webnovel

Chapter 7, part 1 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

Lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon ang naririnig sa paligid.

Kinukusot ni Clyde ang isang sapatos sa tubig. Kinuha n'ya rin ang tuyong putol na sanggang nadampot n'ya kanina. Umupo s'ya sa dalampasigan. Ginamit n'ya ang tuyong sanga para alisin ang mga natuyong putik sa ilalim ng sapatos. Kuskos dito, kuskos doon. Kapag natuyo ang tubig ay muli n'yang ilulublob ang sapatos bago ulit ito linisin.

Matapos ang sapatos, nilapag n'ya ito para patuyuin sa isang malapit na batuhan. Nandoon ang kaperas ng sapatos n'ya. Hinubad naman n'ya ang suot na pang-itaas para labhan. Matapos noon ay ang kanya namang pang-ibaba ang inalis para linisin.

Nang nagawa na n'yang labhan ang mga damit ay s'ya namang talon niya sa ilog.

.....

Flashback

Kanina lang, ang sumalubong na tanawin kay Clyde paglabas n'ya ng portal ay isang normal na lugar?

Puro lupain ang matatanaw mo sa paligid ni Clyde. Kulay tsokolateng lupa at kulay luntiang mga halaman. Meron ding maliliit na iba't-ibang kulay sa malayo. Hindi pa n'ya malamang kung ano 'ton sa ngayon.

Dahil maingat na hunter si Clyde ay agad n'yang prinotektahan ang sarili.

Sinummon n'yang muli ang lima. Sa harapan n'ya si Alejandro.

Sa ibabaw naman n'ya ay ang pares ng killer cockroach. Si Freddy Cock-Roach at ang bagong summon na si Money. Sila ang bahalang dumepensa sa mga atake sa ere.

Sa likuran naman ang dalawang great worm para depensahan ang kanyang blindspot. Sila sina Juan at Dos. Ang dalawang ito ang bahala sa mga atake mula sa ilalim ng lupa at sa likuran ni Clyde.

Si Lupin at Wakiza naman na pawang mga gigantic rat ay sa kabilaang gilid ni Clyde upang dumepensa o umatake depende sa hinihingi ng sitwasyon.

Naglakad lang s'ya para hanapin ang daan sa susunod na palapag o boss room bilang kanyang hangarin.

Kung ikukumpara n'ya ito sa napuntahan na n'yang mga uri ng dungeon, masasabi n'yang masyado ito ng normal. Para bang isa lang payak na rural sa labas ng dungeon. Akala mo ay isa itong hacienda o bukirin.

Sa dungeon kasi ni Red, bibigyan ka nito ng atmosphere na alam mong isa itong magical na lugar. Kung idi-describe mo ito sa simpleng paliwanagan, ang pinakawastong mga salita ay enchanted forest.

Doon naman sa may penalty zone ay may vibes na wildness. Ito naman ay parang wilderness. Unang sulyap pa lang masasabi agad na mag-aapply doon ang survival of the fittest rule.

Hindi nagtagal ay nakarating s'ya kung nasaan s'ya ngayon. Isang anyong tubig na may hindi kontaminadong tubig. Nang sinukat n'ya ang anyo nito ay napagtanto n'yang isa itong ilog. Hindi lang ito is ang ilog. Isa itong napakahabang ilog.

May excitement na lumapit doon si Clyde. Nanlalagkit na ang pakiramdam n'ya. Gusto na n'yang alisin lahat ng putik na dumikit sa sa kanyang katawan.

Habang papunta roon ay may ipinagtataka na s'ya.

Bakit kaya wala akong nakasalubong maski isang kalaban? Naguguluhang tanong ni Clyde sa sarili.

.....

End of flashback

Habang masaya at abala sa paglilinis ng katawan, may nakamasid na mga mata sa kanya sa 'di kalayuan.

Mabagal at tahimik na lumapit ang mga ito sa kanya. Huli nang naramdaman ito ni Clyde. Direktang tinamaan si Clyde ng atake ng isa rito.

Nasaktan s'ya ng grabe. Ang maganda lang sa nangyari ay tumilansik s'ya palabas ng tubig kung saan nagmula ang atake. Agad s'yang nasuka sa amoy na tumama sa kanya. Uminom s'ya ng health potion at inamoy ang dumapo sa balat. Amoy panis na gatas.

