webnovel

Chapter 47: The Day

Alas dos pa lamang ng madaling araw ng magising na ako. I wake them up para makapaghanda dahil ang naging usapan sa pagbyahe ay alas kwatro. Mahirap pa naman silang gisingin lalo na itong si Denise. Ang dami nyang five minutes more please. Yan ang linyahan nya ng puntahan ko ng kanyang silid. Nakamot ko lang ang gitna ng mga kilay. Sabing maagae, bat ayaw nilang magising ng mas maaga?. Baka mamaya, kami pa ang late nito?. Tsk!.

"Kuya, wake up." kinatok ko naman ang dalawa at gaya nga ng kapatid kong una kong pinuntahan, wala silang tugon o kahit man lang five minutes please.

Kabaliwan mo Joyce. Kanina ayaw mo nung palugit ni Denise. Ngayon naman, nagustuhan mo na dahil sa wala kang natanggap na naging tugon mula sa dalawa. Ano ba talaga?.

Ang sa akin lang. Kailangan na nilang magising. Maliligo pa sila. Magkakape tapos marami pang ritwal na gagawin sa katawan. Susmiyo!. Kumuha kaya ako ng megaphone para sumigaq rito.

"Oh anak!. Gising ka na pala. Good morning." si Mama ang unang lumabas sa silid nila ni Papa. Nilapitan nya ako't ginulo lamang ang buhok. "Gising na ba mga kapatid mo?." tanong nya habang humihikab at inaayos ang suot na roba sabay halukipkip. Bumuntong hininga lang ako tsaka nilingon ang magkabilang pintuan ng mga tinutukoy nya. Agad nya rin naman nakuha iyon. "Hmm.. Okay. Ako nang bahala. Bumalik ka na sa silid mo at maligo na." pinanood ko sya dahil kahit medyo may edad sya ay kayganda pa rin nya. "What?. May muta ba ako?." kinapa nito ang bandang gilid ng mga mata. Wala syang nakita kaya napatingin ulit sya sakin. "Then why are you staring huh?." natatawa nitong tanong. Nakayuko ko lang syang inilingan sabay sabi ng, "Bat ang ganda mo pa rin Ma?." then her laugh echoed around the hallway. Di ko pa alam kung di pa magising ang mga iyon.

At gaya nga ng nasa isip ko. Halos magsabay sabay na nagbukas lahat ng kanilang pinto.

"What's happening?." yung dalawang lalaki. Dumungaw sa labas. At si kuya Rozen ang nagtanong habang yakap pa rin ang unan nito. Si Kuya Ryle naman ay nakatalukbong pa rin ng kumot kahit nakatayo na't lahat.

"Ma?." si Papa ito.

"Pft.." at si Denise. Pikit matang nakasimangot na sa amin.

"See Ma?. Gising na silang lahat?. hahaha.." ibinulong ko ito sa kanya matapos kong tumabi sa gilid nya. Nakanguso syang humalukipkip at mataray na tinignan isa isa ang mga ito.

"You're so clever huh?." bulong nya din pabalik. Nakatago ang kanyang ngisi sa labi nyang nakangiwi.

"What are you staring at?. Galaw galaw na huh?. Baka mamaya andyan na ang mga bisita tapos tayo pa ang hihintayin. Nakakahiya masyado.." nagsitanguan ang lahat sa pagtataray nya. Pumalakpak pa ito na para bang iyon ang hudyat na kailangan na nilang gumising talaga.

Dinig ko ang mabigat na buntong hininga nila ngunit di na ito napansin ni Mama ng lambingin sya ni Papa pabalik ng silid nila.

"I said, five minutes more. Nagtawag pa talaga ng back up huh?. Mautak ka sis. Lodi.." sinaluduhan ko lamang ang hinaing nitong si Denise. Ang dalawang Kuya naman ay sumaludo lang din sa akin. "Nice one sis." ani Kuya Ryle sakin bago pumanhik na sa loob ng silid.

Sinilip ko ang orasan. Lumipas na ang kalahating minuto. Ang bilis talaga ng oras kaya tumakbo na rin ako pabalik ng silid ko. Naligo ako't nagbihis ng komportableng damit. Isang maroon hoodie at fitted black jeans at flip flop lang ang suot ko ng bumaba. Tinignan ko din ang mga kasama ko sa bahay ay pawang ganun din ang suot. Mukhang mga pupunta lang sa mall o sa park.

"O Bride!. Bat ganyan ang suot mo?." sinipat ako ng bakla mula ulo hanggang paa ng sila'y dumating na.

"Gusto ko ng komportableng damit kapag nasa byahe. Tsaka, mahabang byahe ang tatahakin natin gurl." sagot ko habang tinataasan ko rin ng kilay ang suot nya. Nakapajama lang at t-shirt na white. Baliw din eh. Tinanong pa ako eh, mas malala naman yung kanya.

"Alam ko gurl. Kaya nga komportableng damit lang din suot ko. Hahaha.." baliw din minsan to. Pinagtawanan sya nina Kian, Poro at Bryan dahil sa damit nya kaya napilitan tuloy itong magpalit. "Mga kaberna kayo!." irap nya saming lahat.

