webnovel

Chapter 33: Like waterfall

Bumaba ako matapos ang kalahating oras. Lahat sila ay bakas ang saya at pagkagulat ng makita ang bulto ko. "Saan tayo ngayon?." tanong ko na dumiretso sa tabi ni Jaden na kasalukuyang abala sa laptop sa kanyang kandungan. He look at me after I sat beside him.

"Glad to see you here.. Sa bahay tayo mamaya. Tapusin ko lang to.." sinilip ko ang ginagawa nya. Mukhang nirereview nya ang isang kontrata. Tahimik akong sumang-ayon bago nilibot ang paningin pa sa iba. Hapon na pala. Hindi ko man lang napansin ang takbo ng oras.

Tumayo si Aron at inabutan ako ng isang baso na may laman nang alak. "For the new begining?." anya. Hindi na rin ako mag-isip pa. Kinuha ko na iyon. Wishing for the best life ahead for me after this storm.

But, "Oh!. Kuya?. Stop that.. wala ka pang kinakain ng ilang araw tas inom agad?. Aron!?." sa pagdaan nya sa may sala. Nakita nya kami't agad sinuway. Parang matanda.

"Pagbigyan na Bam.. minsan lang e.." ani Aron pa. Namaywang lang ang kapatid ko while staring at me with anger and pity.

"Hayaan mo na.. inuman din naman punta natin mamaya.." Jaden's speaking. Kaya kumurap nalang ang isa't nag-walk out na.

"Basta, bago tayo maglaklak mamaya.. kumain muna Jaden!."

Napahagalpak tuloy ang mga kasama ko dito sa sala ng marinig itong inis ni Bamby. Tama naman sya kung tutuusin dahil sakit ang makukuha mo kapag uminom ka ng alak ng walang kahit anong laman ang tyan.

"Lagot ka Boy Jaden.." sutil ni Bryan. Umiling lang din si Jaden dito.

"Ginalit mo na naman ang banker mo. Paano yan?. May pambili ba tayo ng alak mamaya?. hahaha.." ani Zaldy na ngayon lang nagpakita. Tumayo ito at kinamayan ako. "Long time no see brother."

"Andun naman si Ate Cath. Kaya walang problema.." sagot ni Jaden sa hinaing nila. Meaning di talaga sya magpapalabas ng pera mamaya.

After an hour. Dumating sina Winly, Karen at Kian. Na mas lalong pinagkaguluhan ako. "The Great Lance.. sa wakas.. maaarawan na..." yan ang bati sakin ng bakla.

"Magtigil ka nga.." suway ko dito.

Inakbayan nya ako't binulungan ng, "Magpalakas ka pa lalo at magpagwapo ha para naman mas marami pang mainlove sa'yo na gaya ko.."

Dinig ata ng halos lahat ito kaya nagtawanan ang lahat. Lalo na tong mga kapatid ko.

"Tsk!. Stop hoping dear.." siko ko nalang sa kabaliwan nya. Si Karen at Bamby ang mas tumawa dito. Labas mga gilagid.

"Mga bruhang to. Di man lang sumuporta.."

"Bwahahahahaha!." Bamby.

"Nyahahahahahahahahahaha!.." Karen.

"Asa ka kasi... hahahahahahahaha!." Aron.

We went to Bautista's house at sa kahoy palang nilang gate. Marami ng tao. Tahimik akong sumunod sa maingay Kong mga kasama. Buhat buhat itong si Knoa. "I want some chocolate ice cream Tito Daddy.." bumulong ito ng ganito sakin. Nakislot ako dahil sa kiliti ng maliit na hangin na nilikha nya habang bumubulong.

"Later baby. Let's see if Daddy get some ice cream for Tito Niko, alright?." cute naman itong ngumiti. At sa pagpasok ng bahay. Sinalubong kami ng buo nilang pamilya. Maging ang Nanay at Tatay ni Jaden ay kinumusta pa ako. Isang maayos lang po at wala pa sa kalahati na ngiti ang nagawa ko. Nakakahiya sa kanila subalit sapat na siguro iyon para sa ngayon. Hindi naman nawala ang paggalang ko sa kanila sa kabila ng lahat.