Noong tiningnan n'ya ang mga umatake sa kanya saktong tumalon ang isa rito mula sa ilog. Mahaba, makinang at makaliskis. Isa itong bangus. Ang laki nito ay tulad sa mga inahing bangus.

Inatake n'ya ito gamit ang earth needle. Natamaan n'ya ito pero agad ding nagtago sa ilog. Nagdesisyon si Clyde na umalis na sa lugar na 'yon ng madali. Paano ba naman kasi pagkatira n'ya sa isang 'yon, may mahigit sa sampung nagsipagtalunan mula sa tubig. Agad itong tumira ng likido mula sa bibig nila na amoy panis na gatas.

Pero ang napansin ni Clyde ay mahigit dalawampung tira ang sabay-sabay na iniligan n'ya. Kaya umalis na s'ya dahil doon.

Masyadong marami ang kalaban.

Hindi pa n'ya kita ang mga ito. Hindi n'ya masasabi kung ilan talaga ang tunay nitong bilang. Kung may iba pang uri ng halimaw ang nag-aabang mula sa kanilang teritoryo, ang ilog na hindi naman natural na teritoryo ni Clyde na isang tao.

Tumakbo s'ya habang kasunod ang mga summon palayo sa ilog. Pero hindi pa s'ya nakalalayo ay marami na ang humarang sa kanya.

May sampung mga paa. Naglalakad patagilid. May maitim na mga shells. Ito ay mga alimango.

Sa pagkakataong ito normal ang laki ng mga alimango.

Marami silang sumugod kay Clyde. Pinalibutan s'ya ng mga ito.

Sabay-sabay silang sumalakay.

Walang kahirap-hirap na natalo ang mga bulate ni Clyde sa likuran. Agad silang nagapi ng mga alimango. Ginamit agad ni Clyde ang divine pull ni Alejandro.

Nahila itong lahat papunta sa duwende. Doon pinaatake n'ya ang apat pang natitirang summons. Hindi gaanong mabisa ang naging pag-atake ng mga summon maging ng earth needle n'ya.

Tanging pagkakuping ang nangyari sa shell ng mga alimango.

Kaya naman matulin s'yang umalis sa lugar na 'yon.

Pero ang nakapagtataka, kahit saan s'ya magpunta ay nasusundan s'ya ng mga ito.

Binuksan n'ya ang status n'ya. Doon napansin n'ya ang kakaiba.

...

Status

[Tracked]

- You have been hit by a stinky spoiled milk making you smell horribly.

- Your location is exposed to any creatures with sense of smell nearby.

- Washing immediately is strongly advised. If not, and by any chance you are within a territory of hordes of monsters you'll most likely be mob.

...

"Hindi ba masama ang kalagayan ko ngayon?" Kinakabahang pagkausap ni Clyde sa sarili. Napalunok pa ang hunter.

Desperadong tumakbo si Clyde papalayo sa dumadaming humahabol.

...

"S..si..siguro naman safe na ko rito, no?" Hinihingal na sabi ni Clyde habang nakatungtong sa isang puno. Ang isang braso n'ya ay nakapalupot sa isang matabang sanga noon para suportahan ang sarili.

Tatlong araw at dalawang gabi na rin ang nagdaan mula ng hinabol sya ng mga alimango. Sa tagal ng habulan naging sobrang dami na nila. Libo o higit pa.

Mapanlinlang ang itsura ng mga alimango. Bagamat maliliit at patagilid maglakad inakala tuloy ni Clyde na mababagal sila. Doon s'ya nagkamali.

Sa katunayan nga ang mga damit n'ya ay gula-gulanit dahil sa matatalim na sipit ng mga alimango. At dahil na rin hindi n'ya maipagpag ang mga ito dahil nga mabiblis. Sa ibaba ay pinapalibutan pa rin s'ya ng mga nag-aabang na halimaw. Tila hayok na hayok sa laman n'ya.

"Kung sana ay mga babae lang ang nagkakandarapang humabol sa akin. Malamang binagalan ko pa at nagpahuli pa ako." Biro ni Clyde sa sarili.

"Pero kung ang mga ito ang makakahuli sa'kin, malamang maputol si Manoy." Kinilabutan s'ya sa naisip.

Kinuha n'ya sa storage ang baong biskwit at kumain. Pagkatapos ay ininom niya ang kanyang baong tsaa. Kaya n'ya paborito ang tsaa dahil nakaka-detoxify ito ng katawan. Importante sa isang hunter ang kanyang kalusugan. Iyan ay ayon sa opinyon ni Clyde. Binalik n'ya ang mga basura sa storage.

