webnovel

Chapter 8

Chapter 8

"Titus,padala naman nito sa table eight."

Seryoso kong pinagmamasdan si Titus habang abala ito sa pagtatrabaho.

Inagahan ko talaga nang punta dito para sana pagtawanan si Titus kung sakaling palpak ito sa trabaho.Kaso, I'm wrong and he's right again.Napaka pino nya gumalaw at mabilis.

Wearing his black polo shirt,black pants and black shoes,he is so out of place.Nangingibabaw out of everything and everyone.Pero dahil sa galing nya ay para syang propesyunal na talaga pagdating sa ganto.

Hindi ko tuloy maunawaan kung bakit sya tinakasan ni Florence?Ano nga pala kayang pangalan ng kapatid non ano?

Ala sais palang ay nakatambay na ako dito sa table for two at pasimple syang pinapanood.Kapansin pansin din ang maya't mayang pagtawag sakanya ng mga bata pang costumer.Magaling sya makipag usap pati sa matatanda.

Tulad ngayon,kausap sya ng matandang mag asawa at tila tuwang tuwa sila dito.Akala mo ay napakabait ni Titus dahil napaka galing nito.

Duh?!

"Titus,pwede ka na raw pumasok sa opisina!"tawag ng isang kasamahan nya na kagagaling lang din sa loob ng office.Tumango dito si Titus saka bumaling sa dalawang matanda at nag paalam.

Saglit din nya akong sinulyapan bago dumeretso sa loob.

"Hi,miss!Is this seat taken?"biglang lapit sa akin ng lalake na...hmmm.

"Nah."umiling lang ako kaya ngumiti ito at mabilis na umupo.

Mukhang mayaman at gwapo naman.Kid.

"How 'bout you?Are you taken?"ngumisi ito na tinawanan ko naman.

Ngumuso ako at sinulyapan ang suot nitong senior high school uniform ng aming school.

"Nope and you're a senior high in San Lazaro, Tyron."humalukipkip pa ako saka ngumiti dito.Natigilan sya at natatarantang napatingin sa i.d lace na suot ko.

"Y-you're from there too?"

"Yep.And if you don't remember,I'm the one who's training you and Abby in photography of senior's journalists."pagpapaalala ko kaya napatampal na ito sakanyang noo.

"Oh God! I'm sorry, November!"umiling ito at natawa na rin.Tumango naman ako.

"It's okay.Huwag lang kasi basta basta nanlalandi!"sermon ko saka tumawa at tumango naman sya,tila komportable na.

"By the way,wala kang kasama dito?"

"Uhh..."

"She's with me."biglang lapit ni Titus kaya umirap ako at kinuha na ang mga gamit ko at tumayo.

"Whoah!Titus!"gulat na bati ni Tyron dito.Katulad kasi ni Titus,player din yan ng soccer at at the same time ay photographer ng school paper ng high school.

"Tyron,right?Never knew you could go here though."sagot dito ni Titus.

"Well, connection?"nahihiyang sabi nito."So,kayo pala talaga?Akala ko chismis lang yon—"

"Tama ka.Chismis lang yon.And we're together because we have a mission."tinapik ko sya sa balikat."Sige,see you around!"

"Mabenta ka pala sa high school,huh?"pang aasar ni Titus nang nag aabang na kami ng bus kaya inirapan ko sya.

"Pwede ba?Eww!"

"Sus!Pero ine-entertain."ngumisi sya at hindi ko na iyon pinansin pa hanggang sa may tumigil na bus na sa aming harap kaya sumakay na kami doon.

Buti nalang at wala masyadong tao dahil nakaupo kami ngayon.Kung nakatayo kami ay exposed nanaman ang isang to at mag f-feeling yummy nanaman.

"Next time na pala ako magpapalibre sayo ng pagkain."I sighed.Nangunot naman ang noo nya saka sinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri.

"Bakit?Nagmamadali ka?"taka nyang tanong na agad kong tinanguhan.

"Diba pupunta sa bahay si Cliff?Baka mainip yon."

"You two are really close,huh?"sumandal sya sa sandalan saka pumikit."How come?"

