KRIIIING!
Ilang ulit ng tumunog ang cellphone ni Jaime pero tila wala itong balak sagutin.
Nakalipat na sila sa Suite room ng ospital at silang dalawa lang ni Nadine ang naroon dahil nasa baba si Divina inaayos ang mga gamit na naiwan ni Jaime para dalhin sa taas samantalang si Diane naman ay bumili ng hapunan nila.
"Bakit ayaw mong sagutin ang cellphone mo baka yung babae mo yang tumatawag?"
Tanong ni Nadine sa asawa na hindi sya tinitingnan.
Busy ito sa ginagawa nya sa laptop nya.
'Naman, ang kulit naman nitong si Tess. Bakit ba ayaw nitong tumigil sa katatawag?'
Iritang irita na si Jaime.
Hindi nya alam kung paano nalaman ni Tess ang personal nyang numero.
Iilan lang ang nakakaalam ng numerong ito, kaya tyak nyang isa sa mga yun ang nagsabi kay Tess.
Iniabot ni Jaime kay Nadine ang cellphone nya.
"Gusto mo bang sagutin?"
Tanong ni Jaime sa asawa.
Napataas ang kilay ni Nadine
"Bakit? Hindi ako magpapakababa sa lebel ng babae mo?"
Sagot ni Nadine.
"Darling, gusto ko lang naman patunayan sa'yo na matagal ko ng tinapos ang tungkol kay Tess, simula ng mabuntis sya.
Alam mo naman na hindi na ako pwedeng magkaanak kaya imposibleng anak ko ang dinadala nya."
Paliwanag ni Jaime.
"Talaga lang ha? Sinasabi mo ba sa akin yan para kumbinsihin ako o para kumbinsihin ang sarili mo?"
Sagot ni Nadine sa asawa.
"Nadine, ikaw lang ang babaeng minahal ko!"
"Alam ko! Kaya nga wala akong balak na hayaang magpakasaya ang mga babae mo sa'yo! Kaya magingat ka, baka isang araw pag gising mo wala na yan nasa sipitsipitan mo!"
Galit na sagot ni Nadine sa kanya.
Maraming nagtatanong kung bakit hindi pa hiwalayan ni Nadine si Jaime ngayong sakit ng ulo lang naman ang idinudulot nya dito.
Pwede naman syang hiwalayan ni Nadine pero bakit naman nya gagawin yun, para maging malaya sila? Neknek nila.
Sa pagkakataong ito, kinilabutan si Jaime sa banta ng asawa. Ramdam ng buo nyang katawan na tototohanin ni Nadine ang banta nya.
'Juskupo!'
Sa sobrang kaba ni Jaime, inoff nya ang cellphone at initsa sa loob ng drawer.
*****
Sa baba, sa dating silid ni Jaime kung saan andun din si Edwin, nagliligpit ng gamit ni Jaime si Divina habang si Edwin ay pinagmamasdan lang ang asawa nya.
"Bakit?"
Nagulat si Divina.
"Ako bang kinakausap mo?"
Tanong nito sa dating asawa.
"Dalawa lang tayong nandito!"
Inis na sagot ni Edwin
"Anong pakialam ko naman kung andyan ka? Huwag kang magalala, malapit na akong matapos. Masosolo mo na ang silid!"
Sabi ni Divina.
"Tinatanong kita kung bakit? Bakit mo sya pinagsisilbihan ng ganyan? Kung talagang wala kayong relasyon, bakit mo ito ginagawa? Bakit hindi mo na lang ako binalikan?"
Galit na tanong ni Edwin kay Divina.
"Ako, babalik sa'yo? BAKIT?!
Para ano? Para maging miserable sa piling mo? Yung araw araw na lang pagdududahan mo ako, kung saan ako galing? anong ginagawa ko? sinong kasama ko? Wala akong kalayaan sa'yo! Puno ka ng pagdududa, nakakasakal ka!"
Puno ng sama ng loob na sabi ni Divina.
"At ano bang pagkakaiba ko kay General mo? Hindi ba masamang tao rin sya dahil pinabayaan nya rin ang pamilya nya?"
Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Edwin.
"Maaring nagkulang si General sa pamilya nya pero natitiyak kong mahal na mahal nya ang asawa nya at ang mga anak nya! Hindi tulad mo, SARILI MO LANG ANG MAHAL MO!
Kaya kung inaakala mong maawa ako sa'yo at babalikan kita dahil sa kalagayan mo, nagkakamali ka! Dahil mas mahal ko na ang sarili ko ngayon! At isa pa, ikaw ang nagpa annull ng kasal natin kaya wala na tayong kinalalaman sa isa't isa!"
Kinuha na ni Divina ang mga gamit para umalis.
Ayaw na nyang makipagusap sa lalaking ito na sumira ng buhay nya.
"Oo tayo wala ng kinalalaman sa isa't isa pero ang anak ko, meron! Ibalik mo sa akin ang anak ko!"
"Nagpapatawa ka ba? Trenta anyos na ang anak mo, kung interesado sya sa'yo bakit ni hindi ka man lang nya nilapitan?"
At tuluyan na nitong iniwan si Edwin na hindi makapaniwala sa narinig.