Maya-maya pa ay nangati s'ya. Hanggang sa naramdaman n'ya ang sakit sa balat. Pag tingin n'ya kinakagat na s'ya ng pulutong ng mga langgam. Mapupula at malalaking uri ng mga langgam ang mga ito.

Agad n'yang tinawag muli si Alejandro. Pagka-summon dito, dahil walang matutuntungan ay agad na nahulog ang duwende.

Sinamantala ni Clyde ang pagkahulog ng summon. Inutos n'ya sa duwende na gamitin ang divine pull. Nagsitalunan mula sa puno ang mga langgam. Maging ang mga alimango ay nagsitalon para atakihin ang papabagsak na duwende.

Sinamantala iyon ni Clyde. Pinadausdos niya ang katawan pababa ng puno. Ginawa n'ya iyon para habang abala ang mga halimaw ay makatakas s'ya.

Bago pa bumagsak si Alejandro ay pinabalik n'ya na sa holymancer realm ang duwende. Saktong pagkababa n'ya sa lupa ay tsaka naman n'ya sinummon ang iba. Inutusan n'ya ang mga itong makipaglaban para sa kanya. Habang nangyayari ang labanan ay tumakbo s'ya upang muling bumalik sa ilog.

Ang tagal n'ya na rin kasing nakikipaghabulan sa mga alimango. Ngunit imbes na maiwala n'ya ang mga ito ay lalo pa silang dumadami. Naalala n'ya na ang kondisyon para mag-wore-off ang status effect na pangangamoy ng panis na gatas sa katawan n'ya ay dapat n'ya itong hugasan.

At wala naman s'ya ng ibang alam na hugasan maliban doon sa ilog na puno ng malalaking bangus na bumubuga ng panis na gatas. Kaya napilitan s'yang balikan ang lugar na 'yon.

Kumaripas s'ya ng walang lingon-lingon.

Sa tuwing papalapit ang mga humahabol sa kanya ay muli s'yang nagsa-summon. Ang habulan ay tumagal hanggang sa maaaring n'ya ang ilog. Nang nakita n'ya 'yon ay walang pag-aatubili s'yang tumalon para maghugas. Sinigurado n'ya lang handa s'ya sa mga mala-higanteng bangus. Pero may nakalimutan s'ya. Kaya rin nga palang mabuhay sa tubig ng mga alimango.

Nang makita n'ya 'yon ay matulin s'yang umahon sa tubig. Muli na naman s'yang tumakbo. Pero sa pagkakataong iyon nailigaw n'ya na ang mga humahabol.

Kasama ang kanyang pitong summon at ang gula-gulanit na damit ay muling naglakbay ang hunter. Pero mas maingat na s'ya.

Akala n'ya ay mas dadali na ang buhay dahil mas marami na s'yang summon. Nagkakamali pala s'ya. Masyadong marami ang mga kalaban kung umatake ngayon. Nagtataka tuloy s'ya kung rank C dungeon nga ba talaga ang isang ito.

Paano n'ya matatapos to at mabubuhay ba talaga s'ya sa itinatakbo ng kanyang solo raid?

"Meron nga akong O.P. system pero wala, hindi ko naman magamit ng husto. Bakit ba kasi kailangan pang bumili? 'Di sana binili ko na lahat ng O.P. skills at malulupit na equipment." Reklamo ng hunter sa kamalasang inaabot.

...

Maya-maya pa ay nakarating s'ya sa isang lugar. Yumuko s'ya at nagtago sa mga talahiban sa paligid. Sa tabi n'ya ay pinagtago n'ya rin ang mga summon. Pinagmasdan n'ya ang nasa harapan.

May mga bahayan doon. Karamihan ay gawa sa light materials tulad ng plywood at kahoy. May mangilan-ngilan ding gawa sa hollow blocks. At mas kaunti naman ang gawa sa simento. Ang karamihan pa rito ay 'di pintado. Bilang mo lang sa kamay ang may pintura at 'yun din ang mga natatanging may ikalawang palapag.

Karamihan sa mga bahayan ay dikit-dikit pa. Ang mas magagandang bahay ay ang mga nakabukod. Masasabing kung may naninirahan sa mga ito, sila 'yung may mga may kaya sa buhay.

