webnovel

Chapter 100: Thank you

I walked alone palayo sa lugar kung saan nararamdaman ko ang lahat ng sakit sa mundo. Kumbaga. Nakadikit na sa likod ko ang salitang sakit at luha. Na kahit saan na yata ako magpunta, andun pa sya. Kahit pa magtago yata ako ay hahabulin pa rin ako neto.

Naglakad ako kahit tirik na tirik ang araw. Sumbrero lang ang suot kong sangga sa araw at ulan kung sakali. Huminto lang ako sa may isang tindahan kanina upang bumili ng isang supot na tinapay at tubig. Doon ko na rin iyon kinain bago ako nagpatuloy.

Mukha na nga akong baliw sa kalsada dahil nakangiti akong mag-isa habang dala ang isang maliit na bag pack. Sinong di mababaliw sa lahat ng laman ng isip ko?. Ang lalalalim nila, at minsan nga. Hindi ko na masisid pa dahilan para sumakit ang aking ulo.

Nga pala. Lance texted me kanina bago ako umalis. Pupuntahan nya raw ako ngayon sa bahay. Sa dami ng iniisip ko. Sa dami ng issue na dala ko. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko ba sa kanya kung anong nangyari o wag nalang. Kahit ayoko syang idamay sa mga problema ko. Napipilitan ako minsan, sapagkat sya lang ang taong andyan lagi para sakin. Laging nakikinig kahit hindi ako magsalita.

Sa simbahan ako dinala ng mga paa ko. I stayed there hanggang alas dos ng hapon. I turned off my phone to, to prevent some noise. Para di maistorbo ang iilang tao na taimtim na nagdarasal. I know this church. Sa pagkakaalam ko. Parte ito ng Antipolo. Minsan na kasi akong pumasok rito. Kasama ni Lance.

And speaking of.

Palabas na akong simbahan nang matanaw sya sa labas. Patakbo na sana sya sa loob nang makita ako't biglang natigilan. I saw how his beautiful lips fell apart. Bumuka pa iyon sa paraang parang nagbitaw pa ng masamang salita. And then. A minute later. Malalaki na ang kanyang hakbang papalapit sa akin.

"Damn baby!. I knew you were here.." he said nang nasa malapit na. Tinikom ko ang sariling labi upang wag hayaang lumabas ang nagwawalang hagulgol sa akin. Kahit pa noong yakapin nya ako ng mahigpit. "Sorry, I was late.. I'm sorry.." dahil sa mga sinabi nya. Mas lalo akong humagulgol sa dibdib nya. I don't know. Pakiramdam ko. Iyon ang pinamasakit na salitang gusto kong marinig mula sa kanila. But unluckily, they didn't even bother to say those words. Kahit man lang sana iyon. Ngunit wala! Wala!

I cried so hard!. Nasaksihan nya iyon at naramdaman.

Nakakahiya mang aminin pero natuluyan na siguro akong nabaliw kung wala syang lagi kong nasasandalan. He's always been there since then. Kahit na pinipilit kong wag na ako't pinagtatabuyan sya para sa iba ay, andyan pa rin sya sa likod ko at inaalalayan ako.

Big thanks to him!

Hanggang ngayon, nakatayo pa rin ako.

Di ko man lang namalayan na nasa loob na pala ako ng kanyang sasakyan. Wala akong ideya kung paano ako nakapasok doon sa halo halo kong emosyon.

"Cry until it can't hurt you no more.." he said while hugging and caressing my hair, smoothly.

Base sa sinabi nya. Mukhang may ideya na ito kung anong nangyari at kung bakit ganun na lang ang pag-iyak ko.

"I'm sorry, Lance.." I whispered. Pinunasan ko ang luha sa aking mata habang yakap ang kanyang mabangong leeg.

"No baby.. you're not sorry.. they're the one whose sorry for, they are sorry for not having you.." tumaba ang puso ko sa narinig. Ganunpaman. Hindi pa rin no'n natatabunan ang sakit na nakaukit na roon.

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kulang nalang, di sya makahinga. Naramdaman ko rin ang kanyang yakap. Mahigpit pero sakto lang para ako ay makahinga.

