webnovel

Bangungot ng Nakaraan(20 YEARS AGO)

Marahil ay nag sasaya ka ngayon David Lee dahil nakita mo na ang iyong matagal ng hinahanap. Pero hindi ko naman hahayaan na maging masaya kayong dalawa, matagal na panahon akong nag hirap sa kanya tapos babawiin mo lang ng ganon ganon nalang.. hindi ako makapapayag na mauwi lang sa wala ang mga pinag hirapan ko.'' bulong ni Dr. Lee sa sarili''

Makalipas ang ilang araw ay, nag tungo si David Lee sa kanilang lumang bahay para alamin kung nandon ang kanyang kapatid at kumustahin ito, pero wala siyang inabutan doon kundi ang mga painting na naiwan ng kanilang yumaong ama.. marahil ay umalis na ang binata bago pa man siya maabutan nito matapos ang nangyari sa kanila ng mga ilang araw!!... Pinuntahan niya ang kanyang kapatid sa kanyang tinutuluyang apartment sa pag babakasakali na maabutan niya ito doon bago pa man ito pumasok sa kanyang trabaho. Hindi sya nag kamali dahil naabutan naman niya ang kanyang kapatid doon na tamang tama naman ang labas nito sa pinto dahil papasok na ito sa kanyang trabaho.

Anong ginagwa mo dito? ''tanong ni attry.Lee sa kanya!''

Pareho nga tayong Lee, matalas ka paring magtanong kahit na nung mga bata pa tayo!! ''nakangisi nitong sagot sa kapatid na medyo may pag ka masungit'' Ganyan ba ang ibabati mo sa kapatid mong ngayon mo lang nakita?? ''tanong nito''.

Shhhh.. ang alam ko kase, wala na akong kapatid matagal na.. ang alam ko nga matagal na niya akong itinuring nang patay na.. '' sagot nito kay David Lee..'' pareho tayong Lee, pero hindi ibig sabihin noon ay itinuturing na kitang kapatid.''dugtong pa nito, sabay alis sa harapan ni david Lee para magtungo sa kanyang trabaho''

Sandali lang,''ang wika ni David Lee sa kanyang kapatid'' Hindi mo manlang ba ako kakamustahin,'' ang tanong nito''

Ha!, para san pa? '' tanong nito sa kanya'' ako ba kinumusta mo sa loob ng dalawampung taon?'' dugtong pa nito kay David Lee''

Alam mo naman ang sitwasyon ko diba?, sagot na tanong nito sa kanyang kapatid habang nahihiya dahil sa sinabing iyon sa kanya ni attry. Lee.

Alam mo na din ang isasagot ko sa tanong mong yan ''wika nito sa kay David Lee. sabay alis sa harapan niya at nagtungo sa kanyang trabaho.

Walang nagawa si David Lee kundi ang tingnan nalang ang kanyang kapatid na papalayo sa kanya habang siya naman ay nagingilid ang luha dahil sa sinabing iyon sa kanya ni attry. Lee. Hannggang kailan niya susuyuin ang kanyang kapatid para lang mabalik ang dati nilang pag sasama bilang mag kapatid.. Ngayong nakita na niya ang kanyang kapatid, ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding hindi na sila mag kakahiwalay pang muli.

==================================

Samantala!! ano naman kaya ang binabalak ni Dr.Lee sa magkaptid na Lee..

GUY'S PASENSYA NA KASI PO HALOS LAHAT NG CHARACTER AY IISA ANG LAST NAME, GANYAN PO TALAGA ANG KANILANG MGA ROLE, KAYA PASENSYA NA PO KAYO KUNG MEDYO NAHIHILO KAYO SA AKING KWENTO. SALAMAT! :-)

==================================

Uyy David? '' bati ni Cha Jin Ho sa binata na papasok n sa kanyang opisina na halata ang lungkot sa kanyang muka'' anong nangyari sa iyo?/ '' muli niyang tanong sa binata!!''

Ahh wala naman, masama lang ang pakiramdam ko.. mauna na ako sa iyo!! '' tugon niya sa dalaga.

