webnovel

Chapter 40: Granted

Ang di ko pa alam. I mean, nakalimutan. Birthday nya rin pala ngayon.

"Hindi mo alam?!." ito si Bamby na pinanlakihan ako ng mga mata. Sina Tito at Tita ay parehong lumabas upang bumili ng cake. Naiwan ako at si Bamby para magluto na ng almusal. Binitawan nito ang hawak na kutsilyo at bawang saka namaywang. Tinuko ang isang kamay sa lababo habang magkasalubong ang mga kilay na tumingin sakin. "Paanong hindi mo alam?. Hindi nya sinabi?." halos lumuwa mata pa nya kakatanong nito. Tinapos ko lang din ang paghuhugas ng bigas, isinalang muna iyon sa rice cooker bago sya hinarap.

"Hindi sa hindi nya sinabi o di ko alam. Nakalimutan ko lang talaga. Ano bang araw ngayon?." hinanap ko pa ang kanilang kalendaryo subalit wala akong makita.

"My goodness gurl. Paano pag nalaman nya to?."

Bigla akong kinabahan sa naging tanong nya.

"Pasensya na talaga Bamby. Nakalimutan ko talaga. Pwedeng wag mo namang ipaabot sa kanya na ganun?. Baka kasi di nya ako kausapin eh." malungkot kong sabi. Sa totoo lang. Ako sa isiping di na naman nya ako iimikan. Nakakabingi ang katahimikan na kung minsan ay nakakabaliw rin. Ayoko ng ganun. Di ko yata kaya.

Matagal bago sya sumagot. Pinakatitigan nya muna ang buong mukha ko bago ngumisi ng nakakaloko. Para bang may iniisip syang hindi kaaya-aya. "Love mo talaga si kuya bes." sabi nya kasabay ng kanyang pagtango. Andun pa rin ang ngisi nyang di ko mabigyan ng pangalan. Nalilito ako masyado dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. "Wala na akong duda pa."

"Trust me bes. Minsan lang ako nagmahal at ang kuya mo lang iyon." puso ko ata nagsalita para rito. Ramdam ko kakaibang tibok nito e.

"Tsk. Tsk. Tsk... Ang swerte nga naman talaga ng mokong na yun. Akalain mong minahal mo sya kahit luko-loko pa." natatawa nyang sambit. Di ko rin napigilan ang natawa saka tinanguan ang pag-iling nya.

"Ganun nga siguro kapag nagmahal ang isang tao bes. Walang pinipili kahit sino o anu pa man ang klase nya. Basta mahal mo, mahal mo. Wala ng sagot sa kung bakit." Dahil para sakin, bakit ka pa magmamahal kung laging kaakibat nito ay ang sagot sa bakit diba?. Hindi ba pwedeng mahal mo nalang yung tao. Wala ng dahilan pa. Puso naman ang nagmamahal hindi ba, hindi ang isip?. Dahil kung isip ang paiiralin lagi sa isang relasyon, hindi love ang tawag dun kundi pride. Isa ito sa dahilan kung bakit nasisira ang magkarelasyon. Masyadong mataas ang tingin ng isang partido sa kanyang sarili na nakalimutan nang may isa pa syang kailangang bigyan ng atensyon. Kapag nagmahal ka. Dapat buo ka. Hindi lang puso at isip, kundi pati kaluluwa at diwa ang handa para ng sa gayon ay magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Opinyon ko lang din naman yan. Ewan ko lang sa ibang tao.

Hindi na sumagot si Bamby. Imbes mahina nalang syang pumalakpak para sakin. "I'm speechless bes. Ginulat mo ako sinabi mo."

Tahimik lang akong tumawa. Nilapitan nya ako't niyakap. "You know what. Masaya ako kasi finally you are here. Standing firmly sa mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Dapat pa nga noon pa yan eh. Kaso, mapaglaro nga talaga ang tadhana. Ayaw sa inyo noon pero ngayon, heto kayo't pinag-iisa muli. Sinabi ko naman na dati diba na, matagal ko ng ramdam ang bagay sa inyo ni kuya pero pilit ko iyong binalewala kasi nga ayokong makialam sa inyo. Ngunit ngayon na binibigyan na kayo ng panahon para magdesisyon para sa inyo, always choose to love. Don't ever think what love is, just give love and love will lead you back."

