webnovel

First Encounter

Cedric's POV

Pumipikit-pikit pa akong pumasok sa room 409 habang ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig para humikab na rin. Kahit matagal na rin akong nakapasok sa section na ito ay tila hindi pa rin sanay ang aking katawan na gumising ng ganitong kaaga.

"Good morning Cedric!"

Pagakaupo ko sa aking assigned seat ay humarap naman sa akin itong si Kylie at binati ako ng punung-puno ng energy, as usual. Sinubukan ko namang makipagsabayan sa kanya by plastering a smile to my face.

"Good morning Kylie."

Matapos ko siyang mabati, matik na napagawi ang aking tingin sa aking kanan at nakita ang nakaidlip na namang si Mitch sa kanyang upuan. Kita niyo nga naman ang lalaking ito, akala ko magbabago na ito pero gano'n pa rin pala.

Napangiti ulit ako nang mapag-isip isip ko na nadiskubre na rin pala ng kaibigan kong ito ang nakatago niyang kakayahan. Samantalang ako rito, wala pa rin akong kaalam-alam kung ano 'yung sa'kin...

O kung may kakayahan nga ba talaga ako.

...

"Hindi ako kailanman nagkamali sa mga nararamdaman ko sa'king paligid."

...

Bigla tuloy sumagi sa aking isipan 'yung sinabi dati ni Elise no'ng nagkasalubong kami sa daan no'ng nakaraang araw.

Kung totoo nga ang kanyang sinabi noong araw na iyon... then that means hindi talaga siya nagkamali sa pagpili sa'kin. Baka nasa sa'kin nga talaga ang problema.

"Oh, ba't parang bigla ka diyang nalungkot?" I snapped out of my thoughts nang marinig ko ang boses nitong si Kylie. "Iniisip mo na naman ba kung ano ang iyong property?"

Grabe, kahit saglit pa lang kami nito nagkasama, napaka-observant na niya sa akin at sa aking mga ikinikilos.

"Yeah." tipid kong sagot.

"Take your time. Huwag mo masyadong madaliin." Kylie gave me her reassuring smile. "Sooner or later, lalabas din 'yan, okay?"

Dahil sa kanyang sinabi ay napangiti na rin ako at napatango.

"Okay."

Matapos nang saglit naming pag-uusap ni Kylie ay agad din kaming umupo ng maayos ng makita naming magbukas ang pinto at iniluwa nito ang aming class adviser na si Mr. Cruz.

"Good morning class." pagbati niya sa'min sabay ngiti.

"Bago tayo dumako sa ating discussion para sa araw na ito, nais ko munang magbigay ng isang anunsyo." Lahat ay natahimik sa tinuran ng aming guro. "Nakapili na ang school director ng magiging batch leader para sa inyong batch."

Nawalan na agad ako ng interes sa kanyang i-a-anunsyo. Alam ko naman kasi na wala akong panama sa pagiging isang batch leader.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan bago muling magpatuloy si Mr. Cruz sa kanyang i-a-anunsyo.

"At ang kanyang pinili ay si Warren Santiago."

Okay, hindi na 'yun nakakagulat para sa'kin at pati na rin sa buong klase. Kita ko namang napasmirk 'yung mayabang kong kaklase as his name was mentioned.

"As the elected batch leader, please go here in front and state your thoughts."

Pagkatawag sa kanya ni Mr. Cruz, hindi naman nag-alangang napatayo itong si Warren at nakapamulsang naglalakad papunta sa gitna.

"Bilang isang batch leader, ang aking hangarin lamang ay ang tulungan kayong mahasa ang kanya-kanya nating property..." panimula niya. "Pero paano naman natin 'yan magagawa kung ang ilan sa atin ay tamad? Kagaya ng isa diyan, natutulog sa kanyang silya."

Napagawi ang tingin niya rito sa aking katabi na nakalimutan ko pa lang gisingin! Dali-dali ko naman siyang niyugyog and afterwards ay buti na lang at nagising itong kaklase ko.

"Minsan naman may nale-late ring pumasok sa ating first period class." I saw Warren grimaced at the guy seated in front, katabi no'ng maarte naming kaklase.

"At kung puro kayo kalokohan." He said and his gaze landed sa kambal naming kaklase.

"So therefore, I'll start on implementing changes sa walang kwentang batch na ito. At sisimulan ko iyon sa isang tao sa klase na ito who hasn't discovered his property yet."