"Our mothers are bestfriends so siguro kaya pati kami ay naging magkaibigan na rin."I shrugged."Ikaw,bakit pati sila Malachi ay kasama mo dito sa mundo namin?"

"Just like what you said about you and Cliff and maybe Chaos and Migs,I can call them friends too."sinulyapan nya ako kaya dahan dahan akong tumango at tumingin sa labas ng bintana.

"So,bilang lang ba ang mga tulad nyo na nandito sa mundo namin?"bigla kong naitanong.Naulan nanaman.Hays.

"I don't know,but I'm sure that there are others.Good and bad. Becareful,November."seryoso nyang sabi kaya tumango ako.

"Is it possible that Ethan's like you too?"inosente ko syang nilingon at nakatitig sya sa akin ng mataman na tumango.

"You can ask him or if you're afraid,you can test him.Observe."

"What if there's a being like,that is bad and it's around me and try to kill me?What can I do to stay alive?"muli ko syang nilingon.Pumikit sya.

"Make yourself attentive.Malay mo si Cliff ay masama pala na uri namin."bigla syang tumawa at inirapan ko naman sya.Muli din syang nagseryoso."And make your mind be loud and ask for help.I'll be there to save you."

"Eh paano pag wala ka na kasi bumalik kana sa inyo para mag serve sa kauri mo?Paano ako pag kaylangan kita?"parang bata kong tanong kaya natawa sya saka umiling.

"Kapag wala na ako dito ay wala na din sila.Nakakatawid sila dito dahil nandito ang pinuno nila.Sadyang may mga pasaway na pilit nagpapakasama dito."paliwanag nya at umayos ng upo.I creased my forehead."Saka bago ako umalis,bilang sukli sayo,sisiguraduhin ko munang walang makakasakit sayo."agad akong tumango at napangiti dahil sa assurance na binigay nya sa akin kaya nakampante na ako.

Nakarating kami sa mall.Agad na napalingon sakanya ang mga kababaihan na nadadaanan namin.By the way,nakapag palit na rin sya ng pantaas.Grey na ito ngayon.

"Good evening,Ma'am and Sir!How may I help you?"masayang bati sa amin ng sales lady nang pumasok kami sa isang kilalang cellphone store.

Nilingon naman ako ni Titus.

"What kind of phone is yours again?"kunot noo nyang tanon.

"Iphone?"I showed it to him kaya kinuha nya iyon at pinakita sa sales lady.

"I want an iPhone that's same with this one."para napakaraming pera na utos nya sa babae kaya saglit ko syang hinigit palayo doon.

"Ano ka ba?!For one week lang ang sahod mo tapos bibili ka kaagad nh iPhone?!"bulong ko sakanya at nangunot naman ang noo nya.

"Why?I can have money even if I don't do anything,Nov."inosenteng sabi at doon ako natigil at dahan dahang tumango.Binitawan ko na rin ang damit nya na hinigit ko.

"Oh,uh,s-sorry."nasabi ko nalang pero tumango at ngumiti lang sya saka ako hinigit sa braso pabalik sa babae.

"Couple phone po ba,Sir?We have different designs po dito."at iginiya kami ng babae sa estante ng iba't ibang designs at unit ng cellphone.

Maya-maya'y tinawag ang babae ng isa pang nagtitingin ng phone kaya pumalit naman ang isa dito na parang tuwang tuwa.

Nagpakaabala na lang ako sa katitingin ng ibang cellphone habang si Titus ay abala din doon.

"What should I consider when buying phone?"tanong nya sa akin kaya saglit akong napaisip saka tumango.

"Check its specs first.Battery, camera...and storage."tumango din naman sya matapos marinig iyon saka nagpaka abala ulit at ganoon din ang ginawa ko.

"Miss can I see this one, please? I'll just check its camera."baling nya sa sales lady na agad namang kumilos.

"Here it is,Sir.You can try it on me,Sir!"aba!

Ngumisi si Titus saka tumango bago ako nilingon.

"Thanks for the offer but I'll try this on her.I'm with her."he said politely kaya napahiyang umalis ang babae.