Teka sandali lang.. ''pigil niya sa binata na papasok na sa kanyang opisina pero hindi siya pinansin nito''

Iba ang hinala ng dalaga sa kanya dahil batid naman sa mga mata nito na hindi lang sa masama ang dinadamdam nito ay dahil sa may hindi ito sinasabi sa kanya. Naisip niyang sundan ang binata sa loob ng kanyang opisina at doon niya ito tanungin ng masinsinan.

''kumatok ang dalaga sabay pasok sa opisina ni David Lee''

Anong ginagawa mo dito?? '' tanong ng binata sa dalagang pumasok ng kanyang opisina.''

'' hindi agad nag salita ang dalaga, sa halip ay bagkos nag punta ito sa kinatatayuan na bangko nito at saka doon na nag salita''

Alam kong nag sisinungaling ka!! kilala na kita David, mga bata palang tayo ay alam ko na hindi ka nag sasabi ng totoo, kaya ano yon?? sabihin mo na?? ''tanong muli nito sa binata na nakayuko lamang at nakatitig sa kanyang mga pipirmahang mga papeles.''

Dumantay sa balikat ni Cha Jin Ho ang binata at saka niya sinabi ang mga dahilan kung bakit siya malungkot. Sinabi niya na nakita na niya ang kanyang kapatid at hindi sila mag kasundo, Nalaman din ni Cha Jin Ho na ang nawawalang kapatid ni David ay matagal na nilang nakakasama sa kanilang opisina, si Attry. Lee..

Si attry. Lee. ''gulat na tanong ni Cha Jin Ho sa binata''

Oo siya nga. ''tugon naman nito sa kanya''

Alam ni Cha Jin Ho ang pinag dadaanan ng binata kahit na nagulat siya sa kanyang nalaman na ang kapatid nito ay ang attry na kanilang kilala. Ngayon ay mapag dudugtong dugtong na niya ang mga bagay bagay tungkol sa kaso ng kanyang ama lalot alam na niya na si Dr. Lee ay may kaugnayan sa kapatid ng binata. Makalipas ang ilang oras ng pag iisip ni Cha Jin Ho sa buhay ng kapatid ni David ay nakatanggap ito ng tawag mula sa dr. na nabanggit ngayon lamang.

Sandali lang David, si Dr. Lee tumatawag. ''muli nitong paalala kay David''

Mabilis namang tumango ang binata habang si Cha Jin Ho naman ay Lumabas sandali ng opisina ni David at saka sinagot ang tawag mula kay Dr. lee na nanggagaling sa kabilang linya.

PHONE CONVERSATION

hello, anong kailangan mo? ''tanong niya sa kausap''

Ganyan ba ang ibabati mo sa kausap mo sa telepono?, '' balik tanong ng kanyang kausap.''

May dahilan paba ang pag tawag mo?

Nais lamang kitang makausap, maari kaba mamayang hapon pag katapos ng oras ng iyong trabaho?. ''tanong nito kay Cha Jin Ho''

Agad namang pumayag si Cha Jin Ho sa sinabi ni Dr. Lee mula sa kabilang linya. Doo'y malalaman na niya ang dahilan kung bakit siya nito gustong makausap. Nais din naman niya kasing malaman kung ano ba talaga ang mga pakay ng doktor na ito sa kanya at sa mag kapatid na nag kawalay ng matagal. Mabilis na lumipas ang maghapon, dumating na ang oras ng kanilang pag kikita ni Dr. Lee. Mag kikita ang dalawa sa lugar kung saan madalas silang mag kita ni David Lee upang mag relax at mag labas ng mga sama ng oob.

Parang alam ko ang lugar na ito ahh!! ''bulong ni Cha Jin Ho sa sarili''

Kahit na alam ni Cha Jin Ho ang lugar ay nag punta parin ito kahit alam niyang duda siya sa lugar na sinabi sa kanya ng doktor. Lingid sa kaalaman ni Cha Jin Ho ay tinawagan din pala ni Dr. Lee si David para makipagkita sa kanya ng sabay na oras.. ang pag kakaiba nga lang ay si Cha jin Ho ay mas maagang nakarating kesa kay David na siya namang ikinatuwa ni Dr. Lee para sa kanyang plano.. Ang nais kase ng doktor ay sadyang iparinig kay David ang kanilang pag uusapan ng hindi nalalaman ni Cha Jin Ho ang ng doktor para sa kanilang dalawa.

