webnovel

Chapter 2

3rd Person's Point Of View

Sa sobrang galit ni Caeruz ay dali dali siyang sumakay ng kanyang kotse. Alam niyang medyo may tama pa rin siya pero pinagpatuloy niyang bumyahe papunta sa malapit na Bar ng kanyang kaibigan.

Tinawagan na rin nito ulit ang mga kaibigan niyang kagagaling lang sa isang Conference meeting na dinaluhan nila kanina.

"Putangina mo talagang hayop ka!!" Nagpreno siya dahil sa motor na dumaan na lang bigla sa harapan ng kanyang kotse.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naigalaw niya na lang bigla ang manibela papunta sa tabi ng kalsada at hindi niya iyon napreno kaagad kaya bumangga siya sa isang malaking puno.

Tumama ang kanyang ulo sa manibela dala ng malakas na pagtama ng kanyang kotse sa malaking puno.

Napapikit siya ng mariin dahil sa lakas ng pagtama ng kanyang ulo sa manibela ng kotse.

Tiningnan niya ang kanyang paligid at naramdaman niyang may kung anong pumapatak sa kanyang pisnge na mainit na likido.

Dahil sa pagtama ng kanyang ulo sa manibela ay hilong hilo siyang pumikit at naramdaman niya na lang na namanhid ang kanyang katawan. Kahit pilitin man niyang  huwag ipikit ang talukap ng kanyang mga mata ay tuluyan iyong sumara.

***

Astraea's POV

Nagmamadali akong nagbihis dahil sa numerong tumawag sa akin kani-kanina lang. Ang sabi raw ay nabangga si Caeruz at dadalhin na sa hospital. Kinuha ko ang aking bag at susi ng kotse.

Ano na naman kayang kabalastugan ang ginawa ng hinayupak na lalaking ito at nabangga na lang bigla.

Puro na lang talaga problema ang dala sa akin ng lalaking ito. Hindi na ako nagpahatid sa Driver ko at ako na ang nagmaneho ng kotse.

Kahit hindi pa ako masyado marunong gumamit o magmaneho ay hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hospital.

Pagpasok na pagpasok ko palang rito ay humahalimuyak na kaagad ang amoy ng gamot at bumungad ang mga taong may sakit.

"Miss, Saan yung room ni Caeruz Alcantara?" Tanong ko sa nurse.

"Second floor, room 215." Nakangiti netong sabi at ako naman ay nagmadaling maglakad papunta sa may elevator.

Nang maisip kong matagal pa iyon bumaba rito sa ground floor ay pumunta na lang ako sa hagdan at minadaling akyatin yoon.

Nang pagtapak na pagtapak pa lang ng mga paa ko sa second floor ay tiningnan ko na agad ang mga numero na nakalagay sa pinto.

Paikot ikot ako doon hanggang sa makita ng aking mata ang kanina ko pang hinahanap. Bumuntong hininga muna ako bago pinasok ang pintong iyon.

Bumungad sa akin ang isang lalaking nakabulagta sa hospital bed at may benda sa ulo.

Mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito kaya umupo muna ako sa may couch at tinitigan siya.

Maniniwala ba talaga akong mahal niya ako?

Baka naman nagloloko lang ito at nahihibang sa sarili niya.

Pero hindi naman siguro niya ko papakasalan kung hindi niya ako mahal hindi ba?

Pero malay natin sumusunod lang rin ito sa kanyang mga magulang kaya nya ako pinakasalan.

Binalik ko ang tingin ko sa aking daliring pinaglalaruan ko na pala. Baka kasalanan ko kung bakit nabangga si Caeruz.

Kasalanan ko nga ba?

Baka kasi nagalit siya kanina dahil narinig niyang nag-uusap kami ng kapatid niya. Hindi ko naman alam na tatawag si Yaeruz, matagal na din bago kami huling nagkausap. Hindi ko nga alam na tinatawagan niya pa pala yung number kong iyon.

Nakokonsensya tuloy ang buong kalamnan ko ngayon.

Baka nga ako ang may kasalanan kung bakit ito nabangga.

Bwisit na yan.

"Astraea." Agad agad akong napatingin sa lalaking natutulog kanina.

