webnovel

Chapter 55: Uniform

Bumangon ako, alas kwatro na ng madaling araw. Di ko alam bat ganun nalang ako kabilis nagigising. Nasanay na rin siguro ang katawan kong bumangon ng ganuong oras kahit wala naman akong ginagawa minsan. Kadalasan kasi, mas maaga ako sa normal na gising pag may exam o kailangan kong mag-advance reading. Pero ngayong nasa ibang bahay ako, nahiya ako't kailangan kong tumulong kahit di nila sabihin. Boluntaryo na rin mismo.

"Ang aga mong nagising hija?.." nagulat ako ng batiin ako ni tita sa may kusina. Pinapaapoy na nito ang kalan.

Nilapitan ko sya matapos itali ang di nasuklay na buhok.

"Maaga po akong nagigising tita, kahit sa bahay.." paliwanag ko.

"Morning person. Hm.. maganda yan, pero masyado pang maaga.. alas kwarto palang.." anya na isinalang na ang takuri. Humarap sya sakin at sinipat. Bigla akong nahiya dahil bumaba akong di naghihilamos ng mukha.

"Di na po kasi ako makatulog tita.." may katotohanan ito. Di ko nga alam kung madaling araw na rin ako dinalaw ng antok at nagising pa ng ganitong kaaga. Di kasi ako komportable. Hindi sa mga tao kundi sa pakiramdam na parang kabilang na ako sa pamilya nila. Gusto ko ang ideyang iyon sapagkat iyon ang hinahanap ko ngayon. Kalinga ng isang buong pamilya.

Mataman nya akong tinignan. "I understand you.. pero hija, you're always welcome here.. pamilya na ang turing namin sa'yo kaya feel at home.."

Nahiya tuloy ako. Opo!. Masayang nagdiwang ang loob ko sa narinig. Pero kung malaman kaya nila ang tungkol samin, sasabihin pa kaya nya yun?.

"Hehehe.. opo tita.. salamat po.." kulang nalang magtalukbong ako ng kumot sa hiya.

"Nahiya ka na naman. ikaw talagang bata ka.." natatawa nyang sabe. Saka ginulo ang buhok. Tapos hinila ang aking braso upang maupo. "Maupo ka na dyan. Magtitimpla ako ng kape natin.."

"Ako na po sana tita.." umiling sya. Kinamot ko ang sentido. I'm not used to this. Nahihiya talaga ako.

"Ako na.." ngiti nya sakin. "Oh dear, ang aga mo yatang nagising.." baling nya bigla sa kung sinumang nasa likuran ko. Di ko iyon nilingon dahil nakatitig ako sa maganda nyang mukha. Kahit ano yatang paglipas ng panahon ay maganda pa rin sya. In and out.

"Nauhaw ako ma.." nanlamig ako ng marinig ang namamaos nyang tinig. Bagong gising!

Lihim akong napalunok sa biglang tumubo na kaba. Para itong kabute na bigla nalang lumilitaw kapag andyan sya sa tabi.

Di nagsalita si tita. Imbes, nginingitian lamang nito ang likuran nyang nasa harap na ng malaki nilang refrigerator. "Anong gusto mong almusal mamaya?.."

"It's up to you po.." paos pa rin nyang sabe saka nagsalin ng tubig sa baso at nilagok iyon ng isang inuman lang.

Matapos uminom ay umalis na sya. Subalit bago nya ako lagpasan, sinipat nya muna ako ng may nagtatanong na mata. Tinaasan ko sya ng kilay. Tinatarayan.

Nang tuluyan na syang nakaalis. Humagikgik si tita. "Ano kayang problema nun?. Ang agang nagising ha?. That's new. At, gumamit pa ng po? He's weird. really weird.. hahaha. " halakhak nya. Nakihalakhak na rin ako kahit sa totoo lang ay nagulat pa ako. Seryoso?. Minsan lang syang gumamit ng po kay tita?. Lance, hmp!!

"Tsaka, it's up to me huh?., ahaha---." muntik nang masamid si tita ng dumungaw sya bigla sa kusina. Ramdam ko ring umawang ang labi ko sa pagsulpot nya.

"Ma, may pupuntahan lang pala ako.."

"What?. saan?. akala ko ba, matutulog ka ulit?.."

Naging isang linya ang manipis nitong labi sa mapanuksong himig ng kanyang ina. "May kukunin lang ako kila Aron.."

"At this hour?.." di makapaniwalang tanong ni tita. Bahagyang kumunot ang noo nito. Nang magtama ang paningin namin. Duon, bumalik ang gwapo at pino nyang mukha na nalukot kanina.

"Kailangan kasi ma. Balik din po agad.."

"Baka babae yan ha.. pakilala mo naman.. hahaha.."

"Mama?...." hindi ko pinahalatang naaapektuhan ako sa usapan nilang mag-ina. Si tita talaga! Andito lang naman po ako!. Yung babaeng mahal ng anak nyo!. Lihim akong pumikit upang iwaksi ang kung anu anong tumatakbo sa isip. Huminga ako ng malalim bago muling nagmulat. At sa pagkakataong iyon. Nakita ko kung paano ako titigan ni Lance. Nagbabanta. What's that for?. Muli. Para di mahalata. Tinaasan ko na lamang sya ng palihim nang itaas nito ang kanyang susi.

