webnovel

Chapter 75: Ligaw

"Hey, mahilig ka ba talagang magpaulan?.." sinundan ako ni Zeki sa may lilim ng malaking puno. Hapon na at malakas ang buhos ng ulan na may kasama pang kulog at kidlat.

Humakbang sya papalapit sa akin at isinilong ang hawak nyang payong.

"Wala akong dalang payong kaya sumilong muna ako.. teka, bakit ba pumunta ka pa rito?. may payong ka naman ah?.." aita ko sa kanya. Ilang linggo na.rin ang lumipas. At sa buong linggo na iyon, silang dalawa lang ni Carl ang naging kaibigan ko. Yung iba, lumalapit lamang sa akin para mapalapit sila sa dalawa kong kapatid. Saksakan daw sila ng gwapo! Naku! Oo nalang! Saksakan kaya sila ng asar sa katawan. Hilig nila akong pagtripan. Lalo na ni kuya Rozen.

"Iyon nga eh. may payong ako, ikaw wala kaya.." kinamot nito ang batok. "Huminto ako't pinuntahan ka rito. " diretsa nyang tanong.

"Para saan naman?. Kaya ko sarili Zek.." sa malayo ako tumingin. Taliwas sa mukha nyang sa mukha ko na nakatingin. Hay! Kailan ba ako masasanay sa ginagawa nyang to? Nakakailang!

"Para di ka magkasakit.. mahirap na eh.."

Umirap ako. Heto na naman sya.

"Kaya ko nga sarili ko.. alis na, baka may magalit eh.." humalukipkip ako. Saka tiningala ang kalangitan na malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mukhang may galit ito sa amin at basta nalang nagpapaulan ng ilang drum ng tubig.

"Sino namang magagalit?. wala kaya akong jowa.." duon ko lamang sya nilingon. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. "Ligawan na kasi kita.."

"Hayan ka na naman Zek.."

"Bakit ba?.. hahaha.." Humalakhak sya. Siniringan ko sya't pinaikutan ng mata.

"Yang biro mo ha.. di na nakakatuwa.."

"Seryoso nga kasi ako Joyce.. di ako nagbibiro.." anyang seryoso nga sa mga nasabi kanina pa. Naku naman! Manliligaw ba kamo?. Di ko kaya.

Tahimik akong nag-isip. O sabihin nalang natin na, wala akong maisasagot sa huling sinabi nya. Iyon ang tunay.

"Payagan mo na kasi ako.."

"Hindi pwede Zek. pasensya na.." diretso kong sabe. Wala nang preno oar di na rin sya umasa. Mahirap nang magpaasa.

Ramdam ko ang pananahimik nya matapos ko iyong sabihin. Paulit-ulit ko naman nang nasabi iyon sa kanya na, hindi pa ako handa. Na hindi ko na kayang pumasok nalang basta sa isang relasyon ngayon. Subalit ang kulit nya't laging sinasabi na maghihintay sya sa akin.

"Maghihintay ako Joyce.. kahit matagal.."

"Wag na.. mapapagod ka lang.." naitikom ko ng mariin ang aking labi matapos sabihin ang mga iyon. Sumobra yata ako ngayon. Gurl, ano ba!?.

"Bakit?. dahil ba iyon sa taong iniyakan mo noong nasa ilalim ka ng puno, habang umuulan?.."

Natigilan ako't natulala sa kamay nyang hawak ang kamay ng payong sa harapan ko. Damn!. Paano nya nalaman ang bagay na yun?.

"Paano mo nalaman?.."

"Kasing lakas ng ulan ang luha mo noon.. kulang nalang maglupasay ka sa putikan.." kamot nya ang ulo ngayon.

"Ang ibig kong sabihin, paano mo ako nakita noon?.." tumitig ako sa mata nya. Pawang pamilyar ito.

Yung lalaking sarap sabunutan noon. Sya iyon? Parang di pa rin ako makapaniwala. Ang liit naman ng mundo. Pinagtatagpo ang mga taong kay layo.

Noon ko lamang natutop ang aking bibig. No way! Sya yung lalaking estranghero na kinukulit ako noon?. Di naman lalaki ang dahilan ng luha ko noon eh, iba. Ibang iba sa tumatakbo sa isip nya.

Tinuro ko sya.

"Sinabi ko naman na sa'yo.. ayaw mo kasing maniwala.." pilit ang halakhak na ginawa nya. Di ako ngumiti o sumabay doon. Para saan?. Wala namang nakakatawa. At, sigurado akong nasasaktan ko sya ngayon, kaya anong nakakatawa?.

Tulala lang ako.

"Nagmamaneho ako pauwi sa bahay ng ate ko nang matanaw kita sa ilalim ng puno.. akala ko pa nga multo noong una.. pero hindi pala."

Wala akong mahanap na salita.

"Bumaba ako para kumpirmahin kung tao ka nga.." kumurap ang mata nya. "Narinig kong humahagulgol ka kaya nagtago ako't hinayaan.." lumunok sya.

"Sorry, di ko natandaan agad.." tinanguan nya lang ako. Tapos nun. Nilamon na naman kami ng matinding katahimikan. Tanging hampas lang ng hangin, at kulog na may kasamang kidlat ang naririnig sa amin. Nakakailang masyado!

Dinig kong maingat syang huminga bago nagsalita.

"Sya pa rin ba ang dahilan kung bakit di mo ako mapagbigyan ngayon?.."

"Walang kinalaman ang sinuman dito Zek.." di nya ako sinagot. Tinitigan nya lamang ako direkta sa mata na para bang inaalam ang katotohanan sa lahat ng sinasabi ko.

"Kahit magpaalam ako ng pormal sa mga kuya mo?.."

Bakit ba ang kulit nya. Di ko nga priority ang magkipagrelasyon ngayon. Paulit ulit ko nang sinabi iyon sa kanya. Bakit di nya pa rin maintindihan?

"Kahit magpaalam ka pa sa kanila Zek.. ganun rin ang isasagot nila sa'yo.."

"Bakit sino ba sya sa inyo?.." di ko na malaman kung saan patungo itong usapan namin. Nag-iiba na ang pakiramdam ko. Hindi na maganda.

"Pwede ba,.Zek.. pagod ako't gusto nang magpahinga.."

May sasabihin pa sana sya subalit di ko na iyon pinakinggan. Kahit nga ang inalok nyang payong ay di ko kinuha. Basta na lang akong sumugod sa malakas na ulan. Bahala na kung magkasakit. Wag lang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Ngunit alam kong kahit anong iwas ko ata na makasakit ng iba. Ay nasasaktan ko pa rin sila nang di sinasadya.

Sana lang. Respetuhin nya ang desisyon ko't wag nang ipilit pa ang gusto.

次の章へ