Carlhei Andrew POV
"Kuya!"
I heard some footstep coming towards to me.
"Kuya naman! Hindi mo ba alam na hating gabi na?! Bakit nandito pa parin sa bus stop?" Hinila ako nito papatayo ngunit hindi ako tumayo, "Halika na! Dad is waiting."
Iniangat ko ang ulo ko at nakitang si Neomi iyon. Nakita ko rin na nasa tapat ng bus stop na inuupuan ko ang kotse ni Papa.
"Mukha ba akong uto-uto?" Tanong ko sa kapatid ko
Napahinto ito saglit at pinakatitigan ang itsura ko. Para bang humahanap ng sagot sa kung bakit ako nag kakaganito ngayon.
"Teka nga, Kuya. Ano na namang nangyari?" Tanong ni Neomi
Hindi ako nakasagot bagkus ay pumasok nalang ako sa kotse. Sa backseat ako pumwesto dahil alam kong mag tatanong lang si Papa. Ayaw ko pang pag usapan iyon. Hindi ko pa yata kaya.
Wala kaming kibo hanggang sa makarating kami sa bahay. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Mama ngunit matapos mag mano dito ay umakyat nalang ako patungo sa kwarto.
Nag shower ako at matapos noon ay isinalampak ko ang sarili ko sa kama. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kisame habang nag iisip.
Nakakaloko lang isipin na 'yung inakala mong makakasama mo sa buong buhay mo ay sabit lang pala sa byahe mo. Kalaunan ay bababa rin kapag narating na niya ang distinasyon niya. Nandito na naman ako sa punto na iniisip ko kung anong mali sa akin. Bakit sa tuwing bubuoin ko ang sarili ko ay palagi nalang nilang sinisira? Anong kulang sa akin?
Hindi ganoon kadaling bitawan ang tao kahit na may mali silang nagawa sayo. Later on you'll chase them and forgive them even if you did not receive a "sorry" from them. Ganoon mo kamahal iyong tao na iyon. Ikaw nalang ang mag aadjust para lang maayos pa.
I try chasing her. Araw araw simula ng mangyari iyon ay pinipilit ko siyang ayusin iyon. Nag mumukha na akong tanga kakahabol sa kaniya pero hindi ko pinansin iyon. Ngunit paulit ulit lang ang sagot na nakukuha ko.
"Hindi mo ba talaga naiintindihan na ayaw ko nga sa'yo? Kervon told me do that before they go to U.S. You're just also a subject that I used for my acads and for my art gallery. Thanks to you, I am able to be successful." Saad ni Ellaine, "I also have a boyfriend. He's in other University. Kaya kung pwede tumigil ka na. Hindi ka ba napapagod?"
Muli sa hindi na mabilang nag pagkakataon ay tinalukuran ako nito at nag lakad palayo. At ito ako, naiwang nakatayo habang pinapagmasdan siyang lumalayo. Nandito ako, nakakulong parin sa nakaraan.
"Bro tama na." Saad ni Steven
"Ano pre, tama na nga. Kasi pre nakakaawa ka na tignan eh. Naaawa na kami sa'yo pre pero kailangan mo nang matauhan." Saad ni Karl
"Sangayon ako, bro. Hindi mo deserve ang mga ganoong tao eh." Saad ni Reinest
Inalalayan pa ako ng mga ito papaupo sa bench at tinapik ang braso ko.
"Pero gustong gusto ko siya kahit ano pang kasalanan niya." Saad ko
"Mali 'yon, Carlhei. Kung hahayaan mo palagi na sinasamantala ka, mauubos ka. Nandoon na tayo sa gusto mo siya, pero hindi ikaw ang gusto niya dahil may boyfriend na nga siya. Hindi lang ikaw ang mag wowork out ng relasyon niyo kung hindi kayong dalawa. Alam mong malabo na 'di ba?" Saad ni Steven
"Foul na rin kasi iyong boyfriend ni Missai eh. Dinamay pa 'yung pinsan niya sa kalokohan niya." Saad ni Karl
"Isip bata eh. Mag sama-sama silang tatlo. College na pero pang kinder parin ang trip. Kaya tama lang na bitawan mo na si Ellaine, pre. Kasi sa totoo lang, mahihirapan ka kung mag kakaroon kayo ng pamilya sa future." Saad ni Reinest
Napabuntong hininga ako dahil sa mga sinabi nila. May punto iyon lahat pero nag hahanap parin ako ng pwedeng idahilan para balikan si Ellaine.
"Pero kasi iba 'yung ngiti niya noong mag kasama kami. Baka napilitan lang siyang gawin iyon. Gustong gusto niya kasi 'yung art gallery eh. Tyaka baka nag sisinungaling lang siya na may boyfriend nga siya." Saad ko
Iiling iling nila akong tinignan. Pawang disappointed sa sinabi ko.
"Naniniwala akong kung gusto ka niya ay una palang hindi na siya pumayag sa plano ng isip bata niyang pinsan." Saad ni Karl
"Tama 'yon. Iwas ka sa ganoon bro. Toxic 'yung ganoon. Kapag hindi ka umiwas sa ganoong tao ikaw naman ang magiging toxic. Kahit pa sabihing sobrang bait mo dadating ang araw na magiging toxic ka." Saad ni Steven
"Tyaka pre, exit ka na sa mindset mo na pipilitin mong mag stay iyong tao para ano? Para masatisfy ka? Eh anong ending kapag nasatisfy ka? Nag grow ka ba? Kasi pre mag gogrow ka lang talaga kapag may ilan kang tinaggal sa buhay mo. Iyong hindi naman talaga karapatdapat sa buhay mo." Saad ni Reinest at bumuntong hininga na, "Pre hayaan mo nalang 'yung boyfriend ni Ellaine ang mag manage sa girlfriend niyang iba ang trip."