"Balik din po agad..." muling paalam nya pero sa akin na nakatingin. Humalakhak lamang si tita at hinayaan na syang umalis.

"Hay naku!. Yan batang yan. may jowa na yata di man lang pinakikilala sakin.."

Napalunok na naman ako. Susmi!! Tita hello! Hello! Pero syempre, wag muna ngayon. Soon, makikilala mo rin ako, formally. Hihi!

"Hija, ilagay mo nalang dyan sa sink yan. Pumanhik ka na sa taas at maligo. Gisingin mo na rin si Bamblebie, baka malate kayo.."

Agad akong bumalk sa taas at nagtungo sa kwarto ni Bamby. Tuamyo ako duon at kumatok. "Bamby.." mahina ngunit sapat na para marinig nya.

"Bamby, gising ka na raw.." nakatatlo o apat na yata akong katok pero di pa rin sya nagigising.

"Good morning beautiful.."bati ni kuya Mark sakin. Gumilid ako upang makaharap sya. Bagong gising ito sa itsura ng suot na damit. Pajama at sando lang. Magulo pa ang buhok saka humihikab.

"Ah kuya, good morning po.."

"Hindi pa ba sya gising?.." tukoy nito sa kapatid. Nilapitan nya ang pintuan at sya na ang kumatok doon.

"Hindi pa po kuya.."

"Sige na, ako nang bahala sa kanya.." ngiti nya. Kamot ko ang ulo sa paglalakad patungong silid.

inayos ko ang nagamit na uniform tsaka ang bag. Ngayon ko lang natanto na, wala pala akong dalang uniform. Namroblema ako kalaunan. Bakit di ko to naisip kagabi?. Ano ba Joyce?!.

Namaywang ako sa pag-iisip kung paano ako papasok na nakauniform. Si kuya Ryle! Madali kong kinapa ang cellphone ko para tawagin sana si kuya pero hayun at may kumatok.

Bitbit ang bag habang kinakapa pa rin ang cellphone na di ko alam nilagay kagabi ay dumiretso ako sa may pintuan. Hindi na inalam pa ang itsura. Basta pinihit ko ang saradura. Laglag ang aking panga. What the hell! Si Lance.

"Good morning.." paos pa rin ang kanyang boses. Tuwing baong gising lang ba syang ganito o tuwing andito sya sa bahay nila?. Gusto kong itanong kaso nakakahiya. Baka isipin nyang patay na patay ako sa kanya. Gayong?. Susmi!! Patay na patay ka naman talaga gurl!!

"Morning.." tipid kong sagot. Ngumiti sya't may itinaas na paper bag. Kulay itim iyon na medyo may kalakihan.

"Ano yan?." taka kong tanong. Sa sumasayaw na paperbag ang tingin.

"Tignan mo nalang.." sagot nya imbes na sagutin ako. Matagal ko syang tinitigan at hayun lang ang nakakaloko nyang ngisi kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kuya, what are you doing?.." bumukas ang pintuan sa katabing silid. Si Bamby iyon. Damn it! Agad kong hinila ang bag saka umatras papasok. Kabado na. Pero si Lance. Lumingon lamang sa kapatid na parang wala lang.

"I'm checking on you." matigas nitong englis.

"Hmm... yeah.. pababa na ako.." tamad na sagot ni Bamby saka sinara muli ang pintuan nya.

"You scared?.." ngisi nya nang mawala na siguro sa paningin nya ang kapatid.

Sa inis ko ay, binato ko pabalik sa kanya yung paperbag. Magsama silang dalawa!.

Humalakhak sya.

Sa inis ko'y tinalikuran ko sya. "Hey!.." tawag nya sakin. Hanggang sa harap lang ng pintuan. Di na nag-atubiling pumasok.

"Whatever Lance.."

"Ahahahaha... what?. why?. hahaha...."

"Go away!.." irap ko kahit nakatalikod naman ako sa gawi nya.

"Oh damn!. My baby is nervous!.." malambing nitong himig. Huli kong nalaman na humakbang na sya papasok at niyakap ako sa likod.

"Kinuha ko yung uniform mo, kasi tinext ng kuya mo.." bulong nya sa gilid ng aking pisngi. O well! Si kuya na naman! Bakit di nya sakin sinabi?. Kainis! Sa init ng kanyang hininga ay parang gusto ko ng maligo sa malamig na tubig ng gripo. Malapit na akong matunaw!!

"Hindi ko kayang makitang mahirapan ang taong mahal ko.. kaya ayos kinuha ko kanina..." humigpit ang kanyang yakap. "No matter what. you're always be my baby.." hinalikan nya ako sa pisngi. Marahan at segundo lamang. "I love you.." tumagos iyon sa puso ko at isang ungol lamang ang naisagot ko.

"I have to go. Baka mahuli tayo.. hahaha.." paalam nya na saka muli akong hinalikan sa noo. "Maligo ka na. Sabay tayong pupunta ng school mamaya..." sabe nya bago lumabas with flying kiss na naman.

Susmi! Paanong di kiligin dito??

次の章へ