Kaya naman yumukod si Clyde ay dahil sa mga dungeon monster na gumagala sa labas ng mga bahayan. Mga baka, baboy, kalabaw at kabayo ang mga ito. Nag-uumpisa na ngang malito si Clyde.

Dungeon ba 'to o farm? Dudang pagtatanong ni Clyde sa kanyang utak.

Huminga s'yang malalim at nakapagdesisyon na.

Dahil wala naman s'yang madadaanan. Lahat ng natanaw n'ya kasi ay kung hindi bahayan ay puno naman ng dungeon monsters. Pinabalik n'ya lahat ng summon. Hahanap s'ya ng daan para makaraan sa lugar na ito o hindi kaya naman ay humanap ng kung anumang clue sa mga bahayan.

Ginamit n'ya ang conceal at nagmadaling pumasok sa pinakamalapit na bahay. Isa ito sa pinakamalaking bahay na may second floor at pintura.

Sa loob, nakita n'yang wala itong pinagkaiba sa tirahan ng mga tao. Hinalughog n'ya ang lugar. Sa sala, sa kusina, sa banyo, hanggang sa second floor. Inisa-isa n'ya ang mga kwarto. Sa mga higaan nito hanggang sa mga aparador. Doon sa paghahanap n'ya ng gamit sa aparador napukaw ang atensyon n'ya ng isang bahay. Meron doong isang uri ng armor o baluti.

Kulay tsokolate ito. Dinampot n'ya iyon, tinimbang at kinapa. Napagtanto n'yang magaan at gawa ito sa leather.

Tamang-tama dahil wasak na ang mga suot n'ya.

Sinuot n'ya ang baluti. Medyo hindi s'ya komportable kasi mainit ito sa katawan. Pero okay na rin kesa walang disenteng proteksyon sa katawan.

Nang muling dumako ang mata n'ya sa mga kagamitan sa aparador at nang bumalik ang tingin n'ya sa suot na bagong baluti, biglang may pumasok na ideya sa isip n'ya.

Binuksan n'ya ang storage n'ya at sinubukang ilagay ang isang gamit doon bilang panimula. Nang nakumpirma n'yang posible ang plano, nagsimula na s'yang maglimas ng gamit.

Wala s'yang pinatawad. Mga damit panlalaki o pambabae. Mga tsinelas o sapatos. Mga salamin sa kwarto. Kung ano-ano pang abubot, at muling may pumasok na ideya sa isip.

Tinitigan n'yang mabuti ang higaan at nagdesisyong isama na iyon sa lilimasin. Nang una ay nahirapan s'yang ipasok 'yon sa storage dahil may kalakihan pero nailagay n'ya naman.

"Kung ang higaan ay pwede kong kunin bakit hindi ang aparador, di ba? Tsaka sino ba naman ang gagamit sa mga gamit na ito, e nasa loob 'to ng dungeon, dahil una akong nakakita nito akin na ito. Finders keeper." May kakatwang itsurang tawa ni Clyde.

Maya-maya pa ang pag-iimbestiga sa bahay ay nauwi sa hindi maipagkakailang looting.

Kung meron sigurong mga magnanakaw o aspiring akyat-bahay na nakakita kay Clyde ay mamamatay sila sa inggit. Paano ba naman, meron s'yang perpektong sitwasyon. Walang katao-tao sa bahay at meron pa s'yang unlimited storage para sa mga linimas. Siguro may talento si Clyde sa pagiging isang salisi gang.

Natapos n'ya ring kunin ang lahat ng mapakikinabangan sa bahay. Habang naglalakad sa itaas napansin n'ya ang isang saradong pinto. Marahan n'yang inikot ang doorknob.

Nang bumukas iyon ang bumungad sa kanya ay ang mga halimaw na lahat ay pawang nasa ibaba.

Ang natuklasan n'ya ay isa palang terrace.

Tahimik s'yang pumasok doon. Umupo at pa-squat s'yang umabante para tingnan ang sitwasyon sa labas. Pinag-aralan n'yang mabuti ang posisyon ng mga bahay at ng mga dungeon monsters. Nang matapos ay nagbalak na s'yang lumabas. Pero may nahagit ang paningin n'ya sa gilid. Sa sementadong lapag ng terrace ay may isang itak. Nilapitan n'ya iyon. Lumuhod s'ya sa tapat noon at dinampot ang sandata. Nang sinuri n'ya ito ay napagdesisyunan n'ya ring itago ang gamit.