As expected ay nakita ko siyang napagawi ang kanyang tingin sa aking kinauupuan.

"Paano mo naman matutulungan itong si Mr. Magbanua sa pagtuklas ng kanyang kakayahan?" pagsingit ni Mr. Cruz.

Napa-rub sa kanyang baba itong mayabang kong kaklase bago siya muling magsalita.

"Nasa sa kanya ang problema, sir. Tamad lang siyang gumawa ng hakbang para madiskubre niya ang kanyang kakayahan." I suddenly gritted my teeth with his answer. Ansarap niyang sugurin at pagsusuntukin ngayon din.

"So therefore, para magtanda siya sa kanyang katamaran, I'll give him a punishment. Starting from this day, until that time comes na madiscover niya na ang kanyang kakayahan..." Napahinto siya saglit at ginawaran ako ng kanyang nakakabwisit na smirk.

"... I'll assign him na mag-ayos nitong classroom natin kada tapos nating magklase. He's not allowed to take a break muna hangga't hindi niya nababalik ang mga silya sa kanilang kalalagyan, nabubura ang pisara, at nalilinis ang buong room."

Wait, what?!

"Sir, parang ang unfair naman yata no'n-" Sinubukan pa akong depensahan ni Kylie kaya lang pinigilan siya ng aming guro.

"I think that is a very brilliant idea Mr. Santiago." pagsang-ayon ni Mr. Cruz.

Mas lalong lumapad ang smirk sa mukha ng mayabang kong kaklase as he looks at me now.

"Thank you, sir. Again, wala naman akong hinahangad na kahit ano kundi ang madiskubre ng aking kaklase ang kanyang kakayahan." bait-baitan niyang sabi.

Napakuyom naman ang kanang kamay ko. Paano naman kaya iyon makakatulong sa akin aber? Ang sabihin niya, gusto niya lang talaga akong ipahiya sa buong klase.

Matapos nang saglit niyang speech ay bumalik na ulit sa kanyang upuan itong si Warren. Pero bago pa siya makabalik ng tuluyan, hindi ko muna pinalagpas ang pagkakataong tingnan siya ng masama. Ginawaran niya lamang ako ng isang ngiting tagumpay.

Great. Job well done sa pagpapahiya sa akin dito.

And with that ay nagsimula nang magdiscuss si Mr. Cruz para sa topic namin for the day.

***

Matapos mag ring ang bell ay agad ding nagdismiss sa amin si Mr. Cruz at lumabas ng aming classroom. Kasunod niya ay nagsilabasan na rin ang iilan sa aking mga kaklase habang ako naman dito ay nakaismid na nakatayo mula sa aking upuan.

"Gusto mo tulungan ka namin Cedric?" concern na tanong ni Kylie.

"Oo nga naman. Para sabay pa rin tayong makapag-break." pagdagdag pa ni Mitch.

"Huwag na guys. Ayaw ko rin naman kayong madamay sa pagkabadtrip sa akin ni Warren. Mauna na kayong pumunta sa cafeteria, susunod na lang ako sa inyo." tugon ko naman sa kanila.

"Oo nga, hayaan niyo siya."

Napalingon naman kaming lahat ng marinig namin ang pamilyar na boses ng mayabang naming kaklase na nakatayo pala sa likuran nina Kylie and Mitch.

"Nakakahiya naman na sa simpleng bagay na pinagagawa ko sa kanya ay magpapatulong pa rin siya." His cold gaze ay nalipat sa akin. "Hindi nga natin alam kung nabibilang nga siya sa atin."

Matapos niyang makisingit sa aming usapan ay tinalikuran din niya agad kami at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng classroom. Nabaling ulit ang tingin sa akin ni Mitch na mukhang nabadtrip sa inasal ni Warren.

"Alam mo, sabihin mo lang kung reresbakan natin 'yang ugok na 'yan ha. Matagal nang nangangati itong kamao ko na ipatama sa pagmumukha niya eh." may halong gigil niyang sambit.

"Ikaw, makikipagsuntukan? Eh madali ka ngang hikain sa ilang metrong takbuhan lamang." natatawang pang-aasar ni Kylie sa kanya. Napaismid naman itong inasar niya.

"Kylie, magkaiba naman 'yun eh." Mitch rolled his eyes.

