webnovel

Chapter 32: Chance

Past five na ng magising ako. Nagtaka ako dahil nasa loob na ako ng kwarto. "Anong oras na?." I asked Karen. Sya lang yung nasa may single couch na nasa isang maliit na mesa. Tumingin sya sakin, nakangiti na. Tumayo sya. Pero bago nun, nagpakawala muna sya ng isang buntong hininga. Di ko malaman kung pagkayamot ba ang nakikita ko I pagkabagot. Either of the two. Ganun ang itsura ng mukha nya subalit bat ang unfair?. Ang ganda nya pa rin?. Ganun ba talaga kapag may pamilya ka na?. Lalong gumaganda?.

"It's already six in the evening girl."

"Sina Win at Bam?." di ko nalang ininda ang humahaba nitong nguso.

"Island hoping."

"Ano!?. Bat di nila ako sinama?." I asked without even thinking smart. She smile, sarcastically.

"Paano ka sasama e tulog ka po?. Nakakainis nga eh. Di ako isinama." doon ko naramdaman ang guilty. Dahil sakin kaya di sya nakasama sa kanila.

"Sorry girl. Di ko naman alam na mag-iisland hoping pa pala." tumayo ako't nilapitan sya sa kabilang side. Kung saan, doon ang kama nila ni Winly. Sya sa baba, ang bakla sa itaas. Taas ko rin si Bamby.

"It's okay. Ano namang magagawa ko?. Baka nga, pauwi na ang mga iyon ngayon." yumuko ako't niyakap sya. Nung una, ayaw nya talaga. Galit e o nagtatampo sakin. Pero nung sumandal ako sa likod nya while hugging her. Doon na rin sya hindi nagpumiglas at hinayaan nalang ako.

"Are you okay?." tanong pa nya matapos ang ilang minutong katahimikan. Alam talaga nito kung kailan ako hindi maayos. Winly and her both knew kung sino at ano ang kahinaan ko.

"I'm fine now." tamad kong sagot. Maingat syang gumalaw upang humarap sakin. Now, she's attentive and caring. Di katulad kanina na, tampo talaga.

"You look not. Ayos ka lang ba?. Gusto mo, wag na tayong sumama sa travel nila?. O una tayong umuwi?." ganuon sya nag-aalala sa akin.

"No, it's okay. Kaya ko pa naman." wala naman akong sakit. Sadyang kapag sobra akong stress, maaaring di ako magising ng ilang araw. Nangyari na iyon last past two years. Sabi ng doctor. Wala naman daw akong sakit. Baka stress lang daw.

Di sya umimik. She really watch me intently. Inaalam kung totoo ba ang sinasabi ko sa kung anong sinasabi ng galaw ko. "Hey!. I'm fine. Don't worry okay?."

"Okay. Sabi mo yan ha. Baka mamaya?. Naku! Makukutusan kita!." banta pa nya bago ako niyakap bigla. "Nag-aalala lang ako sayo bes. Wag mong isipin yung mukha ko kanina ah, nabagot lang ako at di ko iyon ginusto hehe. Pero alam mo ba kung sinong nagdala sa'yo dito ha?."

"Sino naman?." tanong ko. Kumalas sya ng yakap at bumulong ng, "Your one and only, Lance pogi." humagikgik pa pagkatapos. Tuloy, nakiliti ako't di napigilan ang pagtawa.

"Ay kilig sya. Ayie!." tukso nya bigla.

"Hindi noh." tanggi ko.

"Sus! Makatanggi naman to. Obvious na nga. Hahaha." binalewala ko iyon hanggang sa makababa kami para sa hapunan. Nakauwi na ang lahat galing island hoping. Dinig ko pa'y muntik nag maiwan si Aron. Buti nalang daw may nakarinig ng boses nya't binalikan nila ito doon. Gabi pa naman na at ang sabi nila'y high tide sa tuwing gabi. Lucky him. He has still a purpose in life. He should make it worthy.

"Ay gising na ang Cinderella. Kamusta ang pagbabantay bata?. hahahaha." inasar pa nya ang Karen. Ipinakita ko lang din sa kanya ang thumbs up ko.

Maya maya. Kumuha na ang lahat ng kanya-kanyang pagkain sa mesang nakalatag. Buffet kaya, kahit ilang ulit ka pang umulit.

As usual again. Maingay ang lahat sa mesa. Di pa man tapos ang iilan. Nagplano na naman silang lumipat sa may dalampasigan. Duon maglalapag ng simpleng tela at iinom ang lahat.

May iilang nagdala ng pagkain. Ako ay tubig lang at kaunting prutas. Nauna kaming umupo doon. Kaharap ko ang pangpang na pinapalo ng may katamtamang palo ng alon. Ang hangin ay di pa gaanong malamig kaya kahit suot ko lang ay sando, ayos lang. Unti unti na ring nagsidatingan ang lahat. Dala ni Aron ang kanyang gitara habang alak naman kay Dennis at Billy. Pagkain pa rin kila Bryan, Poro at Kian. Jaden is always with Bamby. Laging nakadikit yang dalawang yan. Ang sweet. Nakakainggit. Then, nag-umpisang tumugtog ang gitara hanggang sa nagkantahan ang iba.

