webnovel

CHAPTER THIRTY EIGHT

Third Person's POV

After mahimatay ni Mikay ay sinugod nila agad ito sa hospital. Tinawagan na rin nila ang papa ni Mikay na si Lance para ipaalam ang nangyare sa anak nito.

"Oliver..magiging okay lang si Mikay diba? Walang mangyayaring masama sa kanya diba?" tanong ni Cassie kay Oliver na nakaakbay sa kanya.

"Shh…everything will be fine Cassandra. We will trust Mikay okay?" sabi ni Oliver at hinaplos ang ulo nito.

Nasabi man niya ang mga katagang iyon, hindi rin maiaalis kay Oliver ang pag-aalala.

"Oliver! Cassie!" sabi ni Kristan at lumingon naman ang dalawa at lumapit kay Kristan.

Kasama ni Kristan ang papa ni Mikay at yung doctor na kalalabas lamang ng emergency room kung saan dinala si Mikay.

"Okay, so nasa ICU na siya ngayon at kasalukuyang walang malay. Dahil sa kondisyon niya, mukhang magiging matagal ang recovery niya." Sabi ng doctor at rumehistro sa tatlong bata ang pagtataka.

"Doc isn't it just a normal headache? Why do the recovery period will last long?" tanong ni Kristan na mayroon pa ring pagtataka sa kanyang mukha.

Nagkatinginan naman ang dalawang matanda at tumango na lamang si Lance.

"Mukhang hindi pa ninyo alam ang nangyayare. So Lance, ikaw na ang bahalang magsabi sa kanila. It's about time." Sabi ng doctor at umalis na sa kanilang harapan.

"Tito…anong nangyayare? Anong nangyayare sa kaibigan ko?" tanong ni Cassie at nagsimula nang umiyak.

"Tara at pumunta tayo sa may mga upuan. Doon ko sasabihin ang lahat." Sabi ni Lance at inaya ang mga bata na maupo na muna at mahimasmasan.

"Pasensiya ka na anak, pero mukhang uunahan na kita sa pagbalita sa kanila." Nasambit ni Lance sa kanyang sarili.

Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Mikay sa gagawin niya ngunit ilang buwan na rin niyang nakikita kung paanong tinitiis ng kaniyang anak ang sakit niya ng mag-isa.

Halos manlumo siya sa mga araw na pilit itinatago ni Mikay ang sakit niya sa mga kaibigan niya.

"Alam ko, na alam niyong mayroong bumabagabag sa anak ko." Panimula niya at tinignan lamang siya ng tatlong bata.

"Opo, we tried to talk to her about it but lagi niya na lang pong iniiwasan." Sabi ni Kristan.

Napangisi na lamang si Lance. Hindi niya akalaing nagmana pala ang kanyang anak sa ugali nito.

He shaked his head and face towards the three children na kaharap niya ngayon.

He never thought that his daughter will come to the point na titiisin na lamang niya ang lahat ng sakit para lang hindi siya kaawaan ng ibang tao.

"Ang totoo kasi niyan…"

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Cassie's POV

Nanginginig kong hinawakan ang handle ng pintuan ng ICU kung saan namamalagi ngayon si Mikay.

Huminga ako ng malalim bago ko dahan dahang binuksan ang pinto.

Pagpasok ko ay muntik na akong mapaupo sa sahig nang makita ko ang kaibigan kong mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Maraming nakakabit na equipments sa kanya. Nakakabit ang ilang mga suero sa magkabilaang kamay niya.

Napangiti ako ng mapait habang tinitignan ang maamo niyang mukha at ang mahimbing niyang pagtulog na para bang first time niyang magpahinga ng mabuti.

Nais kong umiyak. Gusto kong magalit sa kanya.

To think na she endured everything, without us knowing.

Napapikit na lamang ako at huminga ng malalim.

No, I don't want her to see me like this.

I have to be strong for her.

Hinawakan ko lamang ng mahigpit ang kamay niya at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Please Mikay, you have to be strong.

I don't want to loose any important person from me again.

I don't want to loose my bestfriend.

次の章へ