Sinundan ko ng tingin ang babae at agad itong sinalubong ng mga kasamahan nito na naghahagikgikan habang ang babae ay inis na sinasaway ang pabg aasar ng mga ito.Sinulyapan din ako ng mga kasama nito kaya lumapit na ako kay Titus.

"Pinahiya mo naman yung babae."una kong nasabi kay Titus na agad nangunot ang noo.

"Huh?"taka nyang tanong kaya ngumiti nalang ako saka umiling."Can I take a shot of you?"paalam nya na tinanguhan ko nalang uli.

Itinutok nya sa akin ang camera kaya hinarap ko iyon at ngumiti ng simple dito.Agad syang ngumiti nang makakuha ng isa at tinignan iyon.

"Nice! Beautiful..."nakangiti nyabg sabi habang nakatingin sa camera."The camera is beautiful."he added kaya natawa ako."But you're more."he then showed me my picture.

I don't know if I'm pretty,but I'm pretty sure that he's good at taking photos.Mabilis nyang nakukuha ang anggulo na kung saan maganda ang kakalabasan.

Hindi ko alam kung tao ba talaga sya dahil ganyan sya o sadyang magaling sya kahit saan.

Binayaran nya ang cellphone na binili nya bago sya nag aya na umuwi na kami.Hindi ko alam kung saan galing ang pera nya dahil iilang libo lang naman ang sinahod nya mula sa isang linggong sweldo nya.

"Sa ilang araw na pamamalagi nyo dito, anong ginagawa nyo pag nasa malapalasyo nyong tirahan kayo?"tanong ko nang makasakay na kami uli sa bus papunta naman sa aming bahay.

Ang sabi nya ay ihahatid nya ako sa labas ng aming bahay.Sinigurado kong hindi sya gagamit ng powers dahil baka sa basurahan nya nanaman ako dalhin.

"Nagpapalakas.We can't be strong all the time, November.We have weaknesses too."sagot nya.

"What's your weakness then?"sumandal ako sa sandalan ng nasa unahan namin saka ko sya hinarap.He shrugged.

"Pag nakakagamit ako ng side ng kapangyarihan ko na hindi ko dapat gamitin."tumango ako doon at lalong na curious.

"Like what?"

"Tanda mo noong...halos masunog ka?"naiilang nyang tanong at agad sumama ang tingin ko sakanya saka tumango."It happens whenever I get too excited or nervous about things.Kapag ang itim na iyon ay kumalat sa buong katawan ko,hindi ko na makokontrol ang sarili ko sa mga maari kong gawin."paliwanag nya.Muli akong tumango at umayos ng upo saka sya hinarap ng maayos.

"Like what?"

"Like I almost burn you into ashes.Kung mas matagal kitang nahawakan noon,masusunog ang katawan mo hanggang sa magiging abo ka."nagtindigan ang balahibo ko sa mga sinabi nya.He sighed."Iyon ang pinaka ayaw ko sa kapangyarihan ko dahil hindi ko pa kayang kontrolin iyon.Wala akong sapat na lakas dahil na kay Aestheriel  ang bubuo ng bato na kailangan ko."

"E-excuse me,who's Aestheriel and anong bato ang sinasabi mo?"

"She's Florence's sister.Nasa kanya ang bato na kukumpleto sa kapangyarihan ko at para makapag hari na ako sa aming daigdig."

"Eh di paano mo sya makikita kung ganoon?Ano pang sense ng paghahabol mo kay Florence?"dire-diretso kong tanong at nangunot naman ang noo nya.

"Anong naghahabol ka dyan? Excuse me but I don't like her!"asik nya kaya ngumisi ako.

"You defensive god!"pang aasar ko kaya umiling ito at wala na uling sinagot pa sa mga tanong ko.

Sayang.Pero...may next time pa naman diba?

Nilakad namin ang madilim na daan papasok sa aming village.Hindi katulad noong nakaraang gabi,mas payapa na ang paligid ngayon.Or dahil may kasama lang ako? Gusto ko sanang sabihin iyon kay Titus kaso hindi ko pa naman sigurado kung ano ba iyon o baka guni-guni ko lang ang lahat.

"November?"

Galing sa tawanan namin ni Titus,gulat na nilingon ko si Cliff na nasa tapat ng aming bahay at kasama nya doon si mommy.