Inilagay n'ya ang itak sa storage. Maging ang isang bigkis ng lubid at isang container na nang inamoy n'ya ay isa pa lang lalagyan ng gasolina sa tabi nito.

Pagkatapos noon ay nilibot n'ya pa ng ilang beses ang bahay. Nang matiyak n'yang wala ng naiwang bagay na mapakikinabangan tsaka pa lang tuluyang lumabas ang hunter.

Ginamit n'ya ang conceal at pumasok sa isang barong-barong. Katulad ng sa una ay hinalughog n'ya rin ang lugar para sa kung anumang mapapakinabangang bahay.

Ginawa n'ya iyon ng paulit-ulit hanggang sa huminto s'ya dahil masyado itong malakas umubos ng mana potions. Bumalik s'ya sa unang bahay na pinasok n'ya. Naupo s'ya at sumandal sa pader ng bahay.

"Mahihirapan akong libutin ang lahat ng bahay dahil matulin itong umubos ng mana potions. Para akong nag-uubos ng pera. At ang pera ay lifeline ko. Pwede akong ma-game-over kung hindi ako magiging wais sa paggamit ng gold coins." Mahinang sabi n'ya habang nagkakamot ng ulo.

"Sa tingin ko hindi rin posible ang pag-confront sa mga halimaw sa labas head-on. Para akong nag-suicide noon. Matapos ng unang atake ko paniguradong mapapalibutan naman ako ng at least 100 kalaban. Pero may conceal skill ako at meron ding divine pull si Alejandro. Sa tingin ko pwede akong mag-try ng isang beses para masukat ang current ability ko against sa ganitong karaming monsters." Nagugulumihamnang ungot ni Clyde.

"Kung meron lang akong 100 thousand para bilhin 'yung area of effect skill na 'yon. Kung hindi lang sana ako bumili ng 6 na binding scroll. Pero may pakinabang naman ang anim na bagong summon. Nabibigyan nila ako ng oras para tumakas bilang meat shields. Pero walang kwenta ang mga atake nila laban sa dami ng kalaban. Kaya ko binili ang binding scrolls dahil masama ang kutob ko kung namatay sila habang sila ay summons ko. Mag-iipon ako pero paano? Simula ng pumasok ako sa pangalawang palapag lagi na lang akong tumatakbo. Gagamitin ko na kaya 'yon?" Nagtatalong isip ni Clyde.

"No. Let's see the situation first." Hingang malalim ni Clyde sabay tayo.

Siniguro n'yang munang tama ang state of mind n'ya bago lumabas.

"Sa pagkakataong ito kailangan maging matulin at decisive ako. A moment of hesitation ang papatay sa'kin." Paulit-ulit n'yang paalala sa sarili.

Ginamit n'ya ang conceal at uminom ng mana potion. Paniguradong wala s'yang panahong gawin 'yon mamaya.

Tinarget n'ya ang lugar kung saan mas hindi nagkukumpulan ang mga halimaw. Pinakawalan n'ya ang earth cage na tumatarget sa dalawang bruskong kalabaw at isang malaking baboy. Sa malapitan mas malalaki at ang gaganda ng katawan ng mga halimaw.

Ano kayang kinain ng mga ito?

Nang nakulong ang tatlo sa earth cage, kasabay noon ang pagsugod sa mga ito ng dalawang higanteng bulate ni Clyde mula sa lupa. Habang abala tinira n'ya ang mga ito ng Isa earth needle.

"Ting!" Rinig ni Clyde mula sa tinira n'yang earth needle.

Bakal? Bakal ang balat ng mga kalabaw na 'yon? Nasaan ang hustisya? Sigaw ni Clyde sa isip n'ya.

Sa paglabas pa lang ng earth cage ay nagsisuguran na agad ang daang-daang malalapit na mga halimaw sa lugar.

Sinummon n'ya si Alejandro at pinagamit ang divine pull habang siya ay nagpaplanong tumakas habang nasa concealed state pa rin.

Mga kalabaw, baboy pati na rin mga manok.

Ang bawat papasugod na halimaw ay namumula lahat ang mga mata. Silang lahat ay titig na titig kay Alejandro na akala mo s'ya lang ang nakikita nila.

Pinagamit n'ya na rin kay Alejandro ang kanyang rank 10 equipment. Paniguradong hindi nila masisira ang depensa ng duwende. Maliban na lang kung boss type monster sila.

