webnovel

Chapter 16: Scared

Kinabukasan. Hindi na ako mapakali. Bago kasi ako matulog kagabi. Tumawag na naman si Denise. Sinigurado nyang gagawin ko ang plano nya.

"Denise naman. Kailangan ba talagang gawin iyon kay Bamby?. Walang ginawang masama yung tao sa'yo.." umupo ako mula sa pagkakahiga habang hawak ang cellphone. Kausap sya.

"Wala man syang gawin. Sya pa rin ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Jaden.."

"E bakit sya ang sinisisi mo?..."

"Dahil sya lang naman ang gusto ng lalaking gusto ko."

Iyon naman pala. Teka! Ano nga ulit yung sinabi nya?.

"Ano!?." may parte sakin ang gustong marinig muli ang sinabi nya. Kaloka! Nagsasaya ako gayong nahihirapan ako sa sitwasyong ayoko.

Sigurado akong umikot na naman mata nya sa kawalan. "Kailangan ko pa bang ulit ulitin ang sasabihin ko Joyce?.."

Malamang. Gusto kong isagot subalit baka dagdagan pa nya problema ko. Kaya sinarili ko na lamang. Hindi na lamang ako nagkumento muli. "Tommorow Joyce.. umpisahan mo na ang plano ko." saka nya binagsakan ako ng tawag.

Hasyt! Kung wala ka lang nalalaman. Naku!

Heto ako ngayon at sumasakit na ang ulo kakaisip. May choice ka naman Joyce. Either ikaw ang masaktan or ang kaibigan mo. It's up talaga sa'yo kung susundin mo ba ang iniutos sa'yo o hinde.

"Good morning Joyce.." masayang bati ni Bamby sakin pagkapasok ko ng room. Lutang ako nang pumanhik kaya di ko sya napansin.

Hindi ko sya pinansin. Hanggang sa pag-uwi. She's with me all along but I didn't tried to talk to her at once.

Hindi nya napansin iyon. Pero ako?. sobrang guilty ko. Ngayon palang umiiyak na ako.

"Hija.. dinner is ready.." kumatok si mommy sa silid ko. Bumalikwas ako't inayos ang sarili. Naghilamos upang di nya mapansin ang mugto kong mata.

Kaming dalawa lang ang nasa hapag dahil may overtime daw si daddy sa office nila. She asked me about my day. At sinabi kong ayos lang. Na ang totoo ay, hindi naman.

After naming kumain. Bumalik na ako ng aking silid kahit na kakausapin nya sana ako. Wala ako sa mood at gusto kong mapag-isa sa ngayon.

Inabala ko ang sarili ko sa mga larawan na meron kami ni Bamby. Inopen ko ang laptop ko. Iniiscroll ko iyon hanggang sa magsawa. Sa paglipas ng oras. Nawawalan na naman ako ng ganang gumalaw kaya naisipan kong buksan ang cellphone. Pagkahawak ko palang ay tumunog na ito.

Isang unknown number.

Tinitigan ko muna iyon bago sinagot. Sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganitong oras?. Atsaka, walang ibang nakakaalam ng number ko kundi mga kaibigan ko lang. Sina Winly, Karen at Bamby.

"Hello?.." nanigas ako ng marinig ang malamig na boses na yun.

Kusang huminto ang ikot ng mundo ko. At pakiramdam ko ay, kaharap ko na naman sya.

"Hey, are you there?.." namamaos nyang tanong.

Damn it!! Lance! Bakit mo to ginagawa?.

"Lance?.." Hindi pa rin ako naniniwala na sya yung nasa kabilang linya.

"Hmm.. yes baby.." wag kang ganyan baby. Baka masanay ako!

Damn baby!.

"Paano mo nakuha number ko?.."

"Little Bamblebie.. shhhh.. hindi nya alam.." anya. Na para bang katabi lang ang kapatid nya.

I'm speechless!

"Bakit ka napatawag kung ganun?.." minuto bago sya sumagot. Mukhang may katabi nga sya. Naririnig ko ang kaluskos ng kanyang tsinelas. Lumayo yata sa mga taong nasa paligid nya.

Gosh! Kinakabahan ako!

"Namiss kita.." anya sa mahinang boses. Namiss?. Ako?. How?.

"Huh?.." hindi pa rin ako makapaniwala.

Sa sobrang kaba ko. Bigla ko nalang pinatay ang tawag nya. Natatakot akong mahulog ng tuluyan sa kanya.

次の章へ