webnovel

Chapter 23: I'm sorry

Ginising ni tita Alice si mommy pagkarating nya. Inalo na naman nya ito matapos nyang humagulgol. Tahimik kong pinupunasan ang mainit na luha na lumalagpas saking pisngi. Nasa likod ako ng pintuan. Kwarto nila ni Daddy noon. Nakikinig sa kanilang usapan. "Ate, you need to be strong. Joyce needs you.." pagpapaintindi sa kanya ni tita. Hindi sumagot si mommy. Maya maya, di na nagsalita si tita. Tahimik na rin kung humikbi si mommy.

Nang naramdaman kong lalabas si tita. Tahimik akong pumasok ng aking silid. Tabi lamang ng kwartong kinaroroonan nila.

Inayos ko ang bag kahit maayos naman na kanina pa. Noong umalis ang grupo nila Winly kasama si Lance. Muling naglayag ang isip ko. Tama ba tong ginawa ko? Tama bang paalisin na lamang sila basta?. Nagtatalo ang puso at isip ko sa naiisip. Sinisisi ng puso ko ang utak ko sa di nito pagsunod kanina na bumaba at kausapin sila ng harapan. Harapin sya ng buong taoang. Naduwag na naman ako.

"Joyce.." kumatok kalaunan si tita. Dali ko syang pinagbuksan. Sumilip muna sya bago tuluyang pumasok. Hawak ko ang saradura nang bigla nyang ilahad ang dalawang braso sakin. Nag-init na naman ang gilid ng mata. Yumuko ako upang itago iyon ngunit huli na nang lapitan nya akong yakapin ng mahigpit. "It's okay.. you'll gonna be okay.." alo nya sakin kasabay ng tapik sa likod ko.

Humahagulgol ako sa gitna ng mga bisig nya. Nahiya ako dahil nabasa ko pa ang damit nya. Tinawanan nya ako matapos kong punasan iyon. She said. Kinausap na nya ang mga anak at si tito Mike. Doon na muna hanggat di pa maayos si mommy. Sinabi ko naman na nakakahiya pero pinalo nya lang ako gamit ang kaliwang palad. "Ano ka ba?. Anak na ang turing ko sa'yo. di ka na iba sakin.. hmmm.." ngiti nya saka muli akong niyakap ng mahigpit.

Inayos ko ang lahat ng gamit ni mommy bago kami tumungo sa kanilang bahay. Ngunit, paglabas ko ng aming gate. May namataan akong pamilyar na sasakyan. Hindi ko man banggitin ang pangalan nya. Alam kong sya iyon. Akala ko ba umalis na sya? Bumalik ba ito kanina?. Tinitigan ko iyon bago tuluyang sumakay sa sasakyan. At habang kami'y papalayo. Doon ko nakumpirma ang hinala ko. Sya nga. Si Lance. Nakatanaw na sakin habang kunot ang noo.

Gusto kong pahintuin ang sasakyan at bumaba. Tatakbo papunta sa mga bisig nya ngunit kingina! Paano?. Anong sasabihin ko kay tita?. Kay mommy?. Ganito na nga ang nangyayari samin, gagawa pa ba ako ng sakit ng ulo.

Heto na naman ako. Nalilito sa kung anong susundin. Isip ko ba o ang puso ko?.

"Hija.." sa unang pagkakataon. Narinig kong nagsalita si mommy sakin after days. Naging tahimik na kasi ito matapos umalis ni daddy. Pakiramdam ko nga. Nabusalan pareho ang aming mga bibig. Di makapagsalita ng tama. "I'm sorry.." anya. Naiiyak. Niyakap ako matapos sabihin iyon. Kingina! Kailan kaya hihinto ang luha saking mata?. Ang sakit na. "I'm so sorry.." ulit nya. Tumango ako sa kahit nasa kanyang dibdib pa rin. Yakap nya. "Di ko alam na hahantong tayo sa ganito.. I failed you baby.. sorry.."

Damn!

Nangilabot ako sa salitang ginamit nya. Pakiramdam ko ngayon, sya ang yumayakap sakin. Damn Joyce!

次の章へ