webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 17 )

Lumipas ang dalawang linggong papamalagi sa ospital ay tuluyan na rin nanumbalik sa normal si Steve. Bagamat may supporter pa sa kanyang braso at medyo hindi pa tuluyang magaling ang kanyang kanang binti ay limitado pa rin sya sa kanyang pagkilos. Maging sa eskwelahan ay hindi pa rin sya pwedeng bumalik. Imbis na sa kanilang bahay sya pinauuwi ay mas gusto pa nya sa aming boarding house. Nahihiya naman ako kay kuya Zachary, wala akong magawa sa pamimilit ko kay Steve na umuwi pero ayaw nya. Na sya namang ikinagagalit ng kanyang kuya. Madalas din ang pag aargumento nila sa hindi ko naman malamang dahilan, ewan ko nalang kung may kinalaman sa kumpanya ng kanilang daddy. Minsan naman kapag umuuwi ako ng boarding house ay naabutan ko doon sa kwarto si kuya Zachary at may pinag uusapan sila ni Steve. Pero kapag nakita nila akong pumasok ay bigla silang tatahimik, iiling si Steve at magpapaalam naman agad si kuya Zachary na aalis.

Isang araw, pag uwi ko galing sa eskwelahan ay naabutan ko si kuya Zachary sa sitting area sa baba. Nang makita nya ako ay agad syang tumayo.

" P-pwede ba tayong mag usap?. Pambungad na tanong ni kuya Zachary nang makapasok nako sa pinto ng boarding house.

" Bakit kuya?". Takang sagot ko.

" B-bonding lang.. ganon? Ok lang ba?". Pakiusap nya.

" Usap tapos bonding?". Sa isip isip ko.

Di pa ako nakasagot agad dahil sa pag aalangan. " O-oo naman". Tuluyan din akong pumayag. " I-isama natin si Steve para naman maexercise ang binti nya at tuluyan na syang makalad..". Dugtong ko.

" Hi-hindi!! Ibig kong sabihin.. sinabi ko na sa kanya na tayong dalawa lang at ok lang daw sa kanya..". Sambit nya.

" A-ah ganon ba? O sige! Magbibihis lang ako..".

" Ok! Bilisan mo ha?". Saad ni kuya Zachary, ngumiti pa at kumindat.

Isang matipid na ngiti nalang ang aking sinukli.

Dali dali naman akong umakyat ng kwarto. Pagbukas ko sa pinto ay naabutan kong tulog si Steve. Dahil ayaw kong maistorbo sya sa pagtulog kahit naman tulog mantika sya ay maingat ko pa ring ibinaba ang aking bag at saka dumeretso sa aking cabinet at kumuha ng damit na susuotin. Pagkatapos kong mabihis ay agad din akong bumaba. Lumabas na rin ako dahil wala na doon sa sitting area si kuya Zachary. Sinitsitan nya nalang ako nang makita ako at nagmuwestrang sumakay na ako sa kanyang kotse.

Sa kotse :

Tahimik lang kaming dalawa, walang imikan. Habang sya ay nagmamaneho, ako naman ay nakadungaw lang sa labas habang umaandar ang sasakyan. Panay rin syang tingin sa akin, akala nya hindi ko iyon napapansin.

Tahimik.

" May sinabi ba si utol bago ka umalis?". Ang pagbasag nya sa aming katahimikan.

Lumingon ako sa kanya. " Tulog po sya nang makita ko po eh!". Sambit ko.

" Ahh mabuti naman.. ilan taon ka na palang naninirahan dyan sa boarding house tol?".

Hindi agad ako nakasagot dahil nakatulog na pala ako sa sobrang boring ng kwento. Joke! Easy lang author haha!

Sandali lang pala akong natahimik.

" T-three years na kuya..".

" Hahaha! Pwede ba wag mo na akong tawaging kuya? Mahal nalang.. este! Zach nalang tol, di naman ako ganon katanda haha!!". Ani nya at may kasama pang mapang asar na tawa.

Gusto ko sanang sabihing; " Ang laki ng similarity ninyo ni Steve! Kambal ba kayo? Parehas kayong tumawa, tapos wala ring hiya mas lamang si Steve ng 30%!". Sa sarili ko nalang ito.

" Ah hehehe.. ok kuya ay! Zach pala..". Pagtatama ko.

" Yown good boy mahal!!". Napasigaw sya.

Nagulat ako sa kanyang nasabi kaya nanlaki ang mga mata ako sa kanya. " Mahal??". Gulat kong sagot.

" Mahal? Ah.. Hindi! Oo sa mamahaling restaurant tayo kakain haha..". Sandaling natahimik at nagfocus sa daan. " P-pasensya ka na ha? Namimiss ko na kasi ang mahal ko..". Pagtatama nya sa kanyang sinabi habang patuloy syang nagmamaneho.

Hindi na ako sumagot. Habang titig naman ako sa kanya, sya naman ay maya't maya rin ang tingin sa akin, ngingiti at ngingisi. Naisip ko tuloy na wirdo sya na may pagkamisteryoso, di katulad ni Steve na wirdo at makapal ang mukha.

Maya maya ay nalingat nalang ako sa kanyang pagpreno, huminto kami sa tapat ng restaurant na sinasabi nya pero hindi kami bumaba bagkus ay bigla nya ulit itong pinaandar. Nagulat ako.

" Akala ko ba ay sa restaurant tayo?". Tanong ko.

" Uhmm.. relax ka lang may pupuntahan tayo na mas magugustuhan mo..". Sagot nyang hindi ko maintindihan.

Di na ulit ako sumagot. Sa totoo lang ay wala na akong masabi! Bwisit author GISING!!!. Nakiayon nalang ako sa kanyang desisyon pero di pa rin maalis sa aking isip ang pag aalinlangan na baka may iba syang gawin. Medyo manyak kasi ang itsura nya sa kanyang porma. Nakasuot sya ng polo na kulay light pink at nakatanggal ang tatlong butones nito kaya kita na ang kanyang masarap at matambok na dibdib. Naka reap black pants sya na fitted at nakasapatos na puti, di ko alam ang brand.

Nang huminto kami ay sa nasa karnabal kami. Bakit sa karnabal? Ewan ko din! Teka itatanong ko lang haha!.

" K-kuya? Ay! Z-zach bakit d-dito tayo n-nagpunta?". Utal kong tanong.

" Wala!! Naisip ko lang.. Dito nya kasi ako unang dinala at nagustuhan ko dito..". Sagot nya.

" Ano? Ang weird hehe..". Sambit ko nalang.

Bumaba na sya ng kotse at sumunod naman ako.

Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang napakagandang itsura nito, makukulay na paligid, kumpleto sa rides at mga games. Para kang nasa Disney Land! Marami rin tao sa lugar, mukha ngang kilala pero ngayon ko lang kasi ito napuntahan kaya medyo bago pa sa aking paningin. Dahil sa sobrang pagkaaliw ko, hindi ko na namamalayan ang pagtitig sa akin ni Zach. Di ko na rin sya pinansin, baka lang naoverwhelm sya sa akin dahil sa pagkamangha ko. Para rin kasi kami nasa isang paraiso. Para akong bata sa sitwasyon. Ang saya!.

Itutuloy...

次の章へ