webnovel

Chapter 2: Loved

Sa hindi ako mapakali sa bahay. Agad akong bumaba. Tsinek ko ang aking sasakyan mula gulong hanggang sa rear viewmirror nito. Okay naman lahat. Alam ko naman na walang anumang sakit ang Chevy. Pero ganito lang talaga ako. Sinisiguro ang lahat bago pumanhik sa kalsada.

Lunch time at malapit na ang break nila. Dumaan ako sa isang fast food chain at duon nagtake-out ng lunch namin. Bumili na rin ako ng isang kumpol ng bulaklak para surpresahin sya.

Sa parking lot palang. Kabado na ako. Iniisip kong baka di nya ako kausapin nito tulad ng sa bahay kanina. Subalit, "Hindi yan Lance. Pogi ka eh." ang yabang ko lang. Oo. Pogi nga naman talaga ako. Walang kumokontra roon at hindi ko naman kailanman pinagmayabang iyon dahil kapag sakaling nakarating kay Kuya o mas malala kay Bamblebie ito, pagtatawanan lang nila ako. Malala pa ay, isang sapak ang makukuha ko.

Lumabas ako ng sasakyan pagkatapos ayusin ang sarili sa loob ng sasakyan. Nagwisik ako ng pabango, kaunti lang naman.

Sa front desk palang. Namimilipit na ang mga lewg ng bawat nakakakita sakin. Di sa pagmamayabang na naman. Ganyan lagi ang napapansin ko sa tuwing dumarating ako sa kahit saang lugar.

Ang sabi ng receptionist. Antayin ko nalang daw silang bumaba. Ilang minuto nalang naman. Bawas pogi ang paghihintay pero pagdating sa asawa kong mas maganda pa sa kahit na sino, maghihintay ako.

"Hi." may bumati na babae sakin. Maganda. Sexy, May bilo sa pisngi. Mahaba ang buhok at maganda kung ngumiti sakin ngayon. Tumayo ako ng tuwid saka sya sinabihan ng, "Sorry, I'm taken Miss." yung mga nakarinig, natawa o baka naawa dun sa babae. Really?. Bakit may mga babaeng gustong gustong pangunahan ang mga lalake?. Hindi ba sila makapaghintay na malapitan sila?. Hep!. Don't talk too much about girls Lance. You have your little sister. Always remember that. Agad kumontra ang isip ko sa kabila ko ding isip.

"Eyyyy.... may pogi tayong bisita, Joyce." hindi ko na namalayan na pa ang pagdating ng grupo nila kung wala ang kantyaw ng isang bakla na kasama nya. I saw how she look at me. Kunot ang noo na para bang hindi nya gusto ang presensya ko.

"Lunch with me, honey?." malumanay at malambing kong sinabi ito sa harapan nya at ng iba. Sabay about ko ng kumpol ng bulaklak nya. Kinuha nya iyon ng hindi nababanat ang kanyang pisngi. Hindi man lang ngumiti. Siniko sya ngayon ng kasama nyang babae kaya ito naglakad at hinila ako palayo sa kanila.

"Saan mo gustong maglunch?."

There she goes. "Hindi ka na ba galit sakin?." Wala sa sarili kong tanong. Napatitig tuloy sya sakin.

"Unless, you know anything now." tumaas agad ang isang kilay nya. Inalalayan ko syang sumakay ng sasakyan tapos sumunod din ako.

"My decision is not yet final honey."

"Not yet but still thinking if you're going or not?."

Di ako nakapagsalita. Paano nya nalaman?. Naku! Alam ko na! Bamby!?. Ikaw talaga!...

"E kasi, maiiwan ka ritong mag-isa mahal ko. Iniisip ko palang, hindi ko na kaya."

"Ang oa mo. Sa iisang butas lang ba tayo humihinga?. Hindi naman ah." angil pa nya habang sinisilip kung anong laman ng supot na nasa kandungan nya.

