webnovel

Chapter 20: Thank you

"Ano ka ba?.. bakit di mo agad sinabi sakin?. samin?.. kaibigan mo kami Joyce.." nag-aalala nyang himig. May halo iyong inis at awa. Yakap pa rin nya ako. Sabay tapik sa likod ko. "Anong halaga naming kaibigan mo kung di ka namin kayang dadamayan, huh?.." umiling lamang ako sa kanya. Tumahan na ako. Tama sya. Kaibigan ko sila. Huli na ng matanto kong hindi ko iyon naisip noon.

"Natakot ako, Win.."

"Sa amin?. Talaga Joyce?.. Bakit?.." ngayon. Masasabi ko na talagang naiinis na sya. Lumalakas na ang hampas nya ng kanyang pamaypay. Parang number three kung electric fan.

Nagagawa ko pang mag-isip ng nakakatawa. Gayong may luha saking mata. Baliw na yata ako.

"Na baka husgahan nyo ako.." mahina kong sabe. Nahihiya. O di kaya'y talagang takot ako sa opinyon nyang totoo. Katotohanang pilit kong iniiwasan.

"Ay Punyeta!!" malutong nyang mura. Di na ako nagulat sa galit nya. Kung ako naman ang nasa sitwasyon at ginawa nya ang ginagawa ko ngayon. Higit pa sa malutong na mura ang sasabihin ko. Higit pa doon.

Sa malutong na mura nyang iyon. Para akong natauhan. Nasampal o nasabunutan. Nagising sa katotohanan na mali nga ang lahat.

"Ayaw mong husgahan ka namin pero hinusgahan mo na kami?.." inis nyang siring. Kunot na ang noo nya. Sobrang seryoso. Nawala bigla ang pagkamasayahin nito.

Nasapul na naman nya ako! Damn Joyce! Tama nga sya! Takot kang mahusgahan ng ibang tao. Takot kang harapin ang mundo.

"Win, hindi sa ganun.." paliwanag ko pero umiling lang sya. "Ganun iyon Joyce.." mahinahon nyang tinig. Natahimik ako. Walang mahanap na tamang salita para magpaliwanag sa kanya. May tama ba sa maling ginawa ko? Dismayado ako ngayon sa sarili ko.

"Wala akong choice, Win. Nagsabay sabay lahat.."

"May choice ka Joyce.. ayaw mo lang mamili.." anya. Seryoso talaga. Napaayos ako ng upo. Nakayuko sa magkahawak na mga palad.

Tama na naman sya. May choice nga talaga ako pero ayaw ko lang mamili. Damn Joyce!!

"Mas pinili mong wag mamili dahil iyon ang madali?.." di ko matukoy kung patanong ba iyon o nasabi nya lang. "Hindi mo ba alam na mas kumplikado ang hindi mamili?.. mas mahirap iyon Joyce.." pagpapaintindi nya sakin. Tumango tango ako. "Pinili mong pumagitna sa tama at mali gayong alam mo naman ang pinagkaiba ng mali sa tama.."

"Nalito ako, Win.." totoo iyon.

Maingay syang bumuntong hininga. "Nalito, seriously?." paniguradong nakataas na ang dalawa nitong kilay sakin. "Una palang, alam mo ng mali na ang pagpayag mo kay Denise na gamitin ka against Bamby and Jaden. For the sake of you to Lance? Huh?.."

Damn it!

"You know Bamby.. sa tingin mo, huhusgahan ka nun pag nalaman nya about you and her kuya?.. hindi Joyce. hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.. baka nga, magsaya iyon at magpainom basta sa tuwa.. hindi ka sumubok Joyce.. hindi ka nagtiwala sa kakayahan nya.."

Kahit masakit ang mga sinabi nya. totoo lahat iyon. Alam ko na nung una na hindi ganun si Bamby, pero mas pinili ko pa rin ang pagkatiwalaan si Denise. Anong klase kong kaibigan?.

"I'm sorry..." lumabas na lamang iyon sakin. Konsensya ko ba.

Hindi sya nagsalita makalaan ang ilang segundo. Ganun rin ang ginawa ko. It's better this way. Makinig na muna. May punto kasi lahat ng sinasabi nya. "Hindi ako galit sa'yo.. hindi rin kita hinuhusgahan.. galit lang ako sa ginawa mo.. mali e.. kahit baliktarin mo pa.. mali talaga.."

"I'm sorry.." nanghihina kong sambit. Yumuko pa lalo.

"Hindi ka dapat sakin humingi ng tawad.. kay Bamby.. at sa kuya nya.."

"Pero natatakot ako.."

"Hanggang kailan ka ba matatakot?. Kapag huli na ang lahat?. Harapin mo ang takot Joyce. Tuturuan ka nuon kung paano lumaban at maging matapang.."

Natulala ako. "Kung gusto mong di na mahirapan pa.. harapin mo ang takot at indahin ang sakit.. iyon lang ang pinakamadaling paraan para mawala ang hirap na nararaansan mo ngayon.. trust me.. you'll get over it.."

Matagal bago naproseso ng utak ko ang mga sinabi nya. Dahan dahan akong tumango at nagpasalamat sa kanya. "Thank you, Win.." naluluha ko na namang sambit. Niyakap nya ako patagilid.

"Kung kailangan mo ng kausap.. andito lang ako.. kami ng mga kaibigan mo.. hindi ka nag-iisa Joyce.."

Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong ilabas ang lahat sa kanya. Inalalayan nya akong pumunta ng canteen saka nilibre ng pagkain. Matapos nun, maging sa room at upuan ko ay hinatid pa nya ako. "You'll be fine.." bulong nya bago tinapik ang ulo ko ng mahina.

Nakapikit kong isinatinig ang Thank you sa likod nya. Bumalik na ito sa upuan ilang segundo bago pumasok ang guro namin.

次の章へ