It happen four years ago ng mapromote si Jaime na general.
Binigyan sya ng surprise party ng mga subordinates nya at kasama dun ang regalo nilang babae sa kanya.
Hindi alam ng mga subordinates nya na ang babae palang niregalo nila sa kanya ay ang nawawalang anak ng isang negosyante. Nakidnap ito at nakuha ng mga sindikato.
May pinainom na gamot sa babae ng dalhin sa kanya para hindi ito man laban.
Kaya si Jaime, walang nahalata.
Kinabukasan, biglang nawala ang babae, tinakasan ang mga bantay nya at nagawa nitong makontak ang amang negosyante kaya ito nakauwi.
Pinaimbestigahan ng negosyante ang nangyari at kung sino ang lalaking huling nakasama ng anak. Nalaman nyang si Jaime yun, isang general.
Nagulat na lang si Jaime ng may maghain sa kanyang reklamo.
Bilang paghingi ng dispensa kay Jaime, ginawa ng mga subordinates nya ang lahat para hindi matuloy ang demanda sa kanya. Sya kasi ang idinidiin ng negosyante.
Hinayaan lang ni Jaime ang lahat sa mga subordinates nya, sila naman ang nagbigay nito sa kanya kaya dapat lang sila ang umayos.
Lingid sa kaalaman ni Jaime, nakarating lahat ng ito sa radar ni Kate at si Kate ang nagsabi sa lolo nya.
Akala ni Jaime ay tapos na ito at hindi na maghahabol ang babae at ang ama nitong negosyante hanggang sa makatanggap si Jaime ng sulat.
AN EYE FOR AN EYE
Binalewala nya ito nung una pero ng makailang beses na syang nakakatanggap ng ganito klaseng pananakot natitiyak nya ngayon na gusto syang gantihan ng taong iyon.
Hindi sya natataranta nung una hanggang sa matanggap nya ang huling mensahe nito.
ANAK SA ANAK
*****
Hindi pa nakakarating sa pantalan ang speedboat, gusto na ni Jaime na lumukso sa tubig.
"San ka pupunta at ano nanaman ang plano mong gawin?"
Tanong ni Gene sa anak.
"Papa, nanganganib si Kate kailangan ko syang puntahan! Kaya pwede ba, hayaan nyo lang ako!"
Pumwesto na ito para tumalon.
"Bakit si Kate lang ang iniisip mo, paano naman ang bunso mong si Khim? Hindi ba sya ang mas nasa panganib ngayon?"
Napatigil si Jaime.
"Anong ibig nyong sabihin, Papa?"
"Kumpara kay Kate na bihasa sa martial arts, mas mahina si Khim! Kung ako ang nasa katayuan ng taong gustong maghiganti sa'yo, mas pipiliin ko yung mas mahina sa mga anak mo?"
Paliwanag ni Gene.
Napuno ng takot si Jaime.
"Hindi! Hindi ang bunso kong si Khim!"
"Mahal na mahal ni Kate ang bunsong kapatid nya, pag may nangyari sa kanya, baka isumpa ka na ng anak mo!"
Lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Jaime.
Tumalon si Jaime sa dagat at patakbong nagtungo sa sasakyan na ginamit nila kanina.
"Mukhang kailangan ko ng gawin ang dapat kong gawin!"
Sabi ni Gene habang tinatanaw ang papalayong si Jaime.
Kinabahan ang alalay ni Gene.
'Ano na naman kayang iniisip gawin nitong si General?'
'Tyak na lagot na naman ako nito kay Madam Belen pag nagkataon!'
*****
Samantala.
"Wow, Kate MyLabs, totoo bang sa atin na itong helicopter at si Sissy talaga ang nagbigay?"
Buong ngiting tanong ni Mel habang hinihimas himas pa ang helicopter.
Hindi sya makapaniwala na reregaluhan sila ng helicopter ni Eunice.
