webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 4 )

Alam nyo ba kung anong pinag-usapan namin ni Pamela? Well, malalaman nyo yan mamaya. Maghintay nalang kayo mga silent readers! Ayaw nyo pa rin maglike mga walang silbe!!

-----

After ng dismissal, umuwi agad ako ng boarding house. Hinahabol naman ako ni Steve. Putangina talaga!

" Babe! Hintayin mo ako!!". Sigaw nya. Wala syang pakialam kung may makarinig sa kanya sa pagsigaw nya sa 'kin ng babe, nakakahiya sya!

Hindi ko sya nilingon, derederetso lang akong maglakad pauwi. Kahit eskinita dinaanan ko mailigaw ko lang sya, sana nga maligaw para hindi na makabalik ng boarding house eh! Haha ang immature ko diba?

-----

Tahimik.

Lumabas si Steve ng cr, nakatapis lang sya ng tuwalya sa kanyang bewang. Yung pagkakatapis na babang baba na at nakikita na ang bulbol sa kanyang harapan. Sa tingin ko sinadya nya iyon para mapukaw ang atensyon ko sa kanya, ako naman si tanga tumingin. Napatitig ako sa katawan nya, at yung baliw nagpapainggit pa ng katawan, ang akala nya wala ako ng mga meron sya.

" Ang bastos amff!..". Pagpaparinig ko ngunit mahina lang pagkakasabi ko. Nakaupo ako sa harap ng aking study table. Alam kong alam ni Steve ang ibig kong sabihin. Tumingin lang sya sa akin, ngumisi pa.

Hindi rin ipagkakaila, ang astig nya sa kanyang tindig. Maganda ang porma ng katawan nya, parang pinaghandaan. Parang ako? Perpekto din! Pero yung sa kanya, halos na proportioned at hubog na hubog ang katawan. Malakas ang alindog na nakakapagpagising sa kaugatan ng kalibugan. At syempre sinabi ko iyon kasi meron din ako non!.

Hindi pa talaga sya nakuntento sa pagpapakita ng nakakadiring bulbol, humarap pa sya sa akin. Hawak nya ang isang brief sa kanyang kaliwang kamay. Wala rin pasintabi nyang tinanggal ang nakatapis na tuwalya sa kanyang bewang at isinabit naman ito sa kanyang balikat. Tumambad sa akin ang hubo't hubad nyang katawan, kitang kita ng dalawang mata ko. Napanganga ako ng bahagya. Ngayon ay nasa harap ko sya at walang saplot sa katawan tapos ang kapal pa ng bulbol. Hindi marunong magtrim amputa! Naghuhumindig ang kanyang armas, ay hindi pala. Wala akong masabi grabe!.

" Bakit?". Tanong nya nang mapansing napanganga ako nang makita syang hubad paharap sa akin.

Napakunot noo ako. " Hoy baliw! Turo ko sa kanya, yung astig na pagkakaturo. hindi kasi ako bakla! " Di ka ba nahihiyang kaharap mo ako't nandidiri ako sa katawan mo?". Sigaw ko sa kanya.

" Eh 'di ba't gusto mo akong laging nakikitang nakahubad noon.. Este! Wala naman masama diba? Lalaki ako at lalaki ka. May malisya ka?". Sarkastikong sagot nya tapos kumindat pa.

" Aarrgh!". Mahinang sigaw ko. " Wala akong pakialam sayo baliw!! Kung gusto mo lumabas ka pa ng nakahubo't hubad, wala ka naman hiya kahit saan diba?". Sabay talikod ko.

Natawa sya. " Hahaha! Bakit ba sobrang sungit mo sa akin babe?".

" S-simple lang ang sagot dyan tol!". Lumingon ulit ako sa kanya. " Di kasi ako bakla!! At kahit araw araw ka pang maghubad sa harapan ko, 'la ko pake!!".

Walang anubano syang lumapit sa akin, napakabilis ng pangyayari. Sa pangatlong pagkakataon ay muli na naman nyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Natulala ako.

