Tahimik. Naging maingay lang nung lumabas ang dalawang bata. Agad tumakbo sakin si Daniel at napabaling sa bulto ni Daddy. Masama ito. Hindi pa tapos si Lance sa kanyang mga sasabihin tapos heto pa ang Daddy nya. Mukhang inis pa rin ng tapunan ng tingin ang likod ni Kuya.
Kinalabit ko si Bamby. "Hindi yata magandang ideya ang beach party para kay Mommy.." kumunot agad ang noo ni Bamby.
"Why naman?." anya. Nagtataka sa akin. Tiningala ko ang Daddy nyang hawak si Knoa tas tinapunan ko din ng tingin si Lance. Mabilis lang din ang mga iyon. Nasundan nya din ang sinulyapan ko. Tapos nagsalubong din ang mga kilay nya. Naging isang linya.
"Galit pa sila bes."
Umiling sya. "No. Ang sabi ni Daddy kagabi diba.. He wants to see your family to have a moment with them. To create bond with them and to talk about things na kailangan pag-usapan." giit pa nito. Kumakapit pa rin sa salitang binitawan ng kanyang Daddy kahit obvious sa harapan nya ngayon ang disgusto nito sa kapatid ko. Para akong nasa gitna ng dalawang malalaking dagat na di naghahalo dahil sa magkaibang timpla ng mga ito. Ang hirap pumagitan sa totoo lang. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Kung sa pamilya mo ba o sa kanya. Kung sa pamilya ko naman. Dati pa. Alam ko ng wala akong lugar sa kanila. Kung di lang din kay Papa at kay Kuya Rozen. Di ko din hahayaan ang sarili kong humalo sa kanila. I'm not choosing anyone. Wala ako sa posisyon para pumili. Anong karapatan ko hindi ba?. Sabi ko nga. Mahirap pumili, lalo na sa dalawa. But when it comes to him. Ibang usapan na iyon. Kung hahayaan nya akong pumili kung saan ako pupunta. I'll go with him. Sorry for them. Naubos na ako. Dumating na din sa puntong, sarili ko na rin ang uunahin. Walang ibang iisipin kundi ang sarili at sya. Wala ng iba.
Si Kuya Rozen. I am grateful because kinaya nyang pumagitan sa aming lahat. Si Mama at Denise na may isang salita na di nila ako tanggap. Kaya hanggang ngayon. Walang komyunikasyon sa pagitan namin. Kay Papa at Ali na nasa Cagayan dahil di na rin kaya ni Papa na ganun si Mama sa akin. And here it is, Kuya Ryle. Matigas ang ulo at di marunong makinig sa iba. At ako na laging pabigat sa kanya. Sana lang. Sa pagdating ng panahon na kailangan nya rin ng tulong ko. Andyan ako para umagapay sa kanya. Ibabalik ko lahat ng sakripisyo nya para sa akin at sa pamilya namin. Sabihan man nya o hindi. Napapagod na rin sya. Malapit na rin syang sumuko at iwan ang lahat sa kung paano na ito. Hindi na sususbukan pang ayusin o buuin ang nawasak na.
"But it turns out, not." tumingin si Bamby sakin. Kumbinsido na. Nakiupo na rin kasi si Daddy at tumungga na ng alak.
"Ayaw ba talagang pumunta ng Papa mo rito o nagdahilan lang sya?."
This is not good anymore. Sana gumawa ng paraan si Kuya Mark para matigil na to. Nagkatinginan kami ni Lance. Galit pa sya. Pero hindi na tulad kanina na, para bang nangangain na sya ng tao.
"Gusto nya po sir. Late na po kasi nyang nalaman na umuwi kayo. Hindi sya po makabyahe dahil may pasok po si Ali. Ang bunso naming kapatid."
"What about your Mama?. Hanggang ngayon ba, wala pa rin syang pakialam sa kapatid mo?." hindi nagbigay ng tugon si Kuya rito. Para akong nasampal kahit hindi naman dumampi ang palad ninuman sa pisngi ko. "Your Dad hija?. Did you let him know about us being here?." nagulat ako sa tanong na ito ni Daddy. Napatalon ako sapagkat, wala sa isip kong sabihan si Dad. Guilt crept on my chest.