Eksaktong alas kwatro ay nasa gate na ang mga Eugenio. Hindi nila pinababa si Lance sapagkat ayaw ni Tita. Iisa lang din ang gamit nilang sasakyan. At si Jaden ang nasa manibela. Kumaway lang din sakin si Bamby kaya kinawayan ko rin sya pabalik. Nagdesisyon sina Papa kagabi na isa nalang daw ang gagamitin naming sasakyan. Para mas mabilis daw. Kaya yung kay Kuya Ryle ang ginamit namin. Malaki kasi ito at kasya kaming pito. Sina Kian naman ay apat sila sa sasakyan nya kasama si Karen, Winly at Dave. Buti nakapunta ito. Pick up ito kaya doon nakalagay ibang mga gamit. Sa sasakyan naman nina Bryan at Poro ay duon na ang ibang mga lalaki. Karamihan sa kanila ay kasali sa kasal.

Kabado ako at naeexcite habang papalapit kami ng Norte. Hindi ko mapigilang kagatin ang sariling labi sa tuwing naiisip na ito na talaga. Ikakasal na ako, kami ng taong mahal ko.

Malapit nang pumatak ang alas kwatro rin ng marating namin ang hotel. Medyo matagal pa ang byahe dahil sa traffic. Hapon na kasi pero nung pare-pareho naming natanaw ang malawak at kalmadong dagat ay kusang naibsan ang aming pagod.

"Whoa!. Welcome us Sta. Ana!.." sigaw nito ni Winly habang nag-uunat. Kinagabihan. Nagdinner kami sa tabi ng dalampasigan. Maingay ang lahat. Nagkakantahan at syempre hindi nawala ang inuman.

Araw ng October 10 ay mas lalong naging maingay ang lahat. Umaga palang pero hindi na magkandaugaga ang mga tao sa paligid ko. Paulit-ulit ang tanong nila kung excited na ba ako?. May nagbiro pa nga na wag akong sumipot. Baliw. Mga kalokohan nila sagad sa buto. Pinagbabato ko kaya sila ng malambot na unan.

Beach Wedding ang concept ng kasal. Walang magarbong sapin sa paa. Simple lang rin ang kulay ng damit ng mga dumalo. Kulay asul at berde. Kakulay ng mga puno at dagat na nakapaligid at nakikisaya sa okasyon.

"Sis, wala ba talagang sapin sa paa mamaya?." Eto si bakla na kanina pa ako kinukulit. Hindi naman ako naiinis sapagkat alam kong ginagawa lang ito para maibsan ang kaba ko.

"Wala nga. Ang kulit mo po. Dinaig mo pa si Kuya." kinurot sya ni Bamby sa tagiliran.

"E sino ba kasing nag-isip ng ganun?. Hindi ba mainit mamaya?.."

"Hindi naman gurl. Sandaling seremonya lang naman ang gagawin. Tsaka, may lilim namn kayo kaya di mainit kahit wala kayong sapin sa paa." sagot ko. Wala itong ginawa kundi tumango nalang sa amin.

Mabilis lumipas nag oras at ito na nga. Pinatawag na kami para sa pictorial na gagawin.

"Damn it sis!. Di ko alam na maganda ka pala." biro sakin ni kuya Rozen kaya pinalo ko sya sa likod. He even gave me a warm hug at bumulong ng best wishes.

"Kamukha nya si Mama?." ani Kuya Ryle. Syempre, kanino pa ba ako magmamana?. Kundi sa pinagmulan ko. Kaya pala, di mawala ang titig ko sa kanya noong araw ng pagbyahe namin. Kamukhang kamukha ko talaga sya.

Namis ko tuloy si Mommy at Daddy. Di man sya nagreply kung pupunta ba o hinde. Gusto kong magtampo pero anong karapatan ko?. He has his free will lalo na nung nawala si Mommy.

"Mommy.." pikit mata kong ibinulong ito sa hangin. I feel like, she's with me right now. Hugging me so tight.

"You're so gorgeous baby.." mula sa likod ko ay nagsalita si Mama. Dumilat ako't agad nya akong sinalubong ng yakap. "Always remember that your Mommy and me, your Mama is a twins. We are one. So if you miss her. Just tell me and I'll hug you anak.." I got teary eyed when Mama whispered this. "Alam kong miss mo na sya. At kahit wala man sya dito physically. You're always in her heart." niyakap ko lalo sya ng mahigpit.

"Thank you Mama, Mommy."

"Hmm.. Stop crying na. This is your the day, your special day. Enjoy it. Best wishes my precious Angel.."

Hindi ko mapigilan ang di maluha sapagkat parang hindi si Mama ang kaharap ko. Para itong si Mommy. Laking pasalamat ko dahil hindi nila ako binigo sa pagbabagong hinanap ko. Ipinakita nila sakin ang tunay at walang katumbas na pagmamahal pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon. I feel so grateful for having them, being part of their family again, and that's, forever will be.

次の章へ