"Ang daming arte. Akala mo naman sobrang gwapo.." dinig kong mga bulong ni Bamby sa tabi ko habang naglalakad na kami palabas ng airport. Jaden is pushing our cart full of our stuffs. "Nagsalita lang ako. Sabihin ba namang sigaw yun.. Alam ba nya pinagkaiba ng sigaw sa bulong lang?." she even snorted off like she has this problem of the entire country.
"Why can't you listen first before talking Bam?." and yes. Sa lahat ng naging kaibigan ni Bamby. Ako lang ang bukod tanging tumatawag sa kanya ng three letters sa kanyang pangalan. And she knows that I call her this way kapag seryoso ang usapan. Naging mabagal ang paghakbang nya't sinabayan na ako.
"What are you talking about bes?. Tsaka, yung Bam na yan.. nakakatindig balahibo naman.." I have chills. Sya rin siguro dahil bahagya nyang niyakap ang mga braso.
"I mean.. nagbago ka na.." sinabi ko ito ng diretso. Walang pakundangan.
Huminto sya. Kulang nalang umusok talaga ang ilong nya sa paglaki bigla ng butas nito dahil sa inis. "Nagbibiro ka ba Joyce?." and now. We're on our first name basis. Seryoso na rin sya.
"I mean.. don't get mad.. napansin ko lang kasi na sobrang daldal mo ngayon at nawala na ang pagiging tahimik mo.."
"Syempre.. tao lang ako. Nagbabago. Panahon nga diba?. Ako pa kaya?."
"I know that.. it's just that. Diba, you used to be understanding, calm, chill and open-minded in all aspects in life?."
"Yes... I'm still that way.." kasabay ng iling ay ang pagngiti ko ng kalahati.
"Nope.. akala mo lang yun pero saming mga nakakakita sa mga galaw mo. Hinde.." hindi sya nakaimik. Binigyan nya ako ng tingin na hindi makapaniwala. Asking me through his stares that, what the fuck bes?. Seryoso ka ba talaga look. "Kung oo nga.. bakit hindi mo magawang pakinggan ang hinaing at opinyon ng asawa mo?. Bakit pilit mong tinatakpan ang problemang meron kayo?. Kung hindi ka nga nagbago?. Bakit mas pinipili mong pakinggan ang galit dyan sa puso mo kaysa sundin ang totoong nararamdaman nito?."
"Guys, let's go.." kung hindi pa dumaan si Jaden sa gawi namin at tawagin kami muli patungong sasakyan ni Kuya Rozen. Baka abutin kami ng gabi rito sa kinatatayuan namin.
Sa byahe.
Bamby is so quiet. I'm not saying she should shut her mouth. Preventing her to talk to us. What I'm saying is, before she spoke. Study and weigh her words first bago ang lahat. Para hindi na maging malala pa ang lahat sa kanila.
"Kapatid ko.." sinalubong ako ni Kuya Rozen ng yakap pagkababa palang namin. Sa bahay kami nila Mama dumiretso para ibaba ang mga gamit.
"Kuya.. namiss kita. Sobra.." I gave him a hug. Namiss ko din talaga sya.
"And congratulations.." nagulat ako sa sinabi nya kaya bahagya akong kumalas sa yakap nya.
"What do you mean?." kunwaring tanong.
Di nya ako sinagot. Hinila nya muli ako ng marahan saka niyakap. "You're four months pregnant.. Your husband told me that I should take care of you.."
"Si Lance talaga.. tsk.." kahit kailan. Simula nung sumama ako sa kanya para maging buo na ang aming pamilya. Pinaramdam nya sa aking, mahal na mahal nya kami ng anak ko. Lalo ko ngayon naramdaman ang totoong pagmamahal nya samin. Sa pag-aalala. At walang sawang pag-aaruga para sa kapakanan ko at ng bata at sa kaligtasan rin naming dalawa.
"Si Kuya Ryle, Kuya?. Nandito ba sya?." hinanap ko sya. Pero likod lang nila Jaden at Bamby ang nakikita. Pareho ang dalawang naghahanap ng mga damit na pampalit. Maliligo daw muna sila bago kami alis patungong chapel kung saan ang lugar ni Denise.
"Ayaw ni Mama, Joyce.."
Nang marinig ito. Bigla nalang may pumutok na bulkan sa loob ko't gustong magbato ng mga gamit rito. Ganun nalang ba yun?. Porket ayaw nya, susundin nalang?. How about his feelings?. Kahit ganun si Kuya Ryle. Pamilya pa rin namin sya. He has this right para malamang nasa ganito kaming sitwasyon.