"W-who's this guy?"naguguluhan nyang tanong saka tinuro si Titus na kunot noo nang nakatingin kay Cliff."So,kaya ka wala pa ng gantong oras dahil kasama mo sya?"noo ko naman ang nangunot dahil sa mga pinagsasabi ni Cliff.

Mommy sighed.

"Take this talk inside."mommy demanded kaya natahimik si Cliff na mabilis ang paghinga saka sinamaan ng tingin si Titus."Bring Titus inside."natigil ako nang marealize ko na kilala ni mommy si Titus.

Nilingon ko si Titus na seryoso din ang tingin kay mommy at nauna na itong sumunod doon.

"Explain everything to me and who that guy is!"marahas na bulong sa akin ni Cliff saka sumunod sa loob.

Bumuntong hininga naman ako dahil napipikon nanaman ako sa inaasal ni Cliff.

"Nobnob,who's this guy?Bakit kasama mo?"parang pinagtaksilan na tanong ni Cliff habang nakatayo sya sa harapan namin ni Titus.Magkatabi kami sa couch habang si mommy ay abala sa kusina na nagtitimpla ng kape.

"Will you calm down?Bakit ba galit na galit ka?!"inis kong tanong sa kaibigan.Pinilit naman nyang kumalma at huminga ng malalim.

"Answer my damn question.Ano yan nobyo mo?"there.He's jealous.

"No,Cliff—"

"Then why are you together?!"

"Because we have things to do and you shouldn't be bother about it and stop acting like a jealous boyfriend!"pagpapaliwanag ko kaya natigil sya at natulala bago dahan dahang tumango.

"But I am your bestfriend, November!"asik nya.Tumigil ako saglit dahil nakakaawa din naman sya."You didn't tell me about this.Sya ba yung naririnig ko na lagi mong kasama sa school?"medyo kumalma na sya.

"You're right.You're my best friend and you're acting like you are not."pagpapaintindi ko sakanya saka bumuntong hininga.Nilingon ko si Titus na naka halukipkip at nakatingin lang sa tv namin na nasa tapat namin."We are always together because we have things to do that we are partners!It became a big deal because he's well known in school!"

Muling bumuntong hininga si Cliff saka binalingan si Titus.

"So...he's really not your boyfriend?"paglilinaw nya na pagod kong tinanguhan.

Dumating naman si mommy at may dala itong kape na agad kong kinuha at ininom ang isa.

"Don't worry now,Cliff.She's always in good hand.Right,Titus?"pagsali ni mommy saka binalingan si Titus.Tumango naman ito at humigop din ng kape."I see them together often and my daughter is landing here safe always."paliwanag pa ni mommy.

Wala nang nagawa si Cliff kundi ang tumango at maupo na rin ng padabog sa upuan na nasa tabi at pumikit roon.

Maya-maya'y tumayo na si Titus na ikinagulat ko.

"You're going now?"tanong ko habang nakaupo parin.Marahan naman nya akong tinitigan bago tumango.

"Bukas nalang uli."simple nyang sabi saka tinignan si mommy.

Ngumiti sakanya si mommy at tumango bago ito tuluyang lumabas ng bahay.

"I'm really sorry."usal ni Cliff makalipas ang ilang minutong pagpikit.Tumango ako.

"It's fine.It's just that,stop making a scene."tapat kong sabi kaya pagod din syang tumango at tumayo na rin.

"I'm really sorry."huling sabi nya bago bumaling kay mommy."Tita,una na po ako."

"Mag iingat ka,hijo."niyakap ito ni mommy at hinatid sa pintuan.

"Clifford used to be the calm boy of your squad.I don't know what's happening with him."umiling sa mommy at aktong pupunta na uli sa kusina nang magsalita ako.

"How'd you know Titus,mom?"

"There's no way I wouldn't know him,anak."tanging sagot nya at tuluyang iniwan ako.

Hindi ko naunawaan ang kahit ano sa sinabi nya kaya hinayaan ko nalang.I'm so tired for tonight .

Ugh! Cliff is always a headache!

Absolutely!

Nailing nalang ako at napangiti nang marinig ko ang boses ni Titus sa aking isipan.

次の章へ