" Wala naman kasing bakla sa atin babe! Sadyang mahal lang natin ang isa't isa noon. Kaya hinanap kita! At ngayong nakita na kita. Sisiguraduhin kong hinding hindi ka na mawalala sa akin... Hinding hindi na kita iiwan". Ang mahinang giit nya sa akin, naamoy ko pa sa kanyang bibig ang amoy ng toothpaste. At sa akin iyon!.

Nahinto ako, bigla akong nafreeze sa aking kinauupuan. Mga 20 seconds din siguro iyon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Sa isip ko ay parang may kung anong buhol buhol na alaala ang pumapasok sa akin, parang sinulid. Parang logic sa aking utak? Mayroon akong gustong isagot kahit wala pang tanong pero hindi ko magawang mabigkas, hindi ko maipalabas sa aking bibig.

Nang mahimasmasan ako ay doon ko na sya itinulak, napaupo sya sa dulo ng aking kama. Hubad pa rin ang katawan, nakakadiri!

" Talagang baliw ka na nga!! Pati toothpaste ko ginamit mo ang tigas ng mukha mo!". Sigaw ko.

Nakatitig lang si Steve sa akin, nakangiti.

" Kung di ka lang sana nagka amnesia masaya sana tayo ngayon eh..". Bulong nya sabay iling. Narinig ko iyon, hindi ko lang pinansin. May sayad kasi sya kaya kung ano ano na mga sinasabi nya.

Tumayo si Steve sa pagkakaupo, natawa siguro dahil sa toothpaste. Isinuot ang brief, kitang kita ko ang matambok nyang pwet. Pagkasuot, saka nya tinungo ang kanyang cabinet at kumuha ng damit. Pagkatapos nya magbihis ay humiga sya sa kanyang kama, ni hindi manlang muna nagpatuyo ng kanyang buhok. Ako naman ay bumalik sa pagbabasa ng komiks habang nakaupo pa rin sa harap ng study table.

-----

Kinabukasan maaga akong nagising, mas nauna pa kay Steve. Nakita ko pa kasi syang tulog at naghihilik pa sa kanyang kama. Agad akong bumangon ng higaan at kumuha ng tuwalya, tinungo ko agad ang banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay malamang nagbihis diba? Naalala ko nga pala bigla yung pinag usapan namin ni Pamela, nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ito. Parang nakaramdam na ako bigla ng guilt between Pamela and Steve. Napalingon ako kay Steve na natutulog, tinitigan ko sya. Bigla akong nakaramdam ng awa. Siguro nga yung sinasabi nyang kaibigan sa malayo ay malaki ang pagkakatulad sa akin kaya ganoon nalang kung mangulila sya at sa akin nya iyon ibinaling. Napakainosente nya sa ganoong posisyon habang tinititigan ko syang natutulog. Napabuntong hininga nalang ako. Oh sige, nakapagdesisyon na ako. Lumabas na ako ng kwarto, deretso palabas ng boarding house at tinungo ang eskwelahan.

-----

Pagpasok na pagpasok bigla ni Steve ay sinalubong ko agad sya ng isang pagbati.

" Goodmorning tol?". Ani ko sa kanya sabay pakawala ng ngiting nakakaloko.

Nagtaka naman si Steve sa tinuran ko sa kanya. Di makapaniwalang ako ang gumawa ng first move na batiin sya ng ganoon. Tinitigan nya ako, parang may nagtatanong sa kanyang isip na " Totoo kaya ang nakikita ko?". Iyon ang hula ko?.

Lumapit sya akin. Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap, yung mahigpit na yakap. Ramdam ko ang mukha nya sa aking balikat. Kahit maraming nakakakita sa amin ay hindi ko ito inalintana. Iyon yung time na mas lalo pa akong naguilt, yung naramdam ko mismo sa kanyang yakap ang matinding pangungulila sa isang tao. May biglang nag sink in naman sa aking utak, bigla akong nakaalala nang ganoon din pangyayari noon.

" Namiss kita!!". Tuwang tuwa nyang sambit nang kumalas na sya sa kanyang pagkakayakap sa akin, pinisil pa ang matangos kong ilong.

" Aray ko tol!". Pag ismid ko at napakapa sa ilong ko na pinisil nya.

" Ah sorry babe.."

Itutuloy.....

次の章へ