webnovel

Chapter 38: Welcome Home

Dalawang araw pa kaming namalagi sa Batanes. At ang silid na tig-isa namin noong iniwan kami ng buong tropa ay nilisan na rin namin at kumuha nalang ng pang-dalawahan. Kwartong akma lamang sa amin. At yung unang gabing pinagsaluhan namin, ay naulit muli hanggang sa huling araw namin rito. I tried to convince Lance na magpakasal na muna bago ang anak kaso ang sabi nya, saka nalang. Susunod naman talaga iyon. Gusto na raw nya kasing magkaroon na ng mapagtutuunan ng sariling panahon. Hindi ng kanyang trabaho o ng kanyang sarili o maging ng mga pamangkin kundi iyong sarili nyang kanya. Tumawa ako sa kadahilanang, di pa man sya nagpopropose ay iyon na agad ang tumatakbo sa kanyang isip. Para bang, noon nya pa ito napagplanuhan at ngayon lang talaga mangyayari.

How lucky he is for making his dreams come true. Gayun din ang pagkakaroon nya ng pamilyang hindi sya pinabayaan kahit ilang ulit pa syang nadapa. Truly, he is a lucky man coz he didn't gave me up. Naniwala sya na habang may buhay, may pag-asa.

Ako rin naman. Masasabi kong maswerte ako pagdating sa mga bagay na mayroon ako. May mapait man na pagsubok akong nalasahan, atleast may natutunan akong aral mula rito. That, we don't need to rush things especially when it's not the right time. Kung ang pagmamadali ang nakikita mong solusyon sa problema mo ngayon, I'd say it to you that, it was a big No! I didn't say you shouldn't fall in love or such. But always know your limitations when you're already inlove dahil di lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkaroon pa ng second chance sa isang relasyon. Maswerte din ako kasi eto pa rin ang taong ipinagtabuyan ko ng ilang ulit. Say that I'm selfish but I'm telling you, minsan kailangan din nating piliin ang ating sarili upang nang sa gayon ay matutunan rin nating mahalin ang iba gaya ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Duon mo lang rin mamahalin ang taong mahal mo ng buo.

"Babe, smile.." bulong sa akin ni Lance nang nasa gitna kami ng byahe paalis na ng Batanes. Kanina pa ito kumukuha ng litrato namin lalo ng mukha ko.

Nginitian ko sya at hayun na naman ang ilaw ng kanyang camera. Hindi ako nagreklamo o maging sya. Ganun ang ginawa nya kahit pa sa loob ng eroplano.

"Babe, magasgasan mukha ko nyan." natatawa kong biro sa ginagawa nya. He just cough at me while pointing out how beautiful my smile is on his camera. "Sus, baka mamaya nyan ipagbili mo yan ha?.." dagdag ko pa.

"In their dreams. What's mine will just exclusively be mine." proud pa nyang sinabi iyon sa taong katabi nya. Lalaki din iyon at hula ko'y kasing edad lang din namin. Doon lang din sya huminto sa pagkuha ng litrato at nagkaroon ng oras na makipag-usap sa mga taong nasa paligid nya. They talked about the breathtaking beauty of Batanes. At ang dagdag pa nila ay babalik pa sila roon para malibot pa lalo ang buong Isla.

Lumapag ang eroplano sa airport.

"Tito Daddy!." sa di kalayuan ay may narinig akong tinig ng bata. Nang titigan ko ay si Knoa. Hawak sya ni Jaden pero tumakbo na papunta samin ng tuluyan kaming nakalabas ng airport. May dala dala itong maliit na backpack sa kanyang likuran habang may cotton candy naman sa kanyang kanang kamay. "Daddy, daddy." halos tumalon na ito palapit sa amin.

"That little Pooh." sambit lang ni Lance.

"Ang cute nya babe." sabi ko. Eksaktong nasa harapan na namin sya. Agad syang binuhat ni Lance at inikot-ikot sa ere.

"I miss you po."

"Oh, I miss you too little Pooh." niyakap sya ng bata. Pinanood ko lang silang nagyayakapan.