"Nakalimutan ko po." hinging paumanhin ko. And he said that, I should call him para raw makapag-usap sila kahit papaano. I nodded at him while finding where my phone is. Nagtipa ako ng mensahe. Mas mabilis ito ngayon kumpara sa tawag. Ayokong alisin ang mata ko sa kanila dahil nag-aalala ako kay Kuya. May tiwala naman ako sa kanila na di sasaktan ito but this instinct makes me uneasy. Di ako mapakali na kahit sa totoo lang. Wala naman silang ginagawang masama. Or, nag-aasume lang ako ng kung anu-ano. Baliw na yata ako.
"Dad, where are you?. The Eugenio's are inviting you here in there residence. Anytime this day. You can come here." Yan ang laman ng mensahe ko bago muling bumaling sa kanila.
"How's your brother doing?." kalaunan ay naging kalmado na si Daddy. Maging si Lance nang sulyapan ko ay, kumalma na rin. Nawala ang kunot ng noo nya at galit sa mga mata nya. Lumanlam iyon na para bang nagmamakaawa sakin ngayon na intindihin sya. Yes Love. I'm listening.
"He's.." huminto bigla si Kuya dahilan para sulyapan ko sya. "Honestly... not.. doing well.." paos ang boses nya sa huling linya ng sinambit nya.
Napaayos ako ng upo. Halos malaglag ang panga ko sa narinig. What?. Bakit?. Anong nangyari?. Akala ko ba, nasa rehabilitation center sya?. And yet, he's not doing well? Anong ginagawa na nya kung ganun?. Nahabag ako. Naawa bigla.
"Akala ko ba nasa Psychiatric center sya?." nobody dares to talk except the oldest among us. Si Kuya Mark. Natigilan din kasi si Daddy ni Lance.
Marahang tumango si Kuya. "He is, but he became violent towards himself.. he keeps on saying that, he is sorry for what he did to his little sister.." Kuya's voice cracks. A nano second later. Nanginig na ang boses nya. "I don't know what to do anymore.." nanginig din ang buong ako while looking at him. Nakayuko man sya. Alam kong umiiyak na sya. Sumisinghot. Damn it!.
"I did everything just to save this family. I tried hard to atleast have this but fuck life.. why is it so hard for me to keep them?. Bakit hindi ko man lang magawang buuin ulit sila?." humagulgol na sya.
I can't contain anymore. Without knowing it. Umiiyak na rin ako. "I'm tired. I want to live also my life pero paano na sila kung wala ako?. I'm starting to lose hope. Malapit na ako sa daan patungo sa pagsuko.. kung hindi lang sa pamangkin ko.. Daniel.."
"Yes Tito Roz.. I'm here.." gaya ng isang bata. Masyado itong inosente sa lahat. Lumapit sya sa Tito nya't nagpakarga. Walang kamuwang muwang sa nangyayari.
"Kung di lang dahil sa'yo.. matagal na rin akong sumuko.." anya saka niyakap ng mahigpit ang bata.
Nakayuko ako habang umiiyak. That's what I think. Kung pagod na ako. Ganun rin sya. Higit pa. But he's trying. Hindi nya hinahayaan at pinapapabayaan nalang na sumuko kahit sukong-suko na sya. Hindi sya kumakagat sa katotohanan na dapat na syang sumuko dahil may makakapitan pa sya. All is well written by Him. Lahat ay may rason kung bakit nangyari ang dapat na nangyari. At tamang dating lang si Daniel. Para sa kanya. isa syang pag-asa. Para sa akin, isa syang bagong umaga. Para kay Lance, isa syang isang ugat na bubuong muli sa lahat. How I wish it would turn out fast that way. Dahil kahit anong sabihin ko pa ngayon. Isa lang ang sigurado. Nahihirapan na si Kuya. Gusto ko syang tulungan. But how?.