"Pre, dito tayo. May ipapakilala kami sa'yo." kinuha sakin ni Poro si Knoa at binaba sa hile-hilerang mga bata. Tatanggi na sana ako pero huli na nang nasa gitna na kami ng nagkakantahan. "Where's Wynona?." hanap nya sa tao. I don't who she is or what they're up to. But I have no other choice but to go with the flow with what they want to do. Pumunta naman din ako rito to refreshen up. To loosen up. And to atleast breath some air bago kami bumalik ng kanya-kanyang buhay.

"Wynona?! Wuhoo!." hinanap din sya ng ilan. Nagkamot ako ng ulo. Gusto na sanang maupo kaso hinuli na naman ni Poro ang kamay ko. "Wait up bro." anya. Malapit na ring mainis or I should say, hindi inis kundi ngiti na pilit nitong tinatago.

"Saka nalang bro. Wag pilitin ang tao pag ayaw.." sambit ko saka naghanap na ng upuan. But before heading to where I spotted my chair. Narinig ko ang boses ni Aron.

"Found her.." nagtaas pa sya ng kamay. Sa peripheral vision ko. Tanaw ko ang dalawang makinis na paa na naglalakad na palapit sa gawi ko. Suot nito ang paris ng black simple sandals at skinny jeans. Sinadya ko talagang di sya tingnan muna sa mukha dahil wala talaga akong interes sa lahat.

"Hi there." when she stopped. Dun lamang ako umayos. At napalunok nalang ng makita kung sinong kaharap ko.

What the heck!. No way!. Si Jane to diba?. I ask myself many times habang pilit inaaral ang bawat anggulo ng mukha nya. Sya nga. It's Jane!

"Oh ho ho!." sumingit itong mga kupal!. Wala rito si Kuya Mark. Malamang abala sa reunion ng mga kaibigan nya rito. "Wynona meet Lance.. Lance the pogi meet our Princess.." ani Dennis na inakbayan pa ito. Tumaas ang aking kilay. Princess?.

"Ah, di mo din siguro alam pa. My half sister.. She's from LA and currently working at airline company as Flight attendant.." direktang paliwanag pa ni Deniss. Di ko talaga alam na may kapatid sya. All I thought. He's the only son huh?.

"Kamayan na yan.." kantyaw ng lahat. It turns out. I lend my hand for us to shake hands. Saka na nila ako tinulak palapit pa dito. "Ikaw na bahala dyan pogi. Inom muna kami dun.." anila saka nila kaming iniwan na dalawa. Wala na naman akong ibang magawa kundi ang magkamot ng ulo.

Anong gagawin ko dito?.

"Don't worry. We just need to just go with the flow para di na nila tayo pagdiskitahan pa." her voice is too soft. Para itong kasing lambot ng

kutson o unan. Nakakaantok.

"Yeah.. I didn't know na kapatid ka ni Dennis.. that ass—.." nakagat ko ang dila ng mapagtanto na di ko dapat sabihin ang ganun dahil kapatid nya pa rin sya kahit papaano.

"Hahaha.. it's okay.. ass hole naman talaga.. hahaha.."

"You know how to speak Tagalog?." nagulat ako dahil mukha talaga syang sa LA na lumaki.

"Yep.. my Dad thought me. Our Daddy.."

Pati kung paano sya ngumiti. Kamukha nya si Jane. "Do you mind if I ask. Did we met before?."

Tumaas ang isang kilay. Nagtataka. Bagay na hindi ang sagot sa tanong ko. "I guess not. My first time here and my first time meeting my Kuya's friend too." paliwanag nya kaya di na ko nagtanong pa. Maging sya ay natahimik na rin. Naging abala kami sa pakikinig ng mga kanta nila.

I guess she's right. Simula kasi ng maupo kaming dalawa sa isang sulok. Di na nila kami kinulit pa. Or worst kantyawan sa gusto nilang ipagawa. Wala namang masama duon. Ang kaso lang. Minsan. Sa katuwaan at kalasingan nila. Sumosobra na sila. That's why. it's better to stay still here. Be quiet and act like a waterfall. Go with the flow.

次の章へ