webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 23 )

Tumitig nalang sya sa akin, inilibot nya ang kanyang paningin at inuusisa ang buo kong pagkatao. Di ko alam ang ginagawa nya pero nakikita ko sa mga mata nya ang takot na emosyon.

Binasag kong muli ang aming katahimikan.

" S-sa side ko? Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit may mga ganyang kalakaran sa pagmamahalan, pero I agree! Hindi naman din ako homophobic o tutol sa mga ganyang relasyon.. Pero hindi ko lang talaga maimagine na umibig na rin pala ako noon sa kapwa ko lalaki at sayo Steve? Haha! Interesado tuloy akong malaman! Ganito ba ang talaga buhay ko dati?". Natawa nalang ako sa aking sinabi habang nasa malalim na pagkatitig lang sa akin si Steve.

Sa di makabasag na pinggan ng pagkatahimik nya ay tuluyan na rin syang umiimik.

" A-alam mo ba? Noong nalaman kong dito ka nag aaral at tumira? Nagmadali akong tinungo ang lugar na ito. Isang linggo ako dito. At nang nalaman ko na kung saan ka nag aaral. Kinausap ko agad ang office registrar at ang adviser mo na si Mrs. Wilson. Nagpaenroll ako agad sa ganoon ding araw at gusto ko na maging kaklase kita, masaya ako na pumayag sila. At nang nakita na kita nang harap harapan? Labis pa ang naging kasiyahan ko noong mga sandaling iyon..". Sandali syang natahimik. " A-ang Chander na dati ay halos paralisado at hindi na halos makausap ay muli ko ulit masisilayan. Buo, normal at ang gwapo at heto? Nasa harapan ko na ngayon, kasama.. iyon nga lang at may kakulangan! Binura nang balang bumaon sa iyong ulo ang lahat ng naging alaala natin. Pero gayunpaman? Masaya akong nagsisimula kang muli at tahakin ang isang makabagong ikaw sa ngayon. At sa panahong bumalik na ang alaala mo ay handa kong tanggapin ang lahat kung ano man ang iyong magiging desisyon..". Paglihis nya sa aming usapan.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Isang palaisipan na naman ang mga binitawan nya sa akin, medyo nakakadismaya lang yung salitang may kakulangan. Pero bumawi sa sinabing ang GWAPO ko. Hindi ko rin alam kung ngingiti ako, parang napakaawkward naman.

" Talaga? Ganoon ba talaga ako dati? Naalala ko yung ikinuwento mo tungkol doon sa lalaking nabaril.. at ako pala iyon! Parang gusto ko tuloy malaman ang dahilan..". Saad ko.

Hindi na naman sya sumagot.

" Ok kung ayaw mong pag usapan matutulog na ako!".

Hindi pa rin sya sumagot kaya bahala na sya sa buhay nya! Tumalikod ako pahiga sa kanya at doon ay nakatulog na ako.

-----

Tatlong araw pa ang lumipas. Sa wakas naman ay nakalakad na nang maayos itong baliw na 'to! Nakapasok na rin sya sa eskwelahan at dating routine namin ulit! Yung maglalakad kami ng sabay patungong eskwelahan tapos mag aasaran hanggang sa pagpasok ng tarangkahan maging sa silid.

-----

" Aaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!". Sigaw ni Kyla nang makita kaming papasok ng room.

Nakiusisa na rin ang iba pa naming kaklase at pumila pa talaga para lang makita si Steve. Kunot noo kong hinarangan si Steve at baka hawakan sya nila. Hindi pa kasi ganoon kagaling ang braso nya concern lang. Baka anong isipin nyo agad!

" Ano ba kayo guys? Para namang may pila ng bigas dito! Mukha ba kaming politiko at mamimigay ng relief??". Bulyaw ko.

" Ang gwapo mo pa rin baby Steve yiii!". Sigaw ng isang babae na nakapatong sa kanyang upuan.

" Tooool Steve!!". Sigaw ni Renz at lumapit pa sa amin.

" Hoy! First time mo din makita??". Bulyaw ko kay Renz.

" Hindi! Kinakamusta ko lang..". Sagot nya.

" Haha! Hayaan mo na babe.. hello guys?". Lumihis si Renz sa pagkakaharang ko sa kanya at saka binati ang lahat ng mga kaklase namin.

" Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!". Ang mga tinig ng nagtitiliang babae nang tuluyan na kaming pumasok sa room.

" Tangina nitong mga 'to ha! Pinagmumukha akong alalay ng baliw na 'to! At Steve naman akala mo artista, kung makaentry akala mo may fashion show at ako ang tagadala ng bag na minomodel nya!". Ang sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa mga kaklaseng naghihiyawan. Tumingin din ako kay Steve pero nakatingin na ako ng masama.

Napasin din ako ni Steve at nagtaka hanggang sa makaupo kami.

" Ehh....". Di pa natapos lumabas sa bibig ni Steve ang kanyang sasabihin ay simbilis naman sa alas kwatro ang pag upo ni Kayla sa armchair nito.

" Hello babe?". Si Kyla sabay himas sa dibdib ni Steve.

Nagulat ako.

" Arrgh!". Daing ni Steve.

Nagulat rin si Kyla at agad kinalas ang kanyang kamay at napatakip sa kanyang bibig. " S-shockks! I-m sorry..".

" Oww! It's ok I'm ok..". Ani ni Steve.

" A-ah pwede ulitin? Charrr!! Kamusta na pala babe?". Pabirong sabi ni Kyla.

" A-ah haha! Your so funny eh? Ok lang I'm not totally recovered but grantly soon or maybe bukas? Hehe!". Pabirong sagot din ni Steve.

Di ko alam kung matatawa o magagalit ako habang pinapanood silang nag uusap. Parang walang kirot na dumampi sa akin sa ganoong style ng pag uusap nila habang si Kyla na pokpok na nakaupo sa armchair ni Steve at nilalandi ito. Patingin tingin din si Steve sa akin at inoobserbahan yata kung anong magiging reaksyon ko. Common lang, happy for him.

Itutuloy...

次の章へ