"Ganun nalang ba yun Kuya?. Wala kang gagawin?. How about Papa?. Where is he?. Anong sinabi nya about this?. Umoo rin ba sya sa gusto ni Mama?."
Maingat na tumango ito sakin. My mouth hang a bit. My heart aches. My head is throbbing hard. Dala siguro ng kulang sa tulog.
Humakbang sya para lapitan ako. Bagsak ang mga balikat ko habang sa mga paa nakatingin. "Don't blame Mama, lil sis. Blame us too. Desisyon ko rin ito. Ganun rin si Papa. Maraming mga media outlet sa venue. We cannot take the risk at this moment.."
Kumunot ang noo ko sa inis. "Para saan ang hindi nyo pagsugal Kuya?. For Denise sake?. For our sake?. For Mama's sake?. That's bullshit!.." galit ang namutawi sa labi ko kaya parang malakas na kulog kung lumabas ang mga salitang binigkas ko. Napalapit tuloy ang mag-asawa sa gawi ko.
"Joyce, calm down.." hinawakan ako ni Bamby sa braso. Pero wala akong panahon na kumalma ngayon. I can handle myself.
"Patay na si Denise Kuya. Ano pang kailangan pangalagaan?." ininom ko ang tubig na iniabot ni Jaden sakin. Medyo kumalma ang init ng katawan ko. Pero ang galit?. Hindi man lang nabawasan.
"Her image, Joyce." kalmado at nagsusumamong saad nya. "Oo. Alam kong wala na sya. Hindi na natin sya kailanman makikita o makakasama pero I still want to see her as good as public sees her. Yung image nyang maganda. Gusto ko ring pangalagaan yun at protektahan hanggang sa huling araw nya rito. Kamuhian mo na ako. O magalit ka na sakin. Pero sorry. Ryle is not allowed to visit dahil sa hindi pa tapos ang therapy nya. Especially, andito ka at risky pa ang kundisyon mo. Hindi ko kayang magkagulo muli ang lahat. Hindi ko kayang makita na nagkakagulo tayo sa harapan ng kapatid nating nauna na. Come to understand us Joyce. This is not just for public image. Ginagawa ko rin ito para sa atin. Para sa'yo.. at sa magiging anak nyo ni Lance.." hindi na ako nagsalita. Ano pang sasabihin ko diba?. Kung usapang para sa pamilya at anak ko ang tinutukoy ng lahat. I won't speak. Mananahimik nalang ako kahit gabundok ang nakahilerang tanong sa dulo ng dila ko.
Nagpaalam si Kuya para bumalik sa venue. Ang sabi nya. Mamayang gabi nalang kami pumunta para makapagpahinga pa ako ng ilang oras. I need to obey him. I should obey him hindi dahil gusto ko. I also need to get some rest para may lakas akong magpakita kay Mama mamaya. The issue between us is not yet closed. Para bang anumang oras. May susugod sa akin at aagawin ang batang nasa sinapupunan ko. I won't let that to happen. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon. Hindi namin maayos-ayos ang lahat sa amin. Kung ako lang rin ang tatanungin. Wala na sa akin ang mga nangyari?. Wala na nga ba?. Oo. Kasi kung meron pa. Hindi ko hahayaan ang sarili kong bumuo ng sariling pamilya.
"Si Kuya Ryle ba, hindi pa maayos?." Bamby ask this nung nagpapahinga na kami. Katabi ko sya sa kama habang si Jaden ay sa sofa bed na nasa tabi ng bintana na natatakpan ng malaking kurtina.
"Bamblebie. Magpahinga na muna tayo." sa naging tono ni Jaden na may pagbabanta sa asawa. Nanahimik na rin ito.
I still want to understand everything. About my family. How it went this far. Kung paano nagkagulo ang lahat. Kung paano humantong ang lahat sa ganito. Pero bakit kahit gaano ko kagustong intindihin ang lahat. Hindi ko pa rin maintindihan. Magulo pa rin.
Then Lance texted me. "Don't try to understand and fix everything on your own Love. Time will come. Everything will definitely be align into its own way. Wag mong pilitin ang bagay na hindi mo kayang ayusin. Let it be. Let it flow. And let it go. May mga bagay na hindi natin hawak. At wala tayong magagawa kundi hintayin ang tamang oras para sa sarili nitong kaayusan. I let you go there para sa kapatid mo. Just focus on that. If there are things that triggers you. Ignore and move on. Okay?. Always remember, me and our Daniel loves you and our little angel in you.."
Naluha nalang ako matapos basahin ang napakahaba nitong mensahe. Mukha yatang nasabi na ni Kuya Rozen ang lahat sa kanya. I'm not mad at him. To anyone either. I'm a bit mad to myself. And thanks to Lance. He enlightened me so much about how to deal with life.