Natapos ang break sa hapon at nag sibalikan kami sa room namin. Saktong malalate ang professor kaya naman nag karoon kami ng panahon upang mag review sa darating na quiz.
"Hirap hirap mag calculus at physics tapos lolokohin lang si Engineer Carlhei? Mali 'yon." Pabirong saad ni Reinest
"Ayus ayusin mo desisyon mo sa brader. Kamuntikan ka nang magkaroon ng tres. 'Wag sanang matuloy 'di ba?" Saad ni Steven
Itinuro nito ang libro ko at nilagay niya sa tapat ng mga mata niya ang hintuturo at hinlalato. Ibinalik niya ulit ang daliri sa libro na para bang sinasabing mag focus ako sa ginagawa ko.
Pilit kong kinalimutan iyong pangyayari kanina para lang sa quiz. Pero matapos ang iyon ay hindi parin naman naalis si Ellaine sa isip ko. Iyong mga araw na hindi ko siya nakakasama at nakakasabay umuwi ay parang isang taon na agad. Ganoon kahirap kalimutan ang taong wala ka namang planong kalimutan sa simula palang.
Araw araw umaasa ako na makikita ito sa bus stop. Paminsan minsan ay inaagahan ko ang pag alis sa huli kong klase para lang abangan siya. Mag aantay ako doon hanggang abutin na ako ng kung anong oras. Walang senyales niya. Iyong panahong makikita ko naman siya sa University ay kaunti lang. Panay pa ang iwas niya. Ngayon aminado na talaga akong tanga nga ako sa puntong ito. Pinaplano kong mag makaawa sa kaniya para ako nalang at 'wag na ang boyfriend niya. Gusto kong tumigil pero ayaw namang pumayag ng puso ko.
Pag uwi sa bahay ay titigan ko lang ang iginuhit kong larawan niya. Iyong palihim ko siyang kinuhanan ng litrato, iginuhit ko iyon kahit kasagsagan ng pag guhit ko ng plano para sa tulay. Gumawa pa ako ng tula na alam ko namang matatagalan bago niya mabasa.
Hindi na mabilang subok na pag bitaw
Gusto man ng isip, puso ang may ayaw
Nandito na naman sa kabanatang walang linaw
Patuloy na babasahin kahit hindi matanaw
Nandoon ka at nandito ako
Ako na walang pinanghahawakang pangako
Nandoon ka sa kabilang dako
Masaya sa piling ng iba at doon nangangako
Pisi na lamang ang pinaghahawakan
Mahirap, hindi maiwasang masaktan
Walang magagawa dahil sa kaniya'y walang laban
Sa'yo'y mas mahalaga ang kaniyang pagkakakilanlan
Parang bayani na tapat sa isang bayan
Hahayaang kayo'y sumaya, samantalang ako'y nasasaktan
Maari rin kaya akong ilibing sa libingan ng bayani?
Pagkat ginugusto parin kita kahit hindi kita pag mamay-ari
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iisa lang naman ang pumapasok sa pinto ko ng walang paalam, iyong kapatid ko.
"Kamusta pag sira ng buhay? Sirang sira na ba?" Tanong niya
Napangiwi ako dahil doon.
"Saan na 'yung pinakilala mo kay Mama at Papa? Ah may iba na pala?" Biro nito
Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi naman ako galit dito. Alam kong ito ang paraan niya para pagaanin ang loob ko. Siya lang ang hinahayaan kong saktan ako gamit ang salita niya dahil later on, marerealize ko ang punto niya.
"Pangalawang beses ko na itong sasabihin. Ituloy mo lang ang buhay mo kahit wala na sila. Kaya sila umalis dahil may mas better. Sana next time pumili ka ng matino ha? Sa susunod na mali na naman ang napili mo ay hindi ko na alam ang gagawin, kuya. Feeling ko magiging kriminal na ako sa susunod." Saad nito
Bahagya akong natawa dahil doon.
"Kuya, balanse lang dapat ha? Utak at puso. Ang utak hindi 'yan nilagay dyan para lang sa acads. May iba pang function 'yan. Matalino ka nga pero hindi ka naman marunong sa pag pili ng babae. Kawawa ka talaga kapag hindi mo binalanse." Saad ni Neomi
Nilapitan nito ang iginuhit kong larawan pati na rin ang tula na ginawa ko. Akala ko ay pupunitin niya iyon pero hindi niya ginawa.
"Alam mo bang ang average weight ng heart ay 300 to 350 grams? Samantalang ang average weight ng brain ay 1.5 kg. Magaling ka sa math, Kuya. Alam mo ang dapat na mas matimbang." Saad ni Neomi at iniangat iyong drawing at tula na ginawa ko, "Ako na ang mag papadala nito doon sa babae. Ito na ang huli, kuya. Subukan mong mag habol at lulumpuhin talaga kita. Nurse ako kaya ipagtutulak nalang kita ng wheelchair."
Sa sinabing iyon ng kapatid ko ay sumiksik ang lahat lahat sa utak ko. Sa tingin ko sa susunod ay nararapat lang ibalanse ang utak at isip. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ang puso sa itinitibok nito.