"Tanda mo ba ayung harana mo kay Bamby noon Jaden. Aking Diwata. Ikaw ang pinakamaganda?." Billy asked. Nakangisi lang din na tumango itong si Jaden. "E ikaw Kian?. Anong ginawa mo para mapa-oo ang iyong asawa?." si Bryan naman to.

"Hinalikan ko lang.." kumpyansa nyang sambit. Nagkantyawan ang lahat. Tinukso ang kabiyak nito.

"Iba pag gwapo eh. hahaha." yan lang din ang isinagot ng kanyang asawa. Natawa at nagbiruan ang lahat tungkol sa nakaraan.

Until my turn has come. "Ito. Sya talaga ang gusto kong tanungin eh. Joyce." si Poro ito. Binigyan ako ng shot glass. Di na ako magdalawang-isip pa. Kinuha ko iyon at itinungga. "What about me?." nawala bigla ang hiya ko. Binura nung alak.

"If you're given any chance, do you still give a second chance?." ang akala ko, mapapahiya ako sa magiging tanong nya, hindi pala. Mas lalo pa yatang nabuhayan ang loob ko ng dahil dun.

"It depends." sagot ko. Tinungga muli ang shot na nakalapag lang sa harapan.

"Paanong it depends?. Can you explain further?."

"Okay." Tumango ako. Kumuha minae ng kormik saka nginuya ng medyo isang minuto saka nagsalita. " It depends kako diba?. Nakadepende kasi ako dun sa taong bibigyan ko ng chance. If he's really that worthy of his actions with his words, then maybe."

"Ano rin ang gagawin mo kung hanggang ngayon galit pa rin ang taong sinaktan mo?." si Lance. This is so unexpected! Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at bigla nalang nagising.

Nagrambulan ang puso't isip ko. I try to compose myself. Trying hard not to let them know that I fucking hurt because of his questions. I don't want to judge him. Wala ako sa lugar para husgahan sya. Maybe because I don't really know how he handled the hardship he had back then. I'm so fucking doomed! Ngayon, naniningil na sya! I want to run but I guess. Running is not the solution. The best way is to face it with him, them.

"Siguro, wala." mahina kong sagot sa kanya. Ang salubong nyang kilay kanina ay mas lalong nagdilim pa. The way he stare at me now is so scary. Para nito akong kakainin ng buhay. Yumuko para magpatuloy. "I mean. Hindi ko alam. Kung galit man sya sakin hanggang ngayon, wala akong magagawa kundi indahin iyon. I think, I deserve his anger. Kung iyon ang tanging makakatanggal ng sakit nya towards me, I have to endure it even if it pains me too. Una, di ko sinadyang saktan sya. Sino ako para manakit ng damdamin ng ibang tao?. Sino naman ako para saktan ang katulad nya?. But I guess, hurting someone's feelings is so inevitable. Hindi iyon maiiwasan kahit anong iwas mo pa. Second is, I did what I did because I have to not because I want to. Gusto kong maging fair sa kanya without saying I'm being unfair." huminto ako makapagpahinga. "I'm saying this now because I want to let you know that I'm really so sorry for what I did to you Lance. Ayoko ng maglihim pa sa lahat. Nasasaktan ako't bumibigay lagi ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang nakaraan natin. I feel like I'm in prison back then."

"Kaya ka ba nakipaghiwalay sakin?. Dahil sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama sa'yo, Joyce?." tanging ang hampas lang ng alon ang ingay sa amin. Nawala ang ingay at harutan ng lahat. Naging seryoso iyon kahit pa napakaganda ng tanawin sa paligid.

"Nope! Of course not. Hindi iyon ang dahilan dahil masyadong mababaw iyon sa isang Lance Eugenio kapag nagmamahal."

"Phew!."

"Wow!."

"Grabe!. Nasa tv ba ako?."

"Wag kang maingay." Dinig kong naging bulungan ng lahat.

"Then what?." Explain. Dahil noon pa. Hindi ko makuha."

"Hindi naman kasi ikaw ang problema Lance. Diba nasabi ko na sa'yong wala sa'yo. In fact, you are the best definition of man. You stand your words and confident in it. Ako ang nagkaroon ng problema."

"Bakit hindi mo sinabi!?. Damn it baby!."

"Hala sya!."

"Ay kingwa!."

"Pare, totoo ba to?."

"Baby, putik nga!.." bulungan na naman nila. Binalewala ko na.

"Wala ako sarili ko noon Lance. At inaamin kong nagkamali akong saktan ka just to fix myself subalit alam ko ding iyon ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko dahil para sa akin, iyon ang tanging paraan para maging maayos ang lahat. I know your hardship or couldn't but I want to understand you. Your anger or your revenge maybe."

"Hindi naging maayos ang lahat simula nung umalis ka." tunog paninisi nya. Mabilis akong tumango. Isang luha ang pumatak saking kanang mata. Di mila iyon napansin dahil sa gabi na.

"Pero natupad mo naman ang pangarap mo?." I congratulate him for doing that without me. For having achievement without me. He's a man!

"Hindi iyon ang hinangad ko. Wala itong halaga dahil wala ka.."

Dahil doon. Wala akong mahanap na tamang salita para isagot sa kanya. I'm lost words and sayings. Parang inagos nalang basta ng tubig paalis sa akin.

Is there any chance?.

次の章へ