"Love will lead you back. Someday I just know that. Love will lead you back to my arms." kinanta ko ang ilang berses sa huli nyang sinabi at duon sya humagalpak ng todo. Sa huli ay pareho kaming hawak ang tyan kakatawa. Nagpasalamat ako sa kanya dahil sa dami ng tao sa mundo, sya ang naging kaibigan ko. Pinagtawanan nya ako dahil ganun din daw sya sa akin. Humingi din ako ng tawad sa nakaraan. Noong high school kami kung saan naging balakid ako at si Denise sa kanila ni Jaden. At ang sabi nya lang ay, wala na yun. Atleast, sa pangyayaring iyon. Marami akong natutunan. Tama nga sya sa linya nyang, past is past. Wag nang pag-usapan at magpokus nalang sa kasalukuyan.

Dumating na sila tita pero hindi pa luto ang almusal. Muli kaming nagtawanan ni Bamby. "Wag nyo na munang gawin yan. Umakyat na tayo para batiin ang may kaarawan." suhestyon ni tita. Mabilis din kaming naglakad at sumunod sa likod nila. Bumubulong si Bamby pero hindi ko halos marinig iyon dahil sa kaba. Kinakabahan lang ako. Walang dahilan.

Maingat na binuksan ni Tito ang pintuan. Nadatnan namin syang nakadapa pa. Walang kamalay malay sa paligid.

"In the count of, 1 to 3. Let's all sing." parang bata pa si Tita rito.

"1, 2, 3." talaga nga namang bumilang pa sya. Ang cute lang.

"Mama.." naaasiwang ani Bamby sa Nanay.

"What?." walang malay din na tanong nya sa anak. Sinindihan na ni Tito ang kandila sa gitna ng cake at humilera sa tabi ni tita kung saan sa kanang bahagi ay katabi si Bamby tapos ako ang sumunod.

Happy birthday to you!. Happy birthday to you!. Happy birthday, happy birthday.." sa Edsa na nakarating ang aming mga himig pero di pa rin ito gumagalaw.

"Kuya, happy birthday!." malakas nang kanta ni Bamby. Duon lamang sya nag-unat at sumilip gamit ang isang mata. Pinahawak sakin ni tita ang cake kaya matapos nyang pasadahan ang mga nakahilerang tao sa harapan nya ay awtomatiko syang umupo ng huminto iyon sa akin. "Babe?." nagtataka nyang tanong. Nagkibit balikat ako't inginuso ang cake.

"Happy birthday." ngiti ko sa kanya. Kinagat nya ang ibabang labi bago hinagod ang buhok patalikod. Hay.. Ang taong to. Kahit kailan, gusto lagi syang gwapo sa paningin ko. Tsk!.

"Happy birthday son." si Tito.

"Happy birthday anak." bati ni tita.

"Happy birthday kuya kong mas gwapo pa sa asawa ko." ani Bamby. Natatawa na. Humaba na ngayon ang nguso ni Lance. Inayos muna maging ang suot na damit bago tumayo para hipan ang kandila. "Ops! Wish muna lover boy." pigil sa kanya ni Bamby.

"Natupad na wish ko Bamblebie." he said while looking at me.

"Susmaryosep!. Asan na ba kasi asawa ko?. Nilalanggam na ako rito. Hahaha." sabay na humalakhak din sina tita. Still, he make a wish before he blew the candle. Pagkatapos nun ay iniabot ko sa kanya ang envelope.

"Ano ito?." tanong nya pa. Nagtataka.

"Cheke yan bro. Balato mo nalang sakin. Hahaha." biro pa ni Bamby. Sinamaan nya lang ito ng tingin.

Nang buksan nya ito't basahin ang papel na hinugot nya kanina lang ay, natulala na sya. Unti unti ring nagtubig ang gilid ng mata nya. At sa isang iglap. Tumulo na iyon.

Damn! Di ko pa nakikita ang luha ng kasiyahan. Sa kanya ko lang ito natanaw at talagang tumagos pa hanggang sakin. "Babe." nanginginig ang labi nyang tinawag ako.

"Hmm.." di ko kayang magsalita. May namumuo ring kung ano sa lalamunan ko.

"My wishes are granted." nag-uunhan ang mga luha sa kanyang pisngi. Daig pa ang isang talon sa pag-agos nito. "You, this and us."

Wala akong masabi kundi tango lang. Niyakap ko sya matapos ng mga magulang nya at ni Bamby. I want to let them know na kahit meron ako dito sa kanya, he should learn to thank his family first before me. And he should bow down also to his parents dahil hindi nya mararating ang bagay na ito kung wala ang paggabay nila.

次の章へ