webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 19 )

-----

" Ang saya mo ngayon ha? May babae na ba?". Sambit ni Steve noong nasa boarding house na ako at nagbabasa ng komiks. Nakaupo ako sa tapat ng aking study table at nakapatong pa ang mga paa sa lamesa. Habang nakahiga naman sya sa kanyang kama at tinitigan lang akong magbasa.

" May sinasabi ka ba?". Ang nasagot ko nalang. Hindi ko kasi masyado narinig dahil nakatutok lang ako sa aking binabasa.

" Ay wala ba? Bakit ka masaya?". Tanong nya ulit na nakangisi.

" Malamang nakakatawa itong binabasa ko eh!!". Pabalang kong sagot pero natatawa pa rin.

Di na sumagot si Steve, nainis siguro. Di ko rin kasi sya pinapansin dahil sa binabasa ko. Itinuon nalang nya ang kanyang paningin sa kisame na animo'y tagos ang mga mata sa kawalan, ilan minuto din iyon at napapabuntong hininga pa.

Napalingon naman ako sa kanya dahil sa hindi na sya nagsasalita. Bigla kong tiniklop ang hawak kong komiks. Tumayo ako at saka lumapit sa kanya.

" Kailan ka ba makakalakad tol?". Tanong ko nang nakaupo na ako sa kanyang tabi at sya naman ay nakahiga.

" E-ewan ko.. pero sana nga tuluyan na akong mabaldado..". Pabiro nyang sagot.

" Gago! Kailangan mo nang gumaling tol! Ang dami mo nang namiss na lessons..". Sambit ko.

" Ang dami ko ngang namiss na lessons.. pero mas namiss kita..". Humugot pa.

" Haha! Ang korni mo tol!". Saad ko, tinapik ko ang kanyang binti na nakasemento pa rin.

" A-aray!!". Mahinang daing nya.

" Ngii? Ang oa amputa! Sa tigas ng nakabalot dyan nasaktan ka pa?!". Pang aasar ko sabay pakawala ng malakas tawa.

Isang matipid na ngiti lang kanyang pinakawalan tapos ay tumitig lang sa akin.

" Ka-kamusta pala yung bonding nyo ni kuya? Ano.. mahal mo na ba sya?". Sarkastikong tanong nya.

Bigla akong napahinto sa pagtawa ng marinig ang kanyang sinabi. " Ok naman? At ano naman klaseng kabaliwan yang mahal mahal na yan??? Nagyaya lang syang gumala!". Bulyaw ko. " Isasama nga sana kita kaso ang sabi nya nagpapahinga ka na daw..". Dugtong ko.

" M-malay mo lang.. na sya pala yung gusto mo laging kasama at hindi ako..". Humugot ulit.

" Eh? Bakit ka ba ganyan kung magsalita? Puro ka hugot!". Inis kong sabi.

" Uhmm.. may natatandaan ka ba sa kanya?". Paglihis nya.

" Ha? Meron bakit?". Mabiilisan kong sagot.

" Meron? Hindi nga?". Gulat naman nya.

" Meron nga! Naalala ko lang.. napagtanto ko simula nang nakilala kita, at noong time na naaksidente ka tapos dumating sya? Yung kuya mo! Ang laki pala ng pagkakatulad ninyong dalawa..". Saad ko sabay pumwesto sa kanyang ulohan at inilapit ang aking mukha sa tapat ng kanyang mukha sabay ngisi.

Takang taka naman sya sa aking iniasta. " Ha? A-anong bang pinagsasabi mong pagkakatulad?". Tanong nya, tinitigan ako.

" Parehas kayo..". Sagot ko sabay kindat sa kanya.

" Parehas anoo?". Tanong nya parin, medyo tumaas na ang kanyang boses at sumeryoso ang mukha.

" B-A-L-I-W...". Inemphasize ko pa talaga ang pagkakasabi ko sabay sa hagalpak ng mapang asar na tawa.

Seryoso syang tumitig sa sakin. Hindi ko alam kung galit pero yung pagkaseryoso nya parang may pagkafierce, yung sa mga model na lalaki? Kung hindi mo alam manahimik ka nalang!!.

Bigla na lang nya pinisil ang matangos kong ilong. Medyo masakit at makati iyon kaya napahawak ako sa kanyang kamay at agad na inalis sa pagkakapisil. Di naman ako umalma sa kanyang ginawa. Doon ko napansin na ngumiti sya ng nakakaloko, napangiti ko sya. Ayan na naman yung signature na style ng pagngiti nya, iyon naman talaga ang pakay ko. Ang masilayan muli ang mga nakakalokong ngiti nya at sa wakas naman ay nagtagumpay ako. Sa sitwasyon, ako naman ang nakatitig sa kanya. Salitan lang. Ang boring diba? Tangina!.

" B-bakit babe?". Tanong nyang medyo may pacute effect pa.

" W-wala namiss ko lang mga ngiti mo..". Titig pa rin sa kanya.

Hinipo nya pa ang aking noo. " I-ikaw ba talaga yan babe?".

" A-ah oo naman!". Ngumisi ako. " A-ako 'to.. si natoy! Na mahal na mahal ka..".

Itutuloy...

次の章へ