webnovel

Agam agam ni Edmund

"Ano pang hinihintay mo dyan Dalig, kainin mo na yan at isunod mo na 'tong isa pang pasaway na 'to!"

"Karla TAKBO!"

Sigaw ni Khim.

Pero tila natulala na si Karla sa sobrang takot. Wala na itong nadidinig hanggang sa nahimatay ito.

Sa pagkakataong ito sakto namang lumusob na si Dalig para kainin sya.

"KARLAAAAA!"

"Hehehe! Sige Dalig bilisan mo! Hahahaha!"

BANG!

"Huh? San galing yun? Anong nangyari?"

Natatarantang sabi ni Nanay Eda at patakbo itong nagtungo kung saan naroroon si Dalig at si Karla.

"Dalig! Dalig! Anong nangyari?"

Nanlaki ang mga mata sa gimbal ni Nanay Eda ng makita ang wala ng buhay na alaga nya.

"DALIIIIG! AAAAAAHHHH!"

Hindi na nagawang makapaisip pa ng susunod na gagawin si Nanay Eda. Napakabilis ng mga pangyayari.

Sa isang iglap nakita nyang biglang nawalan ng buhay ang alaga nya at ngayon naman ay may mga kalalakihan ng lumapit sa kanila para kunin si Khim.

"Karla! Karla! Huhuhu!"

Patuloy na iyak ni Khim.

Natakot sya ng hindi makita ang bata.

'Jusko Karla! Huhuhu!'

Hindi nya alam kung ano na ang nangyari kay Karla. Ang huling kita nya ay kakainin na ito ni Dalig kaya natakot ito ng hindi nya makita.

Agad syang kinuha ni Joel at inakap.

"Khim! Khim si Lolo Joel ito!

Haaay salamat nakita ka na rin namin!

Huwag ka ng umiyak apo, tahan na! Safe ka na!"

"Lolo Joel! Waaaahhhh! Si Karla! Si Karla, Lolo Joel, Waaaaah!. ..... Kinain sya nung ahas! Waaaaah!"

"Anuh?!"

Kinilabutan si Joel sa sinabi ni Khim.

"Hoy, ayusin nyo ang panghahanap kay Karla! Kung kinakailangan na hiwain nyo yang ahas, gawin nyo!"

Hindi na nito mapigilan ang maiyak, sobrang mahal nya ang apo nyang si Karla, sila ng asawa nya ang nagalaga dito nung makuha nila poder ng ina.

"Huwag kang magaalala Khim, hahanapin natin si Karla .... hahanapin natin sya!"

Ani joel na humahagulgol na rin.

Sabay akap nito ng mahigpit kay Khim.

Pati si Edmund ay napalusob din bigla sa ahas para sya ang mismong maghanap dito.

Hanggang sa.....

"Karla ....!"

Agad na nilapitan ni Edmund ang bata.

"Ilayo nyo na yang ahas!"

"Waaaaah, Dalig! Anong gagawin nyo sa alaga ko?!"

Sigaw ni Nanay Eda ng makitang inilalayo ang ahas.

"Manahimik ka! Hindi mo ba alam itong dinulot mong perwisyo at sa mga kasong haharapin mo?"

"Pwede ba, ilayo nyo na rin yang babaeng yan dito!"

Sigaw ni Joel sa mga sundalong may hawak kay Nanay Eda.

Hinubad ni Edmund ang jacket nya at ibinalot kay Karla.

Nakasiksik ito sa isang matinik na halaman puro galos ang bata. Puno ng laway at dugo ni Dalig.

'Buhay pa sya, mukhang hinimatay lang!'

Agad nyang binuhat ang bata at inalis duon.

"Karla! Karla! Waaaaah!"

Muling hagulhol ni Khim.

"Oh, jusko, Karla anong ginawa nila sayo?"

Iyak din ni Joel.

Tanging boses lang nila ang madidinig.

"Buhay pa sya!"

Sabi ni Edmund.

Agad na may lumapit sa bata para tingnan at malapatan ng first aid.

"Ligtas ang bata, hinimatay lang!"

"Sigurado ka, hindi ba sya nakagat ng ahas?"

"Hindi! Natamaan ko ang sawa bago sya makagat nito!"

"Haaay Juskolord salamat po!"

"Pero itong lalaking ito na nakita namin duon ang malalala ang tama! Puro kagat ng sawa ang buo nyang katawan!"

Kinilabutan sila sa itsura ni Jorge na nawalan na rin ng malay.

