webnovel

Chapter 50: I'm sorry

Ang sabi ni kuya sakin. Hindi naman daw malala at kaya pang agapan through therapists. Pero kahit na. Knowing that mommy has that, ugh!. Cancer?. Di ko kaya. Hindi pa nga tapos ang problema ko sa kapatid ko, dumagdag naman ito bigla. Gosh!. Kailan naman kaya ako titigilan ng tadhana?. Pagod na akong umiyak. Please, can someone stop this!!

"Shhhh... calm down.." pansin kong bumagal ang maneho nya sa sasakyan. Tumigil kalaunan sa gilid ng isang fast food chain. Naalala ko yung panahon na naglakad lakad ako't si kuya Ryle naman ang kasama. Pinauwi ako ng bahay. Pero ngayon?. Naiisip ko palang si mommy. Parang ayoko nang umuwi muna. Ang hirap tanggapin eh. Ang hirap hirap ng ganito. Tipong wala ka ng makapitan tapos si mommy pa?. Ayoko!. Ayoko ng mabuhay!

"Ssshhhh!.." humagulgol ako sa aking mga palad. Hindi ko na nakayanan pang kontrolin ang damdamin ko. Kusa nalang bumuhos ang luha galing saking mata. "She'll be okay.. ssshhhh.." alo nya sakin ng yakapin ang ulo ko. Duon ako lalong humagulgol sa balikat nya.

"SI mommy, kuya..."

"Hmm.. I know.. I know.." pang-alo nya sakin.

Alam ko. Kahit ano pang sabihin ko ngayon ay di na mababago pa na may sakit si mommy. Anong gagawin ko kung mawala sya?. Paano na ako kung wala na sya?. Mommy, not this time please!. Not this time.. I still need you.. and still need you until my hair turns into gray.

Di ko na naman alam kung ilang oras akong umiyak kanina. Basta ang alam ko. Andito na ako sa apartment at nakaupo sa sofa. Hawak ang basong may lamang tubig.

Wala pa sina mommy. Kuya told earlier na baka matagalan pa daw silang umuwi. I don't know why. I didn't bother to ask kasi I'm so scared, scared of hearing about her current condition.

"Joyce, mama texted. Sa bahay na raw kayo matulog ngayon.." he announced it like it's the final decision now. Napatanga ako. Ano!?. Anong halaga ng nirentahan naming bahay kung makikitulog kami?. Ayoko!

"Kuya, pwedeng maiwan nalang ako dito?.."

"No way Joyce.. Malaki ang bahay natin.." pinasadahan ko sya ng tingin dahil nagulat ako sa sinabi nya. "Bahay natin?" Really?. Like that's mine too?. Naexcite ako bigla. Ngunit segundo lamang iyon ng maisip ang ilang araw palang na lumipas. Iniisip ko palang na maaaring makasalamuha ko doon si Denise ay, ayoko na!. Di ko pa kaya sa ngayon.

"Kuya please.. ayos na ako dito. Let mommy sleep there. Kaya ko naman mag-isa dito. Ilolock ko lang ang pintuan.."

Inilingan nya ako ng mariin.

"I can handle my self kuya.." paliwanag ko pa. Ngunit kahit anong gawin ko. Hindi nya ako pinayagan. Imbes, sinabi nya kay mama na sasamahan nya raw akong matulog dito. "Ryle is coming in here.." nakahiga na sya sa medyo may kalakihang sofa ng sabihin nya iyon. "With your---, uhhmm.. Lance.." nilinis nya muna ang kanyang lalamunan bago binanggit ang pangalang di ko inaasahan.

"What?.." bahagya akong nagulat. Huli kasi naming usap noong nasa likod ng library. Iyon ang huli. Di ko chinarge cellphone ko dahil tinatamad ako. At sadyang, sabihin ko nalang na iniiwasan ko talaga sya ngayon. Masyado kasing magulo ang utak ko. At unfair na sa kanya ang ganitong di ko sya mabigyan ng tamang oras. Oras naming dalawa. "Bakit di mo agad sinabi?. Kuya naman?.." mahina syang humalakhak sa pagdadabog ko.

"Di ko nga rin alam eh. Don't blame me bruh.. it's Ryle's fault, you know?…" inikutan ko nalang sya ng mata bago bumalik ng kwarto at nag-ipit ng buhok.

After a minute. Dumating na nga ang kinatatakutan ko. "Where's she?.." dinig kong boses ni kuya Ryle.

Maya maya. May kumatok na. Kung kanina. Hindi na ako makalunok ng maayos. Ngayon naman. Talagang, kailangan ko pa ng tubig upang maayos ang daloy ng hangin sa lalamunan ko.

"Hey.." bumungad ang umaapaw nitong gamit na pabango ng buksan ko ang kanina pa nyang binubulabog na pinto. Ngumiti sya pero gaya ng nakikita ko kay kuya Rozen. Malungkot iyon. Nalulungkot sa mga nangyayari.

