"Hmm.. Did you talk to your kuya Ryle already?.." bungad sakin ni Kuya Rozen nang nakauwi na akong bahay. Di ko nakausap ngayong buong araw si Lance. Ewan. Di ko sya nakita sa school. Nahihiya rin naman akong magtanong kay Bamby kasi di pa kami nakakapag-usap. Nahiya pa ako. Kahit buwan na ang lumipas.
"Yes po.." nilapag ko ang bag sa taas ng mesa sa may dining. Saka kinuha ang apron na nakasabit sa tabi ng ref para paghandaan sya ng meryenda kaso hinawakan nya ang braso ko't hinila at pinaupo sa stool bar. Tabi ng kanyang inuupuan kanina.
Di ko alam kung bakit ganito sila sakin ni kuya Ryle. Mabait at maalalahanin. Di naman sila ganito sakin dati. Nakakapanibago lang. Di ako sanay.
"Take that off.." turo nya sa suot kong apron. Natigilan muna ako ng saglit bago tinanggal iyon at iniabot sa kanya. "Di ka namin pinatira rito.. kayo ng mommy mo para pagsilbihan ang bawat isa samin.." pinagsabihan ako. E anong gagawin ko?. Wala nga akong ibang maisip na gawin kundi ang tumulong nalang sa gawaing bahay para naman mabawasan ng kaunti ang trabaho ni Manang pati ni tita at mommy. Para atleast. May pakinabang ako. "Lagi mong tatandaan. Ituring mo rin itong parang bahay mo, okay.."
"Pero kuya?.."
"Wala nang pero pero.. basta sinabi kong ganun Joyce. " he paused a bit bago nagpatuloy. Humarap sya sa may oven at kinuha ang lahat ng ingredients sa pantry. Magbebake yata. "Asan ba si Denise?. Pumasok ba sya o hinde?.." tanong nya bigla sa kapatid nyang di ko madalas mahagilap sa bahay. Minsan lang din sa school. At sa minsan na yun. Nakatingin pa sya sakin. Creepy!
."I don't know kuya.. Pero ang sabi ni tita. Maaga raw itong umalis kanina. Nakauniform..."
"Naku!. Paniguradong di na naman iyon pumasok. Tsk. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Nakakapagod habulin. Kung saan saan pumupunta at nakikipagbarkada. Tas sa bad influence pa.."
"Kuya, baka pumasok naman sya. Di ko lang napansin.." pagtatakip ko. Baka nga kasi. Medyo malaki ang school kaya malay ko nga. Sa kubo lang ang tambayan ko madalas kaya di ko alam kung nasa tabi tabi lang sya. Ayokong mag-akusa ng walang basehan. Masama iyon.
"Wag mo na syang pagtakpan.. Madalas na nyang gawain ang ganun.." dismayado nyang himig. Nagbasag sya ng itlog saka hinalo sa iba ibang ingredients na nilagay nya kanina sa bowl. Di ko matukoy kung ano na ang mga iyon sa dami ng iniisip ko.
Di nalang ulit ako nagkumento. I offered him a helping hand but he declined it. Lalaki raw sya at di nya kailangan ng tulong ko. Kita mo?. Ang hard lang!.
"So, how's your day?.." pag-iiba nito ng paksa.
Umupo muli ako dahil ayaw nya namang tulungan ko sya. Nakapangalumbabang pinanood sya.
"Good po.. ikaw po kuya?.." balik kong tanong.
"Just fine. Your boyfriend?. how's he?.." nagitla ako sa diretsyahan nitong tanong. Wala ng preno. Bahala ka na kung paano mo iyon itatake. In a negative way or in a positive way. Your choice.
"Ahm..di ko po sya nakita ngayong araw eh.." gusto ko sanang sabihin na ayos lang pero ayoko ring lokohin sarili ko. Umayos ako ng upo. Saka diretso ang tingin sa nakakahilong kamay nya. Sinabi ko iyon dahil napapagod na akong magpanggap na ayos lang ako.
Tumigil sya sa paghalo sa may bowl. Pinunasan ang pawis na noo tapos ipinahinga iyon sa lababong parehong nasa harap namin. Pagod syang sumandal doon.
"Really?.." tumaas isa nyang kilay.
Nakakapagtaka.
Tumango lamang ako. Walang malay.
"Do you really love that boy?.." di ko ngayon alam ang isasagot. Nawalan ako ng sasabihin kahit puno ng kung anu-ano ang isipan ko ngayon. Naguguluhan.
Humalakhak sya kalaunan. "Yeah. of course Rozen. She love him cause it's her boyfriend.." sya na rin ang sumagot sa sarili nyang tanong sa paraang sarkastiko. Nakagat ko ang ibabang labi sa hiya. Yumuko at pinunas sa palda ang pawisan nang mga palad.
Maya maya. Huminto na ito sa pagtawa. Kaya nag-angat na rin ako ng tingin. Diretso na sa kanya. Seryoso.
Kaya pala kanina pa ako naiilang dahil nakatitig na pala ito sakin. Titig na titig.
"What po?.." I cut him off from that intense stare. Damn! Bakit na naman?
"Stop loving him.." di ko malaman kung galing ba sa kanya iyon o guni guni ko lang. Hirap kong tukuyin kung totoong galing ba sa kanya o hinde. Kung biro nya lang ba iyon o totoo talaga. Ang gulo. Nahihilo ako.
Tsaka!. What the hell!?. Anong stop loving him!?. Bakit!?
"Kuya?.." nanghihina kong tawag sa kanya.
"He's not good for you Joyce. trust me.."
"Pero kuya?.."
"What?.." strikto nitong tanong.
"I can't..." umiling ako kasabay ng pagbaba ng tingin. Di ko kaya. Why should I stop loving someone whom I'd loved the most?. Para nyang sinasabi na, magpatingin ako sa doktor kahit wala namang sakit ganun. Di ko sya maintindihan. Di ko magets ang ibig nyang sabihin.
Katahimikan ang bumalot samin.
"Trust me. You shouldn't love him.."
"But why po?. I trust him and..." di ko kayang sabihin ang bagay na nasa isip. 'And I love him.. very much po..' pumikit ako't sa hangin na lang iyon ibinulong.
"Sundin mo nalang ako Joyce.."
Umiling ako. Alam kong nadismaya ko sya duon.
Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung bakit ganun ang pananaw nya tungkol kay Lance subalit naunahan na ako ng takot.
Takot akong malaman ang totoo. At mas gusto kong mamuhay muna sa kasinungalingan. Kahit pagod na akong magpanggap na ayos lang. Magpapanggap ulit ako kahit ngayon lang.