"Patay!" Gulat na sabi ni Clyde ng napansin ang ibang papasugod na mga kalaban. Masasagasaan s'ya ng mga ito.

Sinummon n'ya ang dalawang daga. Tumuntong s'ya sa mga likuran nito.

"Talon!" Tumalon ang mga daga gaya ng utos n'ya.

Matapos noon sinummon n'ya naman ang dalawang killer cockroach sa paanan n'ya.

Ia-unsummon sana n'ya ang dalawang daga pero huli na. Nasagasaan na sila ng mga dungeon monster.

Ginawa na lang n'ya ang nararapat. Tinuntungan n'ya ang likuran ng mga ipis para gawing foothold. Pagkantuntong agad s'yang tumalon paharap. Kasabay noon, pinabalik n'ya ang mga killer cockroach sa holymancer realm.

Bumagsak s'ya padapa sa likuran ng isang bruskong kalabaw.

"Eh?" Ang lamig ng likuran nito para sa isang may buhay. Ang tigas din sapagkat gawa iyon sa bakal. Pero ang ipinagtaka n'ya ay parang hindi naramdaman nito ang pagsakay n'ya ng kalabaw.

Hindi n'ya na lang pinag-isipan 'yon masyado. Hindi na kasi kataka-taka 'yon. Kung hindi ka sanay, maaaring kwestyunin mo ang common sense mo. Halimbawa na lang, sa loob ng isang dungeon, kapag sinabing ang isang aso ay ngumingiyaw, hindi kokontra o tatawa ang mga hunter. Subalit sisiguraduhin muna nila kung totoo nga 'yon.

Huwag na rin tayong lumayo. Kailangan pa ba nabuhay ang bangus sa tubig tabang? Hindi ba kung hindi sa dagat ay sa palaisdaan lang ito pwede mabuhay? Na pawang mga tubig alat.

Hindi man kapani-paniwala, karamihan ng mga hunter ng sila ay mga novice pa, ay mas nagkakaproblema pa sa labas ng dungeons. Nahihirapan silang mag-adapt. Mas pumapalya sila sa pagiging hunter dahil pakiramdam nila ay nababaliw na sila.

Isang halimbawa na lang ng kakaibang pangyayari sa dungeon ay ang takbo ng oras. Minsan ang 3 araw sa isang dungeon ay 3 oras lang sa labas. Minsan naman ang 3 buwan ay tatlong segundo lang pala sa labas.

Tumayo at pilit na binalanse ni Clyde ang sarili sa likuran ng tumatakbong kalabaw. Uminom s'ya ng mana potion. Pagkatapos ay tumalon s'ya unti-unti sa mga likuran ng mas malalaking halimaw. Nang natapos na ang concealed state ay agad n'yang nalaman. Pilit s'yang ipinapagpag ng isang baboy habang patuloy pa rin sa pagtakbo papunta kay Alejandro. Kumapit s'yang mabuti sa yumuyugyog na baboy. Mahinahong muling inactivate ang conceal. Kailangan n'yang magmadali na lumipat sa may bandang kanan para makabalik sa direksyon ng ilog.

Muli s'yang nagpalipat-lipat sa ibabaw ng mga halimaw. Dahil walang duration ang divine pull, nagawa n'yang magpalipat-lipat ng hindi iniintindi ang pag-target sa kanya ng mga dungeon monster. Maliban na lang kung mamamatay ang kanyang tank. Masasabi mo talagang sobrang overpowered ng divine pull. I-combine mo ito sa invisible shield ng duwende na Iron heart, walang makakagapi sa kanya ng madali.

Nang malusutan ang mga kalaban, nagkukumahog s'yang umalis sa lugar na 'yon.

.....

"Hindi ko pa rin nagagamit yung starting bonus ko na makapili ng isang item, equipment or skill na gusto ko. Gagamitin ko na kaya rito? Pwede kong gamitin 'yun para maibalik sa dati ang natapyas na laman sa braso ko, pero mas kailangan kong mabuhay ngayon. Maaari pa akong maghanap ng solusyon kapag nakalabas ako rito. Ano namang magagawa ng pagbabalik ng natapyas kong laman kung patay naman ako? E, magiging libingan ko ito kung sakali. Ano bang dapat kong bilin para malabanan ko ang masyado ng maraming kalaban?" Masinsing nag-iisip na tingin ni Clyde sa braso n'ya.