"O siya siya, bago pa kayo diyan magkapikunan, mauna na kayong magmeryenda do'n. Kaya ko na ito, okay?" I chose to chime in, baka kasi mag-away pa ang dalawang ito.

"Sige na nga. Bilisan mo ah." sabi ni Kylie, with one finger pointing at me. Nakangiti naman akong napatango sa kanya.

Makalipas ang ilang segundo ay sa wakas, lumabas na rin ang dalawang iyon kaya sinimulan ko na rin ang pag-aayos ng aming classroom. Isa-isa kong ibinalik ang mga silya sa dati nitong ayos. Matapos kong magawa iyon, lumipat ako sa whiteboard, kinuha ang eraser, at sinimulan nang burahin ang mga isinulat ni Mr. Cruz dito.

Para walisin ang buong classrom, at punasan na rin ang mga mesa't upuan, nagdecide akong lumabas ng classroom at magpunta sa utility room which is nasa pinakadulong kwarto ng ikaapat na palapag para kumuha ng mga gamit sa panglinis.

Minumura-mura ko pa si Warren sa aking isipan as I went out of the classroom ng saktong may nakasalubong ako sa'king paglabas. Natigil ako sa paggalaw at kinuha ko ang sandaling iyon para tingnan ang lalaking nakasalubong ko.

Siguro nasa mga 30's to 40's na ang kanyang edad kung titingnan ko siya ng mabuti. Medyo may katangkaran din siya ng kaunti, may maitim na buhok na malinis na nakaayos giving him his formal look, may balbas ng kaunti, at nakasuot ng pang-business attire.

I think I saw this man somewhere...

"Mr. Magbanua, bakit andito ka pa rin? Didn't you have your break a while ago?"

Parang nagkaroon ng invisible light bulb sa ibabaw ng aking ulo sa oras na narinig ko siyang magsalita. Kung hindi ako nagkakamali sa pag-alala, ang lalaking nakatayo kaharap ko ngayon is no other than Eastwood High's school director himself.

Pero ano naman ang ginagawa ng isang tulad niya sa bahaging ito?

"Ah eh, ano po kasi, binigyan ako ng isang task ng aming batch leader na linisin ang aming classroom." nahihiya ko pang sabi sabay iwas ng kanyang mga titig sa akin.

I'm aware that he's somehow scanning me right now from head to toe, and I find it really disturbing.

"Ahh gano'n ba? Ano naman kaya sa tingin mo ang kanyang rason kung bakit ka niya paparusahan ng ganyan?" muling tanong ng school director.

Napalunok ako sa kanyang intimidating na presensya. I wish sooner or later ay lubayan niya na ako.

"H-hindi ko pa kasi alam kung ano 'yung aking property." awkward kong sagot. Pero teka, alam niya naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin 'di ba? After all, siya ang school director.

I know he knows everything.

"I see. Well, I know sooner or later ay malalaman mo na rin ang iyong nakatagong kakayahan." I took a glimpse sa kanyang itsura and I saw him giving me a meaningful smile as he looks at me.

O...kay?

"What if wala talaga akong kakayahan?" sambit ko na may halong pag-aalala.

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya as I felt his right hand rested on my shoulder.

"You have to believe in yourself for you to discover it." He answered, still with that meaningful smile plastered on his face.

Hindi nagtagal ay napatingin ito sa kanyang suot na relo na alam kong may pagka mamahalin.

"I have to go iho, but it was nice talking to you." he gave me his one last meaningful smile before turning his back on me at naglakad papalayo sa'kin at papalapit sa hagdan para bumaba ng gusaling ito.

Matapos niyang lisanin ang palapag na ito ay do'n lang ako nakahinga ng maluwag. Geez, I've never been this tensed before.

Kahit na nakababa na ang school director ay napagawi ang aking tingin sa daan na kanyang tinahak and narrowed my eyes.

Ano ba talaga ang meron sa iyo... school director?

---

{ PLEASE READ AUTHOR'S NOTE :D }

Hello readers! Magsawa kayo sa kaka-thank you ko sa patuloy niyong pag-abang sa storyang ito kahit na may lapses ang aking pag-update :)

Para lalong mapansin ang book na ito, please give this a book review para magka-star ratings na siya. xD 10 reviews is equivalent to star ratings eh hahaha. Also, English version of this story is on going as well. May mga binago ng mga beri light lang.

Ciao

AteJanzcreators' thoughts
次の章へ