Tumayo ako at tiningnan ito. Dumako naman ang tingin niya sa akin. Hindi ko namalayang dali daling humakbang ang mga paa ko papunta sa direksyon niya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bakit ka ba nabangga? Letse! Akala ko naman kung ano ng nangyari sayo! Alam mo bang ginamit ko yung kotse ko at ako mismo ang nagdrive nun mag-isa papunta dito! Tatanga tanga ka na naman kasi kaya ka nabangga eh. Pinag-alala mo ko."

"Pinag-alala kita?" Ngumisi siya sa akin ng marinig niya ang mga salitang iyon.

Bigla namang nag-init ang mukha ko dahil hindi ko napigilan ang sarili ko. What the heck Astraea?!

Akala ko ba hindi mo na papansinin yang timawang lalaking yan?!

Hindi ako nagsalita at paunti unting humahakbang patalikod. What the hell did I do this time?

"Ano tong narinig kong sabi mo kanina? Nagdrive ka ng mag-isa. Alam mo namang hindi kita pinagdadrive di ba? Atsaka ako pa talaga ang tatanga-tanga ha?" Biglang nagbago ang mukha niya at napahawak sa kanyang ulo. Mukhang biglang sumasakit ito.

Lumapit ako.

"Anong nangyare?" Nag-aalala kong tanong.

Kinuha niya ang hintuturo ko at tinapat iyon sa kanyang puso.

"Dito oh." Tatawa-tawa pa siya ng inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Akala niya close kami ulul siya. Bumalik ako sa pagkakaupo sa couch.

Nawala na sa isip ko na kailangan ko na palang tawagin yung doctor. Yang Caeruz talagang yan minsan feeling close tapos sobrang mapagbiro tapos minsan ang lamig lamig naman tapos ang sungit sungit.

Lumabas ako ng pinto at saktong may dumaan na nurse.

"Ahmm... excuse me. Pakisabi naman gising na yung pasyente dito sa room 215. Thank you." Tumango naman yung nurse sa akin.

"Okay po." Naglakad na paalis yung nurse ako naman pumasok na ulit sa loob.

Nakangisi si Caeruz sa akin habang umuupo ako sa couch. Inirapan ko lang sya dahil nakakainis na talaga yung pagmumukha niya.

Kanina pa yan. Kung hindi lang yan naospital baka hindi ko yan mapansin eh.

Bago pa nakarating yung doctor dito ay namuti na ang mata ko kakairap sa lalaking nakahiga sa hospital bed. Hindi naman daw malala ang pagtama ng kanyang ulo sa manibela. Minor injury lang naman daw iyon.

Ba naman yan! Inis na inis na talaga ako sa lalaking yan ha. Ngingisi ngisi eh siya na nga yung nabangga dyan.

Lokohin ko nga mamaya na aalis na ako pero bibili lang ng pagkain.

Tumayo ako at naglakad sa may pintuan. Kinunutan niya naman ako ng noo. Inirapan ko lang siya.

"At saan ka pupunta?" Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sa langit sasama ka?" Pinihit ko ang doorknob at lumabas. Bahala siya dyang mag- alala.

Atleast makakaganti ako di ba.

Ngumisi ako habang naglalakad sa may hallway. Kaso nga naman ang astig talaga ng tadhana tumalikod ulit ako at buti na lang hindi niya ako nakita.

Dali- dali akong naglakad malapit sa may kabilang elevator.

"Astraea!" Rinig kong tawag niya sa akin pero nakapasok na ako sa elevator at dali dali kong pinindot yung close.

Bakit ba nandito yun? Hindi pa ako handang ipakita ang mukha ko. Kahit nagkakausap na kami sa phone, hindi ko pa rin talaga kaya.

Bumuntong hininga ako. Ang hirap rin pala ng sitwasyon ko.

Nawala sa isip kong pindutin yung G Button. Bwisit kasi yang magkapatid na yan.

Pinindot ko na at bumalik sa pwesto ko. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas na ako.

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan bago tumakbo ng paunti- unti sa may lobby.

Nang makalabas na ako ay hinanap ko ang kotse ko. Paano nga ba ako nakarating dito ng ligtas? Ni hindi pa nga ako masyadong marunong magdrive.

Sinusian ko muna bago ako pumasok sa loob. Umupo ako syempre sa driver's seat at tinitigan buong paligid ng kotse ko.

Ang tagal ko kayang hindi ginagamit ito. Bawal kasi akong pagmanehhuhin ni Caeruz.