"How's trip?." si Jaden ay biglang sumulpot sa may gilid. Hinanap ko si Bamby sa paligid pero mukhang di ito sumama sa kanila.

"Amazing like Batanes.. hahaha." si Lance ang sumagot sa kanya.

"Looks like you both enjoyed it huh?. Glad that you came back together.."

"Jaden, wag naman English. Baka dumugo ilong ko." pagbibiro ko. Natawa sya. Ibinaba ni Lance si Knoa at lumuhod ito upang magpantay ang kanilang paningin.

"Hello." bibong bati sakin ni Knoa. Kumaway pa nga.

"Hi Pooh." kaway ko rin sa kanya. Para namang di kami magkakilala na dalawa. Hek.

"Tita, Pooh is not my real name. It's Knoa po." paglilinaw pa nya sa kanyang pangalan. Pigil ang ngiti kong tinanguan sya.

"She know that boy but-." tumigil si Lance at bumulong nalang sa kanya. Lumaki ang butas ng ilong ng bata maging ang kanyang mga mata.

"Hay.. ang oa na naman." maging si Jaden ay natatawa sa reaksyon ng kanyang anak.

"She's my tita Mommy!?." di makapaniwala nyang sambit. Lalo tuloy humalakhak si Jaden.

"Tsk.. Bro, tama na nga yan. Sa bahay mo nalang sabihin. Baka mag-alburoto na naman si Bamby kahihintay sa atin." Agad kinarga ni Jaden ang bata kahit na pilit nyang hinihila ang laylayan ng damit ng Tito Daddy nya.

"Uulanan nya kasi tayo ng mga tanong kapag nangyaring di sya pinigilan." paliwanag ng katabi ko. Nauna na ang mag-ama sa paglalakad habang kami'y nakasunod lamang sa kanilang likuran.

Naging maingay ang loob ng sasakyan ng walang kapagurang kumanta ang Knoa. Ang kulit lang. Pinipigilan sya ng kanyang ama subalit di ito paawat. Tuloy, di ko rin napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi nya.

We had late lunch na sa bahay ng mga Eugenio. Nadatnan namin si Bamby sa kusina at si Tita na abala sa paghahanda ng mesa.

"Here they go, Ma." anunsyo ni Bamby. Napahinto si Tita at talaga namang iniwan ang kasalukuyang ginagawa.

"Hello son." bati nya lang sa anak saka sakin na sya dumiretso. "Long time no see hija." she widely smiles and kisses me.

"Hello po tita." bati ko rin sa kanya. She even hug me, so tight.

"Welcome home." I got teary eyed when she whispered this. Para bang, double meaning iyon at sinasabing, mabuti at nakabalik ka rito. Nahabag ako ng malamang ganun nalang kainit ang pagtanggap nila sa akin dito sa kanilang bahay. Di naman na bago sa akin ang bahay na ito subalit pakiramdam ko, naging bago ang lahat at bumalik ako sa umpisa. Ang ngiti, galak at mainit nilang pag-alok sa akin sa kanilang malawak na hapag kainan ay isa nang paraan upang malamang ganuon sila kagalak na makita ako.

"Salamat Tita. Namiss po kita. hehe." buong puso ko itong sinabi. Humagikgik sya't kumalas ng kanyang yakap.

"Namiss din kita." anya rin. Naging abala kami sa pagkwekwentuhan hanggang pagsapit ng hapunan. Si Lance ay naiinis na dahil di ako iniiwan ng kanyang kapatid at ina.

"Go away man. Oras namin to. Wag kang ano dyan." kita nyo na. Yan palang si Bamby. Sinusuway ang kanyang kuya. Sumunod naman si Tita at sinabing makipaglaro muna ito sa kay Knoa.

They ask me about my past and ofcourse the present. Lalo na tungkol sa Batanes trip. I just answered them that it was an amazing trip at dasal ko na sana maulit pa iyon. They also thank me about how did I accepted again her son and her brother. Sinabi ko ding, ako ang dapat magpasalamat sa kanila kasi tinaggap pa rin nila ako despite of all the heart aches and pain I gave to him and their family. They just said that, past is past and this is your home now. You're finally home.

次の章へ