Hindi sya nagsalita. Basta nalang syang humakbang papunta sakin at marahang niyakap. Wala syang sinabi na anuman. Basta niyakap nya lang ako.

"May bisita ka pala. Sinama ko na dahil masyadong makulit. paulit-ulit pa ang tanong nya. Nakakairita sa tainga.." humalakhak sya.

"Bakit mo naman sinama, kuya naman eh?.." kulang nalang magdabog ako. Nginisihan nya lang ako. Tapos, tinaasan ng kilay. "Ang sabi nya. He misses you a lot.."

I don't know what to say again.

I have no words to utter.

"Beautiful sister.. go talk to him.. hindi ang ganitong tinataguan mo sya.."

"I'm not.." tanggi ko sa paratang nya. Hindi nga ba Joyce?. Inamin mo lang kanina ah?. Bumaliktad agad huh?. Bakit?. Sinong dahilan?.

Tumaas ng bahagya ang sulok ng kanyang labi. "You're not huh?. Why your phone's unattended then, hmm?.."

He hit the ball!.

"Bruh, alam mo. payong kapatid ito ha. Hindi maganda sa isang relasyon ang walang matibay na komunikasyon. Kung gusto mong wag ka nyang guluhin, then let him know it. Hindi yung aasa sya, mag-iisip tapos mababaliw na sa pag-aalala sa'yo.." payo nya bigla. Hinawakan nya ang buhok ko ng magaan saka hinaplos ng dahan dahan. "Kanina pa sya balisa, mukhang puyat pa dahil sa eyebags nya.. kaya sige na.."

"Paano si kuya?.." pertaining to kuya Rozen.

"Nagkausap na sila. They're in good terms now.."

Lumabas ako sa may sala at doon sya natagpuan. Nakaupo sya sa floor mat sa gitna ng sofa. Nakatupi ang kanang tuhod habang ang isa ay nakalatag sa mat. Tinapik ako ni kuya Rozen bago nilampasan.

Umupo ako sa tabi nya. Sa mismong sofa. Takot akong magsalita. Natatakot ako sa mga isasagot nya. Damn!.

"I'm sorry.." ako na ang unang nagsalita. Tsaka. Ako naman dapat dahil pinag-alala ko na naman sya. Na hindi naman dapat cause he doesn't deserve those treatment from me. He deserves better at mukhang hindi ko nga naibibigay ang lahat ng para sa kanya.

"Where's your phone?.." malamig nyang tanong.

"Nasa kwarto.." sagot ko. Kinakabahan na.

"Bakit di mo ginagamit?.." naitikom ko talag ng madiin ang aking labi sa kawalan ng maisip na pwedeng isagot. Damn! Anong irarason ko?.

"Tinataguan mo ba ako?.." shit!. Ilang mura ang pinakawalan ko sa isipan ko. Damn! Anong sasabihin ko?. Kuya!

Humarap sya kalaunan sa gawi ko. Pinagpahinga ang dalawang braso sa tuhod nyang nakatupi. Titig na titig sakin. "I've been calling you since yesterday, unattended?.." di makapaniwala nyang sambit. Natameme ako sa mukhang nyang ang gwapo!

"I'm sorry.." yumuko ako sa palad kong nagkukurutan sa kaba.

"You're sorry for what?.."

Damn!

"For not charging my phone up.."

"Why did you suddenly do that?." umusog sya kalaunan sakin. Saka unti unting kinulong ang mga paa ko sa mga binti nya. Nakatingala sya sakin habang ako'y nakayuko. Di makatingin sa mata nya. "Balak mo talagang taguan ako?.."

"No.. I'm sorry.." tanggi ko pa rin.

"Bakit hindi ka matingin sakin kung ganun?. May kasalanan ba ako?.." ang cute nyang magtagalog. Ang arte. Pero ang gwapo nya lalo pag ganun.

Umiling ako. Kagat ang labi. "Then, why?.."

"Because, I'm scared.."

"Scared of what?.."

"I need to think Lance. I need space that's why.." natigilan sya. Tinignan ko sya pailalim. Mukhang inaasahan na.nya ag dahilan ko. "Ang gulo gulo ng isip ko Lance.. at naisip kong, unfair sa'yo kapag.. pinagpatuloy pa natin to.."

"Your breaking up with me?.." di makapaniwala nyang himig. Di ako makahanap ng tamang salita para ipatindi sa kanya ang gusto ko. Wala nga yatang tamang salita na pwedeng maintindihan nya. Ang hirap namang mag-explain.

"I have to think. I'm sorry.."

"You mean, ganun nalang yun?.." medyo galit na nyang tanong.

"I'm sorry.."

Hindi ko na hinintay pa ang galit nyang sumbat sakin. Mabilis ko syang tinalikuran dahil nagbabadya na ang aking mga luha. Gosh!

次の章へ