Ohh, andito kana pala.. halikat samahan mo ako dito! bumili ako ng dalawang lata ng coke in can ng alak! '' ang wika ni Dr. Lee kay Cha Jin Ho na kakarating lang sa lugar na kanilang napag usapan.''

Kinuha naman ng dalaga ang alak na inabot sa kanya ni Dr. Lee at saka ito ininom., nakasulimpat naman ang mata ng doktor mula sa likod na di kalayuan sa kanilang dalawa panigurado na andoon na si David Lee at siguraduhing makikinig ito sa usapan nilang dalawa. Bago pa man mag simula ang doktor sa pag uusap nilang dalawa ay nag paligoy ligoy muna ito habang wala pa ang kanyang inaantay..

Bakit kaya antagal naman niya,, kailangan mong madinig ang pag uusapan naming dalawa.'' ang bulong ng doktor sa kanyang sarili.''

Nang makita ng doktor si David Lee sa di kalayuan ay agad na siyang nag simula sa kanyang dapat na sasabihn sa dalagang kausap. Kaya naman sa pag lalakad ni david Lee ay hagya siyang napahinto sa may likod ng puno na kinatatayuan ng dlawa.. si david Lee ay nasa likod ng puno na nkikinig sa pag uusap ni Dr. Lee at Cha jin Ho. Si Cha Jin Ho at si Dr. Lee ay nasa harapan ng punong tinataguan ni David Lee.

Alam mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba?. '' ang tugon ni dr. Lee sa dalagang kausap.''

Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito.''nangingilid ang kuha ng dalaga habang nangangatal sa galit''

Nang malaman ni Cha Jin ho na ang mga dahilan ng pag kamatay ng kanyang ama ay lalo itong nag wala,dahilan para lumabas si David Lee sa punong kanyang pinag tataguan. Pigil pigil ni David ang dalaga sa kanyang gagawin dahil akmang bubunot ng baril ang dalaga para barilin niya ang lalaking pumatay sa kanyang ama na nooy inakala niyang namatay ito sa isang aksidente. Sa bibig mismo ng doktor lumabas ang mga dahilan at sanhi ng pag kamatay nito. Dalawampung taon na ang naklilipas ng manyare ang aksidente ng ama ni Cha jin Ho, ang taon kung saan iyon din ang oras ng pag kamatay ng ama ni David Lee at pag kawala ng kanyang kapatid. Nalaman nila pareho ang totoong nanyari ng taong iyon. Bata palang siya ng mga panahong iyon at iba pala ang pag kakalam niya sa pag kamatay at pag kawala ng kanyang kapatid. Isang gabing maulan ng taong iyon, nakaupo siya sa isang upuan sa harapan ng isang lamesa kasama ang kanyang kapatid na kumakain kaharap ang kanilang ama ng biglang may kumatok sa kanilang pinto ng bahay. Agad na tumayo ang kanyang ama para magtungo sa pinto at alamin kung sino ang kumakatok sa pinto ng kanilang bahay. Sumilip ito sa isang maliit na butas na naka kabit sa kanilang pinto at nang makita niya kung sino ang tao sa labas ng bahay ay agad niyang pinuntahan ang mga anak at agad na pinagtago sa kanilang mga kwarto.

Mga anak, halika kayo't kayo'y mag tago sa inyong mga kwarto.''anyayaa ng ama sa kanyang mga anak.''

Papa, bakit po? '' tanong ni David Lee sa kanyang ama''

Basta sumunod nalang kayo '' sagot ng ama sa mga anak na nag tatanong at nag tataka kung ano na ang nangyayare''

Agad naman na sumunod ang mga anak sa kanilang ama at nag tago nga ito sa kani kanilang mga kwarto. Pag katapos noon ay nag tungo na ama nila sa pinto at binuksan ito. Pumasok nalang ng kusa si Dr. lee na noong mga panahong iyon ay siya si Kieper Shin. nagtungo ito sa kanilang lamesa at doon na nag simulang nag salita.