Bago pa pumasok sa dungeon, napagdesisyunan na ni Clyde na rito n'ya iyon gagamitin. Kasi naisip n'yang gawin itong insurance sa isang sitwasyong maaaring magdikta kung mabubuhay s'ya o hindi.

"Ah bahala na nga. Pati ba naman sa holymancer system kailangan pa rin ng pera. Puro na lang pera. Tsk! Totoo talagang money makes the world go round." Naiinis na ginulo ni Clyde ang buhok.

...

[Shop]

Are you sure you want to use your free chance to choose this skill?

👉 Yes or No

...

Walang pagdadalawang-isip na pinindot ni Clyde ang yes. Nadadagan na nga s'ya ng isang napakalakas na magic spell. Ka-level ito ng pagiging O.P. ng crowd control skill ni Alejandro. Ang presyo nito sa skill shop ay 1 billion gold din.

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 10

Stats :

Health : 100/100

Mana : 400/400

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 20

Intelligence : 40

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [7/160]

- Holymancer Summons [7/200]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1) (New!)

...

Tiningnan n'ya ang description ng may satisfied expression sa mukha.

...

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

- An instant, chantless spell.

- This skill starts by opening a portal like space. Shaped like a square with a height and width of 5 meters and have the hand of the user as the central gateway.

- The user borrows help from the orbs in the mortal realm transported via portal. Those orbs might be small in size but are very formidable. They chase after any living individuals with souls within 5 meters in front of the user after firing. The amount of orbs that would appear will be dependent on the number of enemies detected by the portal. If there are more than one enemy, the orbs can bounce within their ranks to deal damage up to five times. The orbs' power depends on the user's intelligence stats and the quantity of enemies.

- It can distinguish an ally from a foe.

Mana required : 10 mana points

Cooldown : 10 seconds

...

May napansin lang s'ya kakaiba matapos n'yang bilhin ang bouncing soul creepers. Pagkabili, nagkulay gray ang text ng bouncing soul creeper. Nang sinubukang n'ya iyong pindutin, hindi na ito gumagana para mai-check ang skill. Ganito rin ang nangyari pagkabili n'ya sa skill at rank 10 equipment ni Alejandro noon.

Ibig bang sabihin noon ay yung mga O.P na gamit na 'yon ay para lang sa isang indibdwal?

Hindi ito pwedeng i-mass produce?

Kung ganoon nga nasira ang plano ko para gumawa ng elite army with the strongest skills and equipment for each individual.

No. Oobserbahan ko muna.

Sa pangalawang slot ng holymancer generals, titingnan ko kung mauulit pa rin ba ang katulad na pangyayari.

Pero bago ang lahat, dapat i-check ko muna ang bagong skill ko.

...

Marahan at maingat na muling binaybay ni Clyde ang daan pabalik sa ilog. Tulad sa umpisa nasa parehong formation pa rin sila ng summons n'ya. Sa harapan si Alejandro na isang tank. Sa likuran ang dalawang higanteng bulate. Sa magkabilaang gilid ang malalaking daga. At ang dalawang gamangkok na ipis ay parehong lumilipad sa ibabaw ni Clyde. At sa sentro naman ng formation naroroon ang hunter.

Hindi kalaunan, gaya ng iniasahan ay may nakasalubong silang dungeon monsters, mga alimango.

Habang papasugod ang maraming alimango ay ginamit n'ya ang bagong skill.

Ang bouncing soul creeper.

Itinutok ni Clyde ang kanang palad sa mga papasugod. Nang inactivate niya ang skill nakaramdam siya ng paglamig sa palad. Maya-maya pa ay ang nakita na lang n'ya sa harapan ang transparent na kung ano na konektado sa palad n'ya. Malawak at mataas ito. At sa transparent na bagay sa harapan n'ya ay may maraming nagkalat na mga linyang kulay lumot. Hanggang naglabasan ang mga 'yon.

Bilog ang mga iyon. Pero sa unang tingin pa lang masasabi mong agad na wala ng material form ang mga orb. Tulad ng sa gateway nila, ang mga orb ay may mga guhit na kulay lumot. Habang tumatagal, parami sila ng parami na pawang nagmumula sa palad ni Clyde. Habang dumadami, s'ya rin namang paglamig sa paligid ng hunter.

Marahan silang nagpapaikot-ikot sa paligid ng portal na parang mga molecules lang. Meron ding mga mahihinang tunog. Para bang mga mababang tunog ng pag-ihip. Marami ang mga 'yon. Sa harapan iyon nagmumula. Napagtanto tuloy ni Clyde na maaaring sa mga orbs nanggagaling ang makatindig-balahibong mga tunog.