Inistart ko na ang kotse. Bibili ako ng makakain sa malapit na restaurant.

Ano kayang pwede? Asarin ko kaya si Caeruz. Ngumisi ako at nagdrive thru sa isang fast food.

Ang galit noon kapag nalaman na ito ang binili ko. Kung ano- ano ang binili ko. Ewan ko nga kung mauubos nito iyon.

Napatinin ako sa paligid. Ang dilim na pala hindi ko man lang napansin.

Nang makuha ko na yung pagkain ay nagdrive na ulit ako pabalik ng hospital. Malapit lang naman yun dito kaya mabilis rin ako nakarating.

Nagpark muna ako at bumaba na pagkatapos.

Naglakad na ako papunta sa may lobby at hindi na nag- elevator. Ba naman nasa 5th floor pa ito.

Naghagdan ako kahit labag sa kalooban ko.

Nang makarating ako sa may pinto ng kwarto ni Caeruz ay nakita kong nakaawang yun. Tumingin muna ako sa awang at nakita kong nasa loon si Yaeruz.

Kapag sinuswerte ka nga naman. Bakit ngayon pa? Ganun pa rin naman wala pa ring pagbabago sa kanya.

Matangkad pa rin. Gwapo pa rin. Mukhang may disiplina pa rin. Nakakamiss tuloy yung kakulitan niyang lalaking yan.

Bumuga muna ako ng hininga bago pumasok sa loob. Napatingin naman yung dalawa sa gawi ko.

Ngumiti lang ako ng pilit kay Yaeruz at ng mapadako ang tingin ko kay Caeruz ay inirapan ko ito.

Kita ko namang seryoso lang ang mukha niya at hindi ata makangisi dahil andyan ang kanyang Kuya.

Buti nga sayo. Umupo ako sa couch at pinanood sila. Ano tititigan niyo na lang ba ako dito buong magdamag?

Ngumiti ako sa kanila ng naiilang. Sabi na nga ba at si Yaeruz nga ang nakita ko kanina. Buti naman at hindi ako sinundan ng isang ito.

"Aalis na ako. Pagaling ka ha Caeruz. Alis na ako Asty." Ngumiti ito sa akin ng matamis at naglakad na ito diretso sa pinto.

Tumingin pa muna siya kay Caeruz at tumango napatingin naman ako kay Caeruz kung anong reaksyon niya pero ang loko inirapan lang ang kapatid niya.

Wala talagang modo ang isang ito. At nakita ko pang napaltan ng ngiti si Yaeruz ng isang ilang na ngiti bago sumarado ang pinto.

"Asty Asty pang nalalaman." At nagmake face pa ito. Para talagang bata eh bente kwatro na naman. Tsk. Inirapan ko lamang ito at inalala ang nangyari kahapon nung nagising ako at nakitang gumagawa na sila ng milagro sa hallway ng bahay ko.

Namula naman ako sa inis ng maalala yun. Bwisit talaga yang Caeruz yan.

" Mukha kayong mga Aso." Naningkit ang mata ko.

"Connect ng aso sa pinagsasasabi mo." Mataray kong sabi dito.

"BATA mo to." Kinunutan ko siya ng noo.

"Dami mong alam BATA." Sabi ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko at kinalikot iyon.

"Ano to?! Jollibee? Anong tingin mo sa akin BATA?!" Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magwala sa kama niya.

Nagpipigil lang ako ng tawa at iniiwas ang tingin rito.

"Huy Astraea Blaire! Isa!" Nagpipigil ako ng tawang tumingin rito.

"Mukha ka kasing bata eh. Tas nakikita ko pa sa mga commercial na mahilig ang mga bata sa Jollibee. Naalala ko pa naman na may asawa akong isip-BATA." Natatawa kong paliwanag rito.

Inirapan niya ako at tumayo siya. Tumayo naman ako kaagad at nilapitan ito at inalalayan.

"Mahiga ka nga mu-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kilitiin niya ko ng kilitiin sa tagiliran ko.

The F! Ang kahinaan ko. Anogn akala niya ayos kami aba!

Tili ako ng tili at halos kapusan na ng hininga dahil sa pagkiliti niya sa akin.

"Tama na ano ba!" Nakikiliti kong sigaw rito.