"Kahit na. Bagong kasal lang tayo eh." giit ko pa rin. Tinawanan nya lang ako.

"Anong gusto mo, lagi tayong magkatabi?. Lance naman. Di na tayo mga bata. Paano na ang pangarap mo?. Ang pangako mo sa future ng pamilya natin?. Ang goal mong maging successful tulad ng mga kapatid mo?. Babalewalain mo nalang ba iyon?."

"Of course not."

"Then go. Pursue your greatest dream."

"Paano ka?."

"Paanong paano ako?. Andito lang naman ako. Hindi ako aalis kahit umalis ka pa." tinitigan ko sya. Ganun kadalu sa kanyang sabihin na umalis ako?. Ang sakit naman. Tapos heto ako't di makaalis dahil sa pag-aalala. "What I meant is, kahit saan ka pa pumunta mahal ko, andito lang ako, hihintayin ang pagbabalik mo." she caressed my cheeks gently. Tumatayo lahat ng balahibo ko. "Mahal kita at hindi iyon basta basta magbabago kahit nasa malayo ka pa."

"I'll go then." wala sa isip kong sambit. Lakas talaga ng epekto nya sakin. Yung kahit haplos lang ang ginawa nya, naaayos nya ang magulo kong isip. She has this power to calm everything down on me.

"You should. Ano nalang sasabihn ng mga magulang mo pati na rin mga kapatid mo kung hindi kita papayagan?. Even if we are married now. I wnat you to still pursue your own dream. Ayokong maging makasarili for the sake of us."

Isang ngiti ang nahulma sa labi ko. "You know what."

"What?." biglang naging mataray ang pagsagot nya. Ngayon. Ako naman ang humawak sa malambot nyang pisngi. Her eyes is full of willingness to let me do what should I do.

"I'm so lucky to have you." she just snorted on my remarks. "Why?. I'm talking seriously." mas lalo tuloy syang natawa.

"Para ka talagang bakla. Hahahaha.."

"What!?. What did you just say?." di ako makapaniwala na pati sya, nasasabi akong bakla. Hay... humanda sya pag-uwi nya.

"Hahahaha.. ang sabi ko, bakla ka."

Kiniliti ko sya hanggang sa binawi nya ang salitang iyon. "Kaya ko nasabi ang word na iyon sa'yo dahil you act like one not you look like one."

"Kahit na." pilit ko pa.

"Tsk. Di na naman nakikinig eh. What I'm saying here is, masyado kang malambing."

"Bakit ayaw mo ba?." I cut her off. Agad syang umiling.

"Syempre. Gusto. Pipili pa ba ako. Si Lance Eugenio na to."

"What then?."

"Ang ibig kong sabihin, magtiwala ka sakin."

"I have trust on you." pigil ko na naman. Napabuntong hininga sya.

"May tiwala ka naman talaga dahil papakasalan mo ba ako kung wala?." namilosopo na naman. Tsk. Hay...

"Basta. Go. Reach your dream. Andito lang ako sa likod mo. Sumusuporta sa kahit anong gawin mo."

"Promise?."

"I won't promise but I'll assure you that, you always have my back."

Isang halik ang iginawad ko sa kanya. Matagal iyon at pareho kaming hiningal pagkatapos. Natawa nalang kami dahil ang lunch break nya ay naubos na. Sumubo nalang sya ng kaunti bago bumaba. "Thanks for this. I love you."

"I love you more." with flying kiss pa. Amputa! Bakla!.

"Take care okay?." I nodded at her. Muli syang pumasok at hinalikan muli ako. Ang swerte ko talaga!!..

"Dumaan ka kila Bamby. Buy Knoa some food."

"Why me honey?."

"Because I said so."

"Oh!.. noted ma'am.." sa takot ko ay sumaludo nalang ako sakanya. Di na sya nagtagal pa at pumasok na ng clinic dala ang bulaklak. I feel so loved.

次の章へ