webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 40 )

Hindi ko naman pinansin ang kanyang pag iinarte, ang oa nya kasi tsk! Madalas nya rin gawin iyon kaya wala akong pakialam sa drama nya, sorry guys ha? Nakakatampo naman kasi talaga si Zach, minsan lang pero mahal ko yan.

Hanggang sa sumalampak na sya sa semento, doon na ako nagtaka dahil madalas naman ay bigla bigla nalang syang tatawa at magsasabing " Biro lang mahal..". Pero bakit parang iba ngayon?. Paglapit ko naman sa kanya ay napansin ko ang pamumutla ng kanyang mga labi, doon na ako lalong kinabahan.

" Za-zach?? Eerr..". Taranta kong sabi.

" Eerrr.. m-mahal, o-ok l#+$@..". Si Zachary, dun na sya binawian ng buhay dejk! Nawalan nang malay. SERYOSO TOL, SORRY PO SA JOKE HUHU.

" Tu-tulong poooo!!!". Malakas na sigaw ko.

Marami agad ang mga nagtinginang tao. Sa sobrang lakas ng sigaw ko, sya naman agad ang mabilis na paglapit ng isang lalaki sa aming harapan.

Si Steve, at kasama nya si Renz.

" Steeeve!!". Sigaw ko, may pangingilid na rin sa aking mga mata.

Agad naman namin inalalayan si Zachary, medyo paputol-putol din ang kanyang hininga.

" D-dalhin na agad natin sya sa ospital!". Sambit nya.

Agad naman nakatawag si Renz ng ambulansya at mabilis din naman ang pagdating nito. Agad na isinakay si Zachary at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Sa ospital:

Nasa loob ako ng kapilya habang taimtim na ipinagdarasal ang mabilisang pagrecover ni Zachary. Naramdaman ko rin na may tumabi sa akin at marahang hinaplos haplos pa ang aking likod. Si Steve iyon.

" M-mabuti at nakita agad namin kayo.. a-ano bang nangyari?". Tanong nya.

Maayos akong naupo mula sa pagkakaluhod at tumabi sa kanya.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo. " M-may h-hindi ka ba sinasabi sa akin tungkol kay Zachary?". Kabadong tanong ko.

" B-babe? A-ano ba yun? A-anong sasabihin ko?". Alanganing sagot nya.

" S-steve! Si Zach! M-may karamdaman ba sya?". Deretsahang tanong ko.

Hindi agad nakasagot si Steve.

" Steve?". Medyo napataas kong boses.

" W-wala.. wala.. hi-hindi ko din alam, a-ano ba kasing nangyari?". Tugon nya.

Doon na tumulo ang aking mga luha. " Si-si Zach.. h-hindi ko alam pero madalas syang nagbibiro mula sa pananakit ng kanyang dibdib.. S-steve gusto kong malaman.. gusto kong nalaman kung anong gagawin nya sa amerika sa susunod na taon? Doon ba sya magpapagamot ng kanyang karamdaman? Magsabi ka ng totoo sa 'kin please?". Nanginginig na tanong ko ulit.

Medyo nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi, bakas din sa mukha ang pagkalito nya.

" B-babe.. maniwala ka h-hindi ko alam iyon. Hindi ko alam kung anong mga inililihim nya. At ang tungkol sa amerika? Hindi ko rin alam..". Tugon nya.

Natahimik nalang ako sa kanyang mga isinagot, para akong nabingi sa salitang " Hindi ko alam " na lumabas sa kanyang bibig. Imposibleng walang alam si Steve sa kung anong nangyayari sa kanyang kapatid. Malaki rin ang pagtatanong ko sa sarili ko, na kung bakit ba madalas ay wala sa aking tabi si Zachary dahil sa iniinda nyang sakit sa kanyang dibdib? Mali naman sana ang aking iniisip.

Bahagya ko nalang naramdaman ang yakap mula kay Steve. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at magulo na ang aking utak sa sitwasyon kaya wala na ako halos sa ulirat. Patuloy parin ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

" M-magiging maayos din ang lahat babe.. n-nandito lang ako.. h-hayaan mo paggising ni kuya marami tayong itatanong sa kanya..". Wika nya.

-----

Titig na titig lang ako mula sa kinahihigaan ni Zachary. Ganon parin ako sa sitwasyon, puno ng tensyon at takot. Ang masakit lang kasi ay yung madalas ko rin binabalewa ang kanyang pagbibiro. Ayaw kong humantong sa punto na maaga nya akong iiwan pagdating ng araw. Ayaw ko din naman isipin talaga na may karamdaman sya, hindi ko lang talaga maiwasan.

Sa ganoong pagtitig ko kay Zachary ay ang marahan din ang pagdilat ng mga mata nya. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at mabilis na niyakap sya.

" M-mahal..".

Itutuloy...

次の章へ