Natutunaw konsensya ko sa tuwing naglilihim ako sa kanila. Di ko kaya.

"Hindi ba nagpaalam sa'yo?.."

"Hindi ho.." sagot ko habang nakayuko.

"Nena, puntahan mo nga sila sa taas.." utos nito kay Manang. Mabilis binitawan nito ang gawain sa lababo.

"Ako nalang Manang.." prisinta naman ni mama. Kaya binalikan nito ang ginagawa. "Karen, tignan mo muna si Kim.."

"Opo.."

Ako ang kinakabahan sa para sa kanilang dalawa. Kung mahuhuli sila ngayon na wala dito sa bahay. Malamang sa malamang ipapatapon ito sa probinsya. Ayaw na ayaw pa naman nila ang pumunta doon.

Sumimsim lang ako ng gatas ko pagkaalis nya ngunit ilang minuto lang ay bumaba na sya.

"Nasa taas sila. Tulog na tulog pa.."

Napabuntong hininga si papa sa ibinalitang ito ni mama. Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para sa pupuntahan.

"Sa weekend anak. May pupuntahan tayo.." anunsyo ni mama.

"Saan po?. Nakakaexcite naman.." tili ko.

"Basta.. wag mong sasabihin to sa mga ate mo ha. Para masurprise sila.." dagdag naman ni papa.

"Yes po.." ilang oras lang ay nasa simbahan na kami. Puno ito as usual. Sa may bandang unahan ang upuan namin. Duon ang hilig ni mama.

Ilang minuto pa ang nagtagal ay patapos na ito.

Naglakad na kami papuntang dulo dahil palabas na nga kami ngunit sa likot ng mata ko. May nakita ako!. At damn! Hindi lang simpleng kita kundi nagkatitigan pa kami. It's him! He's staring at me like I'm the most beautiful woman today! Damn boy! Damn eyes!!

Aray!!..

Nadapa po ako!!

Nakakahiya!!

"Anak, ayos ka lang?.." tinulungan ako ni papa na tumayo mula sa lupa. Nakatulala pa ako nang linisin ni papa ang braso at damit ko. "Bat di mo kasi tinitignan nilalakatan mo ha?.." gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan. Gusto kong tumakbo palayo pero di ko magawa dahil sa pangangatog nitong tuhod ko.

My goodness Karen! Ano ba!?..

"Are you okay?.." inulit pa ni mama ang tanong na ito. Tuloy di ko na napigilan pa ang pamumuo ng luha saking mata at tuluyan na nga itong nag-unahan pababa. Di ko na sila sinagot pa. Basta ko nalang silang tinanguan at nagpaalam ng mauna na sa labas. Ayaw pa akong bitawan ni papa ngunit nagpumilit ako. Ilang dipa nalang ay pintuan na palabas subalit pakiramdam ko, ilang libong kilometro pa ito ng takbuhin ko dahil sa mga matang nakatingin sakin. Some are laughing, gossiping and worst, saying some nasty words towards me while walking out. Nakakahiya! Dahil sa pagtitig ko sa gwapo nyang mukha ay sa lupa naman ako dinala ng paa ko. Badtrip! Kung kailan ko sya natanaw ng ganun kapayo tapos titigan pa kami. Duon pa ako napapahiya ng ganito! Damn it! Ayoko na sa mundo!!

Nakayuko akong tumakbo palabas. Di ko na inida pa ang mga taong mababangga ko o ang mga paang natatapakan ko. Wala na akong pakialam dahil namantsahan na ang pride ko. Lintik na lupa. Pinamukha sakin na di ako maganda.

"Hey!.." sa lalim ng pag-iisip ko. At sa init ng luha sa pisngi ko. Di ko man lang namalayan ang paghablot ng kung sino sa braso ko. Napaawang ang labi ko dahil di ko alam ang gagawin. At lalong di ko kilala kung sinong tao ang nasa likod ko.

"Are you okay?.." his husky voice rang through my ears.

Sa init ng pakiramdam ko kanina. Bigla itong napalitan ng panlalamig dahil sa kamay at boses na iyon. Impossible! Imposibleng sya itong may hawak ng braso ko?. Imposibleng nakita nya kung paano ako madapa kanina?. Nah! no way!! Ayoko na! Nakakahiya!!

