Kinabukasan. Madaling araw akong nagising. Malakas ang buhos ng ulan at malakas ang hambalos ng hangin sa may bintana. May bagyo siguro. Pati, news weather na ay di ko malaman dahil sa pag-iisip.
Bumangon ako't dumiretso ng banyo. Sinarado ko ang bintana sa itaas no'n bago lumabas.
Saka nagdesisyon akong bumaba para uminom ng tubig. Bigla akong nauhaw.
"Binigay na sya sa atin Rex.. bakit kailangang hanapin pa nya ang mga magulang nya gayong wala naman silang pakialam sa kanya?.." medyo may diin ang himig ni mama sa kausap. Nagtitimping wag tumaas ang kanyang boses para di magising ang mga kasama sa bahay.
Nasa gitna na ako ng hagdanan nang marinig ko ang bulungan nila. "Alice, gusto lang naman nyang malaman ang pangalan ng mga magulang nya.."
"Kahit na.. paano nalang kung pagkatapos nyang malaman ang tunay na pagkatao nila?. Tapos maglalayas sya ng bahay?.. you know her Rex.. hahanapin nya sila.."
"I know her Alice.. give her a chance to prove that we're wrong.. magtiwala ka naman minsan sa anak natin.."
"Naniwala na ako minsan Rex.. malaking tiwala ang bingay ko sa kanya.. pero anong nangyari?. Inabuso nya ito.. she just used it to do things that are not good for her.. paano ako ngayon magtitiwala ulit sa kanya?.. she ruined my trust.. how will I trust her again?.."
"Atleast, let's try again Alice.. don't lose hope.. anak natin sya.. hindi pwedeng iparamdam natin na hindi sya kabilang sa ating pamilya.."
Nakasandal ako sa dingding. Gitna ng palikong hagdanan. Likod na nito ay ang kusina na kinaroroonan nila. Gustuhin ko mang bumaba. Uminom at magpanggap na walang narinig ay di ko rin magawa. Baka kasi makaistorbo ako o may mga bagay akong di dapat marinig. Na sa hindi sinasadya ay napakinggan ko nga. Di ko ugaling makinig sa usapan ng iba. Subalit sa sitwasyong ganito. Di ko maiwasang mag-alala sa buo naming pamilya. I was once left alone. Daddy left us.. I have mommy but she's too busy to many things that I don't even know. Hanggang sa umalis silang pareho ay hindi naging malinaw sa akin ang lahat kung bakit nakaramdam ako ng puwang. Sa kabila ng malaking puwang na iyon ay napunan din agad ng pamilyang di ko aakalaing mayroon pala ako. Ngayon ko ulit naramdaman ang takot na iyon. Takot na mawalan muli ng pamilya.
Yes. I want to be independent. To be alone but, still have a family to lean on. Magkaiba ang definition ng alone sa lonely. Gusto kong mamuhay ng mag-isa. Malayo ng bahagya sa kanila pero may babalikan pa ring buo na pamilya. Not the lonely thing na, mag-isa ka na. Malungkot ka pa. Knowing na, wasak na ang pinapangarap mong pamilya.
Sa totoo lang. Naiinggit nga ako sa nakikita kong masayang pamilya. Like the Eugenio's. Hindi man sila nagkakasama ng pinuno ng kanilang pamilya ay naging buo pa rin sila. Sa hirap at ginhawa. Hindi sumuko sa isa't isa. Naniwala at nagtiwala hanggang dulo.
Sa kabila ng malalim kong pag-iisip ay nakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ako nakatayo sa gilid. Nakatanaw ako sa madilim na parte ng bahay. Tanging ilaw lamang na galing sa lamp post ang nagbibigay ng liwanag doon.
Naghintay pa rin ako sa karugtong ng usapan nila subalit wala nang sumunod pa. Tanging kukiglig nalang ang namumutawi sa pandinig ko. Bumalik ulita yata sila sa pagtulog.
Hindi na rin ako tuluyang bumaba. Bumalik ako ng aking silid saka humilata ng patihaya. Ginawa kong unan ang dalawa kong braso saka tumitig sa kisame. Paano ko ba sila matutulungan?. Gustuhin ko mang magbigay ng komento sa nangyayari, nagdadalawang isip ako. Hindi ko malaman kung saan lulugar. Kaya mananahimik na lamang ako. Saka nalang siguro ako tutulong kapag humingi na sila. Mahirap na kasi eh.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip.
Naalimpungatan lang ako sa maingay na cellphone ko. Tumagilid ako't pikit mata ko iyong dinampot saka sinagot nang di tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello.." paos at tinatamad kong sabe. Humikab pa ako. Hinila ko ng maigi ang kumot para maipulupot saking katawan. Malakas pa rin kasi ang ulan. May kasama pang hangin. Ngayon ko lang nakumpirma na may bagyo nga.
"I'm home.." iyon palang ang sinabi ng taong nasa kabilang linya ay para bang natamaan na ako ng kidlat. Kusa akong napamulat ng mata kasabay ng mabilis na pagbangon.
"Lance?.." mahina ngunit sapat na para marinig nya.
Biglang dumagundong ng malakas na kaba ang aking dibdib. Heto na naman ako sa di alam ang gagawin. Nalilito sa tuwing andyan sya. "Hmm.. pupuntahan kita sa inyo... let's talk.."
"Lance, not now.." nakapikit kong himig. Nag-aaway ang puso't isip ko sa gustong mangyari. Damn it!!
"Iyan ba ang pasalubong mo sa akin?.." dumaan ang sakit sa aking puso nang marinig ang bagay na iyon mula sakanya. Napalobo ko ang sariling bibig. Tinamaan na naman ako ng malaking kahihiyan.
"Excited akong makita ka tapos heto ang isasalubong mo?. Giving us up?.."
"Lance.."
"Baby, please don't do this to me.. let's talk and fix things.."
"Buo na ang desisyon ko Lance.."
Frustrated syang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"You mean. Ganun nalang iyon, ganun ba?.." tumataas na nang bahagya ang kanyang tinig. Hinilot ko ang noo. Kumikirot na ito. Di ako sumagot. Bumibigat na kasi paghinga. Nasasaktan sa ginagawa. Damn!.
"No way!. I'm not giving you up.. I'm coming baby.." matapos no'n binaba na nya ang kanyang linya. Nabigla pa ako't nagulat. Natulala sa dingding bago naproseso ng utak ko ang nangyari.
"Damn Joyce!! He's coming!. Wake up!.." ginulo ko ang buhok upang magising ng tuluyan. Tumalon talon bago kagat ang daliring nagpaikot ikot.
Walang maisip.na gawin. Nablangko ng isang iglap ang aking isip.
"Damn! Anong gagawin ko?.." kabado kong tanong sa sarili.