"Pero bakit hindi sya kinain ng sawa, gaya ng ginawa nya kay Martin?"

"Dahil po Lolo Joel, kami po ni Karla ang target ng sawa at si Jorge ang humarang para makatakas kami! Ginawa po nya ang lahat para mapigilan ang sawa kahit na may may kagat na sya! Huhuhu!"

"Jusko! Kaya pala ganyan ang nangyari sa kanya!"

"Lolo Joel, Tito Edmund, gawan nyo po ng paraan para mabuhay sya please! Malaki po ang utang na loob namin sa kanya ni Karla!"

"Pangako Khim gagawin ko ang lahat para mailigtas sya!"

Ani Edmund.

Pagkatapos nga nuon ay mabilis na pinatawag ni Edmund ang chopper nya para madala agad sa ospital si Jorge Khim at Karla.

At iniwan na nila ang lahat sa mga sundalong naroon.

*****

"Congratulations my Honey...."

Malambing na sabi ni Nicole ng magisa na sila sa kanilang silid.

Katatapos lang mag shower ni Edmund at twalya lang ang saplot nito, samantalang si Nicole ay nasa kama suot ang bathrobe nya ... yun lang.

Matagal na nawala ang asawa nyang si Edmund at pagdating ay agad naman inasikaso ang problema ni Khim at Karla.

Hindi pa sila nagkaron ng panahon sa isa't isa ..... ngayon pa lang.

'Pagkakataon ko na 'to! Hehe!'

'Humanda ka sa akin Honey!'

Sa isip ni Nicole.

Pero ...

"Salamat Honey!"

Sabay halik sa lips ni Nicole na nanulis.

"Na miss din kita Honey, pero pagod ako sa dami ng nangyari. An gusto ko na lang ay matulog. Bukas na lang!"

Sabi nito at iniwan na ang asawa at nagbihis ng pajama nya.

Sabay higa sa kama at ipinikit na ang mata tanda na wala talaga itong gana sa kung ano man ang gustong mangyari ng asawa.

'Naman eh!'

'Haaay kainis naman!'

Nagmamaktol ng lihim si Nicole.

Pero anong magagawa nya totoo naman pagod ang asawa.

'Kainis naman, namiss ko na eh!'

Wala itong nagawa kundi ang mahiga, hindi na nagsuot ng damit naka bathrobe lang.

KRRIIING!

Tunog ng cellphone ni Edmund sa kalagitnaan ng gabi.

Naalimpungatan tuloy si Nicole.

"Sino ba itong madaling araw na tawag pa rin ng tawag?"

Patuloy pa rin sa pag ring ang cellphone at si Edmund ay mukhang mahimbing ang pagkakatulog dahil sa pagod kaya hindi ito napapansin.

Kaya inabot ni Nicole ang phone para patayin pero ng patayin nya ito, muli itong tumunog.

'Anak ng .... !'

Kukunin na sana nya ito muli pero sa pagkakataon ito naunahan sya ni Edmund.

Agad nitong sinagot ang phone.

"Hello?"

"Hon, sino ba yan? Gabi na, pwede bang bukas na kamo sya tumawag!"

Sabi ni Nicole na nayayamot na dahil gusto nyang bumalik na ulit sila sa pagtulog na magasawa.

Pero imbis na babaan ni Edmund ng cellphone ang kausap, tumayo ito sa kama at lumabas ng silid.

"Huh? Sino kayang kausap nun at lumabas pa?"

Dismayado si Nicole.

"Ano ulit yung sinasabi mo?"

Tanong ni Edmund sa kausap. Isa ito sa mga tauhan nya.

"Sir si Zac po patay na!"

"Sinong Zac?"

"Yung tauhan ni Don Miguel na nagligtas kay Doña Isabel sa pagsabog!"

"Anong problema bakit sinasabi mo ito sa akin?"

Yamot na tanong ni Edmund dahil hindi nya tauhan ito tauhan ni Don Miguel.

"Kasi Sir Edmund, may pareho sila ng sintomas ni Doña Isabel at isang virus daw ang dahilan! Sinabi ko sa inyo dahil baka sa kanya nagmula ang virus!"

'Jusko, ano na yong nangyayari?'

Kinakabahan na si Edmund sa kakaibang sakit na dumapo kay Doña Isabel. Bakit meron din ang mga naka close contact nito gaya ni Don Miguel at ngayon ni Zac?

At ngayon natatakot sya dahil may close contact sya kay Don Miguel.

'Juskolord paano kung dala ko ang virus, paano ang pamilya ko?'

次の章へ