"I'm.." nanginig ang boses ko. Di ko alam kung anong uunahan sa lahat ng nasa isip ko. Kung ayos lang ba ako dahil hawak nya ako ngayon. Kung magtatago ba ako dahil sa kahihiyan o kung tatakbuhan nalang sya dahil sa kawalan ng lakas na tumitig pa sa mata nya. Damn it! I don't know what to do now!!

"You're not okay?.." deklara nya. At kasabay nun ay hinila na nya ako palabas ng simbahan. Nauuna syang maglakas sakin kaya nakikita ko ang lapad ng kanyang likuran. Kulay asul man ang polo na suot nya ay bagay na bagay pa rin ito sa kanya. Lalo pa yatang nadepina ang kulay ng balat nya sa kulay ng suot nya ngayon. Suot din nya ang isang maong na pantalon at sneakers na puting sapatos. Nang iangat kong muli ang tingin. Natagpuan ko na lamang ang aming paningin sa kamay nyang nakahawak pa rin sa braso ko. Sumisigaw ang mga ugat sa braso nya paakyat sa balikat nya. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi dahil sa naiisip.

Huminto sya sa paglalakad at huli ko nalang nalaman na nasa ilalim na pala kami ng isang puno. Hula ko'y ilang daang taon na ito kung susumain.

Hindi sya nagsalita nang ilang oras matapos kaming huminto sa paglalakad. I act like I'm fixing myself para maibsan ang kaba kong ikakamatay ko na yata dahil sa lakas nito.

"You look beautiful today.." he started. Natigilan ako syempre. Ghad! Sinong di matitigilan kapag ganitong sinabihan ka ng maganda ka ngayon! Oh! Sinungaling nalang ang magsasabing di sila natigilan o natuwa kapag ganun!

Di ko pa rin magawang sumagot. Seryoso! Nalunok ko na yata dila ko kanina.

"And clumsy.." he said in a way of making fun of me. Nakangiti pa sya. Putik! Don't smile please! Baka mahulog ako lalo!!

"Ano!?.." gulat kong tanong nang sabihin nyang lampa raw ako. My ghad! Ang yabang! Porket gwapo sya eh! Erk!!,

Nginitian nya lang ako.

"What did you just say?!.." bahagyang napataas ang boses ko kaya napapatingin sakin ang iilang napapadaan sa gawi namin.

Suminghal sya tapos inayos nya ang buhok nya patayo saka nya binasa ang ibabang labi nya. He cleared also his throat.

"Anong sinabi mo?.." lumapit ako sa kanya para sana itulak sya subalit inunahan nya ako. He leaned on me and said, "I said, clumsy you're beautiful today.."

"A-no!?.." sigaw ko. Napalayo sya. Natakot yata. Saka humalakhak na nakapamaywang. "Ikaw!!"

"What!?.." natatawa pa nyang saad.

"Ang yabang mo ha?.."

"Gwapo kasi eh.. ahahahaha.."

"Psh!! Ang feeling!! Ang yabang! Hoy! Kung sa tingin mo gwapong-gwapo ako sa'yo?. nagkakamali ka!!."

"Really??.."

"Oh really!!.. ASA ka naman.."

"Kung di ako gwapo, bat ka nadapa kanina kung ganun?.."

"I-kaw!?.."

"What!?.. Tanggapin na kasi na gwapo nga ako.. kaya nadadapa ka eh.."

"Psh!!. urgh!! ang yabanggg!!." namaywang na ako sa frustration. Nawala na yung kahihiyan na dala dala ko kanina.

"Pero gwapo naman.."

"Kapal ng mukha!.."

"Atleast gwapo naman.."

"ASA!.."

"Gwapo kaya tinitigan.. hahaha.."

"Ugh! Goodbye!.." tinalikuran ko sya't bumalik na sa loob. Baka hanapin ako nila papa.

"Hey!.. baby clumsy!.."

"Don't talk to me!.."

"That's hard!.. haha.." dinig ko pang reklamo nya pero di ko na sya pinansin pa. Nakakahiya na nga yung nangyari kanina, ginatungan pa nya! At take note ha! Sya na nga dahilan bat ako nadapa, sya pa rin itong dahilan bat nakangiti akong parang baliw ngayon. Kingina! Ang hirap pigilan ang kilig!!

次の章へ