webnovel

Chapter 29: For real

Hinila ko palayo si Lance mula sa kubo. Nag-iinit na ito kay Jaden. At lalong maging magulo kapag nangyari nagkasagupaan silang dalawa. Kaya kahit nanginginig at nangangatog itong mga binti ko. Kinaladkad ko pa rin sya sa likod ng conference hall.

"Lance, ano ba?. bakit mo iyon ginawa?.."

"Why not?.." mabilis nitong balik tanong. Hawak ko pa rin ang braso nya. Bahagyang magkalapit ang aming mukha at katawan.

"Anong why not?. SI Jaden yun?.."

"Eh ano kung si Jaden nga yun?.." nakakainis naman eh. Sarap naman nyang kausapin. Bwiset! Pero gusto mo pa rin?. Ehem!. Aminin?.

Huminga ako ng malalim upang wag tuluyang mainis sa kanya. "Tsk..alam mo naman sigurang gusto sya ni Bamby diba?. Kaya dapat wag mong awayin.."

"Wala akong pakialam..." inis nitong singhal. Nag-iwas pa ng tingin. Tumingala sa madilim nang kalangitan.

Anong walang pakialam?. E kulang na nga, patayuin mo ng bakuran so Bamby para lang walang makalapit na kung sino lang eh. Tsk. Tinatago nya yung sweet side nya eh. Masyado naman nang halata. Hasy!

"Paano ngayon kung sabihin nya ang lahat tungkol satin?. Hindi pa ako handa Lance.." nagbaba sya ng tingin at tumama agad iyon sakin. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

Hindi sya umimik. Hindi rin nagbago ang seryoso nyang mukha. Subalit, ilang segundo lamang. Sumisilip na ang tinatago nyang ngisi sa gilid ng kanyang labi.

My gosh! Mali yata yung sinabi ko. Ikaw naman Joyce. Isip muna kasi bago magbitaw ng salita. Yan tuloy. Para ka na namang baliw kakatitig sa mukha ng taong kaharap mo.

Pakiramdam ko. Gusto ko na syang yakapin. Nang sobrang higpit. Halikan at yakapin ng matagal.

"Tungkol satin?.." ngumisi na sya ng tuluyan. Nabura bigla ang inis nito sa mukha. Di ko malaman kung paano nangyari iyon. Basta nangyari nalang. Ewan ko ba kung anong dahilan nya. "Tayo na ba kung ganun?.." ngayon. Ako naman ang natigilan at natulala sa mukha nyang di maalis ang ngisi. Damn baby! Stop bitting your damn lips please!. Nakakauhaw eh!

Noon ko lang rin binitawan ang kamay nya. Na agad nya ring kinuha. Pabalik sa mga palad nya. "Please?.." anya. Wala pa syang isang buwan Kung manligaw pero gusto na nyang sagutin ko na sya agad. Hmm.. Sagutin ko na ba?. O paaabutin ko pa ng isa o dalawang buwan?.

"Pero, paano si Jaden?.. Si Bamby?. SI Denise?." nalilito kong tanong. Nahihilo ako sa mga mata nyang kumikinang. Para akong nasa loob ng isang lugar na may nagsasayawan at maingay na tugtugin.

"Baby, please..pwede bang tayo na muna ang isipin mo?. Saka na natin bigyan ng solusyon ang iba.."

"Pero, paano si Bamby?.." giit ko pa rin. May kiliti na sa puso ko.

"Akong bahala sa kanya. Di nya malalaman dahil masyado syang bulag sa iisang tao lamang.."

"Tsk.. ang sama mo talaga.." hinila ko ang mga kamay ko. Hinuli nya na naman agad yun. Kinikilig ako!. Mommy!

"Totoo naman eh.. kakausapin ko sya.."

"About what?.."

"About us.." sutil nya.

"Lance?.."

"Hmm?.."

"Di ka nakakatawa?.."

"Alam ko. Di naman din naman ako nagbibiro eh.."

"Lance naman eh.." pinalo ko sya sa braso. Natawa ito.

"Baby kasi, baby?.."

"Ano?. di pa nga tayo eh.." irap ko.

"E di sagutin mo na ako ngayon.." napipi ako. Ano na?.

"Psh.." unti unti na ring gumagaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko to inaasahan. Wala pa nga sa hinuha ko ang makatabi sya. Ang manligaw sya. At ang gustuhin nya ako. Daig ko pa talaga nanalo ng super loto sa swerte.

"What now?..."

"What?.." balik tanong ko sabay tawa. Lumukot ang mukha nya. Di ko mapigilan ang humalakhak. "Magtanong ka rin kasi.. Paano naman ako sasagot nyan?.." natawa talaga ako.

Teka?. Ako ba talaga ito?. O ibang tao na?. Masaya eh. Not usually me this past few days.

Ngumuso sya't nagpakawala ng maingay na hininga. "Can you be my girlfriend?.." tanong nya matapos ang mahabang pahinga nya. Kinabahan siguro. Sus!. Nag-asume na naman ako.

"For real?.." biro ko pa. Tinatantya Ang mukha nya. Gumuhit na naman ang lungkot doon. "Hahahaha.. kidding.." bawi ko kalaunan.

Hinawakan nya ang beywang ko at hinapit palapit sa kanya. "You're making me crazy here huh?.." anya. Sinadyang lapatan ng halik ang aking labi ng marahan. Damn!. I'm so speechless dude!

"Hala! Baka may nakakita?.." tinakpan ko ang mukha sa hiya. Sya naman ang humalakhak ngayon.

"Marami nga.. hahaha.. can you be mine now?.."

"Oo na. Oo na.." takip ko ang buong mukha. Nahihiya sa ginawa nya.

Humagalpak sya ng todo saka ako niyakap. Mahigpit iyon pero sapat lang para kami'y makahinga ng normal. Sana lang di nya maramdaman ang tibok ng aking puso. Dumadagundong iyon. Kulang nalang tumalon at umakyat ng bubong sa tuwa.

For real?!.

Is this really real?..

次の章へ