Bigla na lang nangyari 'yon. Ang nag-iikutang mga orbs ay bigla na lang nagsipaghinto sa paggalaw. Matapos ng sandaling pag-pause na 'yon, matulin ding nagsibulusok paharap ang mga orbs. Kaagapay ng pagsugod nila ang mga pag-ihip na may kahalong pagtawa na para bang sa mga tiyanak nagmumula.

Inilagan ng orbs sina Alejandro na nasa dadaanan nila. Matapos noon ay sinalubong nila ang mga alimango. At nang nagsipang-abot na, nagsimula ang creepy massacre.

Napahinto ang mga alimango sa pagsugod. Marahil na rin siguro masyado ng maraming sumusugod sa kanila. Sa estimate ni Clyde nasa isang daan siguro ang mga orbs. Sa paghintong 'ton ng mga alimango nagsimula ang massacre. Paulit-ulit silang sinugod ng mga orbs.

Kaalinsabay ng hagikgikan at bulungang nagmumula sa mga ito ay ang sigaw ng mga alimango. Simula sa galit na sigaw, ay naging parang atungal sa bawat pagbanda sa kanila ng mga orbs. Sa bawat pagtama ay bahagyang napapausad ang mga alimango sa kanilang mga puwesto. Sa umpisa ay iwinasasiwas pa nila ang kanilang mga sipit. Pero dahil wala namang pisikal na katawan ang mga orbs ay naging balewale rin ang pag-atake. Kaya matulin ding naging one-sided massacre ang naganap. Nang bumagsak na ang huling alimango ay dahan-dahang naglaho sa harapan ni Clyde ang mga orbs.

Nang inispeksyon ni Clyde ang mga alimango ay nagtaka s'ya. Patay na ang mga ito pero walang mga sugat.

"Anong klaseng atake ang ginawa ng mga orbs?" Kunot-noong taong ni Clyde kay Alejandro.

Nalungkot si Clyde dahil walang sumagot sa kanya. Nakatulala lang ito sa kanya. Nang naging summon ni Clyde si Alejandro ay parang nawala ang kakayahan nitong makipag-usap sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Clyde. Nang sinulyapan n'ya ang iba pang summon ay mas parang nalungkot s'ya. Mas imposible namang kausapin ang mga ito.

Mahigit tatlong araw na rin ang lumilipas sa dungeon. Sa panahong 'yon panay sarili n'ya lang ang kausap. Nabuburyo na s'ya. Iniling na lang n'ya ang ulo sa nararamdaman. Kailangan n'yang mag-concentrate.

Binilang ni Clyde ang mga napatay na alimango. Eksaktong sampu ang mga ito. Iba rin talaga ang nahuli n'yang skill. Kung ikukumpara mo ito sa earth needle n'ya, parang langit at lupa any diperensya. Hindi man lang masugatan ng earth needle n'ya ang mga nakakalabang may matigas na shell o balat. Samantalang ang bouncing soul creeper ay mukhang sa loob ang inaatake. Kumbaga walang depensang epektibo rito. Kinolekta ni Clyde ang mga bangkay nito.

Nag-umpisa na s'yang mag-hunt ng dungeon monsters. Walang nakakapigil sa kanyang mga alimango. Sa kada laban ay agad n'yang napapatay ang mga alimango. Kung mas kaunti naman ito sa lima ay doon may natitirang buhay ang bouncing soul creeper. Kapag ganoon ang nangyari ay ginagamit n'ya ang mga summons pati na rin ang kanyang iba pang skills. Wala s'yang naging problema. Patuloy-tuloy lang s'ya sa paghanap ng mga kalaban.

Napahinto na lang s'ya ng hindi namamalayang dapithapon na pala. Napagdesisyunan n'yang pansamantalang ihinto muna ang paghahanap ng kalaban sa araw na 'yon. Naghanap s'ya ng masisilungan.

Meron s'yang nakitang malaking bato. Doon n'ya itatayo ang tent. Pwede kasi nito ng itago sa paningin ng mga halimaw ang tent n'yang itatayo sa isang side.

Matapos gawin 'yon ay pumasok na s'ya. Pinagbantay n'ya sa labas ang mga summon. Kinuha n'ya ang bagong kumot at unan at nagsimula ng matulog.

次の章へ