"Bro, wait lang okay?. Huwag mong sabihin na paliparin ko itong sasakyan ng Kuya mo. Baka ako ang sipain nya sa mukha kapag nagasgasan ito.." Poro is so damn relax and cool here. While me?. Damn it! I'm too scared and nervous knowing that Joyce is giving birth. Natatakot ako hindi dahil sa manganganak na sya. Sobra ang takot ko sapagkat wala ako sa tabi nya simula nung humilab ang tyan nya. At isali mo pa ang kaba ko na walang pagsadhan. Dito ko mas lalong nararamdaman ang takot na hindi ko alam kung saan galing.
"Damn it!. Can you please make it fast?. Manganganak na ang asawa ko." Hindi ko na mapigilan pa ang magreklamo sapagkat hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa mag-iina ko. Kuya Mark's phone is busy. Bamblebiee too is not on coverage. And I know. Kahit pa tawagin ko ang phone ng asawa ko. Hindi nya ito sasagutin. Kanina pa sila walang update about where they are at kung lumabas na nga ba ang anak ko. I'm so freaking worried here.
"Relax ka lang okay?." Anya sabay turo sa harapan naming dalawa. Kahit di pa nya sambitin pa ang dahilan kung bakit kami nakahinto. I know. Tanging malutong na mura nalang ang magagawa ko sa mahaba at hindi umuusad na traffic.
I snorted. Wala akong ibang magagawa rito kundi ito lang. I bit my lower lip bago binuksan ang bintana at duon sa malayo na ang tanaw.
"You seem so damn worried huh?." Tumunog ng mahina speaker ng sasakyan. In-on nya siguro ito para bahagyang mabawasan ang kaba at pag-aalala ko.
"Sinong hinde?. She's my wife for damns sake!." Inis kong sagot sa kanya.
"I mean. Anong kinakatakot mo?. Kasama nya naman ang Kuya mo. Lalo na si Bamby." He explains more. Akala nya siguro hindi ako galit sa naging tanong nya. Pero sino namang hinde diba?. Alam na nga nyang nag-aalala na nga ako. Tinatanong pa!. Hay.. "Don't get me wrong. Nag-aalala din ako.." habol nya pa.
"Natatakot ako it's because I'm not beside her when she's laboring. Nangako ako sa kanya." Yumuko sya ng bahagya. Mukhang napagtanto na din yatang may mali sa sinabi nya. "Bagay na hindi ko kayang pinanindigan.." lungkot ang dumaan sa puso ko sa katotohanang hindi ko napanghawakan ang mga salita ko.
"May mga bagay talaga na hindi natin expected bro.." anito tapos binaba rin nya ang bintana sa gawi nya. Pareho na kaming nakatanaw sa malayo. Yung ibang pasahero din sa may unahan ay bumaba rin para tingnan kung bakit hindi gumagalaw ang traffic.
"May banggaan daw duon sa may intersection pre." Sabi nung matabang lalaki duon sa maputing lalaki na nagtanong.
"Kotse ba pre?." Umiling ngayon yung isa.
"Truck at Hilux daw na puti. Basag yung puti pre. Napuruhan din yung driver ng truck at kasama nya.. Yung sakay din ng Hilux.. malubha din daw ang mga lagay.." dismayado na nitong kwento. Mukhang galing sya duon at tinignan.
Biglaang kumabog ng sobrang bigat ang dibdib ko.
Hilux na puti?.
May ganun bang gamit ang tropa?.
Dinig din ni Poro ito kaya siguro sya lumabas at nagtanong duon sa lalaking mataba. Ilang sandali lang ay bumalik muli sya.
"Pupuntahan ko sana yung accident area kaso masyadong malayo pala. Mahaba itong pila ng sasakyan." Biglang paliwanag nya.
"Anong sabi nung Manong kanina?." Sa harapan na kami ngayon nakatingin. Sa lalaking tinutukoy ko nakasentro ang lahat sapagkat maraming nagtanong din dito.
"Gaya ng narinig mo. May aksidente raw. Kaya hindi umuusad ang traffic.."
Kumunot lang ang noo ko sa naging tugon nya. Hindi iyon ang gusto kong marinig. Hindi iyon ang gusto kong sabihin nya. Hindi nya ba ito makuha?.
Imbes magalit ako. Mariin ko nalang na kinagat ang dulo ng dila para hindi makapagmura.
"Sa bahay kanina. May gumamit ba sa atin ng Hilux?." Hindi ko mawari kung bakit naisip kong may Hilux akong nakita kanina sa daan noong lumabas ako ng bahay bago nagsimula ang lahat sa inuman.