Ilang minuto kaming ganun ang posisyon. Hanggang sa kumalma ako. Inayos ko ang sarili bago umupo sa tabi nya. Tahimik sya. Walang sinasabi pero pakiramdam ko, sa katahimikan nyang iyon, daig nya pa isang libro sa kapal ng kanyang sasabihin. I know him. Madaldal yan pag curious o naiinis.

A minute later. Pinaandar nya ang kanyang sasakyan. Di rin ako nagtanong. Tinatamad ako o should I say, wala akong pakialam kung saan nya ako dadalhin ngayon. Basta ba. Wag lang pabalik sa bahay.

Kalaunan. Huminto sya sa may isang building. Matayog iyon at nakakasilaw ang taas. Pumasok sya sa may parking area. "Anong meron dito?.." pagod kong tanong.

He didn't answer me. Basta nalang nyang hininto ang sasakyan at bumaba na. "You're safe here.." Sabi nya lang nang tulungan akong pababain.

Noon ko lang napansin na isa pala itong condominium building. Hinayaan ko lang syang hawakan ang aking kamay at hilahin papasok ng building. Sabay kaming sumakay ng elevator patungong eleventh floor. "Anong gagawin natin dito Lance?." natatakot man ay naitanong ko pa rin ito.

"I want to shelter you.. protect you but damn!. Wala akong magawa sa tuwing umiiyak ka.." he hugged my head. Then tilted his head para halikan ako duon. "Gusto kitang ilayo sa sakit pero pikit ka pa ring hinahabol nito.. I'm sorry.." he hugged me tighter. Hanggang sa dumating kami sa eleventh floor.

Sa interior palang ng bahay. Halatang may kaya ang may-ari nito. Purong kulay leather brown ang lahat ng floor, maging ang carpet at sofa. Ang malaking flat screen TV ay pinagigitnaan ng dalawang snake plant na matataas. Ang kusina na nasisilip ko mula sa gawing sala ay ganun din. Napakakintab pa ng bawat sulok. Halatang malinisin ang nakatira dito.

"Sit down.." kailangan nya pa akong lapitan upang mapaupo sa kanyang malambot na sofa.

"Binili ko ito simula nang umuwi kami. Ilang linggo na.." umpisa nya. Tumabi sa akin. Luminga ako't nakita ang dalawang pintuan. Napansin nya iyon. "Hindi ito alam ng pamilya ko.." napamaang ako. Itatanong ko na sana kung bakit pero nagsalita ulit sya. "Dahil ikaw ang gusto kong unang makaalam rito.."

"Bakit?.." huli na nang masabi ko ito.

"I have future plans with you, Joyce.."

Aw! I just stared at him. Walang maisagot.

"That's why I bought this.." he continued. Kuminang ang mata nyang nakatitig sakin. Seryoso ba sya?. Ako talaga?. Baka mamaya, malasin sya?. Naku! No way! No! No!

Sa kawalan ng sasabihin. Nagpaalam syang maghahanda ng hapunan. Noon ko nalaman na, gabi na pala. At malapit nang maghating gabi. Ang bilis ng oras.

After naming kumain. "Dito ka matutulog?.." tanong ko. Natigilan sya nang ihatid ako sa sariling silid.

"Is it okay with you if I'm not?.. sasamahan ko kasi si Bamblebie bukas na mag-asikaso ng mga school papers.." paliwanag nya. Tumango nalang ako at niyakap sya.

"Thank you Lance.. thank you for everything.. for always being there for me.. thank you, baby.."

"I'll do anything for you mahal ko.. I love you, Joyce.. keep smiling ha.." di ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa kanyang mukha na nakatunghay sa akin.

"I love you too, Lance.." hinalikan ko sya sa labi. Hindi marahas. Hindi mapusok. Halik nang pasasalamat. "Thank you for making me feel better.. for wiping my tears and..."

"Ssshhhh!.. Tama na yan.. baka mamaya iiyak ka na naman.." nginitian ko sya ng nakapikit. Doon nya ako hinalikan sa tungki ng ilong.

Niyakap nya ako ng sobrang higpit bago nagpaalam. Ayaw nya pa sanang umalis kaso baka hanapin na sya sa kanila. I secured him na ayos na ako rito. Kaya kong mag-isa.

I thanked him a lot. Sa lahat ng nagagawa nya't ginagawa nya para sakin. Thank you dahil dumating sya sa buhay ko.

次の章へ