webnovel

Chapter 26: Mommy?.

Hindi ako tumango o tumanggi sa gusto nyang gawin. Nalilito kasi ako sa totoo lang. May parte sakin ang nagsasabing, umoo na ako para atleast maging masaya naman ako kahit papano. Ganun din ang pagtanggi. Ayoko din namang tumanggi dahil alam ko sa sarili ko. Sa kasuluk-sulukan ng aking puso. Gusto ko na sya. At gugustuhin pa. Hindi ko iyon itatanggi. Gusto ko na sya noon pang masungit at cold pa sya. Gusto ko na sya noong unang kita ko pa lamang sa kanya. Gusto ko na ang nakatayo nyang buhok. Ang badboy look nya kahit ang totoo ay sweet ito kapag andyan si Bamby sa paligid. Lahat ng sakanya ay gusto ko. Lahat lahat. Walang labis. Walang kulang.

"Hmm.. I heard you two.." naghuhugas ako ng platong pinagkainan namin ng gabing ito ng biglang sumulpot si Denise saking likuran. Nagulat ako kasabay ng kaunting takot. Di ako takot sa kanya. Takot ako sa mga sasabihin nya. Yun lang.

Sasagutin ko sana sya kaso baka lalo lamang syang magtatanong. Kaya pinili ko nalang na itikom ng mariin ang aking labi. Pinagpatuloy ang ginagawa kahit dinudungaw nya ang aking mukha.

"She's courting you, huh?.." di ko malaman kung tanong nya ba sakin iyon o talagang may basehan na sya sa kung anong mga lumalabas sa kanyang bibig.

There days ago na yun. Paano nya kaya nalaman?. Wala namang ibang tao doon sa kubo maliban saming dalawa. May sikreto ba syang mata roon o tainga?. I'm pertaining to, like camera o recorder. Di ko alam. Malay ko nga. Baka nga!

"Denise, stop disturbing Joyce.." dumating din kalaunan si kuya Ryle. Nakauniform pa ito. Mukhang galing ng school at dumiretso sa may ref. Kinuha ang pitsel na may tubig saka naglagay sa baso. "You're messing again, huh?.." anito sa kapatid. Tumayo ng tuwid ito. Hinarap ang kapatid na nakatalikod sakin.

"I'm not. duh?.." umikot ang kanyang mata ng tapunan ako.

"Really?.. I heard you earlier.." ngayon. Nakapamaywang na si kuya Ryle sa kanya. Ako, inabala na lamang ang sarili sa ginagawa. Ayokong makialam kahit na ako ang dahilan nila.

"Okay.. psh.." siring nya bago nagwalk out. Saka umakyat na sa ikalawang palapag.

Maingay an bumuntong hininga si kuya bago nilapag sa tabi ko ang ginamit na baso. "You okay?.."

"Opo kuya.." lagi nalang nya akong pinagtatanggol. Sila ni kuya Rozen pagdating kay Denise. Di ko alam bakit. Basta pakiramdam ko. Magaan ang loob ko sa kanila at nagiging masaya tuwing binubuhat nya ako sa maldita nilang kapatid.

"Sabihin mo sakin kapag inaway ka nun ha?. akong bahala sa'yo.." lumabas ang nakatago nyang taglay na kagwapuhan ng sya'y ngumiti na. Lalong nadepina sa ganda at kinang ng mga ngipin nya. "Kaming bahala sa'yo ng kuya Rozen mo.." dagdag nya. Ginulo ang buhok ko bago ako talikuran. Tumango ako bago iyon.

"Wait.. Bakit nga pala ikaw ang gumagawa nyan?.." patapos na ako ng ihabol nya iyon.

"Ayos lang po kuya.."

"Tsk.. ikaw talaga.. si tita?.." hanap nya kay mommy. Lumabas sila ni tita kanina lang. Di sinabi kung saan ang punta.

"Lumabas sila ng mommy mo.." maikli kong sagot. Nahihiya pa rin sa kabaitan nya.

"It's not only my mommy Joyce. Our mommy.." natigilan ako bigla.

What?..

Umawang ang labi ko sa naging pahayag nya.

Kalaunan.

"Para di ka na malito pa.. you know?.. hehehe.." mabilis nya ring bawi. Para kasing iba ang naging epekto ng huli nyang sabi kanina.

Mommy?. Paanong naging iisa ang aming ina?. Tsk!. nalilito tuloy ako. Di na naman makakatulog ng mabilis neto.

次の章へ