"Ganti ko yan sayo dahil nakipag- usap ka kay Yaeruz kagabi." Husky ang boses niya at sinigaw niya rin iyon.

Aba! Kasalanan ko pa talaga?!

"Ahh ano ba Caeruz tama na!" Pinipigilan kong wag sumigaw para hindi makakuha ng atensyon sa labas pero hindi ko talaga mapigilan.

Napatigil lang si Caeruz ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Mommy na nakakunot ang noo sa amin.

Marami ring tao o kaya nurse na nakikitingin dito sa loob. Kinunutan ko lang sila ng noo.

Napatingin kami ni Caeruz sa isa't isa at pinipigilang hindi matawa. Minsan pala masarap kalaro ang isang to.

"What's happening here?" Tumingin ako sa kamay ni Caeruz na nakahawak sa tagiliran ko pero nakasteady lang ang kamay.

Nang mapatingin ako kay Mommy ay nakakunot pa rin ang noo nito sa aming dalawa.

Napatingin rin ako sa likod niya at wala na pala yung mga taong nakasilip kanina.

Kiniliti ako ni Caeruz ng konti kaya napatalon ako ng ilayo niya sa akin ang kamay niya.

Nagpipigil naman siyang hindi matawa dahil nakatingin ang mga mata sa akin ni Mommy dahil sa biglaang pagtalon ko.

"Nagkikilitian po kasi kami ni Caeruz eh." Nang mapadako ang mata ko kay Caeruz ay sinamaan ko ito ng tingin.

"Opo Mom. Bakit nga po pala kayo nandito?" Magalang na tanong ni Caeruz rito.

Si Mommy naman ay hindi ito pinansin at maarteng umupo sa couch.

"Narinig ko ba namang nabangga ka paano kaya ako hindi pupunta rito di ba." Sarcastic na sabi ni Mom kaya napatingin ako rito. Ngayon ko lang nakitang ganito si Mommy.

Sobrang bait niyan at hindi ko man lang nakitang magalit kahit isang beses. Ni hindi ko nga nakitang magalit si Mommy nung inatake si Daddy.

"Ahh Mom thank y-" hindi natapos ni Caeruz ang kanyang sasabihin ng magsalita ulit si Mommy.

"I never accept thank you from a murderer." Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko iyon.

"Mom!" Nanlaki ang mata ko ng samaan niya lamang ako ng tingin. Kahit malaki rin ang galit ko kay Caeruz ay hindi ko nagawang ipangalandakang magalit dito. Ayokong dahil kay Caeruz ay mabago ang ugali ko at lalo na ang ugali ni Mommy.

Bumukas ang pinto at natuon ang atensyon naming tatlo roon. Buti na lang at dumating yung doctor kung hindi siguro baka nagkakagulo na rito.

"Mr. Alcantara okay na po ang result niyo and thank god kasi hindi major injury ang natamo mo kung hindi maaari kang macoma o kaya naman kung sobrang lakas ng pagkakatama ng ulo mo ay may mga veins na matamaan that can cause a amnesia or more. For you naman Mrs. Alcantara take this pain reliever para kapag sumakit ang ulo ng Mister niyo ay pwede niyo itong ipainom." Ngumiti ako ng matamis sa Doctor.

"Thank You po Doc."

"Thank you Doc." Walang reaksyon ang mukha ni Caeruz ng mapadako ang tingin ko rito.

Napatingin naman ako kay Mommy na nakapoker face at nakatingin lang sa aming tatlo kasama na yung doctor.

Tumango lamang yung doktor at nagpaalam tsaka tumalikod na. Bigla namang humarap ulit ito kaya napako ulit sa kanya ang atensyon naming apat.

"Mr. Alcantara nakalimutan kong sabihin na pwede ka na palang madischarge ngayon din kasi okay na naman yang noo mo at ang iba mo pang galos." Tumango lang si Caeruz at umupo sa dulo ng kama.

Tumalikod na ulit yung doctor at lumabas na ng pinto.

Wala atang balak magsalita sa aming apat kaya nakipagtitigan lang ako sa mga ito.

Bumukas ang pinto at bumungad na naman itong isang ito. Ngumiti ito ng matamis na ikinailang ko ng mapatingin ito sa may direksyon ko.

Napahinga ako ng malalim dahil baka may mangyaring gulo.

***

次の章へ