Yung kaba ko kasi. Parang binubulong nito na meron. Kung mayroon nga. Sino?!.
Nagkibit balikat sya. "Hindi lang ako sigurado pero parang.." huminto sya't nag-isip din. Kalaunan ay, "Meron." Anya pa habang nakatingin sa taas. Iniisip talaga kung meron nga o wala.
"Sino?. Tanda mo ba kung sinong nagdala nun?." Kung kanina ay natakot ako sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Ngayon. Hindi ko na alam kung dapat ba akong maniwala sa takot na nararamdaman ko o guni-guni ko lang ito.
Muli syang nagkibit balikat bago nagsabi na itatanong nya raw sa gc.
I hope na hindi si Aron ito dahil kung hinde...
Napahinto ako sa pag-iisip ng mapagtanto ang lahat.
"Si Aron?." Mahina ngunit may paniniguro itong sambit ni Poro.
Yung kaba ko. Yung takot ko. Yung pagdadalawang-isip ko. Yung pag-aalala ko. Bakit dumoble pa!?.
Pero imposible naman. Imposibleng, sila yun!.
No!
No way, please!....
Hindi pwedeng sila iyon dahil...
Dahil hindi ko kaya. Andun ang asawa at anak ko. Nandun ang mga kapatid ko. Si Jaden. Ang best friend ko.
Hindi pwede!.
Hinde!....
Without even thinking. I open the door and slammed it. Wala sa isip ko kung mabangag si Poro sa bigat ng pagkakasara ko doon o magalit pa sya. Wala na iyon sakin. My priority is to know who are the true owner of the Hilux.
"Kuya, excuse me." Napahinto sa pagpapaliwanag yung matabang lalaki. Taka itong tumingin sakin. "Nakita nyo po ba yung sakay ng Hilux?." Hindi ito agad sumagot sapagkat parang hindi nagustuhan ang pagsingit ko sa usapan nila. Lumunok ako. Baka kasi bigla nya akong suntukin. Dumilim kasi ang mukha nito simula kanina pagdating ko.
"Nagmamadali po kasi ako. Manganganak yung asawa ko sa ospital ngayon.." kailangan kong magpaliwanag dito upang maibsan ang pagkailang sa pagitan namin.
Kung bakit naman kasi Lance. You don't know how to communicate properly to any strangers. Tsk!. Yan tuloy!.
"Ah oo.. Tama tama.." bigla nyang saad. "Ang dinig ko kanina duon. May buntis na pasahero yung Hilux. Sya yung unang tinakbo sa ospital kasi sobra ang tama. Pati na rin yung isang babae na kasama nya. Tapos tatlong lalaki pa."
Natulala ako!
As in. His pale skin turn into ashes. Agad nanlabo ang paningin ko't hindi alam ang gagawin.
"Yung driver ng truck ang mas napuruhan pati yung pasahero nitong isa. Patay sila pareho.." dagdag kwento nya. Dinig ko naman ito. Pero bakit wala akong pakialam?.
I turn my back to him then started walking without thanking him. Gusto kong makita ang lugar kung saan nangyari ang lahat. Gusto kong, kung pwede lamang ay liparin ang kinatatayuan ko sa kung nasaan ang ospital. I wanna know where is my lovely and my family.
"Lance!." Tatlong beses kong narinig ang boses ni Poro sa likod.
Di ko sya binigyang pansin. Basta nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Patakbo na ako ng biglang may humugot ng laylayan ng damit. "Damn it!. Saan ka pupunta?."
"Sila Kuya iyon, Poro.. andun ang asawa ko. Si Bamby, I need to rescue her." Basta nalang itong lumabas sa labi ko.
"Hindi pa tayo sigurado bro.."
Yumuko ako. "I am pretty sure.. sila iyon. Sasakyan ni Aron yun at.." napahawak ako sa dalawang tuhod. Ayokong ipakitang umiiyak ako. "At, kailangan ko silang puntahan.." mabilis akong tumayo at tumakbo palayo sa kanya. Kahit napapaos na sya't lahat. Hindi ko pa rin sya nilingon. I need to run fast. As fast as I can. As much as I could. I need to see them no matter what.
"Joyce, mahal ko!.." bumuhos muli ang luha ko sa pagtawag sa pangalan nya. Hindi ko alam kung maririnig pa nya ako pagdating ko o hindi na. I'm not thinking negative here but damn it!. Damn it!!!.