Mukang may bisita ka ahh?? '' tanong niya sa ama ng mga bata''

Ahh, wala na.. umalis na sila. ''tugon nito''

Umalis na?''sigaw nito ng alakas na ikinagulat ng ama ng mga bata na siya rin namang ikinagulat ng dalawang batang nagtatago sa kani kanilang mga kwarto.'' wag mo nga akong niloloko, alam kong andito pa ang mga anak mo kaya wag mo na silang itago....... ahhh,, may usapan nga pala kami ng anak mo ah,, ung panganay, sino nga ba siya ahh..'' dugtong nito at nag isip'' ahh alam ko na Lee.... Hyung...... Joon.....(dating pangalan ni David Lee) ''nakakatakot na sambit ng pangalan niya sa anak..''

wag mo nang idamay ang mga anak ko.. ano bang kailangan mo sa kanya?? '' tnong nito na kinakabahan pa.''

Kung natuto ka lang sana noon na sumunod, hindi sana tayo nag tungo pa sa ganitong sitwasyon, yan tuloy.. binigyan ako ng pag kakataon..'' tugon nito sa ama ng mga bata.''

Dahil sa takot ni Lee Min Joon (dating pangalan ni attry. Lee) ay nag isip ito ng paraan para makalabas ng kwarto at tumakbo palayo ng bahay. Nakita niya ang isang bintana ng kanyang kwarto at doon siya dumaan para makalabas ng bahay at kwarto, Madilim noon at umuulan.. tanging ang sinag lang ng ilaw mula sa poste sa labas ng kanilang bahay ang ilaw na sumisinag sa kanyang dadaanan. Sa takot nito ay nag tatakbo ito at nakita niya ang isang kotseng itim na naka park sa tapat ng kanilang bahay.. Hinawakan niya ang pinto ng kotse at nag kataon wala itong lock. Pumasok ito,yumuko at doon nag tago dahil sa inaakala niyang mas ligtas siya doon, Hindi niya alam na iyon na pala ang magiging dahilan ng pag kakawalay niya sa kanyang kapatid na si David Lee..(kasalukuyang pangalan ng kanyang kuya).

Samantalang nag kakagulo na sa loob ng bahay ang kanilang ama at si Kieper Dahil sa kanilang naginit na pag tatalo. Kinuha ng ama ng mga bata ang isang kutsilyo na nakapatong sa kanilang lababo at akmang sasaksakin si kieper nang biglang maagaw ito sa kanya at sa kanya aksidenteng naisaksak ito. Wala nang nagawa ang lalaki dahil dsa tama ng kutsilyo sa kanyang katawan. Humiga ang lalaki at naawalan ng malay hanngang sa mawalan at malagutan na ito ng hininga. Walang kaalam alam si Kieper na nakapanood pala sa kanya si David habang ginagawa niya ang krimeng iyon. Nang mawalan na ng malay at lagutan ng hininga ang ama ng mga bata ay lumabas na ito ng bahay at nag tungo sa kanyang kotse.., binuhay ang makina at saka pinaandar.. Nang maagulat ang bata na sakay ng kotse ay iniangat niya ang kanyang ulo at nagulat ito ng makita niya ang isang lalake na di niya kilala at nag mamaneho ng kanyang sasakyan.

Ibaba mo ako dito, hindi ako sasama sa iyo! '' tugon ng bata sa kanyaa''

OHHHH, ikaw pala, ikaw siguro si Lee Min Joon. ''tanong sa kanya ni Kieper'', ako nga pala si Kieper'' tugon niya.. '' kaibigan ako ng kapatid mo.''pang uuto niya sa bata''

Maniniwala na sana ang bata sa kanya ng biglang mag pakita si Lee Hyung Joon at sumigaw ito para ibaba sa naturing sasakyan ang kanyang kapatid.. Nag sisigaw ito at bina banggit ang pangalan ng kanyang kapatid habang tuluyan ng pinatakbo ni Kieper ang kanyang at tuluyang tangayin ang bata sa loob nito. Sa pag habol ni Lee Hyung Joon sa kanila ay hindi niya napansin ang isang malaking bato na siyang naging dahilan ng pag bagsak nito at hampas ng ulo sa bato at pag kawala ng kanyang malay at ala ala.. Yan ang tanging naalala lang niya sa panahong nakalipas na dalawampung taon. Matapos bumalik sa ulirat si David Lee ay agad niyang isinakay ng kotse si Cha Jin Ho at doon pina kalma.. Si Dr. Lee naman ay umalis at tila parang walang nangyare sa kanyang ginawa.

次の章へ