Batid nyang rich si Eunice pero hindi nya akalain na basta na lang ito magbibigay ng regalo na helicopter.
"Hahaha! Melabs talaga! Huwag kang magalala, barya lang ito kay Eunie! Saka alam nyang kakailanganin natin ito kaya ito ang ibinigay nya!"
"Wifey ko, pwede bang tawagan natin si Sissy pagdating natin ng airport. Gusto kong magpasalamat at magpaalam sa kanya bago tayo magpunta ng Australia!"
"Hubby ko, yan din ang nasa isip ko!"
Sabay halik sa lips ni Mel na ikinagulat nito.
"Wifey naman, tingnan mo naman yung daan ... I mean yung langit baka makabangga tayo!"
"Haha! Sinong mababangga ko dyan?"
"Yung mga birds, saka yung mga ulap!"
"Hahahaha!"
Masaya silang naglakbay patungong airport.
***
Sa airport.
Nakikipag video chat sila kay Eunice sa isang restaurant.
"Eunice: "Mukhang natanggap nyo na ang wedding gift ah!"
"Kate at Mel: "Salamat!"
"Eunice: "Use it well!"
"Mel: "Sissy, paalis na nga pala kami papuntang Australia ni Wifey ko!"
"Eunice: "Wifey na talaga! Haha!
Teka, Ate Kate, hinahanap ka nga pala ni Lola Issay, mahalaga daw na magkausap kayo agad!"
Kate: " Bakit daw?"
Biglang kinabahan si Kate.
Eunice: "Tungkol kay Lolo Miggs, hinahanap ka raw! May sakit sya at gusto ka nyang makausap.
May kailangan daw syang sabihin sa'yo. ASAP!"
Tumitindi ang kabog sa dibdib ni Kate.
Ang tinutukoy na Lolo Miggs ni Eunice ay si Don Miguel, ang number one sa pinaka mayaman at pinaka ma impluwensang tao sa Pilipinas.
Isa ito sa naging mentor nila ni Eunice at lolo na rin kung ituring nilang mag pinsan.
at si Lola Issay nila ay ang nanay nanayan ng mga Mommy nila na naging asawa ni Don Miguel.
"Kate: "Sige tatawagan ko!"
Bakas sa mukha ni Kate ang pagaalala kaya nagpaalam na agad si Eunice para makausap na nya si Issay.
Pero hindi magawang tumawag ni Kate.
"Kate MyLabs, bakit?"
Napansin ni Mel na sobra ang pagaalala nito.
"Ayaw ko syang tawagan, natatakot ako, pero gusto ko syang makita!"
"Kung gusto mo syang makita, puntahan natin!"
Sabi ni Mel.
Feeling nya ito lang ang magpapapanatag sa kalooban ni Kate.
"Pero paano ang flight natin papuntang Australia?"
"Asus! Marami pa naman time, ang mahalaga magkasama tayong dalawa!"
"Salamat! Salamat Hubby ko!"
Maluha luhang inakap ni Kate si Mel.
Kaya nagulat na lang si Issay ng biglang dumating si Kate sa Hacienda Isabel.
*****
At si Jaime.
Papunta na syang airport ng tawagan ang bunso nyang anak na si Khim.
"Daddy? Daddy! Huhuhu!"
Boses ni Khim sa kabilang linya.
"Bakit anak anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Natatarantang tanong ni Jaime ng madinig na umiiyak ang anak.
"Daddy, me-meron po kasing sumusunod na dalawang lalaki sa akin! Kanina ko pa po sila napapansin, from school! Daddy, natatakot na po ako! Huhuhu!
Asan po ba kayo bakit hindi ko po kayo matawagan? Huhuhu!"
"Huwag kang magaalala anak magpapadala ako ng tulong kaagad!"
"Aaaaahhh!!!!"
Sigaw ni Khim sa kabilang linya.
"KHIM?! KHIM!!!"