"Alam ni Diane na ako ang Papa nya pero si Jaime pa rin ang pinuntahan nya?"
Paano ka ba naman pupuntahan ni Diane Edwin, kung gusto mong patayin ang taong naging dahilan kaya sya nabubuhay ngayon.
Sa sobrang hina ng katawan ni Divina nuon dahil sa kakulangan sa pagkain, mahinang mahina ang bata pahapyaw lang ang paghinga nito.
Sabi nga duktor, milagro na kung mabubuhay pa ito sa kalagayan nya. Mahina ang lahat ng vitals nya.
Kung hindi napulot ni Jaime si Divina nuon sa daan, malamang namatay na ng tuluyan ang bata at baka pati sya ay patay na rin.
Kaya utang na loob nya ang buhay nila ngayon kay Jaime.
*****
Sa IDS Hospital.
Masayang inaabangan ni Kate at Mel si Belen.
Ito ang kundisyon ni Edmund kay Nadine para mailipat ng Suite room si Jaime.
"Granny!"
Patakbong bati ni Kate kay Belen kasunod si Mel.
"At kamusta naman kayong dalawa? Balita ko may kalokohan kayong ginawa?"
Sabi ni Belen na puno ng kuryosidad.
"Kasal na po kami Granny!"
Sabay na sabi ng dalawa. Sabay din nilang ipinakita ang singsing nila.
"Kamusta naman ang Grampy nyo, hindi pa rin ba gumigising?"
"Opo, siguro po inaantay kayo!"
Sabi ni Mel.
"Buti pa tara na at ng magising na yang si Lolo nyo!"
Dumiretso sa ICU si Belen, hindi na ito nagpahinga. Namiss nya itong asawa nya lalo na ang kakulitan nito.
"Gene, andito na ko!"
Pinagmasdan mabuti ni Belen ang asawa at hindi maitatago ang mga pasang natamo nya.
Naluha si Belen.
"Sabi nila okey ka na raw pero bakit hindi ka pa gumigising? Hindi mo ba ako na mimiss? Kasi ikaw miss na miss na kita!"
Umiiyak na sabi ni Belen habang hinahaplos ang pisngi ng asawa.
"Giliw, hindi ako sanay na makita kang ganito kaya gumising ka na, please!"
At hindi na napigilan ni Belen ang mapahagulgol. Inakap nya ang walang malay nyang asawa.
Nakahilig ang mga mukha nito sa dibdib ni Gene habang umiiyak kaya nabasa ng luha ang dibdib nito.
Naintindihan na nya ngayon kung bakit ayaw syang payagan ni Issay na makita si Gene.
Mababanaag pa rin kasi ang mga pasa nito sa katawan na nagdudulot ng kirot sa puso nya.
Samantala sa labas ng ICU.
"Ate Vicky, dito ka lang please, huwag kang umalis, kinakabahan ako baka kung anong mangyari kay Granny Belen."
Sabi ni Mel.
Tinanggap na kasi nito ang alok ni Kate na pansamantalang maging Head ng ospital.
"Yes Chief!"
Sagot ni Vicky.
"Pwede ba akong pumasok sa ICU? I want to see Granny, gusto kong mag bless sa kanya!"
Hiling ni Khim
"No Khim, hayaan muna natin si Granny at Grampy sa loob. Ang tagal na nilang hindi nagkita, tyak na miss na miss nila ang isa't isa."
Sabi ni James.
"I think we should wait na lang for your Granny to come out."
Sabi ni Vicky sabay akbay kay Khim.
Hindi nya masyadong gusto si Vicky, slight lang, kasi feel nyang like nito ang Kuya nya pero ... at that moment feeling sad talaga si Khim kaya hinayaan na lang nyang akbayan sya ni Vicky.
"Kelan ba kasi babalik si Mommy? At bakit ba kailangan nyang umalis? Miss ko na sya!"
Tanong ng nagmamaktol na si Khim.
Hindi kasi nagpaalam sa kanya ng personal ang Mommy nya, tulog pa ito ng umalis.
'Sabi ko na namimiss nito ang Mommy nya kaya gustong lapitan si Madam Belen!'
Kay inakap sya ng mahigpit ni Vicky.
"Khim, kaya umalis si Mommy because of Dad!"
Sabi ni Kate.
"Kate stop it!"
Suway ni James.
"Kuya, malaki na yang si Khim, dapat na nyang maintindihan na part ng pagiging sundalo ni Daddy ang masaktan!"
Sabi ni Kate.
"Why what happen to Daddy?"
Nagaalalang tanong ni Khim.
Tiningnan ng matalim ni James si Kate.
"Daddy is okey sabi ni Mommy. Palabas na raw sila ng hospital. If you want mag videochat kayo mamya!"
Sabi ni Kate.
"Talaga Ate?"
Tumango si Kate bilang pagsangayon.
Nakahinga ng maluwag si James.
Ang akala nya iinisin na naman ni Kate itong bunsong kapatid nila.
'Mukhang nagmamatured na si Kate ako na lang ata ang hindi!'
Nang biglang may maalala si James.
"Syanga pala! Saan ninyo nilipat si Karlos?"